Author

Topic: RCBC credit card call SCAM (Read 123 times)

full member
Activity: 728
Merit: 151
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
October 05, 2024, 01:20:22 AM
#7
Hindi na ito bago kabayan alam mo ba bakit nakuha nila halos lahat ng information mo?
pinagkakakitaan din kasi ito ng mga banks minsan or kung hindi man sila, ang information kasi ay binebenta, if tama ako nuong nagtry ako magtelemarketer ilang taon na nakakalipas, nakaprint iyan sa isang papel kung saan andun lahat ang information mo, tatawagan nalang , karaniwan may access sa ganeto ung mga insurance, galing sa banko, since, may banks na gun pinapasok ung sa insurance or nasa banks na sila, maiinvite ka duon at oofferan ka ng anu anung insurance, kaya ang payo ko pagtumawag regarding sa pagaalok ng cards or anything ignore mo na agad, minsan kasi nkakaligtaan natin at nkakapagbigay pa tayo ng ibang information sa kanila,
salamat sa info mo din boss.
hero member
Activity: 1904
Merit: 541
October 04, 2024, 03:02:46 AM
#6
Yan ang medyo nagiging mainit na usapin ngayon sa panahon na ito sa bansa natin sa totoo lang,  yung may biglang tatawag sayo at magpapanggap na agent ng isang banko, at magpapakilala, at sasabihin nila lahat ng details mo sa bank account na meron ka para magmukhang legit. Kaya nga ako this week lang na lumipas ay madaming lumalabas na number sa mobile phone ko kung saan nakaregister ang gcash ko ay mga tumatawag at hindi ko sinasagot.

Ang nakakapagtaka pa yung tumatawag hindi mo maririnig yung sounds ng ringing nya, pero pagtumatawag yung kaibigan ko may sounds naman yung ringing pagtumawag siya, yung sa mga scammer wala. Kaya itong ginawa na post ni op ay totoo talaga yan dahil ito yung video na napanuod ko na related sa ganyang sitwasyon na pangbibiktima ng mga scammers.

https://www.youtube.com/watch?v=5ypwQ09RJN8

hero member
Activity: 2464
Merit: 594
October 03, 2024, 10:33:47 AM
#5
Nakakatakot talaga kung gaano ka-accurate ang mga detalye na alam nila, pero buti na lang at alerto ka, OP, at hindi ka bumigay sa mga huli nilang pakulo. Tama ka rin sa desisyon na huwag ibigay ang OTP, kahit ano pang term ang gamitin nila. Sa ganitong sitwasyon, mahalagang maging mapanuri at palaging double-check ang mga hinihingi ng mga representatives.

Ang mga breach o vulnerability sa system ay posible rin, kaya mahalagang palaging bantayan ang mga account at gumamit ng additional security features tulad ng two-factor authentication kapag available.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
October 03, 2024, 10:09:37 AM
#4
Dapat wala ng ganitong scam attempt kung naiimplement lng ng tama yung Sim Registration Act dahil mareregister sa pangalan yung ginamit na number kaso sobrang dali bumili ng sim at idispose kaya nakakalusot pa dn yung ganitong scammer.

Sa pagkakaalam ko ay naleleak yung mga bank info natin kapag nagpa outsource sa mga call center ang banks orsa mga credit card agent na nanghihingi ng imfo sa mga malls.

Kaya ako hindi ako nag eentertain ng tawag related sa credit card since lagi naman akong on time magbayad. Kahit yung mga credit card insurance at iba pang add ons ay diko ineentertain since sobrang hirap na magtiwala sa mga calls.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
October 03, 2024, 08:22:17 AM
#3
If active ka sumama sa mga group like kaskas ata yun is marami kang makikitang ganitong klaseng concern tapos alam nila agad ung mga application mo and also your details kaya napapaisip ako if may breach ba na nangyayari sa kanila or sadyang vulnerable lang yung system nila kaya aware itong mga scams na ito, pag talaga hindi ka maalam sa mga ganito is madali ka ma victim isa sa mga ginagawa ng mga iphone user recently is yung gumagamit sila ng viber to show up ung caller ID if galing ba talaga sa rcbc or not yung natawag.

              -      kasali na ako dyan  Smiley at to be honest ang laking tulong ng kaskasan buddy sa mga...

