Author

Topic: Re: 🌟🌟NEW🌟🌟 **ICO OPEN** EARLY INVESTOR BONUS ON NOW 🌟LET🌟IT🌟RIDE🌟 DICE (Read 316 times)

hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform

SALE ON NOW!!.
Invest at www.letitri.de



Mga impormasyon tungkol sa Coin
Pangalan: LetItRide
Ticker: LIR
Algo: POS 3.0
Kabuohang bilang ng mga coin: 33, 500, 000
Pabuya sa POS: 7% bawat taong hanggang mag asset swap
Maturity 8 oras
Blocktime: < 1 minuto
Pondo para sa development: 500K coins


Mission Statement
Ang unang layunin ng Letitri.de ay maging pinaka kilala, pinagkakatiwalaan, at mapapatunayang patas na site ng pagsusugal na may pinakamalaking bankroll upang makatanggap ng pinakamalalaking taya. Ang aming mga disenyo at implementasyon ay ginagawa sa makabago at malikhaing paraan. Dahil dito, kami ay makikipag-ugnayan sa komunidad at aming mga mamumuhunan para tulungang pagandahin ang aming mga konsepto. Ito ang magbibigay sa mga tao ng kasiyahan sa pagsusugal sa isang makabagong paraan. Sa simula, tututukan namin ang mga larong nakabase sa dice at mga regular na larong casino. Sa pagsali dito magkakaroon kayo ng malaking potensyal na kita. Ang aming panghuling layunin ay maging ganap ang decentralization ng aming platform. Para dito gagamitin namin ng husto ang mga Smart Contracts at mga DApps sa hinaharap. Mahalagang tandaan, na hindi namin nililimitahan ang aming paningin sa kung anong teknolohiya ang kaya naming
i-develop, kundi kung paano namin magagamit ang umiiral na teknolohiya at teknolohiya na kasalukuyang dine-develop para pagandahin ang aming proyekto.


Team

Shogdite
Espesyalista sa Blockchain
[email protected]
Pinuno ng coin development, espesyalista sa blockchain at pangkalahatang nutball sa crypto. Crypto enthusiast mula January 2014. Interesado sa pagsasaliksik ng iba't-ibang gamit ng teknolohiya para sa decentralization gaya ng mga smart contracts at DApps.


Phoenix1969

Direktor ng Marketing, Media Management, Networking
[email protected]
Si Phoenix1969 ay ipinanganak sa USA at nag-aral ng post-secondary sa Ohio State University. Siya ay isang masipag na negosyante at malaking tagahanga at taga-suporta ng proyektong LISK. Nais niyang magtrabaho kasama si Shogdite sa paghahanap ng mga application ng LISK na may kinalaman sa proyektong LetItRide.


Frank W.
Risk Management Officer
[email protected]
Si Frank ay may 4 na taong karanasan sa risk assessment at management sa parehong online at mga casinos sa totoong buhay. Si Frank ay umaasang maibibigay ang kanyang kaalaman at kakayahan para siguruhin ang kita ng LetItRide.


Jigar S.
Programmer / Developer ng Platform
[email protected]
Si Jigar ang aming core programmer, isinilang at lumaki sa puso ng India. Siya ay may malakas na background sa C, C++, Java, JavaScript at kailan lang sa C#. Siya ay maghahanap ng mga karagdagang kasamahan sa team sa ilalim niya para pangunahan ang aspetong programming development ng aming proyekto kasama na ang web development.


How will the Crowdfunding work?

Sa aming site, kayo ay maaring mag-signup gamit ang email address at magdeposito ng Bitcoin sa aming system. Kapag kayo'y nakapagdeposito  na ng Bitcoin sa aming system, maari na kayong maglagay ng mga order para sa LIR gaya ng paglalagay ng mga order sa mga website ng palitan gaya ng Poloniex. Gusto naming maging transparent sa abot ng makakaya habang sa paggawa nito, kaya lahat ng Bitcoin na idedeposito ay ilalagay sa isang table na nagpapakita ng BTC address, kabuohang halaga na dineposito atbp.

Mangyaring magdeposito lamang ng bitcoin na balak niyo talagang i-invest. Lahat ng bitcoin na dinepositoay dapat nasa order books bago matapos ang paunang bentahan. Ang withdrawal ay hindi pagaganahin hanggang matapos ang bentahan. Maari ninyong baguhin ang inyong mga presyo sa order books, pero maari lamang itong taasan. Ito ay para siguruhin na habang tumataas ang presyo, maaring itaas ng mga naunang naglagay ng order ang kanilang presyo. Kung mas maaga kayong maglalagay ng order (base sa oras), mas makabubuti dahil mas may prayoridad sa pag release ng coins ang pinakamataas na presyo at pagkatapos ay ang pinakamaagang petsa/oras. Kapag binago ang presyo ng inyong order, hindi hindi magre-reset ang oras ng paglagay ng inyong order.

Kung sa hinaharap kami ay magdesisyon na mas makabubuting gamitin ang kapangyarihan ng ibang umiiral na blockchain (hal. WAVES / LISK) maaring mag swap para mag-migrate mula sa aming coin papunta sa isang asset sa nasabing blockchain. Para sa halimbawa kung bakit maari itong mangyari sa hinaharap, mangyaring basahin ang bahaging pinamagatang “Fiat Gateway.”

Buy back clause at mga Dibidendo

Bawat buwan, kami ay maglalaan ng 10% ng kita para sa pagbili muli (sa pinakamababang presyo) ng LIR sa bukas na merkado / mga palitan. Ito ay para makapagtakda ang mga user ng presyo kung saan nila gustong magkaroon ng balik ng interes. Unti-unti rin naming mababawi ang mga LIR na naibenta para mas lumaki ang kita.

Ang mga dibidendo ay babayaran gamit ang 25% ng kita bawat buwan. 10% ng kita ay mapupunta sa aming 10 pinakamalalaking mamumuhunan sa paunang bentahan, ng walang iba pang kundisyon. ANg natitirang 15% ay paghahatian between ng mga sumali sa dibidendo sa pamamagitan ng pag opt-in sa aming site. Para makasali kailangan munang ideposito ang inyong coins sa aming site, at mag opt-in. ANg inyong coins ay ilalagay sa isang address namin (link sa block explorer at signed na mensahe ay malapit na). Halimbawa: Kung si Joe ay nagpadala ng 1,000 coins sa dividend program, at si Sam ay nagpadala ng 3,000 may kabuohang 4,000 coins sa programa kaya si Joe ay kikita ng 25% (1000/4000) ng 15% (kabuohang kita) na 3.75% ng kabuohang kita.

Ang mga coins ay maaring makuha kung gusto nyo nang itigil ang pagtanggap ng dibidendo. Ang mga dinipositong coins para sa dibidendo ay kasali rin sa pooled staking, pero ang feature na ito (pooled staking) ay hindi agad gagana. Tandaang sa pagsali ng inyong coins sa aming dividend program hindi pa maituturing na “mature” (makakasali sa staking) ang mga ito hangga't hindi pa namin sila nahahawakan ng hindi bababa sa 21 araw. Ito ay para siguruhing hindi maaabuso ang aming system sa pamamagitan ng pag labas-masok ng coins para lamang makakuha ng dibidendo.

Ang mga account na sumali sa paunang bentahan lamang ang maaring sumali sa dividend program para ang mga maagang mamumuhunan ay aani ng karamihan ng mga gantimpala. Tandaan, siguardo kami na may mga magtatangkang ibenta ang kanilang mga account para ipagamit sa iba para mag-invest pero mariin namng ipinapayo na huwag itong gawin. Kung sa palagay namin na ang isang account ay ibinenta, maaring
i-freeze namin ang account at magsagawa ng imbestigasyon. Kapag may sapat na katibayan na binenta ang account, maaring humantong ito sa pagkaka-suspinde ng account.

Kung sa hinaharap kami ay nagpasyang mas makabubuting ibenta and site/proyekto, kami ay magbibigay ng buy back sa 35% ng halaga ng pagkakabenta nito.

Bakit kami naiiba?

Mula sa simula, binibigyan namin ang mga mamumuhunan ng pagkakataon na sumama sa aming paglalakbay sa mundo ng dice at pagsusugal at makihati sa malaking porsyento ng kita namin. Ang mga maagang mamumuhunan ay hindi lamang makikinabang mula sa kanilang kita sa interes sa hinaharap, kundi pati sa mga sumusunod:
-Prayoridad sa ICO order book base sa oras.
-Makabagong mga laro.
-Dedikadong team na may maraming taong karanasan sa crypto.
-Espesyal na styling sa aming on-site chat.
-Win of the day multiplier.
-Espesyal na mga bonus.

Ang mga huling mamumuhunan (post-ICO) ay makakapag-invest lamang sa pamamagitan ng pagbili mula sa mga orihinal na maagang namuhunan ay makakasali lamang sa buy-back program.

Pagkatapos ng pagbebenta, maaring niyong ituloy ang paghawak sa coins para sa stake, ipalit ang mga ito sa mga palitan / buy-back program, magsugal ng direkta sa site, o kahit na ipahawak ito sa amin para makasali kayo sa aming hatian ng kita.

Ang aming site ay maraming features na may gantimpala sa parehong mga nananalo at natatalo kaya kahit matalo ka ng sunod-sunod, pakiramdam mo pa rin ay parang nanalo ka! ANg ilan sa mga features na tinitignan naming isama ay ang “Loss Streak Bonus”, isang lingguhan/buwanang leader board kung saan ang 3 pinakamataas at tatanggap ng espesyal na premyo, “Lucky Roll of the Day”, mga achievement na magbibigay sa inyo ng puwang sa aming hall of fame, chat features na magbibigay ng magandang karanasang sosyal, nagbabagong lamang ng bangka na may mga sorpresa at magagandang oportunidad sa mga referral.

Desentralisasyon / Mapatutunayang Patas


Isa sa aming mga unang prayoridad sa proyekto ay ang pagkakalagay ng aming mga laro sa isang modelo na nagbibigay sa mga gumagamit  ng kumpiyansa na sila ay hindi nadaya. Para magawa ito, titignan namin ang paggawa ng mga laro sa isang mapapatunayang patas na paraan.
Ang kliyente ay pwedeng mag beripika na hindi sila nadaya at ang mga halaga ay hindi minanipula. Ang konsepto ng mapatutunayang patas na mga laro ay maaring i-apply sa mga larong baraha (pagbabalasa ng deck), mga larong dice (random number generation), slots (random number generation) and iba pang mga laro.

Maaring may makita kami ng mga laro habang lumalawak ang aming mga ideya sa hinaharap kung saan maaring hindi posible na laruin ito sa paraang mapapatunayang patas. Sa sitwasyong ito,  gagamitin namin ang kinalolokohan ng mundo ng crypto sa malaking bahagi ng nagdaang 2 taon - Smart Contracts at DApps. Pag dumating kami sa puntong ito ng aming proyekto, maaring tignan namin para gamitin ang mga umiiral na  platforms gaya ng ETH, LISK o WAVES para matulungan kami sa pag-decentralize ng mga laro o kung hindi ito maaring gawin kami mismo ang magde-develop ng teknolohiya. Kung ang teknolohiya naman ay nandiyan, walang dahilan para imbentuhin muli ang gulong. Ang pag-optimisa sa aming development schedule ay isang mahalagang bahagi ng tagumpay.

Fiat Gateway

Habang sa kasalukuyan ay nakadepende sa WAVES platform, maari naming maakit ang mga gumagamit na hindi gaanong pamilyar sa  cryptocurrencies sa paggamit ng teknolohiya na dine-develop ng WAVES para sa fiat-backed tokens (USD, EUR, CNY).




Paano ang paggamit ng pondo?

Malaking bahagi ng pondong malilikom (70%) ay mapupunta sa bankroll. Ito ay upang siguruhing makakatanggap kami ng malalaking taya sa simula pa lang. May direktang kuneksyon ang laki ng kita ng sang casino at ng bankroll nito dahil ang mas malalaking taya ay nangangahulugan ng mas malaking gross para sa casino mismo. Para sa marketing, kami ay gagamit ng 10% ng bankroll. Kami ay naniniwala na dahil malaki ang ang potensyal ng aming kita, kung kinakailangan ng mas malaki para sa marketing maari naming tignan ang paggamit ng aming kita para dito. Para sa development, kami ay gagamit ng 10% ng pondo gaya ng tantiya ni Jigar. Kapag natapos na namin ang paglikom ng pondo at may budget na para magtrabaho, siya ay makakapagbigay na ng mas komprehensibong pagkakahati-hati ng paggamit ng development budget. Panghuli, 10% ng kabuohang nalikom ay gagamitin sa isang contingency fund. Gaya ng alam niyo na, may mga maaring di inaasahang gastos kaya kailangan naming maging preparado para sa mga iyon at magkaroon ng nakalaang pera.



Bonus sa maagang pamumuhunan:

Bilang isang maagang mamumuhunan kayo ay makakatanggap ng karagdagang bonus sa deposito sa BTC para gamitin sa paglagay ng mga orders sa LIR buy book. Lahat ng BTC na nakaugnay sa deposit na iyon at bonus ay dapat magamit bago matapos ang crowdfunding. Walang bonus BTC ang maaring ma-withdrawn sa panahong iyon. Pagkatapos ng crowdfund ang mga balanse sa BTC sa site ay ise-set sa zero kaya  mangyaring siguraduhing lahat ng inyong BTC ay nasa order book sa panahong iyon.

Launch - 24h 30% extra sa deposito
24h - 48h 15% extra sa deposito
48h - 72h 10% extra sa deposito
72h - 240h 5% extra sa deposito
Pagkatapos nito wala nang bonus sa deposit.

Kami ay magbibigay din ng cashback reward kung saan ang mga mamumuhunan ay makakatanggap ng 10% ng kanilang unang investment pabalik pagkatapos ng paunang bentahan sa pamamagitan ng isang prepaid Visa or Mastercard. Maari nyo ding piliing matanggap ito sa BTC sa aming site kung saan maari mo itong gamiting sa aming gambling services. Para makakuha nito, ang halaga ng iyong ipinadala ay dapat hindi bababa sa $500.00 (USD). Tandaan, dahil sa pabago-bagong presyo ng Bitcoin, kami ay gagamit ng presyo ng BTC sa katapusan ng paunang bentahan para malaman ang halaga ng deposito sa BTC sa USD.
Jump to: