Nakita ko yung return na pinapangako nito sa balita at ito yung 400% boom! sobrang laki at ang dami paring naniniwala sa mga ganitong uri ng investment scheme. Halata namang ponzi scheme pero mga kababayan natin nagte-take ng risk at umaasa na makakaexit ng basta basta.
The closure of KAPA will lead to these investment scams to stop their operation as they are facing a legal charge here which is very serious in punishment.
This is people of the Philippines vs their business as it's the president who personally ordered for the closure.
Mabuti nga yung gobyerno natin nangingialam na sa mga ganito hindi tulad ng mga nakaraang administrasyon, may mga napasara din naman pero hindi ganun ka active katulad ng ginagawa ng gobyerno natin ngayon.
Hindi naman ito magboboom kung walang reputable na kakilala ang mga tao na naginvest dito. Like for example, karamihan sa mga nabibiktima nito ay mismong mga empleyado ng gobyerno lalo sa sa army. Kapag naengganyo ang isang heneral o mataas ang katungkulan sa sistemang ito,
lahat ng personel under sa kanyang command ay ipapamember. Take note nangyayari na ito way back 17 years ago. . at until now hindi pa rin natututo ang mga tao tungkol sa ganitong scam. Kung sabagay, kung leader ng, sabihin nating, religious group ang maginvite sa mga nasasakupan nya, hindi makakatanggi ang mga tagasunod nito. Iyan ang nakikita kong nagiging dahilan kung bakit kinakagat pa rin ng mga tao ang ganitong scam investments.
Magkano lang din kasi ang sahod ng kawani ng gobyerno. Kaya yung iba napipilitan maghanap ng ibang pagkakakitaan o investment na 'sure' silang kikita sila. Sa kaso naman ni general, hindi niya dapat yun ginawa at hindi niya na sana hinimok yung mga tauhan niya na mag invest. Kaso nga lang ang kulang, hindi sila financial literate at marami pa silang hindi na experience na scam kaya tingin nila yung mga ganitong uri ng investment ay legit at kapag magbasa ka lang ng mga comment sa social media ang daming pumoprotekta sa scam kasi nga nakareceive sila ng payout. Pero hindi nila alam nag-collapse na pala yung investment scam nila.
A Mall's glass doors were recently wreaked dahil dito sa RIGEN. Nag-uunahan mga tao na makapasok sa mall para kuno makapag-payout sila from this investment platform.
I constantly advise those people within my reach not to get into this clear ponzi-scheme investment platform; pero walang nakikinig.
People tend to ignore all types of signs and warnings kapag pera na pinag-uusapan. They become more and more desperate to grasp that easy money.
When this blows up, kawawa yung mga huli na nagpasok ng pera, walang matatanggap. tsk.
Napanood ko yung video na yun, ang mahalaga doon nagawa mo yung part mo at wala na tayong magagawa kasi kapag nabulag ang isang tao sa ganyang uri ng investment magigising lang yan after ma-experience na ma scam sila. Ika nga, lesson learned.