Hindi ko inaalis ang pagiging airdrop hunter kahit ngayon ngaairdrop parin ako pero meron akong napansin at nakikita ng aking mga kakilala na parang nagsshift na ang earning sa pagrun ng nodes bakit ko ito nasabi, as the crypto world progress marami na ang nagging airdrop hunter, at nagiging masikip nadin ito, marami na kayong nagaagawan sa spot at the same time marami nadin ang mga fake projects minsan ay nagiging dito nadin nagsisimula ang
dusting or crypto dust attacks kung saan nwawalan pa ang mga holders ng crypto kesa magkaroon.
Para magkaroon ka ng node syempre ito ang mga need mo.
- Computer with decent specs
- Good internet connections
- Basic skills sa Computer ofcourse , at kayang sumunod sa mga tutorials nila
- Another way naman is to have a VPS ito iyong mga virtual private servers babayaran mo sila monthly
Bagamat may bayad mahalaga na maintindihan din natin na hindi rin sure minsan kung kikita tayo or hindi, maraming nagkalat na vps ngaun na mura lang magrun ng monthly, around 300php or more.
Bakit ko ito shineshare? gusto ko din na maexperience nyo na magrun ng vps and hindi lang sa airdrop tayo mapako, at isa pa another skills unlock din at experience na matuto tayo sa ibang bagay, saka kung talagang into crypto tayo hindi natin ito maiiwasan kaya habang maaga makapagadapt tayo since ang technology and blockchain is improving , hindi naman pwede na mahuli tayo at ang masasabi lang natin ay alam natin, pero wala naman tayo experience about dito.
Meron akong mga kilala na kumikita running nodes, ako kumita narin at maari din naman kayong magrun ng vps for free basta resourceful lang kayo,
Ang masasabi ko na advantage ng running node is passive income, and incentives, for example nalang si gala node, alam kung narinig na ninyo ito
dati less 20k php lang isang node subalit umabit ng milyon ang isang node, passive income, pero for now mababa ang bigay nila,
nakikita ko kasing trend now ito, at marami nadin ang lumilipat gusto ko lang malaman ng iba na gustong subukan ang ganetong bagay, again
hindi ko kayo hinihikayat subalit, maari din tayo ditong kumita, at matuto
meron naba ditong nagrrun ng nodes? anung node nerrun mo at may kita kaba na passive?
sana makatulong ang post na ito, na malaman na meron ding ganetong bagay na pwede nating subukan.