Author

Topic: satoshi nakamoto iisang tao o grupo ng mga tao (Read 175 times)

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
January 04, 2020, 02:38:25 AM
#4
Sa tingin ko hindi na natin dagdagan pa ang mga topics tungkol sa kung sino si Satoshi Nakamoto (iisang tao man o grupo). Sa mga previous topics, wala din naman napatunayan at puro spekulasyon o conspiracy theories lang. Ganun din ang mangyayari sa thread na ito.

Ang alam ko lang hindi siya si CW.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 276
Yung pangalang satoshi nakamoto ay isan pen name or alyas eka nga. Bilang utak ng ngayong napakalaking bagay na bitcoin delikado para sa kanya kung hindi niya itatago ang tunay niyang pangalan lalo na at siya ang may hawak ng may pinakamalaking percentage ng bitcoin supply bilang creator nito, napakalaking panganib kung expose ang tunay na pagkatao niya sa mundo.
Sigurado akong hindi lang isang tao ang gumawa ng bitcoin/blockchain dahil kahit gano ka katalino kakaylanganin mo ng tulong sa gantong ka komplikadong bagay, maaring isang kompanya sila or ilang magkakaibigan.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Hindi naman talaga real name ang satoshi nakamoto, pseudonym yan kumbaga alyas kasi kung totoong pangalan ang ginamit niya, noon palang baka pinatigil na siya ng gobyerno at hinunting na siya kasi yung ginagawa niya ay against sa gobyerno. Walang nakakaalam kung sino ba talaga siya hanggang ngayon, kung grupo ba o isang tao lang na hindi inaasahan yung ginawa niya ay isang magiging hit at success sa mundo ng internet. Talagang pinangatawanan niya yung pagiging anonymous na character ng bitcoin (kahit na ayon sa iba ay hindi talaga anonymous ang bitcoin) at hindi na siya talaga nagpakita o di kaya namatay na din siya.
sr. member
Activity: 1106
Merit: 310
Hanggang ngayon para sa akin ay isang malaking palaisipan, kung sino nga ba itong si satoshi nakamoto
Marahil meron sa atin din ang nagiisip hanggang ngaun wala naba si satoshi o ang pangalan na ito ay
kumbinasyun ng mga initials ng mga tao , o di kaya naman si satoshi ay namatay na kasama ang milyon
milyon or libo libong bitcoin neto,
Napaisip ako, na maaring ginawa lang ang pangalan na ito para maiwasan na maitutok ang atensyun sa knila
ng gobyerno, maari diba?
pwede rin siguro na ang mga tao na naghhold ng pinakamadaming btc coins ay isa sa personalidad
sa likod ne satoshi maari din ito, mangyari,
kayo mga kabayan anu ang mga nasaisip nyo naisip nyo din ba itong naisip ko ngaun lang?
Jump to: