Legal ba ito dito sa KSA?
Meron na ba sa inyo na nakapag cash-out na sa bangko ng KSA?
Sa palagay nyo, pwede na ba tayong umuwi at mag "For Good" nalang kapag kumikita na rin tayo sa Crypto Currency?
As far as I'm aware of, wala pa pong malinaw na sagot sa tanong mo sa legality ng Bitcoin sa KSA. May mga nagsasabi po kasi na legal na ang paggamit ng Bitcoin at iba pang digital currencies sa nasabing bansa habang mayroon din po ang nagsa-cite ng babala ng Saudi Arabian Monetary Agency (SAMA) laban sa Bitcoin at virtual currency in general na tumataliwas po sa legality o acceptance nito diyan sa KSA.
Pagdating naman sa pagcash out ng bitcoins sa Saudi, sa naresearch ko po, mayroon po diyan ATM machine sa Jubail International Market sa King AbdulAziz St. kung saan pwede po kayong mag-withdraw ng bitcoins to fiat, o bitcoins to Saudi Riyal. Check mo nalang po, sir.
At sa panghuli mo pong tanong, pwede naman po kung malaki na po ang naipon mo. Pero syempre, mas advisable pa rin po na magsave sa fiat, pero nasa sa'yo na po kung ano po ang magiging desisyon mo.