Author

Topic: Raid on Chinese-manned firm exposes cryptocurrency scam (Read 236 times)

member
Activity: 616
Merit: 18
📱CARTESI 📱INFRASTRUCTURE FOR DAPPS
I've watched that news sa TV Patrol. When I heard that cryptocurrency was mentioned, nagpunta ako agad sa sala para mapakinggan ng mas maigi ang news. I was planning to create a thread but I didn't seem to find the time. Buti na lang @Baofeng was able to make one.

Nagkalat na talaga ang mga mapagsamantala at mga mandurugas, salamat naman at nahuli na ang mga ito sa tulong na din ng mga kapwa nila tsino.

Itong mga taong ito ang sumisira sa reputation ng mga cryptocurrency.
Hay. Sinabi mo pa, kabayan. I can't help but think na ginagawa nang kuta ng mga Tsino itong bansa natin. No offense but with all the businesses that mostly Chinese owns, and with the issue with Scarborough, plus this kind of activity, can you blame me for thinking that way? I'm just a concerned citizen here. I know we all are. Hindi kasi talaga maganda ang nagiging effect sa crypto ng ganyang klaseng balita. Lalong nagiging skeptical ang mga tao and natatabunan na lahat ng benefits nya in just a snap.
I agree, although madami talagang business na Chinese mismo ang mga may-ari madami din namang mga illegal na aktibidad ang ginagawa nila dito sa ating bansa. Parang binabayaran lang nila ang ilang tiwaling opisyal ng gobyerno para magawa ang gusto nilang gawin. Dadagdag na naman ang mga taong ang pananaw sa crypto ay scam dahil sa mga balitang ito.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 294
I've watched that news sa TV Patrol. When I heard that cryptocurrency was mentioned, nagpunta ako agad sa sala para mapakinggan ng mas maigi ang news. I was planning to create a thread but I didn't seem to find the time. Buti na lang @Baofeng was able to make one.

Nagkalat na talaga ang mga mapagsamantala at mga mandurugas, salamat naman at nahuli na ang mga ito sa tulong na din ng mga kapwa nila tsino.

Itong mga taong ito ang sumisira sa reputation ng mga cryptocurrency.
Hay. Sinabi mo pa, kabayan. I can't help but think na ginagawa nang kuta ng mga Tsino itong bansa natin. No offense but with all the businesses that mostly Chinese owns, and with the issue with Scarborough, plus this kind of activity, can you blame me for thinking that way? I'm just a concerned citizen here. I know we all are. Hindi kasi talaga maganda ang nagiging effect sa crypto ng ganyang klaseng balita. Lalong nagiging skeptical ang mga tao and natatabunan na lahat ng benefits nya in just a snap.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
Madami talaga scammer na Chinese kasi naranasan ko yan ilang beses na dun sa telegram, nagpapanggap sila na parang walang alam tapos bibiktimahin ka pala, buti nalang nasense ko na hindi totoo yung mga sinasabi nya kaya ayon, hindi na ako nagreply. Kaya ingat tayo mga paps, hindi lang sa mga Chinese kondi sa lahat ng tao, iba na talaga panahon ngayon.
Iba talaga sila no, bati ba naman sa telegram maraming scammer na chinese buti hindi ka naloko ng mga iyon. Kung minsan talaga ang mga dayuhan dito gumagawa ng kalokohan kasi mahirap mahuli kung mahuli ka man malas mo na lang iba kasi ang security ng mga Pinoy kesa sa ibang bansa sa kanila kasi madaling madetect at matindi talaga ang batas kaya ang mga tao takot gumawa ng hindi maganda sa kapwa nila.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Marahil ang ibang economic zones sa Pinas ay maglalagay na ng preventive measures dahil na rin sa exposé na ito. Kamakailan lamang eh yung mga illegal Chinese workers ang nahuli dito sa Pinas, ngayon naman dawit na ang cryptocurrency sa kagagawan ng mga Intsik. Hindi na ako magtataka kung halos lahat ng mga illegal na investment schemes ay dito mag-base sa Pinas gawa ng kakulangan ng pangil ng mga batas at regulasyon na ipinapataw natin. Posibleng maging "Malta of Asia" ang Pinas dahil ngayon, masyado pa ring unclear sa lahat kung ano nga ba talaga ang saklaw ng mga regulasyon, memorandum at mga batas na isinasagawa ng ating mga  solon pati na rin ng BSP.

Heto.

Yan talaga ang nakakatakot na posibleng mangyari sa Pinas if hindi talaga maghihigpit. At ang masamang dulot din nito sa ating mga crypto enthusiast, open na open ang Pinas sa crypto tapos mababahiran ng masamang imahe as loob at labas. Sana "Malta of Asia" in a positive way  Grin, pero baka maging hindi sa kakulangan ng pangil at pagpapatupad ng batas.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
Hindi na bago itong balitang ganito.  Kahit na walang CEZA kung gustong mang scam ng isang company, mang-iiscam talaga sila. Sa mga nabalitaan ko, maraming scam company ang nagpaparehistro sa SEC pero iba ang ginagawa nila sa dineclare nilang serbisyo.  Ang ganitong klaseng istratehiya ay matagal ng ngyayari lalo na sa industriya ng network marketing.  Hindi naman masugpo-sugpo ng SEC kasi hindi naman sila nagiinspeksyon after nila magbigay ng permit unless may mga tao ng nagrereklamo.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
Madami talaga scammer na Chinese kasi naranasan ko yan ilang beses na dun sa telegram, nagpapanggap sila na parang walang alam tapos bibiktimahin ka pala, buti nalang nasense ko na hindi totoo yung mga sinasabi nya kaya ayon, hindi na ako nagreply. Kaya ingat tayo mga paps, hindi lang sa mga Chinese kondi sa lahat ng tao, iba na talaga panahon ngayon.
full member
Activity: 434
Merit: 100
Hexhash.xyz
Katakot talaga basta intsik yung CEO ng isang proyekto ng cryptocurrency kasi may bad record na eh kahit di naman lahat sa kanila ay masama. Halos lahat kasi ng mga project na nagpapa ICO na Intsik ang CEO or team members ay may mga issue talaga yan ang napapansin ko, siguro agree naman kayo sa sinabi ko po.
full member
Activity: 1344
Merit: 102
Ano ba yan... panibagong bad news nanaman sa cryptocurrency sa ating bansa ng dahil sa mga chinese. Dumadami na ang mga chinese sa ating bansa dahil sa casino na yan, dawit na tuloy ang cryptocurrency sa mga kalokohan nila. Sana hindi aabot ang issue about cryptocurrency sa ating gobyerno, alam niyo na.. baka ipagbawal.
hero member
Activity: 1120
Merit: 553
Filipino Translator 🇵🇭
Dapat talaga bantayan nang maigi ang operasyon ng mga intsik dito sa Pilipinas dahil ang lumalabas, dito nila ginagawa lahat ng mga sketchy/shady activities nila since di nila magawa sa sarili nilang bansa dahil sa batas. Sana talaga higpitan ang pagkuha ng visa ng mga intsik sa pagpunta dito sa bansa (kung meron man). Ang problema nga lang, may mga kumukuha ng tourist visa tapos di na bumabalik sa bansa nila. Usually sila yung gumagawa ng kalokohan dito sa bansa natin.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Yun nga lang talagang nakakasama sa imahe natin. I mean heto tayo isa sa mga friendly crypto country sa Asia at sa buong mundo. At tayong mga crypto enthusiast at masaya sa takbo kasi nga wala tayong problema hindi katulad ng ibang bansa na saksakan ng kontra sa bitcoin. Kita nyo naman sa local community natin ang dami at buhay na buhay.

Tapos isang araw makakarinig o makakakita tayo ng ganitong balita na sa sobrang luwag natin aabusihin. Nandiyan pa rin talaga ang korupsyon sa tin. Kahit anong gawin, kung makakaloko at makakadaya gagawin at gagawin. Nakakadungis sa ting mga supporter ng crypto sa bansa.
sr. member
Activity: 1358
Merit: 326
Nagkalat na talaga ang mga mapagsamantala at mga mandurugas, salamat naman at nahuli na ang mga ito sa tulong na din ng mga kapwa nila tsino.

Itong mga taong ito ang sumisira sa reputation ng mga cryptocurrency.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Ito na naman yung kinakabahala ko eh, ginagamit ang cryptocurrency sa mga illegal na aktibidad. Syempre yung mga walang masyadong alam sa cryptocurrency kapag nabasa ito ay papangit na agad ang imahe nila sa cryptocurrency at hindi na maglalaan pa ng oras para basahin ang tungkol dito. Sana ay maubos na ang mga scams na ito dito sa Pilipinas.

Yan nga din ang nasa isip ko brader, buti nalang na ang samgkot sa kasong ito ay puro Chiness (suspects and victims), hindi na masyadong mag-iimbistiga yong mga authorities kung ano ang modus nila sa pambibiktima gamit ang cryptocurrency thus minimizing the spread of this negative news related to crypto.
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform

https://business.inquirer.net/279076/raid-on-chinese-manned-firm-exposes-cryptocurrency-scam

Parang sketchy ang details pero mukang na ta take advantage na ng criminal (specially Chinese) ang Ceza license. Nag ooperate sila outside ng jurisdiction ang ang tinatarget ay mga Chinese investors. Heto lang ang pagkaka intindi ko ah.

Parang ganon na nga, there's no specific amount involve regrading the reported scam, it's more like a violation of the license issued to them, and ever they scammed people, their target are mostly Chinese people so it's not really a major problem for the Philippines unlike the KAPA but good thing these people that are arrested will be deported.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523

Hindi na ako magtataka kung halos lahat ng mga illegal na investment schemes ay dito mag-base sa Pinas gawa ng kakulangan ng pangil ng mga batas at regulasyon na ipinapataw natin.

Sa kasalukuyang batas na sumasakop dyan, kung titingnan, napaka ganda at talagang matatakot ang sinuman na gumawa ng mga ganyang schemes.

Pero dahil sa napakalambot na pamamahala at walang pangil gaya ng sabi mo, walang nangyayari. Another corruption kasi yan. Kahit punong ehekutibo di alam yan. Maganda ang batas pero di napapatupad ng maayos. Dahil dyan, nakita ng iba kung gaano kaluwag sa Pilipinas kaya ayan di mapigilan ang paglaki nila. Di lang yan marami pa dyan nakadaya ng lisensya.
Siguro kung napapatupad lang ng maayos ang batas dito yang mga taong scammer na yan ay matatakot gumawa ng kalokohan dito sa Pilipinas kaya sila gumagawa ng mga ganyan dahil alam nila na maluwag dito sa Pinas compared sa ibang country. Tingin ko panahon na talaga na ipakita sa mga scammer ang tunay na bataa ng Pilipinas para wala nang gumaya o magtangka pa na kahit na sino na gumawa ng mga schemes na ganyan.
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game

Hindi na ako magtataka kung halos lahat ng mga illegal na investment schemes ay dito mag-base sa Pinas gawa ng kakulangan ng pangil ng mga batas at regulasyon na ipinapataw natin.

Sa kasalukuyang batas na sumasakop dyan, kung titingnan, napaka ganda at talagang matatakot ang sinuman na gumawa ng mga ganyang schemes.

Pero dahil sa napakalambot na pamamahala at walang pangil gaya ng sabi mo, walang nangyayari. Another corruption kasi yan. Kahit punong ehekutibo di alam yan. Maganda ang batas pero di napapatupad ng maayos. Dahil dyan, nakita ng iba kung gaano kaluwag sa Pilipinas kaya ayan di mapigilan ang paglaki nila. Di lang yan marami pa dyan nakadaya ng lisensya.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Ito na naman yung kinakabahala ko eh, ginagamit ang cryptocurrency sa mga illegal na aktibidad. Syempre yung mga walang masyadong alam sa cryptocurrency kapag nabasa ito ay papangit na agad ang imahe nila sa cryptocurrency at hindi na maglalaan pa ng oras para basahin ang tungkol dito. Sana ay maubos na ang mga scams na ito dito sa Pilipinas.
Hindi na bago na ginagamit talaga ang cryptocurrency bilang pang scam ng mg tao at bilang user nito nakakialungkot isipin dahil posible na maging hindi maganda na namang ang tingin ng mga tao sa cryptocurrency ng dahil sa mga gamitong uri ng scam. Naku dapat talaga sa mga scammer na yan ay mabilanggo ng habang buhay para hindi na ulit makapangscam pa ulit.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Marahil ang ibang economic zones sa Pinas ay maglalagay na ng preventive measures dahil na rin sa exposé na ito. Kamakailan lamang eh yung mga illegal Chinese workers ang nahuli dito sa Pinas, ngayon naman dawit na ang cryptocurrency sa kagagawan ng mga Intsik. Hindi na ako magtataka kung halos lahat ng mga illegal na investment schemes ay dito mag-base sa Pinas gawa ng kakulangan ng pangil ng mga batas at regulasyon na ipinapataw natin. Posibleng maging "Malta of Asia" ang Pinas dahil ngayon, masyado pa ring unclear sa lahat kung ano nga ba talaga ang saklaw ng mga regulasyon, memorandum at mga batas na isinasagawa ng ating mga  solon pati na rin ng BSP.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1860
They are taking the opportunity to grow their business sa CEZA kasi mas mahihirapan sila sa sarili nilang bansa. Mejo mas mahigpit sa China. Sa kabilang banda, ang CEZA ay dinesenyo na maging cryptocurrency hub. So siguro ito yung naging best option nila. Nakakuha sila ng lisensya. Siguro hindi rin nabusisi ng maayos ng CEZA yung actual na operation. Syempre mahirap din yun kasi nga offshore ang transactions. O kaya iba yung pinapalabas nila mismo.
member
Activity: 616
Merit: 18
📱CARTESI 📱INFRASTRUCTURE FOR DAPPS
Ito na naman yung kinakabahala ko eh, ginagamit ang cryptocurrency sa mga illegal na aktibidad. Syempre yung mga walang masyadong alam sa cryptocurrency kapag nabasa ito ay papangit na agad ang imahe nila sa cryptocurrency at hindi na maglalaan pa ng oras para basahin ang tungkol dito. Sana ay maubos na ang mga scams na ito dito sa Pilipinas.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Quote
Grapefruit is an authorized service provider of Golden Millennial Quickpay Inc. Ltd., an offshore cryptocurrency company licensed by the Cagayan Economic Zone Authority (Ceza), according to the source.

Quote
Its registration documents from the Securities and Exchange Commission (SEC) expressly prohibit Grapefruit from undertaking activities as a securities broker or dealer, or as an investment adviser or investment company. Grapefruit is also barred from operating on fiat money or virtual currency exchange.
Maliban sa working outside the authorized area, lumalabas na engage pa sila sa activities na hindi allowed sa SEC registration nila. It is still unclear kung ano talaga yung activity nila, hula ko lang nag-offer sila ng crypto investments na may guaranteed returns. Baka acting na din as crypto exchange.

Quote
Grapefruit is an authorized service provider of Golden Millennial Quickpay Inc. Ltd., an offshore cryptocurrency company licensed by the Cagayan Economic Zone Authority (Ceza), according to the source.
Pamilyar ba Huh
legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
(.....)
Nag ooperate sila outside ng jurisdiction ang ang tinatarget ay mga Chinese investors. Heto lang ang pagkaka intindi ko ah.
Parang ganyan din yung issue tungkol sa balita recently about POGO, nasabi doon na halos ang mga customer nila ay chinese din mga posibling naka tira sa China, tapos yung mga online gambling na yun ay dito nag ooperate sa Pilipinas, nasabi din nila na ang mga customer nila ay ibang mga chinese pero mga hindi taga China kundi mga taga ibang bansa maliban sa China.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
According sa Inquirer.net.

Quote
MANILA, Philippines — Local authorities — acting on a tip from the Chinese government — have uncovered what could be a growing online investment scam hiding behind a fledgling industry based in one of the country’s special economic zones.

This was after government agents last week arrested 277 Chinese nationals during a raid in Pasig City on suspicion of using cryptocurrency operations to dupe unsuspecting would-be investors back in China.

Jump to: