Author

Topic: Re: Pre-pandemic Unfinished NBA Prediction Tournament (Read 335 times)

hero member
Activity: 1694
Merit: 592
The Martian Child
Ito na finals na thread https://bitcointalksearch.org/topic/the-finals-nba-prediction-tournament-5394519. Tsaka for the last time mag pm na rin ako sa mga finalists. Meron na initial odds dun na hindi changeable kahit meron possible injuries at issues sa mga players at teams. Dagdag na lang natin doon kung sino makatapat sa Suns at Miami. Good luck sa ating lahat at enjoy. 
legendary
Activity: 3136
Merit: 1870
dice9.win
Oo bukas or sa 14 gagawa na new thread. Okay kaya sa inyo kung wala na lang escrow dun sa aking ambag? Nakataya naman reputasyon ko dito. And since hindi na required na magdonate yung mga previous commitments ay nasa kanila na lang kung magdonate pa ba sila o kahit hindi na. Anytime naman pwede nila epost dito yung amounts at sa awarding pwede na sila mismo magsend sa winner/s. Black and white naman tayo dito kaya walang tinatago. Enjoy lang natin ang NBA playoffs with extra challenge.
Ayos lang din sa sakin kahit walang escrow dahil tulad ng nabanggit mo reputasyon mo kapalit kung sakaling may mangyari sa premyo. Looking forward dun sa new prediction thread para hindi makalimutan yung tournament at mailapag na kaagad yung mga predictions.

Buti nag confirm na rin si chaser ng participation yung dalawa na lang kulang sa top 10 at goods na tayo for the prediction tournament.
legendary
Activity: 2660
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
Ako'y pabasa-basa lang kabayan at nakamonitor sa thread since nakatanggap ako ng PM galing sayo.

One thing is for sure, I will participate here as one of the NBA enthusiast dito sa locals. Bookmark lang this thread for future reference. Medyo tumamlay din ang locals aside sa matamlay na talaga dati pa lol kaya we need something fun here.

And more importantly, welcome back sa forum and sa mabuting kalusugan sa nagdaang pandemic. Smiley
hero member
Activity: 2142
Merit: 584
You own the pen
Okay kaya sa inyo kung wala na lang escrow dun sa aking ambag? Nakataya naman reputasyon ko dito. And since hindi na required na magdonate yung mga previous commitments ay nasa kanila na lang kung magdonate pa ba sila o kahit hindi na. Anytime naman pwede nila epost dito yung amounts at sa awarding pwede na sila mismo magsend sa winner/s. Black and white naman tayo dito kaya walang tinatago. Enjoy lang natin ang NBA playoffs with extra challenge.

Ok lang yun total gaya ng sabi mo, katuwaan ito at napakaboring naman talaga ng local community natin kung wala tayong ganitong palaro sa darating na NBA Playoffs kung saan ito na rin ang naging libangan nating mga pinoy sa tuwing darating ito. Ang kagandahan dito kasi ay hindi ka lang basta2x mag pepredict ng team na mananalo, may premyo ka pa kung nagkataon na ikaw ang mananalo. O dba? kaya go na Op, gawin natin masaya ulit ang NBA playoffs.
hero member
Activity: 1694
Merit: 592
The Martian Child
Kung ano ang mapag kakasunduan ng karamihan ay sasang-ayon ako, as long as mag eenjoy ang lahat.
Ayos lang din na hindi na limitahan ang finals round, at kung may mga changes man sa rules at tournament structure ay go with the flow lang ako hahaha.
Siguro dapat ngayung petsa 14 may thread na tayo intended for this tournament, para makapag ready na tayu sa mga predictions natin.


Oo bukas or sa 14 gagawa na new thread. Okay kaya sa inyo kung wala na lang escrow dun sa aking ambag? Nakataya naman reputasyon ko dito. And since hindi na required na magdonate yung mga previous commitments ay nasa kanila na lang kung magdonate pa ba sila o kahit hindi na. Anytime naman pwede nila epost dito yung amounts at sa awarding pwede na sila mismo magsend sa winner/s. Black and white naman tayo dito kaya walang tinatago. Enjoy lang natin ang NBA playoffs with extra challenge.
hero member
Activity: 2492
Merit: 547
Rollbit
~snip~
Kailangan natin ng suggestions at opinions.

Kung ano ang mapag kakasunduan ng karamihan ay sasang-ayon ako, as long as mag eenjoy ang lahat.
Ayos lang din na hindi na limitahan ang finals round, at kung may mga changes man sa rules at tournament structure ay go with the flow lang ako hahaha.
Siguro dapat ngayung petsa 14 may thread na tayo intended for this tournament, para makapag ready na tayu sa mga predictions natin.
legendary
Activity: 2142
Merit: 1069
Thanks sa PM bro. Matagal ko na rin hindi nabisita ang forum na ito dahil naging busy. At since inactive na ako, ibigay mo na lang yung slot ko sa mga active pa sa forum. Mas deserve nila iyun.

Again, thanks and good luck sa tournament.
hero member
Activity: 1694
Merit: 592
The Martian Child
So far ito yung summary based sa mga comments. Ilalagay ko din to sa 2nd post baka kasi matabunan later on.

1. Adjusted Rankings

a. Ngayon ko lang napansin meron na pala red-tag si cabalism13. Pero mas marami pa din ang green trust. Sa totoo lang naging general pala masyado yung nakasulat sa ruling natin noon. Ang expectation ko kasi sa red-tag ruling is literal na scammers or any illegal na activities tulad ng mga case nina asu at EastSound. So para sa akin ay kasali pa din si cabalism13 sa finals. Pero if majority sa inyo ay hindi agree then susunod lang ako sa majority.
b. asu at EastSound - red-tagged
c. Inactives na at no response din sina gunhell16, jakelyson at bamboylee kaya nag-message na tayo kay chaser15 para sa  ika-10th slot. Pero if ever biglang maging active ulit at magparticipate ang tatlong inactives ay pwede pa din at the same time kasali pa din si chaser15.
d. Lahat ng nasa top 10 na active naman ay considered kasali sa final stage unless mag-voluntary exit or hindi na sasali. Hindi na rin pwde palitan ang slot/s once start na ang playoffs.

2. Prize Pool
 Champion:        50% of pool  
 1st Runner Up:  25% of the pool
 2nd Runner Up: 15% of the pool
 3rd Runner Up:  10% of the pool
 4th Runner Up: sponsored by Darker45 (for clarification)

a. Original thread posted November 1, 2019 kung saan ang bitcoin price as per google ay Php469,986.67 or round off natin sa Php 470k. Ibig sabihin shoulder ng host ang Php 9,400 worth of bitcoins.
b. As per Darker45, willing pa din siya mag-donate pero gusto muna natin klarohin kung sa 4th runner-up pa din ba.
c. As per sponsors na napadala na yung btc ay hintayin natin mismong statement ni bL4nkcode.

3. Final Stage Gameplay
a. Meron nag suggest na hindi lang limitahan sa 12 points ang ating final stage. Payag din ako dito para mas masaya. Any objections?  
b. Meron din nag suggest na baguhin ang gameplay. Kailangan natin ng suggestions at opinions.

Meron pa ba nakalimutan? Kasi limited na lang time natin. Sa mismong day 1 ng playoffs ang start natin. Siguro by Wednesday or Thursday gagawa na tayo ng new thread para sa finals.  

Salamat nga pala sa mga nag-welcome. Sana naman maging active na din yung ibang kababayan natin. At more power sa ating lahat.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1289
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
May nagbabalik, welcome back @inthelongrun, na miss ka talaga namin, layo na yung pa contest mo dito.

Baka magbalik na rin yung mga umalis na, malaki pa rin naman ang price kahit naka fixed na ang amount.

Sa mga sponsors natin diyan, baka naman.. haha...
Pa bookmarked nalang nito, I will check it from time to time for updates.
hero member
Activity: 2912
Merit: 674
Welcome back kabayan, let the fun begin.  Grin Grin

I know we all experience tough times during the pandemic, I understand why the competition was stopped but that does not matter now, what matters is that you are now back to continue what you have started.

The price is still good, it's a decent amount and I'm sure everyone will be interested to join.

Good luck, I hope to be part of this competition and hopefully a thread will be created together with the criteria before the playoffs starts.
legendary
Activity: 2366
Merit: 1206
🔰Buy/Sell Cryptocurrencies🔰
Just received your PM.

Maraming dahilan kaya natigil mga palaro last year kasi ng pandemic and until now pahirapan pa rin, lalo na't pagkatapos ng pandemic yung bagyong odette naman ang kasunod.  Medyo nakabangon na rin but not totally healed.  (Tulad ko pahirapan sa paghahanap ng internet connection)

As you can see, hindi ako sumasali sa mga NBA predictions and NBA dicussions kasi hindi naman ako marunong maglaro nito.  But, in any amount regarding the donation pwedi naman ako makapag bigay.


Anyway, welcome back to the forum.
Appoint nalang tayo ng hahawak sa fund if ever hindi makabalik sa mate bl4nkcode, pero pwedi pa naman sya if active lang palagi.
hero member
Activity: 2702
Merit: 662
Play Bitcoin PVP Prediction Game
Welcome back bro, sana matapos natin tong playoff competition, good timing para naman ma enjoy natin ang playoffs. Sana tuloy tuloy na ito, hindi ko na rin maalala kung isa ba ako sa nag commit, pero kung nag commit man ako mag sponsor, sorry, medyo mahina ang kita ngayon, haha.. kaya sali nalang ako baka manalo.



Ito na ba yung thread para sa competition? or gagawa ka ng bago?
legendary
Activity: 1428
Merit: 1165
🤩Finally Married🤩
bL4nkcode
Possible pa yung kay bl4nk, may contact naman ako in person sa kanya. Di naman kami ng scam, just a mishandling sa mga resibo,... so possible pa na makabalik para dito,...

Try ko sya kontakin sa messenger.

Check nyo din yung waller address kung nailabas nya or hindi, kung nailabas man eh ang pagbatayan natin ung petsa pati yung conversion that time.



OP, maligayang pagbabalik, although maraming ngyari pero Good Vibes pa rin kahit papano.
Play Safe pala ako nung mga last LoL.
hero member
Activity: 2142
Merit: 584
You own the pen
Uy magandang balita to, ako kahit ano pa basta matuloy yung laro tsaka author maraming salamat nagbalik ka kasi sa totoo lang nag-alala kami sayo. Supposed to be, nakalimutan ko na itong laro since ilan taon na rin yung lumipas pero pagka received ko ng PM, nag flashback muli yung mga masayang predictions natin nung araw. Na missed ko mag predict at maganda yung dating format at mukhang magiging masaya kasi iba na yung mga malalakas na team ngayon, marami talagang surpresa ng mangyayari sa NBA playoffs kasi lahat ng team na makakapasok ay capable na mag champion.
hero member
Activity: 1694
Merit: 592
The Martian Child
Regarding sa format ng laro. Gusto niyo ba hindi lang 12 points? Bale tapusin natin hanggang sa finals para masaya?

Actually simula pandemic never pa ko nakapanood ng buong NBA game. At naging inactive rin Sportsbet account ko. Nabusy kasi at ang daming priorities. Ngayon lang medyo nakapag relax ulit. Parang di talaga ako swerte sa negosyo.😅 Kaya naisipan ko bago sabak sa ibang venture na naman makapag enjoy muna buong NBA playoffs.

Medyo updated pa naman ako sa rankings kahit papano. Kawawa Lakers wala na ata to pag asa. The rise of Memphis.😁
legendary
Activity: 3136
Merit: 1870
dice9.win
Thanks din sa pag send ng announcement, kung ano man yung magiging format ng next stage ng tournament i'm all for it.

Pero agree ako sa sinabi ni bisdak na parang mas okay palitan yung format kasi baka mabitin tayo sa old rules na 12 points yung cut off since puro best of 7 naman lahat ng matchups except sa play ins.

If gusto pa rin ng karamihan dun sa old format then go lang din ako dun.
legendary
Activity: 2506
Merit: 1823
🙏🏼Padayon...🙏
Maraming salamat sa pag-PM!

Medyo nagkabuhol-buhol na itong issue na ito. Una, nagkapandemic. Tapos nadamay ang NBA games. Pangalawa, may mga personal issues ka pang kinaharap. Pangatlo, pati dalawang escrows red-tagged at inactive na ngayon. Pati premyo natangay pa. Di man lang sinauli. Pero sa tingin ko mukhang di naman balak ni bL4nkcode na tangayin yung funds. Posibleng maibalik yun pero yung kay asu ang malabo na. At nasa kanya pa yung malaking halaga ng premyo. Tapos nung ginawa itong palarong ito nasa $9,000 pa lang si BTC. Ngayon nasa $43,000 na.

Pero ayos na rin at mukhang balak mo pa ring harapin at tapusin yung nasimulan mo kahit tambak-tambak na kamalasan na ang nangyari. Ayos yun!

Para maging mas masaya, willing pa rin naman akong mag-ambag ng kaunting dagdag sa reward. Good luck! Sana maumpisahan ito sa darating na playoffs.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game

Thanks for the PM. Welcome back, bro! Hope is all good sa side mo. Buti naisipan mo ipush to ng ganahan mga tao sa locals hehe.

Good timing to since magstart na ang playoffs at marami pang oras para mag-plano sa structure ng contest na sinimulan mo dati. Around 3-4 games remaining na lang sa season at ang Playoffs ay magsisimula sa April 16.

Ano man ang maisip mong game structure, follow lang ako dun. Count on me to support it.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
Undeads.com - P2E Runner Game
Welcome back @inthelongrun  Smiley.

Yong na nga ang sinabi ko ehh, babalik ka rin in the long run hehe.

Salamat naman kung gusto mo pang ipagpatuloy itong tournament na naumpisahan mo pero may problema rin kasi tayo sa prize pool dahil nawala na yong pera na naibigay na sa escrow tulad ng 0.002 BTC ko at malabo na rin na maibalik yon tsaka yong nag-pledge mahirap na rin siguro natin na singilin baka kasi may problema rin sila sa pera noong pandemic.

Pero kung willing ka na mag-donate uli in peso, magandang idea rin yon baka may madagdag tayo riyan para naman maging bibo na ulit tong lokal natin dahil sa tournament mo.

Patapos na yong elimination rounds so tingin ko dapat baguhin na natin yong tournament format, hintay lang tayo sa suggestions ng iba kung paano gagawin to.
hero member
Activity: 2492
Merit: 547
Rollbit
Good morning bro, thank you for reaching out at nag pm ka about suggestions para matuloy ang palarong ito.
At welcome back! Medyo mahaba habang panahon rin na naging inactive dulot nga ng pandemic.

Regarding sa suggestion mo bro, mukhang magandang idea yan at tyming din ang pag balik mo na pa start na ang playoffs. We have like 2-3 more games left for each team. Wala rin naman tayung ibang choice kundi simulan ang final stage sa day 1 ng playoffs.

Sana, makapag bigay na rin ng suggestion yung iba ng makapag simula na agad tayu ng panibagong thread. Regardless of how much the prize pool is, basta may prediction tournament, what really matter is ma enjoy natin yung playoffs hindi lang sa panonood ng laro, pati na rin yung excitement na manalo sa tournament na to.

Thank you for pursuing this contest bro! I really appreciate your effort since the beginning at maayos mong na facilitate yung thread.

I'm looking forward this coming playoffs na makapag simula na tayu ulit.
hero member
Activity: 1694
Merit: 592
The Martian Child
Dito natin ilalagay mga napagkasunduan at possible changes.

1. Adjusted Rankings

a. Ngayon ko lang napansin meron na pala red-tag si cabalism13. Pero mas marami pa din ang green trust. Sa totoo lang naging general pala masyado yung nakasulat sa ruling natin noon. Ang expectation ko kasi sa red-tag ruling is literal na scammers or any illegal na activities tulad ng mga case nina asu at EastSound. So para sa akin ay kasali pa din si cabalism13 sa finals. Pero if majority sa inyo ay hindi agree then susunod lang ako sa majority.
b. asu at EastSound - red-tagged
c. Inactives na at no response din sina gunhell16, jakelyson at bamboylee kaya nag-message na tayo kay chaser15 para sa  ika-10th slot. Pero if ever biglang maging active ulit at magparticipate ang tatlong inactives ay pwede pa din at the same time kasali pa din si chaser15.
d. Lahat ng nasa top 10 na active naman ay considered kasali sa final stage unless mag-voluntary exit or hindi na sasali. Hindi na rin pwde palitan ang slot/s once start na ang playoffs.

2. Prize Pool
 Champion:        50% of pool  
 1st Runner Up:  25% of the pool
 2nd Runner Up: 15% of the pool
 3rd Runner Up:  10% of the pool
 4th Runner Up: sponsored by Darker45 (for clarification)

a. Original thread posted November 1, 2019 kung saan ang bitcoin price as per google ay Php469,986.67 or round off natin sa Php 470k. Ibig sabihin shoulder ng host ang Php 9,400 worth of bitcoins.
b. As per Darker45, willing pa din siya mag-donate pero gusto muna natin klarohin kung sa 4th runner-up pa din ba.
c. As per sponsors na napadala na yung btc ay hintayin natin mismong statement ni bL4nkcode.

3. Final Stage Gameplay
a. Meron nag suggest na hindi lang limitahan sa 12 points ang ating final stage. Payag din ako dito para mas masaya. Any objections?  
b. Meron din nag suggest na baguhin ang gameplay. Kailangan natin ng suggestions at opinions.

Meron pa ba nakalimutan? Kasi limited na lang time natin. Sa mismong day 1 ng playoffs ang start natin. Siguro by Wednesday or Thursday gagawa na tayo ng new thread para sa finals.  


Finals Thread: https://bitcointalksearch.org/topic/the-finals-nba-prediction-tournament-5394519
hero member
Activity: 1694
Merit: 592
The Martian Child
Game link: ♛♛♛NBA Prediction Tournament [0.027BTC Prize Pool]♛♛♛

Hindi ko alam kung saan ako magsimula. Angry Sad Undecided Siguro from the beginning. Early March 2020 nakabakasyon ako sa probinsiya. Start na sana sa finals pagkauwi ko kaso biglang nagkaroon ng lockdowns at pati NBA games suspended din lahat. Sobrang hina ng signal ng lugar ni erpat kaya halos wala chance makapag online using mobile data at pansamantalang naging inactive. So ayon halos isang taon ako sa province dahil di ko na rin pinilit makauwi lalo na mas mataas infections sa mga crowded at big cities.

Nakauwi ako February 2021, then nakalabas sa quarantine March na. Actually pilit rin pagkauwi since yung bahay ko nagkaroon ng napakalaking issue. By April nalaman ko na wala na pala si asu. Naka-red tagged na pala at naging inactive. Lahat ng convo namin sa telegram burado rin lahat. Baka meron dito may personal information sa kanya pwede niyo ko ma-pm or sa tg @YearsRunning. Nag-message na rin ako kay bL4nkcode para dun sa mga nag donate.

Kabalik ko lang dahil ngayon lang ulit naging available. At bago maging busy ulit dahil sa mga possible new ventures irl ay kailangan ko talagang tapusin ang palarong to. Passion ko rin talaga kasi NBA. At perfect ngayon dahil halos back to normal na NBA with 82 regular games at pa-start na playoffs. Tsaka ayoko rin talaga masayang mga efforts noong nakaraan. Nagka usap rin kami ni bisdak40 last year at gusto rin niya na tapusin ang palaro. Ang issue lang talaga is yung premyo. Last year nasa P75k yung prizepool. At wala akong available na ganung pondo.

Meron akong proposal para hindi bitin at matapos nato. Willing ako mag-donate ulit noong original prizepool ko pero yung Philippine peso value at the time na napost ang tournament thread which was November 1, 2019. Around 9,400 pesos then convert na lang natin into btc later on. Gusto ko kasi start ng final stage sa day 1 ng playoffs kaagad.  

Another thing is yung mga sponsors. Meron kasi iba dun na nagpadala na talaga ng pondo. Antayin ko feedback ni bL4nkcode sa mga nakapagpadala. Tsaka yung mga nag-commit. Pero since pandemic tayo, hindi talaga natin pwede e-enforce yun unless willing pa sila.

Gusto ko makuha feedback, reactions at mga suggestions niyo guys. PM ko na rin yung mga nasa top 10 baka inactive na yung iba. PM ko rin yung mga sponsors. Thanks.

Finals Thread: https://bitcointalksearch.org/topic/the-finals-nba-prediction-tournament-5394519
Jump to: