Author

Topic: Scammer arestado anak pala ni General (Read 868 times)

member
Activity: 462
Merit: 11
September 29, 2020, 08:34:11 AM
#36
kahiya hiya ang mga gumagawa ng ganitong pamamaraan sa paggamit ng bitcoin mining na kung saan biglang naglalaho ang moderator o pinuno ng mining ,lalo pat isang anak ng dating general ang sangkot sa krimen na ito.may mga tao talaga na kahit anong yaman na at kilalang pangalan ay hindi padin makuntento sa buhay ,marami ang nawawalan ng income o kabuhayan dahil sa scammer
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
September 23, 2020, 08:13:20 PM
#35
Well nakakalungkot at nakakainis ring isipin at the same time na may ganitong level na rin pala ng bitcoin related scamming sa bansa. Malamang sa malamang napagplanuhan niya ito sa matagal na panahon at lalo pang nagamit niya ang pangalan ng ama niya na general. Kung ako ang ama, napalaking paninira sa reputasyon na inaalagaan mo ng pagkatagal tagal tapos sisirain lang ng anak mo. Siguro kaysa sa mapatay pa siya ng mga naloko niya mas gusto ko nalang na makulong - kung ako ang ama of course.

Ngayon malaking sampal yan para sa mga bitcoin at cryptocurrency enthusiasts dito sa ating bansa kasi na step back ang tiwala ng mga investors sorry would be investors at mga tao sa finance at economy.
jr. member
Activity: 420
Merit: 1
September 23, 2020, 11:25:40 AM
#34
Sa wakas ay nahuli din itong tao na ito Malvin Tianchon, sapagkat napaka laking halaga ng pera ang kanyang nakulimbat sa mga taong kanyang naloko gamit ang BITCOIN at hindi man lang nahiya at nkakalungkot lang isipin sapagkat tatay pala nito si retired Brig. Gen. Lauro Tianchon.

Ilang years na actually itong wanted sa mga awtoridad and under surveillance for a month bago nahuli ng mga pulis. Isa siyang bitcoin miner before who operated this scam scheme and was able to scammed 1,000 bitcoin.

Quote
Wanted for years, a retired general’s son who had allegedly scammed a lot of people of money through the cryptocurrency Bitcoin, was finally caught by authorities in Parañaque City.

Malvin Tianchon was arrested on Tuesday by Pasay, Parañaque and Southern Police District lawmen based on a warrant issued by a Pasay judge for large-scale estafa.

Isa ito sa mga sumira sa imahe ng Cryptocurrency at ni Bitcoin dito sa ating bansa, kaya ang dapat dito ang mabulok sa bilangoan.

Code:
ref:
https://newsinfo.inquirer.net/1279116/generals-son-nabbed-over-bitcoin-scam?fbclid=IwAR11rDR9soLXo3pK9QJBKxuNN_a6dhXCEfiUhPE4Arl-nDfFIhbbYS1LvC8

hindi dapat kailangan kunsintihin ang sinumang klaseng tao na may kapangyarihan o kilalang nilalang ang kanilang pamilya ,lahat tayo nagsusumikap para matugunan ang pangangailangan ng bawat pamilya pero sa ganitong uri ng kalakaran ay hindi dapat palagpasin ang gumagawa ng ganitong klaseng krimen, lalo lang napapasama ang imahinasyon ng bitcoin sa mga masasamang loob para lamang makapangloko ng mamamayan
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
September 13, 2020, 10:11:11 AM
#33
After doing just a few minutes of research, looks like mejo sikat nga tong taong to.

He even has a website and Facebook page about him:

While the Inquirer article doesn't say much on how he does it, apparently his method is to ask for money to "unencrypt" his fake bitcoin wallet lmao. That, and selling people "investments" to his fake bitcoin mining farm.

Talamak na yung ganyan boss noon pa. I mean malakas gumawa ng illegal kasi porke malakas ang kapit sa batas. Kahit maraming naloko at nanakawan, for sure not guilty pa rin yan at di na papahabain pa ang kwento. Kawawa naman yung mga taong naloko nya. I don't know him but I think kaya nya ginagawa yan kasi kulang sya sa pansin? especially yung mga may ganyang tatay eh di talaga nabibigyan ng sapat na atensyon ng magulang, or maybe napapagalitan palagi kaya nagrerebelde.

Pero sana naman mabigyan ng hustisya yung mga biktima nya, sana maisoli yung perang nanakaw nyan.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
September 13, 2020, 06:26:28 AM
#32
Imagine kung hindi siya anak ng taong may koneksyon, sensational tong kaso na to sa Pinas, bago sa pandinig ng masa ang bitcoin scam so marami ang mahohook sa story, in hindsight good thing na kaunti lang ang nakakaalam kasi image nanaman ng bitcoin ang maaapektuhan. Mabuti at nahuli na siya.
Wrong mate,Hindi na bago sa Pinas ang Bitcoin Scam,actually kaya nga hirap tayo mapaunlad and Bitcoin at cryptocurrency sa Pinas dahil sa mga ganitong pangyayari sa mga nakaraang taon.
Kung saan nagagamit ng mga mapagsamantala at walanghiya ang Bitcoin at crypto para manloko at makapg nakaw ng pera.
so kung susumahin nagkataon lang na anak ng General to kaya medyo nag ingay ang media pero saglit lang,ilang araw lang tumunog bigla nanahimik na.
member
Activity: 356
Merit: 10
September 12, 2020, 08:20:27 AM
#31
atleast medyo mababawasan na ang mga big time scammer sa bansa..huwag lng sana suportahan o kunsintihin ng tatay nya.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
September 12, 2020, 05:42:34 AM
#30
Imagine kung hindi siya anak ng taong may koneksyon, sensational tong kaso na to sa Pinas, bago sa pandinig ng masa ang bitcoin scam so marami ang mahohook sa story, in hindsight good thing na kaunti lang ang nakakaalam kasi image nanaman ng bitcoin ang maaapektuhan. Mabuti at nahuli na siya.
member
Activity: 1120
Merit: 68
September 10, 2020, 01:55:47 PM
#29
oh diba sa panahon ngayon ma hirap nang mag tiwala kahit kanino especially ngayong may pandemic dahil ang mga tao desperado na maka hanap nang pera para may pang tustus sa pamilya nila.buti nga at nahuli na yung scammer na yan at wala na siyang ma biktama na iba pa atleast nag karoon dn nang hustisya ang mga naging biktima niya.
Mahirap talaga magtiwala sa panahon ngayon dahil halos lahat tao ay gagawin lahat upang kumita lamang ng pera, lalo na ngayong may pandemya dahil halos lahat ng pinoy ay walang pinagkukuhanan ng pera. Kaya nga pinagsasamantalaan ng ibang tao ang isang bagay na sa tingin nila ay kikita sila ng pera upang makapanloko lang sila ng ibang tao.
jr. member
Activity: 69
Merit: 1
September 09, 2020, 11:51:28 PM
#28
oh diba sa panahon ngayon ma hirap nang mag tiwala kahit kanino especially ngayong may pandemic dahil ang mga tao desperado na maka hanap nang pera para may pang tustus sa pamilya nila.buti nga at nahuli na yung scammer na yan at wala na siyang ma biktama na iba pa atleast nag karoon dn nang hustisya ang mga naging biktima niya.
newbie
Activity: 66
Merit: 0
June 20, 2020, 06:39:05 PM
#27
usually ganun naman kadalasan yung mga may kapangyarihan pa ang mga manloloko... 1000btc ang laki non ah!!! malamang sa alamang makakalaya din yan.. sino ba naman magulang ang matitiis ang kanyang anak Roll Eyes
sr. member
Activity: 644
Merit: 252
June 19, 2020, 11:49:03 PM
#26
After doing just a few minutes of research, looks like mejo sikat nga tong taong to.

He even has a website and Facebook page about him:

While the Inquirer article doesn't say much on how he does it, apparently his method is to ask for money to "unencrypt" his fake bitcoin wallet lmao. That, and selling people "investments" to his fake bitcoin mining farm.

At dahil hindi ko maOpen ang unang website na nilagay mo, ang facebook website na lang ang pinuntahan ko. Matagal na panahon pala ang kanyang pang-iscam sa tao kaya hindi nakakapagtatakang malaking halaga ng pera ang napasakanya gayon na ang madaming bitcoin. Ako sa totoo lang sa ngayong panahon hirap ako makabuo ng 1 bitcoin, eh siya napakadami. Sa mga post din na nabasa ko, mukang hindi naman talaga kagandahan ang ugali niya dahil isa din siyang childrapist, at wala ding maayos na manners katulad na lamang ng pagpark ng kanyang Lambo sa daanan ng PWD. Buti na lamang at nahuli na siya.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
June 17, 2020, 12:07:50 AM
#25
Ang laking pera niyan, ganyan talaga yung mga taong may sinasandalan eh walang pakundangan, pero lahat naman may hangganan lahat kasi ng masama na tinatanim ng tao tutubo at magbubunga ito ng masama din. Good luck na lang sa kanya.  Cheesy Cheesy Wink
Exactly, kaya malalakas ang loob nila dahil may tumutulong sa kanila kaya nakakapagtaka ren kung bakit madali silang makapagscam ng mga tao. Kawawa yung mga naloko nitong taong ito at sana naman ay mabalik sa kanila yung pera which is napaka impossible na dahil matanggal na ang pangyayari at panigurado ay nagastos na nito yung pera.

Magingat tayo sa pagkakatiwalaan naten when it comes to investment, and di guaranteed na kikita ka kung kilalang tao ang nagiinvite sa inyo. Basta, if its too good to be true mag doubt kana at pagaralan maigi ang investment na iyong papasukin.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
June 16, 2020, 12:35:19 PM
#24
May kalakihan pala itong nascam niya halos kalahating bilyon kung tama nga yan at totoo isa yan sa pinakamalaking scam history dito sa bansa natin mas malaki pa to sa KAPA investment scam nung mga nakaraang taon siguro isa yan sa mga nagpapakalat ng hyips dito sa Pilipinas mabuti at nahuli na yan para naman mabago ang pananaw ng ilang kababayan natin pagdating sa bitcoin.

Sobrang laki ng nascam nito kaya't mabuti na nahuli na siya. Sinasabi nga ng marami na mas malaki pa talaga ito sa KAPA investment scam, sa balita sa Securities and Exchange Commision nag-aalok ng isang cacao business si Japhet Tabale pero ito ay isang scam lamang. Ang Cacao business ni Tabale ay hindi registered sa SEC. Marami ang naengganyo ni Tabale dahil sinabi niya na magkakaroon ng 100% return of capital at share kapag sila ay nag-invest sa cacao business.
Sa mga nag-invest sa Cacao business ni Tabale, ito ay isang malaking lugmok para sa kanila sapagkat pwede nilang maranasan ang nga narasan ng mga investors na KAPA victims.
Kailangan ay maging mapanuri tayo sa oras na nais nating mag-invest lalo na kung malaking pera ang involved. At para hindi tayo maloko ng mga scammer.

Yung value na nalimas ni Malvin Tianchon ay kapiranggot lamang kung ikukumpara mo sa nalimas ng Kapa-community Ministry International. Tianchon only scammed hundreds of people and base sa mga articles na nabasa ko wala pang 500 million pesos ang nakuha niya. Kapa on the other hand being a religious organization ay may record ng 5 million na miyembro ang nabiktima nila, there investment scheme ay may minimum na 10,000 pesos buy in so at minimum may 50 billion pesos sila na nalimas sa kanilang mga miyembro. Other than that na-report din ng NBI na ang donations nila ay nasa range din ng 50 billion pesos. Kaya kung ikukumpara mo yung amount ng na scam ng isang tao na ito kumpara sa organization na ito talagang maliit lang ang nanakaw niya. Either way both of these scammers are now in the hands of the authorities which is a good thing for us, yung problema nga lang talaga dito is kung paano nila maibabalik yung pera assuming na meron pang natira sa ninakaw nila.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
June 15, 2020, 11:28:07 PM
#23
May kalakihan pala itong nascam niya halos kalahating bilyon kung tama nga yan at totoo isa yan sa pinakamalaking scam history dito sa bansa natin mas malaki pa to sa KAPA investment scam nung mga nakaraang taon siguro isa yan sa mga nagpapakalat ng hyips dito sa Pilipinas mabuti at nahuli na yan para naman mabago ang pananaw ng ilang kababayan natin pagdating sa bitcoin.

Sobrang laki ng nascam nito kaya't mabuti na nahuli na siya. Sinasabi nga ng marami na mas malaki pa talaga ito sa KAPA investment scam, sa balita sa Securities and Exchange Commision nag-aalok ng isang cacao business si Japhet Tabale pero ito ay isang scam lamang. Ang Cacao business ni Tabale ay hindi registered sa SEC. Marami ang naengganyo ni Tabale dahil sinabi niya na magkakaroon ng 100% return of capital at share kapag sila ay nag-invest sa cacao business.
Sa mga nag-invest sa Cacao business ni Tabale, ito ay isang malaking lugmok para sa kanila sapagkat pwede nilang maranasan ang nga narasan ng mga investors na KAPA victims.
Kailangan ay maging mapanuri tayo sa oras na nais nating mag-invest lalo na kung malaking pera ang involved. At para hindi tayo maloko ng mga scammer.
newbie
Activity: 26
Merit: 0
June 14, 2020, 09:01:16 AM
#22
ngayon ko lang ito nabasa at grabe pala ang ginawa nya na panloloko kawawa ang mga inosente na nabiktima nya pati yong tao na pinapunta nya ng singapore baka isa din yon sa mga inosente akala kikita sila ng pera yon pala ay ipapahamak ng sariling kabayan.
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
June 14, 2020, 02:55:47 AM
#21
Ang laking pera niyan, ganyan talaga yung mga taong may sinasandalan eh walang pakundangan, pero lahat naman may hangganan lahat kasi ng masama na tinatanim ng tao tutubo at magbubunga ito ng masama din. Good luck na lang sa kanya.  Cheesy Cheesy Wink
copper member
Activity: 658
Merit: 402
Hindi talaga maiiwasan na may mga tao na lulubusin kung ano yung alam nila at gagamitin para sa sariling interes. Alam naman nating madami na talagang gumagamit ng Bitcoin para manloko ng tao, at talagang nasisira nito yung image ng Bitcoin aa publiko. Hindi ko sya kilala, pero mabuti nalang at nahuli na din sya para matigil nya na ang panloloko sa iba. Kahit naman anong posisyon ng tatay nya, kung pipiliin nya yang ganyang gawain, gagawin at gagawin nya.

Hindi ko alam bakit hindi ito binabalita ng malalaking media, dahil ba maraming malaking issue, o sadyang wala lang silang pake sa ganitong issue? Pero dapat kasi marami ring makaalam para maitama ang misconception ng iba na scam ang Bitcoin. Kasi hindi naman yung Bitcoin ang scam, yung tao. Tsaka isa pa, bakit ganun katagal bago sya mahuli, kung alam na pala na isa syang scammer? Buti nalang talaga at nahuli rin sya.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
May possibility pa ba na maibalik nya yung lahat ng nakulimbat / nascam niyang pera pabalik sa mga may ari nito? I mean ang transparent nga ng transaction ng cryptocurrencies ngunit wala namang kasiguraduhan kung saan niya ito hinohold and kung mareretrieve paba ng awtoridad ang mga ito.

Sadly most cases na ganito ay hindi na naibabalik ang pera ng mga victim, or maibalik man ay it takes years minsan pa nga decade dahil need pa ng investigation at court order para sa pagbalik ng mga pera ng mga nascam.  At alam naman natin na sobrang tagal umusad ng mga kaso sa korte lalo na at anak pa ito ng heneral hopefully hindi konsintihin ito ng ama.

We do have laws with regards to criminals na hindi kayang makapagbayad ng kanyang mga ninakaw. Similar pagka naging insolvent ang isang tao kailangan syang gumawa ng forced liquidation ng kanyang ibang assets para makapagbayad sa mga utang nya which in this case is mga ninakaw niya, and being a son of a general sure naman ako na madamidami pa syang tinatagong yaman. Sa aking opinyon wala ng magiging bearing ang pagiging anak sya ng isang heneral sa kaso na ito sa 2 years nyang ginawa yung scam at sa dami ng tao na nai-scam niya sa tingin ko may mga ilan-ilan din tao dito na mas mabigat pa sakanya ang naka-banggaan niya, sa sobrang bigat ng kasong ito nakita ko dun sa link na binigay ni mk4 na meron ding Israeli lawyer na nag-rerepresent sa isang pinoy kaya sa tingin ko hindi madadala ni Tianchon ang pagiging anak sya ng heneral dito.
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
Good thing na nahuli narin siya, siguro naman nabawasan narin kahit papano ang pangamba ng mga naloko niyang tao. Wala talagang nagtatagumpay sa ganyang gawain, babagsak at babagsak talaga siya sa kamay ng batas. Malaking tukso talaga ang pera sa buhay ng tao, kaya kahit mahirap mainam na lumaban ng patas at iwasang manlamang ng kapwa dahil mabilis talaga ang karma.
full member
Activity: 485
Merit: 105
Kaya lalong na dodown ang crypto currency satin dahil sa mga taong ganto. di nalang dumiskarte ng legal at hindi yung ikakapahamak ng sarili at ng nakakarami dahil apektado tayong lahat dahil jan sa issue na yan. Dahil sa maaring tiwalang nawala sa mga tao na nakabasa nito
Tama ka ito rin yung dahilan bakit ayaw ko mag share ng knowledge about bitcoin/crypto sa mga kaibigan or kapitbahay bahay ko dahil sa tingin nila scam ito. Napapalabas lang kasi sa tv ang bitcoin pag may mga ganitong pangyayari. Kaya yung ibang tao scam ang tingin nila sa bitcoin dahil dito.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
Kaya nahihirapan umangat ang Bitcoin sa Pinas eh,dahil sa mga pesteng katulad nito na ginagamit ang connection para lang pa protektahan ang panlalamang na ginagawa nila.
Parang hindi dahil maganda ang takbo ng crypto sa pilipinas,.. sa laki ng btc na na scam niya, ibig sabihin maraming investors sa pilipinas.
Ang sinasabi ko ay basi rin sa mga nababas kung articles.

tulad ng nasa baba.

https://bitpinas.com/news/coin-dance-records-increasing-ph-bitcoin-trading-volume-q2-2018/
https://news.bitcoin.com/48-cryptocurrency-exchanges-philippines/
https://news.bitcoin.com/philippines-crypto-friendly/

Kung makikita mo, dumadami na ang mga crypto exchanges sa Pilipinas, ibig sabihin nyan at lumaki na ang demand.

newbie
Activity: 13
Merit: 1

Quote
Wanted for years, a retired general’s son who had allegedly scammed a lot of people of money through the cryptocurrency Bitcoin, was finally caught by authorities in Parañaque City.
Quote

Kakasimula ko pa lang with bitcoin this quarantine, just like the other comments in this thread, nagwarning din sakin ang nanay ko, buti na lang at may tropa akong well educated about bitcoin.  

newbie question po, possible pa ba ma trace and magkaron ng resolution about the money he earned (through accounts, investments, etc.) or magiging katulad lang ng ibang scam 'to dito satin kung saan naiwang lugmok ang mga naloko?
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
May kalakihan pala itong nascam niya halos kalahating bilyon kung tama nga yan at totoo isa yan sa pinakamalaking scam history dito sa bansa natin mas malaki pa to sa KAPA investment scam nung mga nakaraang taon siguro isa yan sa mga nagpapakalat ng hyips dito sa Pilipinas mabuti at nahuli na yan para naman mabago ang pananaw ng ilang kababayan natin pagdating sa bitcoin.
sr. member
Activity: 658
Merit: 274
Wish for the rain? Then deal with the mud too.
Kaya nahihirapan umangat ang Bitcoin sa Pinas eh,dahil sa mga pesteng katulad nito na ginagamit ang connection para lang pa protektahan ang panlalamang na ginagawa nila.
Agree, and 'to na 'yong pinakatumatak na image ng Bitcoin sa Pinas even before pa. Reminds me of mother ng friend ko na once na nag-warn sakin na be wary of bitcoin thingy na 'yan at scam daw 'yan. I don't wanna argue with her at ni-respect ko ang point niya but I don't leave without saying anything. Sinabi ko na lang na malaki ang mundo ng Bitcoin, and then end sa kaniya na 'yon if gusto niya pa mag-explore. Mahilig rin kasi mag-invest 'yon at siguro naligaw pa sa isang scammer nakaka-sad lang.

Kaya lalong na dodown ang crypto currency satin dahil sa mga taong ganto. di nalang dumiskarte ng legal at hindi yung ikakapahamak ng sarili at ng nakakarami dahil apektado tayong lahat dahil jan sa issue na yan. Dahil sa maaring tiwalang nawala sa mga tao na nakabasa nito

I think he's doing this kasi 'yong tatay niya ay General at baka mapo-protektahan siya nito. Alam mo na, 'yong confidence kapag may connection ka sa mga authorities. Mabuti na lang at nahuli na 'to. He should pay what he deserve; makulong which is nangyari na and kung possible man sana maibalik 'yong pera.
sr. member
Activity: 854
Merit: 257
Kaya lalong na dodown ang crypto currency satin dahil sa mga taong ganto. di nalang dumiskarte ng legal at hindi yung ikakapahamak ng sarili at ng nakakarami dahil apektado tayong lahat dahil jan sa issue na yan. Dahil sa maaring tiwalang nawala sa mga tao na nakabasa nito
sr. member
Activity: 2590
Merit: 228
Kaya nahihirapan umangat ang Bitcoin sa Pinas eh,dahil sa mga pesteng katulad nito na ginagamit ang connection para lang pa protektahan ang panlalamang na ginagawa nila.

Isa kang Yurak sa pangalan ng tatay mo at sa lahat ng Pinoy,sana hindi mawalan ng saysay ang pagkaka aresto dahil sa dami ng complainants at ng mabulok sa kulungan to.

maging araw na din sana sa mga kapwa Pinoy na wag basta basta magtitiwala sa larangan ng crypto kung hindi sigurado ang pag iimbakan ng pera.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
php 476,100,000 at the current price per http://preev.com/btc/php...

Laki ng pera na yan, mukhang mas malaki pa yata yan compared sa sikat na KAPA scam.
hindi ko nabalitaan ito actually, siguro dahil konte lang ang taong na scam at malaking amount per person ang na scam niya.

Good news ito pero sana marecover pa ang funds na yan, pwedeng kunin sa mga assets niya para naman at least ma compensate yung mga na scam.
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
May 28, 2020, 05:16:40 AM
#9
Sila yung dahilan kung bakit sa tuwing nag tinatry kong mag anyaya ng mga tao para gumamit ng bitcoin eh sinasabi nilang scam ito. Yung 1000 Bitcoin, ilang milyon din yun base sa source: P400 million. Pero ang pinag tataka ko lang, bakit ngayon lang nahuli yung scammer na yan? base dun sa original source, since 2009 maalam na yung tao sa bitcoin mining, meaning, matagal na din siguro siyang nakakascam ng ibang tao. Sa tingin ko, tinake advantage nya yung security and anonymity ng bitcoin at ginamit ito sa maling paraan kung saan, sa panahon ngayon hindi na ito madali dahil improved KYC and security nadin na meron tayo sa local exchange natin. Pero lagi parin tatandaan na ang mga scammer ay laging may bagon way ng pangsscam, kaya dapat mas angat ang knowledge natin.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
May 24, 2020, 09:36:39 AM
#8
Anyway, hopefully mabalik pa ung pera sa mga nascam niya.

May possibility pa ba na maibalik nya yung lahat ng nakulimbat / nascam niyang pera pabalik sa mga may ari nito? I mean ang transparent nga ng transaction ng cryptocurrencies ngunit wala namang kasiguraduhan kung saan niya ito hinohold and kung mareretrieve paba ng awtoridad ang mga ito.

Sadly most cases na ganito ay hindi na naibabalik ang pera ng mga victim, or maibalik man ay it takes years minsan pa nga decade dahil need pa ng investigation at court order para sa pagbalik ng mga pera ng mga nascam.  At alam naman natin na sobrang tagal umusad ng mga kaso sa korte lalo na at anak pa ito ng heneral hopefully hindi konsintihin ito ng ama.

Ang bottom line lang sa kaso nito is, makukulong siya for decades upto lifetime depende sa laki ng naiscam niya and sa kung gaano ka strong yung evidences laban dito, yet 1% assurance to nothing at all na maibalik pa ang mga ito (sa tingin ko lang).

I agree kulong na lang ang ganti ng mga naiscam ng taong ito.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
May 24, 2020, 09:08:35 AM
#7
Yes, medyo high profile case nga ito dahil isa syang anak ng General. Actually si misis pa ang nagsabi sakin nito kasi nga putok ang balita sa FB. At hindi lang ito ang kaso nya, may mga iba pa palang kaso tong loko. Ang mali nya lang eh big time din ang biniktima nya kaya naghabol at mabuti naman natapos na ang pang bibiktima nya. Wag lang sana ma derail at kaso dahil sa anak siya ng General dito sa tin at hustiya para sa mga naging biktima nya.
hero member
Activity: 2758
Merit: 675
I don't request loans~
May 24, 2020, 05:11:05 AM
#6
Turns out na ginamit niya yung pagiging anak ng general sa mga modus niya. May nahanap akong medyong lumang article na sinulat last year na naguukol sa report ni Erwin Tulfo tungkol sa kanya. Turns out na may Singaporean businessman na rin siyang na scam at mayroon din siyang issue ukol sa panggagahasa. Mayroong video reports si Tulfo sa kanya nung 2019 pa and luckily nahanap na siya this year. As far as I know, may possibility ata na mabawi pa yung ibang funds na na scam niya, but I doubt na marereturn lahat. Pwede naman siguro nilang iliquidate yung assets niya after all, ang dami niyang na scam and he's been doing it for a few years already.

full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
May 23, 2020, 11:22:47 PM
#5
Anyway, hopefully mabalik pa ung pera sa mga nascam niya.

May possibility pa ba na maibalik nya yung lahat ng nakulimbat / nascam niyang pera pabalik sa mga may ari nito? I mean ang transparent nga ng transaction ng cryptocurrencies ngunit wala namang kasiguraduhan kung saan niya ito hinohold and kung mareretrieve paba ng awtoridad ang mga ito.

Ang bottom line lang sa kaso nito is, makukulong siya for decades upto lifetime depende sa laki ng naiscam niya and sa kung gaano ka strong yung evidences laban dito, yet 1% assurance to nothing at all na maibalik pa ang mga ito (sa tingin ko lang).
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
May 23, 2020, 10:58:38 PM
#4
*snip*

Yep. For such a big heist surprisingly parang hindi siya masyadong na-publicize ng mass media. Probably because of the connections ng tatay niyang retired general? Hmm.

Anyway, hopefully mabalik pa ung pera sa mga nascam niya.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
May 23, 2020, 10:50:41 PM
#3
Grabe rin talaga ang modus ng scammer na ito.  Sad to say na yung mga victim nya ay kinain ng sistema ng pagiging ignorante at pagkaganid.  Mabuti na lang at naaresto na ang taong ito.  I feel sad dun sa mga agent nya na thinking they are doing a decent work para maghanap ng mga client tapos lalabas na scammer pala ang pinagtatrabahuan nila.  

Lesson learned here is to do research not only on investing but sa mga trabaho na papasukan especially kung may kinalaman ito sa investments.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
May 23, 2020, 09:55:28 PM
#2
After doing just a few minutes of research, looks like mejo sikat nga tong taong to.

He even has a website and Facebook page about him:

While the Inquirer article doesn't say much on how he does it, apparently his method is to ask for money to "unencrypt" his fake bitcoin wallet lmao. That, and selling people "investments" to his fake bitcoin mining farm.
sr. member
Activity: 1358
Merit: 326
May 22, 2020, 12:52:49 PM
#1

Jump to: