Di parin eh kahit ilang beses na may paalala at ilang ulit na nababalita about scams patuloy parin yung iba sa pag invest sa mga scam since karamihan parin sa pinoy ay nadadala sa hype lalo na pag ito ay pino promote ng mga paborito nilang influencer. Last time Lele gold ang well promoted madami na scam ngayon naman yung phlwin casino naman ang talamak na promoted ng mga influencer although di sya ponzi scheme pero mali parin ang way ng pag promote since nag sasabi kasi sila na easy money ito kung maglalaro sila.
Kaya sana naman maging wais ang mga pinoy para di madala sa pag eenganyo at makapag isip sila ng matino lalo na sa usapang pera. Financial literacy ang kailangan matutunan ng mga pinoy at panahon na siguro ituro to sa paraalan since padami na ng padami ang scam insidente ng scam lalo na online.
Yun nga eh kunting pang uuto lang ng kanilang paboritong streamer ay ride agad sila. May pa disclaimer din kasi yang mga streamers na yan na DYOR daw para kunwari wala silang liability kung ma scam man follower nila at matanggap ng iba sa simula palang ang kahihinatnan nito. Kaya sana wag na umilit ang mga kababayan sa pag invest sa ganitong sistema since paulit ulit lang talaga silang inuuto at di matapos tapos tong mga scam nato kung mayron parin sasali at willing mag take ng risk sa pag invest sa mga ponzi scheme.