Author

Topic: SEC draft rules on ICOs - magpasa ng mga kumento hanggang Aug 31 (Read 130 times)

sr. member
Activity: 826
Merit: 254
Ayon sa mga napuntahan ko na mga meetup, conference o forum, ang aprobadong version ng SEC Rules and Regulation sa ICO ay maaaring mailabas bago matapos ang taong 2018.

Abangan na lang natin version na  ito.
sr. member
Activity: 826
Merit: 254
Kung may panahon kayo, maaari rin kayong pumunta sa Meetup ng Makati Digital Currency - Enter Stellar / Public Discussion re ICO Regulation
sa Lunes Agosto 13, 2018 6:00pm sa Blockchain Space (Acceler8) 111 Paseo de Roxas, Makati .

Maraming salamat.
sr. member
Activity: 1008
Merit: 355


Magandang senyales ito galing sa ating gobyerno na interesado sila sa patuloy na paglaganap ng cryptocurrency at ng ICO platform at napapanahon na para tayo ay kumilos din at kung hindi eh talagang maiiwan tayong lahat. This is a manifestation that people behind those agencies mentioned are now recognizing the big potential of the ICO platform to contribute to our country's economic well-being and indeed in many countries where ICOs are very legal it is bringing in many benefits but there are grounds whey this has to be regulated -- we need to protect the "investors"a s there are now so many scams also using the platform for their own evil purposes. It is high time that the Philippines take advantage of this big trend. Right now, Thailand is already ahead of us as far as ICO and cryptocurrency is concerned and we need to act now otherwise this window of opportunity can slip and go to those who are fast and agile enough to respond to opportunities.
sr. member
Activity: 826
Merit: 254

Inaanyayahan ng SEC ang lahat ng interesadong partido ( mga bangko, mga mamumuhunan, mga traders atbp.) na magpasa ng mga pananaw, mga kumento at iba pang maaaring makatulong sa iminumungkahing guidelines.

Mangyari lamang na ipasa ang inyong mga kumento sa email na ito: [email protected], [email protected] at [email protected] hanggang sa katapusan ng buwan na ito, Agosto 31, 2018.

http://www.sec.gov.ph/wp-content/uploads/2018/08/MC-Rules-for-ICOs.pdf. 37 pages ito, sana ay magkaroon tayo ng panahon at makapagbibigay ng kumento sa nabanggit na email.

Magandang simula na ito upang maprotektahan ang publiko.

Maraming salamat at abangan na natin ang mga susunod pang mga updates at syempre nalalapit narin ang rules sa "tax" nito.
Jump to: