Nais ko lang suportahan itong thread ng isa nating kasama dito sa forum:
https://bitcointalksearch.org/topic/bounty-regulations-5211562Dapat talagang magkaroon ng Regulating Body dito sa forum dahil nga nagakalat ngayon ang mga bounty campaign na kung hindi nagbabayad ay wala din namang value ito pagkatapos, biktima din ako ng mga bounty project na nag-discontinue, madami din akong token na pampasikip lang kung baga, at ang malungkot itong mga bounty na ito ay pinaglaanan natin ng panahon minsan pa nga ang pinaka-maikli ay 3mos tapos maghihintay ka pa ng ilang linggo o buwan bago ito isend sa wallet mo at ang mahirap nito di mo rin naman siya mapapakinabangan dahil wala namang value o di nakapasok sa mga exchange, at kung pumasok man sa exchange wala din namang buyer. Karamihan dito ay mga ICO token na talaga nga namang nagreraise lang ng funds minsan kahit magkano lang ang pumasok kung baga katalo na at pagkatapos ay GOOD BYE na! Kawawa mga bounty hunter na nagpromote, nagpuyat, ipinaglaban ang mga project sa mga FUDDER dito sa forum tapos ang kakauwian ay wala din naman.
- Ang masaklap pa, ang bigayan ng reward ngayon ay pababa ng pababa siguro dahil marami na talaga ang nagbobounty kaya nagtatake advantage ang mga project na ito dahil alam nilang kailangan ito ng mga member dito. What if magkaisa tayo na i-boycott itong mga barat na bounty campaign, yung talaga walang papansin sa kanila? (Imposible ito pero tingin ko isa itong solusyon.)
- Naisip ko rin na What If ang sasalihan na lang nating campaign ay ang mga bounty na ang ibabayad ay mga mainstream Crypto like BTC, ETH, etc? Tingin ko mapilititan din ang mga bagong project na papasok na sumabay sa mga campaign na nagbabayad ng bitcoin o ibang crypto na circulated na sa market.
Kahit anong sabihin malaki ang contribution ng mga nagbobounty dahil sila (tayo) yung nagpopromote sa mga project nila, lalo kaming mga high rank ng forum na ito, nasa atin din naman yan, pero kung magkakaisa tayo kaya nating mabago ang systemang ito, ang dami na natin dito sa forum at sa totoo lang halos lahat ng bouty hunter ay mga Pinoy.
Sabi nga eh "United we Stand, Divided we Fall"