- baguhan sa credit card
- mga gustong magka credit card
- mga nagpaparami ng card para sa NAFFL (No Annual Fee For Life)
- At mga hack tips para makamura sa mga bilihin tulad ng mga
50% off sa mga resto

ito yung FB group nila
https://www.facebook.com/groups/kaskasanbuddies/announcements

meron din pla silang viber group.. kaskasan buddies


disclaimer: i am not promoting them or encouraging anyone to join.
this is just my informative post. thank you.

legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
October 03, 2024, 07:25:16 AM
#2
If active ka sumama sa mga group like kaskas ata yun is marami kang makikitang ganitong klaseng concern tapos alam nila agad ung mga application mo and also your details kaya napapaisip ako if may breach ba na nangyayari sa kanila or sadyang vulnerable lang yung system nila kaya aware itong mga scams na ito, pag talaga hindi ka maalam sa mga ganito is madali ka ma victim isa sa mga ginagawa ng mga iphone user recently is yung gumagamit sila ng viber to show up ung caller ID if galing ba talaga sa rcbc or not yung natawag.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
October 02, 2024, 09:24:24 PM
#1
           - Magandang araw mga kababayan, nais kong ibahagi sa inyo ang aking experience sa isang long call mula sa RCBC representative (DAW) for my credit card.

Alam nila ang aing Full name, address, number , Email and even birthdate. worst! Alam nila ang aking 16 digits credit card number.
Alam din nila ang aking credit card limit. Sa aming pag uusap wala kang magiging pagdududa na ito ay peke lamang.
Tinanong na rin nila kung ano ano ang mga nakuha kong regalo nung natanggap ko ang aking card. dapat daw mayroon akong Tumbler, payong at kung ano-ano pa.
Inalok nya rin ako sa Huli kong purchase if gusto ko bang iinstallement dahil free daw ito sa pagprocess for 6-12 months.
Tinanong din ako if gusto ko ba na iconvert yung laman ng card ko into loan up-to 5 years or 60 months.
Everything was a smooth call when we reached this stage.

Hindi ako pumayag sa ano mang loan offer or balance conversion nila.
Tapos sinabi nya na iprocess daw nya ang aking credit limit approval para maging doble ito.
This is the thing i really want before pa, so sige go ahead sabi ko.
Wala itong bayad at wala naman need ibigay na info para maprocess kundi yung basic lang din na 16 digit card number, name and bday.

Buti nlng at  techy ako at madalas sa online world. pinaliwanag na nya yung OTP
na iba iba daw ito ng meaning

One time password - na never daw nya hihingin at wag na wag ko daw ibibgay kahit knino.
One time process - ito daw ay code to process the request. (dito na ako nagduda)

Asked me if naenroll na daw ba yung account ko sa online app which is requierd daw.
sabi ko matagal na po. (kinokontak ko na through messenger yung classmate ko nung HS na may hawak ng account ko or  nag -assist sakin sa bank)
she asked me ano username ko, binigay ko pero iniba ko.
tapos sinabihan ko na as pagprocess nya wag ko daw muna iopen yung account ko para di magkaroon ng problem.
(wala naman akong gingawa that time so i have plenty of time, para mas maganda nagbukas narin ako ng computer. nag log in sa online banking ko para ilock mga card ko)
nanghingi ng 2 minutes to processsi ate. sabi ko, sige lang po.

Hindi daw nya mprocess, need nya daw yung One time process , ipapadala daw nya.
------------sa pagrecover ng ng online account pwede na ang card number gamitin para sa forgot password + yung uesrname mo.. (mali naman binigay ko)
may dumating sakin na OTP. pero sabi ko wala pa o natatanggap, (sakto nmana sumagot na classmate ko at mabilisan kong sinabi lahat. ignore daw dahil scam yun an file an email report to help them sa ganung scam)
nagpadala ulit ng OTP sabi ko i will never give my OTP to anyone. sabi nya this is one time process po na ned ko at hindi one time password. pinasa pa ako sa  manager daw nya!
at the end napagod din sya sa kakakulit.


PS...
Dumalas yung scam call na nababasa ko na rin sa iba nung nagsimula ang RCBC UNLIPAY sa knilang credit card online app.
Dito kasi pwede mong ipambayad nag credit balance mo sa card papuntang other banks na walang tubo.
Yung credit card mo naging debit card pero utang parin!


Mag-ingat po tayo sa mga ganitong scam. hindi lang po ito sa RCBC marami rin sa ibang banks.


If you encounter this ilagay ko dito yung contacts nila para makahingi kayo ng tulong.

https://www.rcbc.com/contact-us

For banking-related concerns, call the RCBC Hotline
+632 8877-7222
 

For Domestic Toll Free
1-800-10000-7222

For International Toll Free
(International access code)+800-8888-7222

For RCBC Credit Cards
+632 8888-1888
Toll free: 1-800-10-888-1888
[email protected]
Jump to: