Posible yang malist sa binance kung tutukan talaga ng coins.ph yan....
Mas okay pa rin kung ma-list ito sa Binance para malaki ang volume, pero kung may problema sa legal dahil regulated ng BSP si Coins.ph, baka puwedeng wallet partners na lang.
Siguro pag ma unban na Binance Haha. As of now possible itong ma list sa mga PH regulated exchanges. But if you will check yung mga use case niya sa solutions sa mga current financial transfer problems (traditional money transfer), na solve na ito nang mga digital wallets like Gcash and Maya, ang pinag kaiba lang ay through blockchain technology ito. Regardless, good update regarding sa crypto adoption dito satin.
Mukhang malabo pa ma unban kabayan, unless magbayad na talaga sila at kukuha na ng license to operate sa bansa natin.
As to comparison with GCASH and Maya, ilang bansa lang ba ang covered ng mga yan, I think itong PHPC gusto nilang gawing global para mas maraming maka benefit ng low cost transfer.
Sa tingin ko pwede parin naman yang malista sa binance dahil ang mga ofw naman na pinoy ay hindi lang naman sa isang bansa mga nagtatrabaho sa halip worldwide ang mga kababayan natin. Eh, sa ngayon ang ang international na pwedeng magamit ng phpc ay ang coinsph. Though, spread lang talaga ni coinsph ay hindi maganda at sana lang ayusin na nila yung service na ginagawa nila lalo na sa sistema nila s kyc system nila.
Saka, meron parin ata nakakapag-access sa binance na mga ilang kababayan natin dito, so ibig sabihin parang nasa 20-10% nalang siguro ang nakakapag-access parin sa binance apps kahit andito sila sa bansa natin.
Walang impossibly kung walang legal hindrance. Wala namang kaso ang Binance sa Philippines, hindi lang sila maka pag operate ng maasyos since hindi sila kumuha ng license, kaya abangan natin kung gaano kalaki ang impact nitong PHPC na kung kaya ba nitong pakuhanin ng lincense ang Binance.