Author

Topic: [Question] Twitter Audit tool (Read 212 times)

sr. member
Activity: 518
Merit: 278
June 26, 2017, 07:11:18 PM
#1
Gaano po ba ka-reliable yung tool na TwitterAudit? Nito po kasing nag-try akong mag-audit ng account ko ay ang lumabas ay 95% ang score ko pero ang 'real' followers ko lang daw po ay 60, kahit na nasa 917 ang followers ko kapag tinignan po ang aking Twitter account. Hindi po ako nagamit ng bot o bumili ng Twitter followers pero ang pinagtataka ko po ay bakit ganun lang ang pinapakita kahit nakailangang re-audit na po ako?

Ngayon ng mag-research po ako, may mga nabasa po ako na hindi daw po accurate o sabihin natin, hindi daw po talaga nakakapagbigay ng aktwal na bilang ng 'real' at 'fake' followers ang TwitterAudit. Katulad nalang sa research na ginawa po, halimbawa, ng Rantic. Sa research na ginawa po nila, humanap po sila ng random account sa Twitter na may 0 followers. Ngayon bumili sila ng 200-300 'fake' followers para i-follow yung random account na yun. Nang tsinek na nila sa TwitterAudit ang lumabas po na score ay 100% at ang nakakapagtaka pa, 0 po ang lumabas na 'fake' followers. Tignan nyo po ang result sa ibaba:





Parehas din po ang naging result ng sinubukan muli nila ito sa iba namang account na may 0 followers din. Dito lumabas na 100% ang audit score nito at 0 naman ang 'fake'.




Samakatuwid, ipinapakita po sa itaas na hindi po talaga tunay na nao-audit ang bilang ng 'real', 'fake' at 'score' followers ng isang account gamit lamang ang TwitterAudit. Sa article narin po na inilathala ng BuyTwitterFollowersReview, na may titulong The Difference between Fake & Inactive Twitter followers, ay halos ganito din po ang sinabi nila tungkol sa TwitterAudit:


Quote
The downside to Twitter Audit is that it’s not very accurate at distinguishing between fake and inactive followers. To identify fake followers, the tool considers metrics like number of tweets sent, the date of last tweet and the follower-to-friends ratio, while ignoring metrics like the number of logins, which can be helpful when determining whether a Twitter account is fake, or simply inactive. [Emphasis added]


Ngayon kung totoo nga po ang mga naisaad ko sa itaas ay mayroon lang po akong ilang katanungan. Una. Since hindi po pala ganung reliable o accurate ang TwitterAudit sa pag-estimate o audit ng bilang ng ating followers o sa pag-score sa ating account, e tama lang po ba na yan po ang gamitin natin, halimbawa, na indikasyon ng tunay bilang o dami ng 'real' at 'fake' followers ng isang account? Halimbawa nalang po, sabihin natin, ang isang account ay may 20k followers pero sa audit niya ay 70 lang ang lumabas na 'real' ngunit 98% naman ang score niya, pwede po bang masabi na tama ang naging audit? Ikalawa. Alin po ba ang mas tama pong gamitin kung sasali sa Twitter campaign kung hinihingi po ang bilang ng followers? Dapat po ba nating ibigay ang bilang ng followers natin base sa naka-indicate sa Twitter account o base sa TwitterAudit, kahit hindi po ito accurate?

Salamat po sa mga sasagot at magbibigay ng kanilang opinyon!

Jump to: