Author

Topic: Report: PH ranks 2nd in ‘ownership of cryptocurrency’ (Read 635 times)

full member
Activity: 2128
Merit: 180
I wonder now kung ano na ang standing ng PH sa ranking dahil maraming traders ang nag lie low dahil sa kasalukuyang season.
It's worth noting na "walang accurate result [results may vary depending on the sources]"... I had no luck with finding an updated one from GWI, pero ito ang nakalagay sa finder.com: Screenshot [source]
Maybe it will take another year to get the result, and magkaroon man ng changes with the trader I think hinde naman ito makakaapekto sa numbers since we are talking about ownership here and probably counted yung mga trading account. Panigurado patulot paren tayo sa pag taas, adoption is still here and marame paren ang nagkakainterest despite of the market trend.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
I wonder now kung ano na ang standing ng PH sa ranking dahil maraming traders ang nag lie low dahil sa kasalukuyang season.
It's worth noting na "walang accurate result [results may vary depending on the sources]"... I had no luck with finding an updated one from GWI, pero ito ang nakalagay sa finder.com: Screenshot [source]
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Maganda ito starting point nating Pinoy, pero sa totoo lang madalas hype ang nangyayari. At aminin natin madalas na marami pa rin na sscam. naalala ko yung FTX. Naniwala rin ako sa isang reply ng thread na yung axie pasimuno kaya nagising ang pinoy sa crypto. (sa tulong ni mareng Jessica Soho na nag feature ng success story ng player ng axie). Sana kung maging aware ang mga Pinoy sa crypto ay alam din natin ang pasikot sikot nito, di lng dahil invest lang instant money na walang risk. Mas dumami sana ang mga Senpai/coach sa trading ng crypto.

Na marites ka din pala pero kahit papano para dun sa talagang gustong matuto eh yun ang naging paraan para magsaliksik sila pero syempre kumpara sa mga nadala ng matinding pangako na kikita ka basta mag invest ka eh sila yung kawawa, madami talagang nadadale ang mga scammer at ung mga word of mouth sa malalapit na kamag anak at kaibigan tapos sa dulo eh sisihan lang ang mangyayari.

Kung inaral kasi talaga ng maayos at hindi lang basta basta nakikinig malamang mas maganda ang kalalabasan ng investment, marami pa namang oras lalo na ngayon na bagsak ang market, pagkakataon na ng mga kababayan natin na aralin at sanayin ang sarili nila sa risk na papasukin para kung swertehin or malasin eh alam nila ang dapat gawin.
full member
Activity: 462
Merit: 100
SOL.BIOKRIPT.COM
Maganda ito starting point nating Pinoy, pero sa totoo lang madalas hype ang nangyayari. At aminin natin madalas na marami pa rin na sscam. naalala ko yung FTX. Naniwala rin ako sa isang reply ng thread na yung axie pasimuno kaya nagising ang pinoy sa crypto. (sa tulong ni mareng Jessica Soho na nag feature ng success story ng player ng axie). Sana kung maging aware ang mga Pinoy sa crypto ay alam din natin ang pasikot sikot nito, di lng dahil invest lang instant money na walang risk. Mas dumami sana ang mga Senpai/coach sa trading ng crypto.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
Malaking factor ung pagkadali ng paggawang crypto wallet. Maraming DEX at dex wallet na pwedeng paglagyan ng crypto. Isa pa, laging sabay sa uso tayong mga pinoy. AT madalas na ginagamit ang crypto kahit hindi nmn talaga crypto ang project. Kalimitan ay scampanies at pyramid. Hindi nkakapagtaka na dumami talaga ang mga Pinoy na nkakaalam sa crypto sa ngaun. Plus NFT games na nagbigay dagdag na kita sa atin.
Kadalasan talaga nasabay tayo sa uso, kung ano yung patok hindi tayo papahuli. Natandaan ko noon puro negative news tungkol sa Bitcoin ang napapabalita sa TV kaya tingin ng mga tao scam ito. Pero nung sumikat yung NFT games dun sila naging interesado kasi malaki ang kitaan. Naging mas aware sila sa crypto at exchanges dahil na rin sa pagsikat ng mga play to earn games.

I wonder now kung ano na ang standing ng PH sa ranking dahil maraming traders ang nag lie low dahil sa kasalukuyang season. Naapektuhan na rin yung mga games na dati sikat noon.
jr. member
Activity: 124
Merit: 6
Challenger in Space
Malaking factor ung pagkadali ng paggawang crypto wallet. Maraming DEX at dex wallet na pwedeng paglagyan ng crypto. Isa pa, laging sabay sa uso tayong mga pinoy. AT madalas na ginagamit ang crypto kahit hindi nmn talaga crypto ang project. Kalimitan ay scampanies at pyramid. Hindi nkakapagtaka na dumami talaga ang mga Pinoy na nkakaalam sa crypto sa ngaun. Plus NFT games na nagbigay dagdag na kita sa atin.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Ang tanong, ano o anu-anong mga crypto coins/token ba ang hawak ng mga Pinoy? Sa tingin ko almost who answered the survey ay altcoins ang sagot, just my wild guess. Hindi naman masama kasi it means aware ang mga Pinoy sa crypto, pero historically minsan napag-uusapan or nagkakaroon lang ito ng gana kapag nasa bull market tayo.
Sa tingin ko yung mga available lang sa local exchanges natin yung hawak ng kadalasan sa mga Pinoy like Bitcoin, Ethereum, XRP, at iba pang supported ng Coins.ph since yan yung pinakamadaling paraang para magconvert ng crypto into php. Siguro yung survey na yan eh nung kasagsagan pa ng Axie yan at ibang sikat na NFT games dito sa Pinas.
I believe na ganyan nga siguro kasi yun lang naman talaga ang pinakamadali na pagkukuhanan ng mga coins/tokens pero kung marunong mag research ang iba gaya sa pag try ng ibang exchange ay mas mabuti. Sa tingin ko ngayon madali rin naman yung Binance dito sa 'Pinas at ang kagandahan nito ay supported ang mga nangungunang mga digital wallet providers gaya ng GCASH at iba pang crypto friendly na mobile banking apps.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Pagpapakita lang ito na ang mga Pinoy ay hindi magpapahuli sa lahat ng larangan, ibig sabihin lang nito seryoso ang mga pinoy about crypto and blockchain, kaya sana magtuloy-tuloy na ang programa ng bagong administration na gawing digitalize na lahat ng mga improtanteng sangay ng gobyerno, isa itong magandang balita kabayan.

Tama, siguro likas lang talaga sa Pinoy na maghanap ng pagkakakitaan, at katulad ng karamihan sa tin, yung kasagsagan ng Axie eh dumami ang mga Pinoy na na involved sa crypto at kaya nga naging pangalawa tayo as far as ownership goes. Nitong nakaraang buwan nga may isang akong kakilala na nasa crypto na rin pati ang nanay nya na nag invest daw ng $1000. So patuloy ang paglago nito sa ating bansa at naway maging suportado sa atin ang gobyerno.
Dahil nadin to sa pagka aktibo ng mga pinoy sa social media kaya mabilis talaga ang pagkalat ng usaping crypto sa bansa natin kaya di na nakakapag tataka pa na pangalawa ang bansang pinas sa ganitong usapan lalo na sa sunod sunod na magagandang balita na involve ang mga kilalang tao na lumalabas sa iba't - ibang pahayagan ay makaka implewunsya talaga ito.

For sure marami pa tayong good news na mababasa ukol sa usaping crypto since open ang gobyerno natin na e adopt ito.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Pagpapakita lang ito na ang mga Pinoy ay hindi magpapahuli sa lahat ng larangan, ibig sabihin lang nito seryoso ang mga pinoy about crypto and blockchain, kaya sana magtuloy-tuloy na ang programa ng bagong administration na gawing digitalize na lahat ng mga improtanteng sangay ng gobyerno, isa itong magandang balita kabayan.

Tama, siguro likas lang talaga sa Pinoy na maghanap ng pagkakakitaan, at katulad ng karamihan sa tin, yung kasagsagan ng Axie eh dumami ang mga Pinoy na na involved sa crypto at kaya nga naging pangalawa tayo as far as ownership goes. Nitong nakaraang buwan nga may isang akong kakilala na nasa crypto na rin pati ang nanay nya na nag invest daw ng $1000. So patuloy ang paglago nito sa ating bansa at naway maging suportado sa atin ang gobyerno.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Ang tanong, ano o anu-anong mga crypto coins/token ba ang hawak ng mga Pinoy? Sa tingin ko almost who answered the survey ay altcoins ang sagot, just my wild guess. Hindi naman masama kasi it means aware ang mga Pinoy sa crypto, pero historically minsan napag-uusapan or nagkakaroon lang ito ng gana kapag nasa bull market tayo.
Sa tingin ko yung mga available lang sa local exchanges natin yung hawak ng kadalasan sa mga Pinoy like Bitcoin, Ethereum, XRP, at iba pang supported ng Coins.ph since yan yung pinakamadaling paraang para magconvert ng crypto into php. Siguro yung survey na yan eh nung kasagsagan pa ng Axie yan at ibang sikat na NFT games dito sa Pinas.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
Pagpapakita lang ito na ang mga Pinoy ay hindi magpapahuli sa lahat ng larangan, ibig sabihin lang nito seryoso ang mga pinoy about crypto and blockchain, kaya sana magtuloy-tuloy na ang programa ng bagong administration na gawing digitalize na lahat ng mga improtanteng sangay ng gobyerno, isa itong magandang balita kabayan.
Hanggat may pagkakakitaan, patuloy itong tatangkilikin and let’s admit that many are into bounties at marame na ang nagsucceed dito. Maganda ang adoption ng Pinas pagdating sa crypto, sana magpatuloy talaga ito at wag masyadong maghigpit ang regulasyon kase alam naman naten kung gaano ka corrupt ang bansa naten. Kung madali lang iadopt ang blockchain technology, panigurado madali na silang mabibisto.
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
Pagpapakita lang ito na ang mga Pinoy ay hindi magpapahuli sa lahat ng larangan, ibig sabihin lang nito seryoso ang mga pinoy about crypto and blockchain, kaya sana magtuloy-tuloy na ang programa ng bagong administration na gawing digitalize na lahat ng mga improtanteng sangay ng gobyerno, isa itong magandang balita kabayan.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform

So pangalawa daw tayo as far as owning bitcoin

Parang hindi naman bitcoin lang ang tinutukoy sa article. Sa pagkakaintindi ko sa binasa natin, ang Pilipinas ay pangalawa sa pinakamaraming holdings ng 'cryptocurrencies" so general sya at hindi lang pertaining sa Bitcoin. Honestly kung sa bitcoin feel ko medyo malayo ang Pinas sa ranking base sa holdings.

Malakas ang paniniwala ko na naging pangalawa tayo dahil sa hype ng nft dito sa bansa natin.
Ang tinutukoy sa article na nabanggit ay 2nd ang Pilipinas sa ownership ng cryptocurrencies hindi sa bitcoin. Hindi ako maniniwala na ang mga Pilipino ang nasa 2nd ranking when it comes to bitcoin.

Kaya lang naman din dumami ang naging involve sa crypto sa Pinas ay dahil sa mga NFT games tulad ng axie. If I remember correctly, isa tayo sa pinakamaraming players sa axie at ibang NFT games. Sa totoo lang kulang pa rin yung knowledge nila sa ibang crypto like bitcoin, eth at ibang pang crypto dahil may mga kakilala akong nag aaxie na halos walang alam sa ibang crypto.

Ung hype na yan ng NFT parang yung hype din ng mga ico scam dati hahaha, pero seriously dahil sa NFT kaya nga siguro tayo pangalawa malabo kasi sa katotohanan na Bitcoin yung holdings na pumapangalawa tayo dahil sobrang laki ng industriya ng Bitcoin baka malamang asa western countries ang sampu sa pinakamayamang nag mamay ari ng Bitcoin, pero not bad din yung 2nd pagdating sa cryptoownership ha malaking hype yan para lalong dumami pa yung magkakainterest na mga kababayan natin sana lang ingat at wag kalimutan mag DYOR bago sumabak sa crypto para iwas scam.
hero member
Activity: 1568
Merit: 549
Be nice!

So pangalawa daw tayo as far as owning bitcoin

Parang hindi naman bitcoin lang ang tinutukoy sa article. Sa pagkakaintindi ko sa binasa natin, ang Pilipinas ay pangalawa sa pinakamaraming holdings ng 'cryptocurrencies" so general sya at hindi lang pertaining sa Bitcoin. Honestly kung sa bitcoin feel ko medyo malayo ang Pinas sa ranking base sa holdings.

Malakas ang paniniwala ko na naging pangalawa tayo dahil sa hype ng nft dito sa bansa natin.
Ang tinutukoy sa article na nabanggit ay 2nd ang Pilipinas sa ownership ng cryptocurrencies hindi sa bitcoin. Hindi ako maniniwala na ang mga Pilipino ang nasa 2nd ranking when it comes to bitcoin.

Kaya lang naman din dumami ang naging involve sa crypto sa Pinas ay dahil sa mga NFT games tulad ng axie. If I remember correctly, isa tayo sa pinakamaraming players sa axie at ibang NFT games. Sa totoo lang kulang pa rin yung knowledge nila sa ibang crypto like bitcoin, eth at ibang pang crypto dahil may mga kakilala akong nag aaxie na halos walang alam sa ibang crypto.
sr. member
Activity: 1764
Merit: 260

So pangalawa daw tayo as far as owning bitcoin

Parang hindi naman bitcoin lang ang tinutukoy sa article. Sa pagkakaintindi ko sa binasa natin, ang Pilipinas ay pangalawa sa pinakamaraming holdings ng 'cryptocurrencies" so general sya at hindi lang pertaining sa Bitcoin. Honestly kung sa bitcoin feel ko medyo malayo ang Pinas sa ranking base sa holdings.

Malakas ang paniniwala ko na naging pangalawa tayo dahil sa hype ng nft dito sa bansa natin.
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
The pandemic and axie was indeed the main reasons kung bakit nahumaling ang mga pilipino sa cryptocurrency, though hindi naman lahat. The majority of our population still doesn't accept and trust the whole cryptocurrency thing. Pero sana sa future ay maging gamit na ito ng mga tao para naman mas lalong mag-hype at iwas inflation na rin.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
Hindi nakakapagtaka na 2nd tayo kasi since 2018 siguro marami na din nag kicrypto sa Pilipinas pero tahimik lang. At mas lalong dumami ito ngayon dahil na din sa mga p2e games tulad ng sikat ng axie na talagang nagboom. Andaming na involve sa crypto gawa ng din ng inooffer nitong scholarship. At isang tulong din dito yung pandemic, kasi mas naghanap ng pagkakakitaan ang mga kababayan natin online at ito ang natagpuan nila. At I think dagdag din dito yung pagiging isa natin sa may pinakamataas na bilang na gumagamit ng social sites like facebook, youtube etc. at ito ang mas naka impluwensya sa iba. At marami pa ding p2e games ang kinababaliwan ng iba, tulad ng mir4, thetan etc. at kahit na ganito ang kasalukuyang sitwasyon ng market, sa napapansin ko, patuloy pa rin sila sa paglalaro at paghahanap ng mga bagong p2e games.

Sa totoo lang, mas lalong namulat ang mga Pilipino sa cryptocurrency noong kasagsagan ng pandemya. Maraming nawalan ng trabaho kasabay naman ng pagpasok ng NFT sa ating bansa. Marami ang nakita ang potensyal ng crypto para makapagsalba ng marami sa atin sa kahirapan. Isa na ring dahilan ang paghahype ng mga pinoy na kung saan marami ang bumibili ng crypto dahil sa chance na makakuha ng malaking profit. Marami ring big time investors dito sa atin na sumasabay sa hype lalo na ang mga malalaking personalidad. Sa kabilang banda, marami pa din ang nalulugi dahil sa kakulangan ng kaalaman sa crypto investment. Mali kasi ang mindset ng iba na madali kang yayaman sa crypto.

Nataon pa na bull cycle last year kaya sobra ang naging hype ng crypto sa mga pinoy lalo na sa baguhan. Akala nila ay patuloy ito na tataas kaya di sila nagdalawang isip na mag-invest ng malaking halaga sa crypto at mga nft games. Marami tuloy akong nakikita sa social media ngayon na halos iinvest na ang kanilang savings makapag-invest lang sa crypto noong nakaraang taon at ngayon ay balik sila sa umpisa dahil sa malaking talo. Hindi lang dapat sa pagiging top ownership ng crypto ang i-achieve natin para sa ating bansa kundi dapat magkaroon din ng sapat na kaalaman ang mga kababayan natin dito.
Yes, Sobrang daming naenganyo nung nakita nila na patuloy lang sa pag taas ang crypto at wala gusto mag paiwan kaya nag invest ng walang ganoong kadaming alam sa crypto. Common story na siguro after bull run yung mga tao na nag shshare ng losses nila sa social media, Well even me may hinanakit last bear market pero naka recover naman at nakabawi nung recent bull market. I just hope na lahat ng pumasok sa crypto at nalugi is mag patuloy sa pag gain ng knowledge about crypto para maintindihan nila na tayo ay nasa may market cycle. Next bull run for sure dadami ulit at mag hyhype ulit ang crypto sa bansa natin, sigurado ako na next bull run is mas knowledgable na ang mga tao about crypto.
hero member
Activity: 2366
Merit: 594
Hindi nakakapagtaka na 2nd tayo kasi since 2018 siguro marami na din nag kicrypto sa Pilipinas pero tahimik lang. At mas lalong dumami ito ngayon dahil na din sa mga p2e games tulad ng sikat ng axie na talagang nagboom. Andaming na involve sa crypto gawa ng din ng inooffer nitong scholarship. At isang tulong din dito yung pandemic, kasi mas naghanap ng pagkakakitaan ang mga kababayan natin online at ito ang natagpuan nila. At I think dagdag din dito yung pagiging isa natin sa may pinakamataas na bilang na gumagamit ng social sites like facebook, youtube etc. at ito ang mas naka impluwensya sa iba. At marami pa ding p2e games ang kinababaliwan ng iba, tulad ng mir4, thetan etc. at kahit na ganito ang kasalukuyang sitwasyon ng market, sa napapansin ko, patuloy pa rin sila sa paglalaro at paghahanap ng mga bagong p2e games.

Sa totoo lang, mas lalong namulat ang mga Pilipino sa cryptocurrency noong kasagsagan ng pandemya. Maraming nawalan ng trabaho kasabay naman ng pagpasok ng NFT sa ating bansa. Marami ang nakita ang potensyal ng crypto para makapagsalba ng marami sa atin sa kahirapan. Isa na ring dahilan ang paghahype ng mga pinoy na kung saan marami ang bumibili ng crypto dahil sa chance na makakuha ng malaking profit. Marami ring big time investors dito sa atin na sumasabay sa hype lalo na ang mga malalaking personalidad. Sa kabilang banda, marami pa din ang nalulugi dahil sa kakulangan ng kaalaman sa crypto investment. Mali kasi ang mindset ng iba na madali kang yayaman sa crypto.

Nataon pa na bull cycle last year kaya sobra ang naging hype ng crypto sa mga pinoy lalo na sa baguhan. Akala nila ay patuloy ito na tataas kaya di sila nagdalawang isip na mag-invest ng malaking halaga sa crypto at mga nft games. Marami tuloy akong nakikita sa social media ngayon na halos iinvest na ang kanilang savings makapag-invest lang sa crypto noong nakaraang taon at ngayon ay balik sila sa umpisa dahil sa malaking talo. Hindi lang dapat sa pagiging top ownership ng crypto ang i-achieve natin para sa ating bansa kundi dapat magkaroon din ng sapat na kaalaman ang mga kababayan natin dito.
full member
Activity: 1708
Merit: 126
Hindi nakakapagtaka na 2nd tayo kasi since 2018 siguro marami na din nag kicrypto sa Pilipinas pero tahimik lang. At mas lalong dumami ito ngayon dahil na din sa mga p2e games tulad ng sikat ng axie na talagang nagboom. Andaming na involve sa crypto gawa ng din ng inooffer nitong scholarship. At isang tulong din dito yung pandemic, kasi mas naghanap ng pagkakakitaan ang mga kababayan natin online at ito ang natagpuan nila. At I think dagdag din dito yung pagiging isa natin sa may pinakamataas na bilang na gumagamit ng social sites like facebook, youtube etc. at ito ang mas naka impluwensya sa iba. At marami pa ding p2e games ang kinababaliwan ng iba, tulad ng mir4, thetan etc. at kahit na ganito ang kasalukuyang sitwasyon ng market, sa napapansin ko, patuloy pa rin sila sa paglalaro at paghahanap ng mga bagong p2e games.

Sa totoo lang, mas lalong namulat ang mga Pilipino sa cryptocurrency noong kasagsagan ng pandemya. Maraming nawalan ng trabaho kasabay naman ng pagpasok ng NFT sa ating bansa. Marami ang nakita ang potensyal ng crypto para makapagsalba ng marami sa atin sa kahirapan. Isa na ring dahilan ang paghahype ng mga pinoy na kung saan marami ang bumibili ng crypto dahil sa chance na makakuha ng malaking profit. Marami ring big time investors dito sa atin na sumasabay sa hype lalo na ang mga malalaking personalidad. Sa kabilang banda, marami pa din ang nalulugi dahil sa kakulangan ng kaalaman sa crypto investment. Mali kasi ang mindset ng iba na madali kang yayaman sa crypto.
hero member
Activity: 1568
Merit: 549
Be nice!
Mahirap malaman pero yes, mostly talaga altcoints at panigurado yung iba dito ay nagsimula sa NFT which is ok naman as long as nagiinvest sila sa good projects. Maraming pumapasok kapag bull market at marame ren ang umaalis kapag masyadong alanganin na sila on bear trend pero for sure babalik ren naman talaga sila
Later on. Magandang balita ito actually, at sana ay patuloy paren tayo sa pag adopt, wag lang talaga mapunta sa maling project.
The thing kasi sa NFT ay kung hype ang project doon mo lang malalaman kung may liquidity ba rito, so far, yun ang kailangan ng merkado. Sa bear market kadalasang umaalis rito yung mga paper hands at yung dumarating ay ang mga gustong mag invest o makabili ng mas murang coins, NFTs at kung ano-ano pa.

Kung may indikasyon lang talaga na yung mga sumama sa survey ay identified as investors or alam natin na coins ang nasa sa kani-kanilang mga wallets ay tiyak na magandang balita nga iyan for adoption pero mag speculate lang tayo rito. Hindi naman masama kasi talagang aware tayong mga pinoy rito at iyon ang mahalaga na pag aralan.
Almost yan lang din naman ang dahilan kung maraming "crypto investors" sa NFT games or projects ay dahil lang sa hype. Sobrang konti lang sa kababayan natin ang nag-DYOR when it comes sa investment at mostly ay umaasa sa mga content creators sa iba't ibang social media platform.

Unfortunately, when it comes to crypto, mostly speculation lang talaga ang magagawa natin lalo na sa ganitong klase na survey kasi yung owner ng address ay pwedeng ma-dox which is not a good sign for security.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Ang tanong, ano o anu-anong mga crypto coins/token ba ang hawak ng mga Pinoy? Sa tingin ko almost who answered the survey ay altcoins ang sagot, just my wild guess. Hindi naman masama kasi it means aware ang mga Pinoy sa crypto, pero historically minsan napag-uusapan or nagkakaroon lang ito ng gana kapag nasa bull market tayo.
Mahirap malaman pero yes, mostly talaga altcoints at panigurado yung iba dito ay nagsimula sa NFT which is ok naman as long as nagiinvest sila sa good projects. Maraming pumapasok kapag bull market at marame ren ang umaalis kapag masyadong alanganin na sila on bear trend pero for sure babalik ren naman talaga sila
Later on. Magandang balita ito actually, at sana ay patuloy paren tayo sa pag adopt, wag lang talaga mapunta sa maling project.
The thing kasi sa NFT ay kung hype ang project doon mo lang malalaman kung may liquidity ba rito, so far, yun ang kailangan ng merkado. Sa bear market kadalasang umaalis rito yung mga paper hands at yung dumarating ay ang mga gustong mag invest o makabili ng mas murang coins, NFTs at kung ano-ano pa.

Kung may indikasyon lang talaga na yung mga sumama sa survey ay identified as investors or alam natin na coins ang nasa sa kani-kanilang mga wallets ay tiyak na magandang balita nga iyan for adoption pero mag speculate lang tayo rito. Hindi naman masama kasi talagang aware tayong mga pinoy rito at iyon ang mahalaga na pag aralan.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
For sure Axie at Mir4 ang nagpataas ng ranking ng Philippines sa survey na ito since kitang kita naman kung gaano kalaki ang influence ng mga gaming NFT lalo na yung free to earn lang sa mga pinoy.

Typical pinoy thinking kasi ay gusto lagi ng passive income sa minimal work done or laro2 lng kaya minsan yung iba inaasa na talaga sa gaming NFT yung source of income at iniwan na ang trabaho na hindi kinoconsider yung scenario na babagsak yung price ng token at liliit ang rewards sa long run.

Madami akong kilala na nagresign sa trabaho dahil naginvest at kumita na ng malaki sa axie dito. Diko lng sure kung nireinvest pa nila yung profit nila bago mag dump ang axie.
Naging malaki talaga ambag ng Axie at ibang mga P2E games sa bansa natin since last year. Para sa akin maganda naman naging epekto kahit na madaming losses at experiences kasi mas naging madaling naunawaan ng mga kababayan natin ang crypto.
Yun nalang yung tinitignan kong magandang nangyari kahit na nakakaawa na marami tayong mga kababayan ang nagkaroon ng hindi magandang experience pero sa mga nagpatuloy, good luck sa venture nila at investments nila sa crypto. Tayo tayo pa rin magkikita kapag bull run.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
For sure Axie at Mir4 ang nagpataas ng ranking ng Philippines sa survey na ito since kitang kita naman kung gaano kalaki ang influence ng mga gaming NFT lalo na yung free to earn lang sa mga pinoy.

Typical pinoy thinking kasi ay gusto lagi ng passive income sa minimal work done or laro2 lng kaya minsan yung iba inaasa na talaga sa gaming NFT yung source of income at iniwan na ang trabaho na hindi kinoconsider yung scenario na babagsak yung price ng token at liliit ang rewards sa long run.

Madami akong kilala na nagresign sa trabaho dahil naginvest at kumita na ng malaki sa axie dito. Diko lng sure kung nireinvest pa nila yung profit nila bago mag dump ang axie.

Yun nga kabayan, tama yung assessment mo ung mga taong kumita sa axie at dun sa iba pang mga play to earn na investment madami sa kanila nakakilala sa crypto at akala ganun lang talaga kadali yung business. Merong mga kumita at madami rin yung mga nalugi, alam naman natin na nung sobrang hype ni axie andami talagang nagsisabay pero ngayong halos kapiranggot na lang yung tubo kawawa yung mga nahuli.

Pero kung aaralin pa nilang ng mas malalim ang crypto since nandito na rin naman sila baka mas madami pang mapapakinabangan sa labas ng mga play to earnat madami pang matutong mga pinoy patungkol sa crypto.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
Ang tanong, ano o anu-anong mga crypto coins/token ba ang hawak ng mga Pinoy? Sa tingin ko almost who answered the survey ay altcoins ang sagot, just my wild guess. Hindi naman masama kasi it means aware ang mga Pinoy sa crypto, pero historically minsan napag-uusapan or nagkakaroon lang ito ng gana kapag nasa bull market tayo.
Mahirap malaman pero yes, mostly talaga altcoints at panigurado yung iba dito ay nagsimula sa NFT which is ok naman as long as nagiinvest sila sa good projects. Maraming pumapasok kapag bull market at marame ren ang umaalis kapag masyadong alanganin na sila on bear trend pero for sure babalik ren naman talaga sila
Later on. Magandang balita ito actually, at sana ay patuloy paren tayo sa pag adopt, wag lang talaga mapunta sa maling project.
full member
Activity: 812
Merit: 126
Hindi nakakapagtaka na 2nd tayo kasi since 2018 siguro marami na din nag kicrypto sa Pilipinas pero tahimik lang. At mas lalong dumami ito ngayon dahil na din sa mga p2e games tulad ng sikat ng axie na talagang nagboom. Andaming na involve sa crypto gawa ng din ng inooffer nitong scholarship. At isang tulong din dito yung pandemic, kasi mas naghanap ng pagkakakitaan ang mga kababayan natin online at ito ang natagpuan nila. At I think dagdag din dito yung pagiging isa natin sa may pinakamataas na bilang na gumagamit ng social sites like facebook, youtube etc. at ito ang mas naka impluwensya sa iba. At marami pa ding p2e games ang kinababaliwan ng iba, tulad ng mir4, thetan etc. at kahit na ganito ang kasalukuyang sitwasyon ng market, sa napapansin ko, patuloy pa rin sila sa paglalaro at paghahanap ng mga bagong p2e games.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Maganda din sana malaman kung anong klaseng crypto ang hawak. Baka kasi yung iba eh mga walang kwenta tapos sasagot sila ng 'yes' sa survey form.

Yes, interesado rin akong malaman, pero sa speculasyon ko, either bitcoin or yung AXS nga. Dahil katulad ng sinabi ko, sumikat to ng husto sa Pilipinas lalo na nung may covid-19 lockdown at walang ginawa ang tao kundi maglaro nito.

Although may numbers na lumabas parang sa tingin ko at katulad nang nasilip mo may sablay ng konti.

Sa experience ko naman, siguro may mga 5 taong nagtanong sakin tungkol sa crypto, at 4 nito ay patungkol sa bitcoin at isa sa AXS.

Sa katunayan, at kung hindi ako nagkakamali, isa sa mga unang thread dito sa local natin tungkol sa AXIE nung hindi pa masyado putok, The NFT Game That Makes Cents for Filipinos During COVID. 2 pages lang ang inabot ng diskusyon pero tiyak maraming naglaro nito at kumita ng malaki para sa tin ng nalaman to.  Grin

Pero bakit marami parin sa ating ang hirap magpayaman o sabihin gamitin sa tama gamit ang crypto currency na hawak ng isang Pilipino?

Dahil marami sa ating kababayan ang mahilig sa get-rich-quick schemes at "easy money". Un rin ung rason kung bakit sobrang hit na hit saatin dito ung e-sabong at pagsugal in general; pati na rin ung dami ng taong napapaloko sa mga pyramid schemes.

Tama, at masasabi ko na malamang walang tyagang mag hold o alamin talaga ang crypto, basta alam nila yayaman agad. At mas gugustuhin ang mag sugal na mas mataas ang risk o yung mga taong one day millionaire.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Ang tanong, ano o anu-anong mga crypto coins/token ba ang hawak ng mga Pinoy? Sa tingin ko almost who answered the survey ay altcoins ang sagot, just my wild guess. Hindi naman masama kasi it means aware ang mga Pinoy sa crypto, pero historically minsan napag-uusapan or nagkakaroon lang ito ng gana kapag nasa bull market tayo.
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
Fun fact: isa ang Pilipinas sa pinaka maraming users ng MetaMask dahil sa Axie Infinity.

So mostly, ang karamihan e hindi talaga nila alam kung ano ang "crypto" dahil ang alam lang nila mostly is SLP, AXS, at Axies (baka nga hindi nila alam na NFTs ang Axies).

Agree at saka i-add pa natin yong mga taong napipilitan na gumawa ng account sa Binance at bumili ng USDT para ilipat sa address na inilaan daw ng ASJ para sila makap-trade sa forex at dodoble daw ang pera nila sa loob lang ng isang buwan through forex signals na binibigay nila.

Bottomline, napilitan yong mga kawawa nating mga kababayan na mag-angkin ng crypto hindi dahil gusto nila ngunit dahil sa kagustuhan nila na yumaman ng madalian pero hindi alam yong pinapasok nila.
Napilitan man o hinde, at least we have those good numbers and magandang simula na ito para sa hinahangad naten na adoption.
Most probably, yung mga naginvest sa Axie ay alam na ngayon kung ano ba talaga ang sitwasyon dito sa cryptomarket and alam na ren nila na hinde palaging profit dito sa market and sana hinde sila matakot na sumubok ulit.

Kung magpapatuloy ito, panigurado maraming magagandang project pa ang papasok dito sa Bansa naten kase alam na nga nila na familiar na tayo sa crypto at talagang marame ang nagiinvest dito. This is still a good progress. Smiley
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Fun fact: isa ang Pilipinas sa pinaka maraming users ng MetaMask dahil sa Axie Infinity.

So mostly, ang karamihan e hindi talaga nila alam kung ano ang "crypto" dahil ang alam lang nila mostly is SLP, AXS, at Axies (baka nga hindi nila alam na NFTs ang Axies).

Agree at saka i-add pa natin yong mga taong napipilitan na gumawa ng account sa Binance at bumili ng USDT para ilipat sa address na inilaan daw ng ASJ para sila makap-trade sa forex at dodoble daw ang pera nila sa loob lang ng isang buwan through forex signals na binibigay nila.

Bottomline, napilitan yong mga kawawa nating mga kababayan na mag-angkin ng crypto hindi dahil gusto nila ngunit dahil sa kagustuhan nila na yumaman ng madalian pero hindi alam yong pinapasok nila.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
dahil na rin siguro yan sa biglang pag dami ng NFT games/play to earn games at as kagustuhan ng kababyan nation na kumita. mas lalo pa siguro dadami yan since parang mas magiging open ata sa crypto adoptin ang administration ni marcos.

-snip
try reading the article BitPinas released https://bitpinas.com/feature/philippines-ranks-2nd-in-crypto-ownership-survey/
Yes, one of the reason ng mass adoption dito sa lugar naten si yung mga NFT games especially the top one pero right now, unti unti na naman ito nababawasan because of the market situation, para bang yung iba ay seasonal lang pumapasok sa cryptomarket. Well, this is something to be proud of, meaning lang nito para sa akin ay supportive talaga ang ating gobyerno, kinakabahala ko lang is pag may regulations na kase panigurado magiging limitado na ang lahat if ever.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
Pero accurate kaya yung survey na ito?
Hindi...

  • Hindi natin alam kung totoo yung mga sagot ng respondents!
  • A lot could go wrong with wrong sampling strategy and inconsistent sample size!
  • Hindi ako magtataka if most of those who think they own some crypto, are actually keeping it in centralized exchanges or custodial wallets [sa ibang salita, they own nothing]!

^ Total nyan 101.2%. Rounding error lang siguro pero parang malaki na ang over 1% difference para dyan.
Nakalimutan nilang isama sa listahan ang Solana kaya it gave the wrong impression [you can have multiple currencies at the same time Tongue]...
- Eto ang "original source".

Isa pang kinagulat ko yung 74% daw ng mga Pinoy ay aware daw sa crypto ownsership.
With the internet penetration rate of only 68% [as of Feb 2022], sigurado ako hindi ito accurate!
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Pero bakit marami parin sa ating ang hirap magpayaman o sabihin gamitin sa tama gamit ang crypto currency na hawak ng isang Pilipino?

Simple lang naman ang sagot dyan.  Ito ay ang kakulangan sa kaalaman kung paano imamaximize ang mga opportunity na offer ng crypto industry.  Karamihan kasi sa mga pumapasok sa cryptocurrency ay mga taong nahype dahil sa kwento ng mga kaibigan nila.


Sa aking Facebook feed nga, madami nag share nito at nagsabing “BIR is waving”, “tax tax tax”, etc. Madami pa rin na ayaw ng crypto tax dito sa Pinas, kasi ang dami pa rin na uneducated tungkol dito. Sa ibang bansa nga eh may crypto tax nga eh, so why not tayo rin para naman sa ekonomiya ng Pinas.

Normal lang ang magtax tayo sa gobyerno kapag nagkaroon tayo ng gain sa mga crypto ventures natin at iconvert natin ito sa cash for profit.  Nasa Saligang Batas yan.

In my opinion, siguro ang daming holders because ang dami rin shitcoins sa wallet nila nga na stuck sila at na rug pull pati mga honeypots, aside sa mga tokens mula sa legit projects and also in Bitcoin trading.  

Tingin ko hindi pinagbasehan ang dami ng token sa isang address kung hindi ang dami ng address na nagamit ng mga tao.

Sa ngayon kasi okay ako sa taxes, pero pag sinabing ma tax tayo sa unrealized gains at separate yung pambayad ng crypto tax sa normal taxes naten, edi syempre argue ako dyan.
Unrealized gain nga eh.. bakit lalagyan ng tax yan?

Gains do not affect taxes until the investment is sold and the gain is realized.
hero member
Activity: 1568
Merit: 549
Be nice!
Sa aking Facebook feed nga, madami nag share nito at nagsabing “BIR is waving”, “tax tax tax”, etc. Madami pa rin na ayaw ng crypto tax dito sa Pinas, kasi ang dami pa rin na uneducated tungkol dito. Sa ibang bansa nga eh may crypto tax nga eh, so why not tayo rin para naman sa ekonomiya ng Pinas.

In my opinion, siguro ang daming holders because ang dami rin shitcoins sa wallet nila nga na stuck sila at na rug pull pati mga honeypots, aside sa mga tokens mula sa legit projects and also in Bitcoin trading. 

Lalo na malaki utang natin ngayon dahil sa pandemya, parang trillions ata. Na propose nga ng DOF na suspendihin ang tax exemptions at i-increase ang taxes naten sa bansa kahit ordinaryong worker lang tayo. Included din kasi sa proposal nila sa Marcos administration ang cryptocurrency taxes.

Sa ngayon kasi okay ako sa taxes, pero pag sinabing ma tax tayo sa unrealized gains at separate yung pambayad ng crypto tax sa normal taxes naten, edi syempre argue ako dyan.
Actually crypto taxation ay hindi na old news yan kaso up until now wala pa ring nangyayari siguro isa sa mga dahilan kung bakit is due to lack of knowledge na rin especially sa mga nakaupo sa gobyerno.
Also, Please don't compare taxation ng ibang bansa sa taxation sa pinas. Yung income, ekonomiya at pamamalakad ng gobyerno sa kanila ay ibang iba compared satin.
Yes, Trillions ang utang ng ating bansa at maiging taasan ang ngunit yung pinapamukha na satin yung corruption, pagnanakaw at mga illegal na "proyekto" ng gobyerno kaya sobrang may tutol dito.
Lastly, sa sobrang dali natin maakit sa mga "get rich scheme" kaya isa rin tayo sa pinakamaraming holders. Memecoins, shitcoins, NFT games, crypto endorsed by youtubers, sobrang dali sa ating mga kababayan sumali dyan. Pero when in comes to amount of investments, I doubt na mapapasama tayo sa ranking dyan.
hero member
Activity: 2282
Merit: 659
Looking for gigs
Sa aking Facebook feed nga, madami nag share nito at nagsabing “BIR is waving”, “tax tax tax”, etc. Madami pa rin na ayaw ng crypto tax dito sa Pinas, kasi ang dami pa rin na uneducated tungkol dito. Sa ibang bansa nga eh may crypto tax nga eh, so why not tayo rin para naman sa ekonomiya ng Pinas.

In my opinion, siguro ang daming holders because ang dami rin shitcoins sa wallet nila nga na stuck sila at na rug pull pati mga honeypots, aside sa mga tokens mula sa legit projects and also in Bitcoin trading. 

Lalo na malaki utang natin ngayon dahil sa pandemya, parang trillions ata. Na propose nga ng DOF na suspendihin ang tax exemptions at i-increase ang taxes naten sa bansa kahit ordinaryong worker lang tayo. Included din kasi sa proposal nila sa Marcos administration ang cryptocurrency taxes.

Sa ngayon kasi okay ako sa taxes, pero pag sinabing ma tax tayo sa unrealized gains at separate yung pambayad ng crypto tax sa normal taxes naten, edi syempre argue ako dyan.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Isa pang kinagulat ko yung 74% daw ng mga Pinoy ay aware daw sa crypto ownsership. Kung pagbabasehan natin ang voting population ng Pinass, that translate to around 48 Million (74% * 65M). Ang taas nyan lalo na kung idagdag pa yung 16 to 17 years old na kasama sa survey.

Parang alanganin nga talaga sa tingin ko. Unless na ang ibig sabihin nila dun is ung 74% na yan ay alam lang nila ung word na "crypto" dahil narinig nila kung saan man, pero hindi necessarily ibig sabihin na alam nila kung ano talaga ibig sabihin nun.

Kahit nga karamihan ng Axie scholars mismo hindi nga nila alam kung ano ang ibig sabihin ng crypto. Angdami dami sa social media na nahack ung wallets nila, tapos sinisisi nila ung team ng Axie kasi hindi nila kayang i-recover ung funds LOL.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Salamat. Mas marami nga detalye dito.

May problema nga lang dito:

Quote
In addition, the survey also found that Bitcoin is the most popular crypto in the country, 37.8% of the 12 million crypto owners having BTC in their wallets.

Next to BTC as the most popular are Dogecoin (DOGE) at 22.3%, Ripple (XRP) at 21.9%, and Ethereum (ETH) at 19.2%
^ Total nyan 101.2%. Rounding error lang siguro pero parang malaki na ang over 1% difference para dyan.

Although bumaba daw yung number of Pinoy crypto owners from their January 2022 (15.5 Million) to April 2022 (12 Million) report, hindi ko inaasahan na ganyan na karami.

Isa pang kinagulat ko yung 74% daw ng mga Pinoy ay aware daw sa crypto ownsership. Kung pagbabasehan natin ang voting population ng Pinass, that translate to around 48 Million (74% * 65M). Ang taas nyan lalo na kung idagdag pa yung 16 to 17 years old na kasama sa survey.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Tingin ko ang pinakadahilan talaga at pinaka nakacontribute ay yung hype ng Axie Infinity. Yan na rin naging way para mamulat yung mga kababayan natin sa paghold at trade ng cryptocurrencies. Magandang balita ito tapos may lalabas pa na ta-taxan na daw by next year or by 2024 ang crypto sa bansa natin. Lumalawig na yung adoption sa bansa natin kaya expect na natin yung mga strict enforcement na rule tulad ng taxation. Ang ganda lang ng nangyari kasi after ng hype ng NFT games, sabay dating namang ng bear market tapos naging dahilan yan para matuto lahat ng bagong pasok.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1119
dahil na rin siguro yan sa biglang pag dami ng NFT games/play to earn games at as kagustuhan ng kababyan nation na kumita. mas lalo pa siguro dadami yan since parang mas magiging open ata sa crypto adoptin ang administration ni marcos.

-snip
try reading the article BitPinas released https://bitpinas.com/feature/philippines-ranks-2nd-in-crypto-ownership-survey/

member
Activity: 70
Merit: 18
Pero bakit marami parin sa ating ang hirap magpayaman o sabihin gamitin sa tama gamit ang crypto currency na hawak ng isang Pilipino?

Dahil marami sa ating kababayan ang mahilig sa get-rich-quick schemes at "easy money". Un rin ung rason kung bakit sobrang hit na hit saatin dito ung e-sabong at pagsugal in general; pati na rin ung dami ng taong napapaloko sa mga pyramid schemes.
tama po, ito ung mindset na di mawawala sa ating kapawa Pilipino ang "get-rich-quick schemes at easy money.. isa narin siguro ito sa dahil kung bakit maraming sa atin din ang tumataya sa lotto hehe
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Pero bakit marami parin sa ating ang hirap magpayaman o sabihin gamitin sa tama gamit ang crypto currency na hawak ng isang Pilipino?

Dahil marami sa ating kababayan ang mahilig sa get-rich-quick schemes at "easy money". Un rin ung rason kung bakit sobrang hit na hit saatin dito ung e-sabong at pagsugal in general; pati na rin ung dami ng taong napapaloko sa mga pyramid schemes.
member
Activity: 70
Merit: 18
Kamangha mangha ng tayo ay rank 2nd in terms of owning of crypto currency. Pero bakit marami parin sa ating ang hirap magpayaman o sabihin gamitin sa tama gamit ang crypto currency na hawak ng isang Pilipino? Marahil ang isa sa pinakamalaking suliranin nito ay ang Pilipino ay di gaano educated pagdating sa word na "crypto" kumbaga ung mindset is not for long term probably dahil narin sa economy natin kaya mahirap ang buhay dito sa Pilipinas ay nabebenta ng maaga ung token kahit ito ay may potential na maging mataas ang value in the next few years. Mas maganda siguro na magkaroon ang Pilipinas ng tutorial or refresher mula sa kilalang crypto analyst sa bansa ito ay opinion ko lamang.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Fun fact: isa ang Pilipinas sa pinaka maraming users ng MetaMask dahil sa Axie Infinity.

So mostly, ang karamihan e hindi talaga nila alam kung ano ang "crypto" dahil ang alam lang nila mostly is SLP, AXS, at Axies (baka nga hindi nila alam na NFTs ang Axies).
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
And siguro yung pagsikat din ng Axie dito sa tin ay nagmulat sa iba tungkol sa crypto market at sugod agad sa coins.ph para gumawa ng account hehehe.
Sa tingin ko tama ka yung axie ang naging isa sa nagpasikat ng crypto dito satin. Maraming na engganyo maglaro dahil malaki ang kitaan lalo na noon na kasagsagan talaga. Kahit nga dito samin na hindi alam ang tungkol sa crypto eh natuto dahil sa axie, yun ang naging umpisa para sa kanila na maging investors na rin.

Pero accurate kaya yung survey na ito? Iba kasi yung mga nababasa ko at malayo sa top 2 rank ang bansa natin.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~ And siguro yung pagsikat din ng Axie dito sa tin ay nagmulat sa iba tungkol sa crypto market at sugod agad sa coins.ph para gumawa ng account hehehe.
Dati pa naman may mga scams/pyramiding schemes na ginagamit pangalan ng BTC pero sa tingin ko eto talaga nagpadami ng crypto users dito sa Pinas. Alam naman natin na marami-rami tayong mobile gamers dito bago pa pumutok ang P2E kaya mabilis kumalat ang Axie at iba pang NFT games.

Sayang lang at hindi natin makita ibang detalye ng survey/research nila. Buti nabanggit na crypto-savvy tayo pero maari din kasi na marami lang din talaga sa atin ang walang pakialam sa privacy kaya willing mag-participate o disclose info sa mga surveys na yan. Tapos sa ibang bansa ayaw nila sumali dahil baka bawal o kaya naman ay ayaw nilang malaman ng kanilang Gobyerno at biglaan maging strikto.

Maganda din sana malaman kung anong klaseng crypto ang hawak. Baka kasi yung iba eh mga walang kwenta tapos sasagot sila ng 'yes' sa survey form.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Nabasa ko lang to

Quote
Well, if you’re based in the Philippines, that probability is almost certain: You own Bitcoin or some form of cryptocurrency.

According to a Q4 2021 broad global survey by GWI—an audience targeting company known for its market research data—the Philippines ranks second when it comes to “ownership of cryptocurrency.”

The Southeast Asian country reported 22.7 percent crypto owners among internet users aged 16 to 64. Only Turkey is ahead of the Philippines, registering 23.8 percent crypto users.

https://www.sunstar.com.ph/article/1929944/cebu/lifestyle/report-ph-ranks-2nd-in-ownership-of-cryptocurrency

So pangalawa daw tayo as far as owning bitcoin, siguro nga lumalaki na talaga ang nakakaalam sa tin sa Pilipinas ng bitcoin kaya hindi rin ako nagtataka. Kungsabay, ang dami ng scammers dito sa tin, marami na rin na report tungkol sa mga pyramiding involving crypto and bitcoin. And siguro yung pagsikat din ng Axie dito sa tin ay nagmulat sa iba tungkol sa crypto market at sugod agad sa coins.ph para gumawa ng account hehehe.
Jump to: