First of all, I wasn't expecting that sooner I'll become a senior member, especially with the help of our local members who really support me to attain this turning point in this forum. Each and every one of us have different goals and milestone that needs to achieve, it depends on how you will execute just to fulfill that objectives.
Sa totoo lang, kung hindi dahil sa inyo hindi ko makakamtan yung ganitong point sa forum na ito. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa mga posts ko. Sana lahat tayo dito magtulungan para lahat tayo maggrow at matutunan yung mga bagay na dapat pa nating matutunan. Hindi madaling magrank up lalo na't minsan may mga taong hinihila ka pababa pero maraming salamat parin sa mga taong nageencourage and nagmemerit. Naalala ko noon nung August 2017, sa taon na to hindi ko alam kung pano sisimulan hanggang sa natuto nalang ako ng natuto mula sa iba't ibang local members dito.
Ang pinakanagustuhan ko dito ay yung mga discussion na napakacritical, lalo na yung mga topics na maganda yung content. Noong nakakakita at nakakabasa ako ng mga ganon, lalo ako nainspire maghanap pa ng marami pang impormasyon at dun na nagsimula yung pagkatuto ko dito sa forum na to. Lumawak yung mga nalalaman ko at yung pagiisip ko tungkol sa mga bagay bagay sa mundo. Ang kailangan mo dito ay informative na posts, yung content na napapanahon, yung mga topic na kung saan lahat makakarelate at may maibibigay na opinyon.
Kung naguumpisa ka palang, wag na wag mong iisiping sumuko lalo na't hindi mo pa nararating yung gusto mong mapuntahan. Kapag nagsimula ka sa pinakamababa, asahan mong wala ka ng ibang pupuntahan kundi ang paangat lang. Hindi mo naman kailangan magmadali, kailangan mo lang palawakin ang isipan mo at patuloy na matuto. Lahat naman ng Hero member o Legendary member sa forum na ito ay naranasan ding maging newbie. Basta't lagi mo lang gagawing informative yung posts mo para maenlighten din yung ibang member dito sa mga topics na pinost mo.
Kapag nanotice yung posts mo at nakita nilang deserve mo mabigyan ng merit, maging patient ka lang. Ibibigay nila ang merit na nararapat sayo galing sa mga local members dito. Lahat naman siguro ng tao marunong umappreciate ng gawa ng iba, hintay mo lang at darating din yung breakthrough mo.
Uulitin ko, hindi ko makakamtan yung pagiging senior member kung hindi dahil sa inyo kapwa ko local members. Thank you sa inyo, sana pagpatuloy lang natin yung pagappreciate sa posts ng iba.
Hoping na sana ay marami pang magagandang mangyare this 2020.