Author

Topic: SEC naglabas ng babala laban sa crypto, crowdfunding at franchising scam (Read 540 times)

full member
Activity: 257
Merit: 102
It is a nice move from SEC. Scammers are really everywhere and it was hard to notice them until you lose a lot. So it was helpful that SEC pointed them out and even make an advisory about it for those who still don't know that it was scam. SEC has done a good job on detecting and regulating a groups that was engaged in unauthorized investment-taking activities.

Likas na sa mga Pilipino ang mabilis maniwala at magtiwala na syang ginagamit ng mga mapang- abusong tao. Kahit pagdating sa mga investments, mas madaming tao ang madaling maniwala sa easy money and big money on a short time. Nagpapadala sa matatamis na salita at di pinag -aaralang mabuti bago maginvest. Kaya napakahalaga ng may SEC na magreregulate.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Bago lang sa akin tong mga to sir, ano ba yung modus operandi nila para kung sakali na may mga kakilala ako is may alam ako tungkol sa mga to, Ponzi or Pyramiding Scheme lang din po ba yung galwan ng mga ito?
Wala na silang bagong style, paulit ulit lang din na pataasan ng kita tapos may mga testimonials sila sa mga naunang member na kumita tapos hanggang sa dumami ng dumami yung mag iinvest hanggang biglang mage-exit nalang na wala namang patunay kung paano gumagana ang economy nila as investment platforms. Basta ponzi at pyramid scheme, parehas lang sila ng pinapakita. May assured profit ka na medyo mataas tapos wala kang gagawin tapos hihikayatin ka kasi parang feeling mo huli at sayang ang panahon kapag hindi ka nag invest sa kanila.

Yun ung common talaga ung kikita yung investment mo ng wala kang ginagawa kahit na magkano pa yan maliit or malaki ang tubo kailangan mas malalim na pag aaral patungkol dun sa business na pag iinvesan mo, madalas sa ponzi or pyramiding yung mga nauna sa pag invest ang nakaka experience ng kita tapos yung mga susunod mga kawawang investors na.

Wag na wag kang maglalabas ng pera kung hindi mo pa inaaral yung negosyo lalo na kung galing lang sa panghihikayat nung mga taong nandun na sa business, minsan nadadamay na lang din sila sa pagnanasang kumita ng malaki.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Bago lang sa akin tong mga to sir, ano ba yung modus operandi nila para kung sakali na may mga kakilala ako is may alam ako tungkol sa mga to, Ponzi or Pyramiding Scheme lang din po ba yung galwan ng mga ito?
Wala na silang bagong style, paulit ulit lang din na pataasan ng kita tapos may mga testimonials sila sa mga naunang member na kumita tapos hanggang sa dumami ng dumami yung mag iinvest hanggang biglang mage-exit nalang na wala namang patunay kung paano gumagana ang economy nila as investment platforms. Basta ponzi at pyramid scheme, parehas lang sila ng pinapakita. May assured profit ka na medyo mataas tapos wala kang gagawin tapos hihikayatin ka kasi parang feeling mo huli at sayang ang panahon kapag hindi ka nag invest sa kanila.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
Bago lang sa akin tong mga to sir, ano ba yung modus operandi nila para kung sakali na may mga kakilala ako is may alam ako tungkol sa mga to, Ponzi or Pyramiding Scheme lang din po ba yung galwan ng mga ito?
Mostly pare-parehang lang sila ng style, basta if the offer is too good to be true magisip isip kana kase for sure, ponzi scheme yan at maaaring maging scam. Patuloy nag papaalala ang SEC sa mga ganton invesgment, wag itong baliwalain kase ito ang magsasave sayo at para hinde ka malugi.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Bago lang sa akin tong mga to sir, ano ba yung modus operandi nila para kung sakali na may mga kakilala ako is may alam ako tungkol sa mga to, Ponzi or Pyramiding Scheme lang din po ba yung galwan ng mga ito?
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
Naalala ko na naman yung nasalihan naming investment scam dati. Hayst  Sad Ganun talaga siguro, kailangan mo munang maranasan sa sarili mo ang isang pagkakamali bago mo mapulutan ito ng leksyon.
Indeed, kailangan ata ma experience muna sa sarili natin yung pagkakamali para mamulat tayo sa katotohanan na walang easy money, kung meron man most likely scam o risky parang gambling.

Pamilyar ba kayo sa mmbc? Nag launch recently ang chairman nilang si Royo sa Okada ng xum chain. Nakakaawa yung mga napasali dito need na ng pera pero walang payout na nangyayari. Nasilaw kasi sa easy money tapos ngayon iyak na lang.
full member
Activity: 1251
Merit: 103
Buzz App - Spin wheel, farm rewards
I just hate the fact na siniraan nila imahe ng crypto and blockchain dahil sa pag launch ng ponzi scheme na ito.
Hindi naman talaga maiiwasan yan kasi kung saan pwedeng kumita ng pera for sure nandun din ang mga scammers, palaging updated ang mga taong yan since may bukas na opportunidad para makapangloko at makapag takbo ng malaking halaga ng pera.
Quote
Like Forsage for example, yung mga term na Ethereum at smart contract, nasira na tuloy. Kaya may mga tao na fixed sa kanilang mind na scam ang Bitcoin, Ethereum, blockchain, smart contract, etc.,
Yung mga taong sarado ang isipan sila ung taong nawalan ng opportunidad na kumita hehehe Grin hayaan na lang natin sila malay natin meron
makapag bukas ng isip nila para mag aral ng tungkol sa crypto market.
Quote
and spreading it as much as they can. Kaya as much as possible, we are here to educate sa mga kababayan natin kung anu talaga ang totoo about sa Bitcoin, Ethereum, etc., lalo na risk management and no astronomical guaranteed returns.
Yan ang importante lalo na dun sa mga kakilala natin at mga mahal natin sa buhay na gusto natin maturuan patungkol sa crypto, dapat palagi tayong handa na sumagot ng mga inquiry nila at ma point sila sa tamang paraan ng pag balanse ng pera at oras nila.


Tama ka kabayan marami pa kasing hindi nakaka alam pa tungkol sa crypto. Madalas kasi nagamit Ang crypto sa mga scam na mga sites at karaniwang na bibiktima ay ang mga taong hindi alam ang crypto at kung paanu kikita dito. Marami din akong mga kamag anak na hindi alam ang crypto kaya pag may nagtanong eni explain ko sa kanila nang sa ganon ay maliwanangan sila at makatulong na rin sa kanila kahit papanu.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
I just hate the fact na siniraan nila imahe ng crypto and blockchain dahil sa pag launch ng ponzi scheme na ito.
Hindi naman talaga maiiwasan yan kasi kung saan pwedeng kumita ng pera for sure nandun din ang mga scammers, palaging updated ang mga taong yan since may bukas na opportunidad para makapangloko at makapag takbo ng malaking halaga ng pera.
Quote
Like Forsage for example, yung mga term na Ethereum at smart contract, nasira na tuloy. Kaya may mga tao na fixed sa kanilang mind na scam ang Bitcoin, Ethereum, blockchain, smart contract, etc.,
Yung mga taong sarado ang isipan sila ung taong nawalan ng opportunidad na kumita hehehe Grin hayaan na lang natin sila malay natin meron
makapag bukas ng isip nila para mag aral ng tungkol sa crypto market.
Quote
and spreading it as much as they can. Kaya as much as possible, we are here to educate sa mga kababayan natin kung anu talaga ang totoo about sa Bitcoin, Ethereum, etc., lalo na risk management and no astronomical guaranteed returns.
Yan ang importante lalo na dun sa mga kakilala natin at mga mahal natin sa buhay na gusto natin maturuan patungkol sa crypto, dapat palagi tayong handa na sumagot ng mga inquiry nila at ma point sila sa tamang paraan ng pag balanse ng pera at oras nila.

newbie
Activity: 34
Merit: 0
Base sa mga naexperience ko before, until now, gagamit at gagagamit sila ng ways para makapasok sa market ng crypto, kaya ingat nalang laging mag check sa sec
hero member
Activity: 2282
Merit: 659
Looking for gigs
I just hate the fact na siniraan nila imahe ng crypto and blockchain dahil sa pag launch ng ponzi scheme na ito. Like Forsage for example, yung mga term na Ethereum at smart contract, nasira na tuloy. Kaya may mga tao na fixed sa kanilang mind na scam ang Bitcoin, Ethereum, blockchain, smart contract, etc., and spreading it as much as they can. Kaya as much as possible, we are here to educate sa mga kababayan natin kung anu talaga ang totoo about sa Bitcoin, Ethereum, etc., lalo na risk management and no astronomical guaranteed returns.
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
Kapag nakaka encounter ako ng mga tao na naakit sa mga ganitong klase ng scheme, di ko maiwasan na mainis sa mga pasimuno ng mga ganitong klase ng panloloko, at naaawa din naman ako sa mg ataong ang gusto lang din naman ay kumita ng kahit papaano sa perang pinaghiraan nila, ang problema lang talaga eh kulang pa sa edukasyo ang marami nating kababayan, na ang crypto ay nagbibigay ng freedom laban sa mga ganitong programa, kaya dapat ay mas lalo pang lumawak ang campaign ng forum na ito lalo ng Pilipinas channel para mas maraming Pinoy ang mabigyan ng sapat ng impormasyon tungkol sa cryptocurrency.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform

Isang beses lang na mabiktima ka, sapat na yun para maging maingat ka sa mga ganitong scam scheme. At para sa mga iba na hindi pa nakita yung balita, merong post sa altcoins pilipinas tungkol sa carefund at xian coin ni Xian Gaza. Basahin niyo nalang mga kabayan.
(https://bitcointalksearch.org/topic/lagot-naman-si-carefund-at-xian-coin-5326311)


Grabe yang si Xian Gaza nag rereverse psychology sya sa promotion ng kanyang coin akala nya naman makakakuha ito ng suporta, never na ako nag iinvest sa mga Crypto at crowdfunding ng mga Pinoy na nag oofer ng maattaas na interest yung iba nagpapakita pa ng mga business permit pero kapag nag check ka yung business permitt nila ay either fake o hindi naman naaayon sa inooffer nila sa mga investors.

Yung offer pa lang na high interest too good to be true na yun, malabo ung ganong setup pang akit lang yun sa mga newbies na hindi nakakaunawa kung paano ang sistema sa crypto. Dapat lang talaga na maging maingat at wag basta basta maglalabas ng pera, araling maigi yung paglalagyan mo ng pera, mahirap na nga ang buhay masscam ka pa, ansaklap nun kung sakaling sa mga panahong kagay nito na may covid ka madadale ng mga pangakong sa huli eh tatangayin lang ang pera mo.
member
Activity: 952
Merit: 27

Isang beses lang na mabiktima ka, sapat na yun para maging maingat ka sa mga ganitong scam scheme. At para sa mga iba na hindi pa nakita yung balita, merong post sa altcoins pilipinas tungkol sa carefund at xian coin ni Xian Gaza. Basahin niyo nalang mga kabayan.
(https://bitcointalksearch.org/topic/lagot-naman-si-carefund-at-xian-coin-5326311)


Grabe yang si Xian Gaza nag rereverse psychology sya sa promotion ng kanyang coin akala nya naman makakakuha ito ng suporta, never na ako nag iinvest sa mga Crypto at crowdfunding ng mga Pinoy na nag oofer ng maattaas na interest yung iba nagpapakita pa ng mga business permit pero kapag nag check ka yung business permitt nila ay either fake o hindi naman naaayon sa inooffer nila sa mga investors.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Naalala ko na naman yung nasalihan naming investment scam dati. Hayst  Sad Ganun talaga siguro, kailangan mo munang maranasan sa sarili mo ang isang pagkakamali bago mo mapulutan ito ng leksyon.
Isang beses lang na mabiktima ka, sapat na yun para maging maingat ka sa mga ganitong scam scheme. At para sa mga iba na hindi pa nakita yung balita, merong post sa altcoins pilipinas tungkol sa carefund at xian coin ni Xian Gaza. Basahin niyo nalang mga kabayan.
(https://bitcointalksearch.org/topic/lagot-naman-si-carefund-at-xian-coin-5326311)
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
Naalala ko na naman yung nasalihan naming investment scam dati. Hayst  Sad Ganun talaga siguro, kailangan mo munang maranasan sa sarili mo ang isang pagkakamali bago mo mapulutan ito ng leksyon.

Marami pa rin akong nakikitang mga ponzi scheme na nagkakalat lalo na sa social media pero deadma na lang ako. Yung iba patuloy pa rin sa pag pansin kahit obvious naman na too good to be true. Iniisip ko na lang na wala talaga siguro silang masyadong alam o hindi sapat yung kaalaman nila sa pagtukoy sa dapat na paniwalaan o hindi, at kung paano talaga tumatakbo ang mga ganyang sistema.

Nakita ko rin yung BitAccelearate sa telegram, syempre dahil alam ko namang talamak ang peke at scam sa platform na yun ay hindi talaga ako naniwala lalo na yung mga bots. Kasi alam ko rin na ang serbisyo nila ay ang libreng pag broadcast ng bitcoin transactions at hindi investment. Ginagamit ko rin yung site nila minsan. At dun ko na mga nabasa sa kanilang website tungkol sa pahayag na wala silang kinalaman sa pakulong investment na kumalat at ginamit pa yung pangalan nila.
sr. member
Activity: 1596
Merit: 335
Marami sa kababayan natin ang misinformed pag dating sa cryptocurrency. Madami sa ating kababayan nakarinig lang na madaling kunita sa crypto akala nila ay totoo. Kaya madaming nabibiktima ng mga ganitong scheme. Masama rin ang epekto nito sa crypto dahil nagkakaroon sila ng misconception na scam ang crypto. Mainam na naglabas ng babala ang SEC at sana sa mga marunong sa crypto tulungan na lang natin ang mga kababayan natin na maging aware sa mga ganitong scam. Spread awareness and educate yourself. Ingat sa lahat ng pinoy.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
To be fair with SEC, hindi naman talaga sila nagkukulang sa pag paalala sa mga ganitong klaseng scam, pero minsan huli lang talaga, kung kailan marami ng na trap at natakbuhan ng malaking pera na. Pero sila rin naman kasi umaasa sa mga report, kaya maganda siguro na pag maamoy tayong mga scam na tumatakbo sa social media katulad sa Facebook, madaling ipag alam natin sa SEC, or kahit tayo mismo rin magbigay ng babala sa mga kaibigan at kakilala natin sa iba pang social media sites.
Totoo yan, di sila nagkukulang sa paalala yun nga lang itong mga scammer. Matinik din eh, minsan may technique sila na kunwari SEC registered sila kaya yung ibang mga investors tiwala agad bago pa mahuli at mabigyan ng advisory ni SEC yung investment scam scheme na yun. Madali nalang magbigay ng tip sa SEC kung ano ang mga scam na nakikita natin, pwede ireport.
(https://www.sec.gov/tcr)
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Mabuti na lang at may mga ganitong warning na ang SEC ngayon dahil sa totoo lang, lumalaki na naman ang bilang ng mga kababayan nating naloloko ng mga ganitong klase ng scam lalo na ngayong matunog ang pangalan ng crypto at mas marami ang naghahangad na kumita dito kahit walang sapat na kaalaman. Nakakalungkot din na sinasamantala ng mga manloloko ang kakulangan sa impormasyon ng ilan sa ating mga kababayan. Sana lang ay mas maging mapanuri pa ang ating mga kababayan at huwag basta bastang sasabak sa isang investment scam lalo na kung nakita lamang ito sa mga Social media sites.

To be fair with SEC, hindi naman talaga sila nagkukulang sa pag paalala sa mga ganitong klaseng scam, pero minsan huli lang talaga, kung kailan marami ng na trap at natakbuhan ng malaking pera na. Pero sila rin naman kasi umaasa sa mga report, kaya maganda siguro na pag maamoy tayong mga scam na tumatakbo sa social media katulad sa Facebook, madaling ipag alam natin sa SEC, or kahit tayo mismo rin magbigay ng babala sa mga kaibigan at kakilala natin sa iba pang social media sites.
full member
Activity: 1708
Merit: 126
Mabuti na lang at may mga ganitong warning na ang SEC ngayon dahil sa totoo lang, lumalaki na naman ang bilang ng mga kababayan nating naloloko ng mga ganitong klase ng scam lalo na ngayong matunog ang pangalan ng crypto at mas marami ang naghahangad na kumita dito kahit walang sapat na kaalaman. Nakakalungkot din na sinasamantala ng mga manloloko ang kakulangan sa impormasyon ng ilan sa ating mga kababayan. Sana lang ay mas maging mapanuri pa ang ating mga kababayan at huwag basta bastang sasabak sa isang investment scam lalo na kung nakita lamang ito sa mga Social media sites.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Nakakalungkot isipin na sa dami dami ng mga scam na naglipana throghout the years sa ating bansa, ay hindi pa rin natututo ang ilan sa ating mga kababayan na nagpapaniwala sa mga "get rich quick" schemes at nagiging biktima sila ng mga ito. Tama lang na nakita ito agad ng SEC at isiniwalat sa publiko. Kung ako tatanungin mo dapat talaga na magtanong tanong ka muna sa mga tao tungkol sa investments bago mo pasukin ito.
Sa kadahilanang may mapagsamantala at may nasasamantala lalo na kung patikimin ka just for the short term na gusto mo ring balik-balikan. I'm not an exception sa mga payout dati na yung 1k mo turns 7k in a week pero nung minsang may nawala sa akin dahil rito ay itinigil ko na, mostly dahil daw sa trading kinikita pero hindi naman pala bagkus perang galing sa ibang tao pinapasa-pasa lang.

Kaya nga pag merong nagtanong sakin lalo na kung malapit sa akin, mga kamag-anak, kaklase na tinatanong about crypto o bitcoin daw na kitaan talagang ina-advice ko sila na suriin munang mabuti ang type of investment at kung too good to be true yung offer.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Nakakalungkot isipin na sa dami dami ng mga scam na naglipana throghout the years sa ating bansa, ay hindi pa rin natututo ang ilan sa ating mga kababayan na nagpapaniwala sa mga "get rich quick" schemes at nagiging biktima sila ng mga ito. Tama lang na nakita ito agad ng SEC at isiniwalat sa publiko. Kung ako tatanungin mo dapat talaga na magtanong tanong ka muna sa mga tao tungkol sa investments bago mo pasukin ito.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
-snip

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang ilang kababayan natin na hindi mulat sa makabagong teknolohiya ay scam ang tingin sa crypto o minsa'y narinig ko na pyramiding scheme. Nawa'y maagapan natin ang mga ganitong gawain at masugpo upang hindi na makapanlamang at makapanloko ng kapwa nating pilipino.

Yan agad ang pumapasok sa utak ng mga kababayan nating hindi talaga mulat sa industriyang ito, mas lamang and duda nila dahil sa mga ganitong pangyayari, kung maagapan lang agad at mabibigyan ng tamang hustisya hindi sana mapupulaan ang industriya, dapat talaga meron mas malawak na kaalaman para hindi lang basta basta ang paghuhusga kundi maibabatay ang lahat sa tamang pagkaakunawa.

Malaking tulong din ang personal na pakikipag ugnayan sa mga taong nagnanasang matuto, tamang gabay kung paano sila makakakita ng opportunidad, at para na rin makaiwas sa mga maling pag gamit ng negosyong ukol sa crypto.
Ang investment ay nasa tao pa rin, nagbibigay lang tayo ng mga oportunidad na makakatulong sa kanila na oportunidad na magagamit nila sa pang araw araw.

Sang ayon ako dyan, ikaw pa rin ang masusunod kung anong dapat mong gawin sa pera mo, pinag hirapan mo yan dapat alam mo kung paano ang tamang pag iinvest, may mga taong totoo sa pagtulong at may mga taong panglalamang at pakinabang lang ang habol sayo, dapat matutunan mo ang tamang pagbabalanse para maging matagumpay ang pipiliin mong negosyo.

Makakatulong talaga sa isang banda kung ung tinuturuan mo eh makikinig at magkaka interest sa sinasabi mo, hindi naman mabilisang pagyaman kundi paraan kung saan maaari talagang kumita ng maayos kung masusunod ng maayos.
sr. member
Activity: 1297
Merit: 294
''Vincit qui se vincit''
-snip

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang ilang kababayan natin na hindi mulat sa makabagong teknolohiya ay scam ang tingin sa crypto o minsa'y narinig ko na pyramiding scheme. Nawa'y maagapan natin ang mga ganitong gawain at masugpo upang hindi na makapanlamang at makapanloko ng kapwa nating pilipino.

Yan agad ang pumapasok sa utak ng mga kababayan nating hindi talaga mulat sa industriyang ito, mas lamang and duda nila dahil sa mga ganitong pangyayari, kung maagapan lang agad at mabibigyan ng tamang hustisya hindi sana mapupulaan ang industriya, dapat talaga meron mas malawak na kaalaman para hindi lang basta basta ang paghuhusga kundi maibabatay ang lahat sa tamang pagkaakunawa.

Malaking tulong din ang personal na pakikipag ugnayan sa mga taong nagnanasang matuto, tamang gabay kung paano sila makakakita ng opportunidad, at para na rin makaiwas sa mga maling pag gamit ng negosyong ukol sa crypto.
Ang investment ay nasa tao pa rin, nagbibigay lang tayo ng mga oportunidad na makakatulong sa kanila na oportunidad na magagamit nila sa pang araw araw.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
-snip

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang ilang kababayan natin na hindi mulat sa makabagong teknolohiya ay scam ang tingin sa crypto o minsa'y narinig ko na pyramiding scheme. Nawa'y maagapan natin ang mga ganitong gawain at masugpo upang hindi na makapanlamang at makapanloko ng kapwa nating pilipino.

Yan agad ang pumapasok sa utak ng mga kababayan nating hindi talaga mulat sa industriyang ito, mas lamang and duda nila dahil sa mga ganitong pangyayari, kung maagapan lang agad at mabibigyan ng tamang hustisya hindi sana mapupulaan ang industriya, dapat talaga meron mas malawak na kaalaman para hindi lang basta basta ang paghuhusga kundi maibabatay ang lahat sa tamang pagkaakunawa.

Malaking tulong din ang personal na pakikipag ugnayan sa mga taong nagnanasang matuto, tamang gabay kung paano sila makakakita ng opportunidad, at para na rin makaiwas sa mga maling pag gamit ng negosyong ukol sa crypto.
sr. member
Activity: 1297
Merit: 294
''Vincit qui se vincit''
-snip

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang ilang kababayan natin na hindi mulat sa makabagong teknolohiya ay scam ang tingin sa crypto o minsa'y narinig ko na pyramiding scheme. Nawa'y maagapan natin ang mga ganitong gawain at masugpo upang hindi na makapanlamang at makapanloko ng kapwa nating pilipino.
member
Activity: 490
Merit: 10
Platform for Cross Chain Fundraising
Sa aking palagay, dahil sa laganap ng scam sa mundo ng crypto currency ay naisipan ng  SEC na magbigay ng babala sa publiko. Ganun pa man, hindi parin ma iwasan na merong taong ma escam dahil nga sa pera na gustong lumaki ng walang gaanong  pagkaabala. Sana, maging alisto tayo sa bagay bagay didto sa mundo nga crypto currency na maging mapagmatyag para kahit papaano maiwasa natin na ma escam.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
wala naman malaking kapangyarihan ang SEC na ipatigil agad agad ang mga ganitong negosyo , may tamang proseso at madalas inaabot gn matagal na panahon kaya nga Nag papa Una ng warning ang SEC para maiwasan na agad natin.
So in case na may mag approach satin eh makakaiwas agad tayo at mag dadagdag ng report.
Madalas lang na nakikita ko ay puro advisory at parang nasa responsibilidad na natin na iwasan yung mga ganung investment tutal naman ay naglabas na sila ng advisory o warning para sa ating kapakanan. Mas maganda nga siguro kung maimplement din nila agad agad yung pagpapasara sa mga ganyang scam o investment company. Pero di ba kapag may advisory, matik na pasara na agad yun? yun nga lang parang kulang sa implementation kaya kahit yung iba may advisory na galing sa SEC, parang tuloy tuloy pa rin ang operation.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Hindi familiar sakin ang mga so called investment company na yan pero mabuti nalang at mag-aga nag rerelease ang SEC ng warning sa publiko pero sana ipatigil narin nila ang mga ito immediately dahil araw-araw panigurado madadag-dagan lang ang mga mabibiktima nila. Dapat kapag illegal tigil na agad para hindi na makapanloko pa.
wala naman malaking kapangyarihan ang SEC na ipatigil agad agad ang mga ganitong negosyo , may tamang proseso at madalas inaabot gn matagal na panahon kaya nga Nag papa Una ng warning ang SEC para maiwasan na agad natin.
So in case na may mag approach satin eh makakaiwas agad tayo at mag dadagdag ng report.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Sa dinami-daming scam na ganyan nag sulputan at napaka gamit na gamit na ang mga ganitong front eh marami padin ang na scam ewan ko ba bat hindi matuto-tuto ang iba nating kabayan at tulad nito naglabas na nga ang sec ng warning tungkol sa mga scam na ganito ang iisipin nila e naiingit ang sec at ginawa pang kontrabida dahil di daw kumikita ayon lahat ng ending sa mga ganitong uri ng investment ay scam kaya paulit-ulit nalang ito kailan kaya matutoto ang iba na walang magandang dulot ang ganitong uri ng sinasabing negosyo.

Same lang din yan sa lottery kabayan kahit sobrang liit ng tsansa na manalo eh tumataya padin mga kababayan natin dahil nagbabakasakaling makatyamba. Yung iba kasi gusto instant yaman kaya ayun ulam noodles na lang dahil nascam na.
sr. member
Activity: 882
Merit: 253
Mabuti na lang at nag-labas ang SEC nang mga babala kagaya nang ganito upang mapamilyar ang ating mga kababayan pagdating sa pag-iinvest. Maganda talaga if lehitimo yung paglalagay natin nang pera upang makasigurado tayo. Ayun sa artikulo, nag-bibigay sila nang 300% na yearly interest kung sinuman ang magiinvest sa kanila. Madaming din akong nadidinig na hindi lehitimong investment scam kahit na dito sa probinsya namin. Kung babanggitin na naman na related ito sa crypto, malamang baka maghinala na naman ang ating mga kababayan na scam lahat nang crypto. Kamakailan nga may investment scam na naganap at hanggang ngayon hindi pa din nababalik sa kanila ang kanilang pera.

Sana makapag-labas pa sila nang dagdag na listahan nang mga hindi lehitimong investment para maging aware na din tayong lahat.
newbie
Activity: 5
Merit: 0
Maaapektohan nanaman ang reputation nang bitcoin dito sa pinas. Kung kailan dumadami na sana ang nag kala interest.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Yung BitAccelerate ba na sinabi dyan kabayan eh yung ginagamit para "mapabilis" yung transaction kuno? if yun nga, hindi ko alam na scam pala yun. I mean they are giving "free" acceleration for your Bitcoin transaction. I don't know kung "napapabilis" nga ba but I was surprised na scam pala sila. Naglipana na talaga ngayon yang mga scam at dinadamay pa kadalasan ang cryptocurrency kaya nagkakaroon ng masamang imahe sa publiko.

Sana mahuli na yung mga pasimuno nyan kasi sinasamantala nila yung pagiging greedy ng mga Pilipino sa malaking pera na kikitain sa maikling panahon lamang, which is too good to be true pagdating sa mga investing na katulad ng nabanggit.

Hindi iba ung tx accelerator at iba ung bitaccelarate na scampany check mo sa social media yung bitaccelarate keyword madami lalabas dun na result at andaming nag promote sa scam na yan tiyak yung habol pang ng mga promoter na yun is referral fee lang sa mga ma-invite nila.
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
Yung BitAccelerate ba na sinabi dyan kabayan eh yung ginagamit para "mapabilis" yung transaction kuno? if yun nga, hindi ko alam na scam pala yun. I mean they are giving "free" acceleration for your Bitcoin transaction. I don't know kung "napapabilis" nga ba but I was surprised na scam pala sila. Naglipana na talaga ngayon yang mga scam at dinadamay pa kadalasan ang cryptocurrency kaya nagkakaroon ng masamang imahe sa publiko.

Sana mahuli na yung mga pasimuno nyan kasi sinasamantala nila yung pagiging greedy ng mga Pilipino sa malaking pera na kikitain sa maikling panahon lamang, which is too good to be true pagdating sa mga investing na katulad ng nabanggit.
hero member
Activity: 2366
Merit: 594
Sa dinami-daming scam na ganyan nag sulputan at napaka gamit na gamit na ang mga ganitong front eh marami padin ang na scam ewan ko ba bat hindi matuto-tuto ang iba nating kabayan at tulad nito naglabas na nga ang sec ng warning tungkol sa mga scam na ganito ang iisipin nila e naiingit ang sec at ginawa pang kontrabida dahil di daw kumikita ayon lahat ng ending sa mga ganitong uri ng investment ay scam kaya paulit-ulit nalang ito kailan kaya matutoto ang iba na walang magandang dulot ang ganitong uri ng sinasabing negosyo.


Hindi nila iniisip ng mabuti kung saan ba kinukuha ang pera na natatanggap nila, ang importante sa kanila ay kumita lamang. Ang pinaka-kawawa dito ay yung mga taong huling nag-invest, mahihirapan sila or worst ay di na nila mababawi ang pera nila. Ang iba sa mga kababayan natin ay desperado pa rin kumita sa kahit anong paraan kaya may mga nabibiktima pa din nito. Sila ay nabrainwash ng mga ganitong kumpanya dahil napakadaling kumita kapag nag-invest ka sa kanila.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Sa dinami-daming scam na ganyan nag sulputan at napaka gamit na gamit na ang mga ganitong front eh marami padin ang na scam ewan ko ba bat hindi matuto-tuto ang iba nating kabayan at tulad nito naglabas na nga ang sec ng warning tungkol sa mga scam na ganito ang iisipin nila e naiingit ang sec at ginawa pang kontrabida dahil di daw kumikita ayon lahat ng ending sa mga ganitong uri ng investment ay scam kaya paulit-ulit nalang ito kailan kaya matutoto ang iba na walang magandang dulot ang ganitong uri ng sinasabing negosyo.
sr. member
Activity: 1358
Merit: 326
Si bitAccelerate ang medyo pamilyar ako dahil dyan na scam yong kakilala ko. At talagang nga professional talaga at hindi mo aakalain na scammer ang mga nasa loob ng kompanya.
 Medyo kulang sa knowledge and mga kababayan nating nagpapa ride ng kanilang mga pera para kumita. Kumbaga pagdating sa easy money, hindi sila takot ipagkatiwala ang pera nila.
 
 Samantalang kung may proper knowledge  ay background lang sana sila, maari pa silang kumita sa sarili nila dahil kayang kaya naman ng bawat members na mag trade mismo.
 
 Naalala ko lang yong isang kamag anak kong nagtanong sa akin kung nagpapa ride ba ako at bakit ko hinihikayat siyang nag invest sa crypto. Sabi ko lang ay hindi kailangan magpa ride dahil madali lang bumili at mag hold. Takot kasi ang unang kumakalaban sa kanila samantalang kapag iba ang gagawa para sakanila ay mas mukhang kampante pa sila kaya doon talaga nabibiktima.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Marami na talagang mga ganitong scams, at habang tumatagal parang bumabalik nanaman yung mga naglie low dati para kunwari nalimutan na or siguro magpapalit lang ng name tapos ganun parin ang sistema.
Halatado naman yung scheme na nagooffer ng too good to be true, walang investment na mabilisan at masyadong malaki ang
interest, madami kasing kababayan natin ang hindi aware sa crypto akala lang nila na porket may mga kakilala silang kumita
eh ganun lang kadali un at sasabak na agad sila, kaya ayun sa huli puro pagsisi inaabot.

Quote
Kahit saakin marami akong mga kakilalang gustong maginvest saken ng pera dahil siguro nakikita nila at minsan nakukwento ko din ang bitcoin or cryptocurrency investments ko, pero sabi ko sa kanila tuturuan ko sila at maginvest sila ng sarili nila para mamanage nila ang pera nila.

Mas mainam na turuan sila kesa ikaw pa yung masisi sa huli, unpredicatble kasi yung galawan at para dun sa hinid nakakaunawa ng
volatility madalas iisipin na nang iiscam ka pa pag nakaranas ng lugi.


Quote
Sa mga ganito kase nagsisimula ang scams kung saan pinapamanage mo sa iba ang pera mo, kahit ma masmaganda maginvest ka sa sarili mo pagaralan mo mismo. Kasya mauwi ka sa mga ganitong klasing company kunwari na scam.

Maling practice talaga yan kabayan, kung talagang seryoso ka sa papasukin mo dapat pagtyagaan mong matutunan, sana lang ung babala ng SEC meron pang kasamang action yung talagang magiging magandang example na may nahuli or napasara at napakulong silang mga scammers dito sa bansa natin.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
Marami na talagang mga ganitong scams, at habang tumatagal parang bumabalik nanaman yung mga naglie low dati para kunwari nalimutan na or siguro magpapalit lang ng name tapos ganun parin ang sistema.

Kahit saakin marami akong mga kakilalang gustong maginvest saken ng pera dahil siguro nakikita nila at minsan nakukwento ko din ang bitcoin or cryptocurrency investments ko, pero sabi ko sa kanila tuturuan ko sila at maginvest sila ng sarili nila para mamanage nila ang pera nila.

Sa mga ganito kase nagsisimula ang scams kung saan pinapamanage mo sa iba ang pera mo, kahit ma masmaganda maginvest ka sa sarili mo pagaralan mo mismo. Kasya mauwi ka sa mga ganitong klasing company kunwari na scam.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
Hindi familiar sakin ang mga so called investment company na yan pero mabuti nalang at mag-aga nag rerelease ang SEC ng warning sa publiko pero sana ipatigil narin nila ang mga ito immediately dahil araw-araw panigurado madadag-dagan lang ang mga mabibiktima nila. Dapat kapag illegal tigil na agad para hindi na makapanloko pa.
Actually iba dyan last year pa, isa pa di ako sure kung nanghuhuli talaga sila (SEC) sa mga ganitong scam group/individual r puro statement lang ailsa. May mga kilala kasenakong nag po'promte sa related investment na namention, eh till now ng po'post pa rin.
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
Hindi familiar sakin ang mga so called investment company na yan pero mabuti nalang at mag-aga nag rerelease ang SEC ng warning sa publiko pero sana ipatigil narin nila ang mga ito immediately dahil araw-araw panigurado madadag-dagan lang ang mga mabibiktima nila. Dapat kapag illegal tigil na agad para hindi na makapanloko pa.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Puro warning lang kase si SEC eh, hinde talaga sya gumagawa ng way para mapasara yung mga scam project na iyon kaya siguro marame paren ang nagtitiwala nating mga kababayan, and sa tingin ko talaga dito is not just about easy money, limitado paren talaga ang kaalaman ng karamihan pag dating sa investments especially sa cryptocurrency. Dadame at dadame ang mga scam companies na ito if SEC keeps on doing the same thing, siguro naman panahon na para mas lalong pahigpitin ng SEC ang kumpanya nila laban sa mga scammers na ito.

Not sure kung may ginagawa talaga sila para mapasara tong mga scams na to, pero hindi talaga feasible na iexpect natin na mapasara nila lahat ng scams lalo na't pag may nagsara, may bagong magbubukas. Gaya rin lang naman sa lahat ng scams na nakikita natin dito sa crypto, na tipong kahit araw araw pa tayo mag report ng scam links dito sa bitcointalk e meron at merong lalabas na bago. At some point ung mga tao dapat talaga ung kelangang mag adjust para matuto.

Sa totoo lang nanghahanap din ako kung meron pang record na napasara ang SEC sa mga kompanyang sinasabi nilang scam, and so far wala pa akong makita. Kaya parang hugas kamay lang ang lumalabas, mag issue sila ng babala, tapos pag may nabiktima at pumutok sa media, sasabihin nila na "meron kaming advisory tungkol sa X company na yan, ang problema eh ang tigas ng mga ulo at hindi nakinig sa amin", hehehe.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
It's a good thing na naglalabas ng ganitong announcements ang SEC. Unfortunately, marami talagang matitigas ang ulo at mahihilig sa "easy money" dito sa Pinas. Kaya sobrang mabenta ang networking schemes dito saatin eh.

True story, may isang scam dati(hindi ko na maalala ung pangalan) na prinopromote sa Facebook nung isang babae sometime between 2017-2018. Nung kinomment ko ung link na galing sa SEC na nagsasabing scam at illegal ung business na un, sabi lang nya "hindi totoo yan".
Eh alam mo naman kasi ang pinoy hanggat may nakikita at nakakausap na pera sa harapan eh yun ang paniniwalaan, kulang sa pag iisip, kumbaga eh parang sa bata kung ano ang nakahain yun lang ang kakainin... useless na talaga magbitaw ng mga salita sa bobong yan, gipit na nga sila eh hindi pa nagiisip ng tama.
Karamihan dyan eh ofw ang tumitirada, kaya ayun nganga.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Di ko din alam yung ibang dalawa pero ang magandang nakikita natin dito, active ang SEC natin para madetermine yung mga scams na yan at naglalabas agad sila ng advisory para magabayan lahat ng mga kababayan natin na mahilig sa pag-invest sa mga kung ano anong company na nagsusulputan. Sana magsawa na yung karamihan sa mga kababayan natin na tumatangkilik ng mga scam investments na yan. Kasi pero parin talagang di natututo.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
Hindi talaga mapagkatiwalaan yung mga ganitong scheme lalo na kapag ponzi ang sistema na ginagamit nila upang maka kuha ng potential na investors.
Mabuti pa direct invest nalang sila sa btc o kaya eth may kabutihan pa nag mangyayari sa kanilang pera. Kadalasan kasi gusto ng tao ang mabilis na pag angat, kaya nahihikayat ba sumali kahit na delikado at mas masahol pa ay malalaking pera ang nakasalalay sa mga ito.
Mag-ingat tayo sa mga ganitong nag-aalok ng negosyo at wag basta basta makikinig dahil agresibo kadalasan ang kanilang approach sa tao para lang makaloko. Sana naman may aksyon ang ating gobyerno sa mga ganitong scam tactics upang wala nang mabiktima na enosenteng tao.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Puro warning lang kase si SEC eh, hinde talaga sya gumagawa ng way para mapasara yung mga scam project na iyon kaya siguro marame paren ang nagtitiwala nating mga kababayan, and sa tingin ko talaga dito is not just about easy money, limitado paren talaga ang kaalaman ng karamihan pag dating sa investments especially sa cryptocurrency. Dadame at dadame ang mga scam companies na ito if SEC keeps on doing the same thing, siguro naman panahon na para mas lalong pahigpitin ng SEC ang kumpanya nila laban sa mga scammers na ito.

Not sure kung may ginagawa talaga sila para mapasara tong mga scams na to, pero hindi talaga feasible na iexpect natin na mapasara nila lahat ng scams lalo na't pag may nagsara, may bagong magbubukas. Gaya rin lang naman sa lahat ng scams na nakikita natin dito sa crypto, na tipong kahit araw araw pa tayo mag report ng scam links dito sa bitcointalk e meron at merong lalabas na bago. At some point ung mga tao dapat talaga ung kelangang mag adjust para matuto.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Madalas na talaga naglalabas ang SEC ng mga ganitong announcement dahil na rin sa kainitan ng mga securities, crypto crowdfunding, and similar investment schemes dito sa Pinas. Naghihintay lang ako na maglabas din sila ng advisory para sa Xian Coin na pinopromote ni Xian Gaza dahil medyo similar din sa ganitong linya ang structure ng nasabing 'cryptocurrency' na walang definite na way kung pano ba kumikita. Ang hirap nga lang, hindi dito registered ang nasabing coin bank kaya hindi makapaglabas ng kung anong memo si SEC sa kasalukuyan. Pero kung may iilan ditong mga kababayan na nagfafollow sa mga online salestalk ni Xian, please lang, know better at umiwas na tayo. Wala akong kahit anong negatibo towards Xian at sa kanyang investment ventures/firms pero hindi ko nakikita na may 'panalo' ang mga mamamayan na bumibili sa kanyang tokens.
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
It's a good thing na naglalabas ng ganitong announcements ang SEC. Unfortunately, marami talagang matitigas ang ulo at mahihilig sa "easy money" dito sa Pinas. Kaya sobrang mabenta ang networking schemes dito saatin eh.

True story, may isang scam dati(hindi ko na maalala ung pangalan) na prinopromote sa Facebook nung isang babae sometime between 2017-2018. Nung kinomment ko ung link na galing sa SEC na nagsasabing scam at illegal ung business na un, sabi lang nya "hindi totoo yan".
Puro warning lang kase si SEC eh, hinde talaga sya gumagawa ng way para mapasara yung mga scam project na iyon kaya siguro marame paren ang nagtitiwala nating mga kababayan, and sa tingin ko talaga dito is not just about easy money, limitado paren talaga ang kaalaman ng karamihan pag dating sa investments especially sa cryptocurrency. Dadame at dadame ang mga scam companies na ito if SEC keeps on doing the same thing, siguro naman panahon na para mas lalong pahigpitin ng SEC ang kumpanya nila laban sa mga scammers na ito.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Buti active ngayon ang SEC mag labas ng mga warning. Last year ang dami ding warning nilabas nila tungkol sa mga scam crypto investment. Kaso ang problema nga lang dito ay masyadong ignorante ang mga Filipino sa ganto. Lalo na sa Facebook at twitter na puro memes at shitpost lang ang meron, isama mo na ang fake news kaya kahit na i-spread mo ito sa social media, wala parin maniniwala or babaliwalain lang nila. Isa pa, karamihan sa mga pinoy ay hindi aware sa mga warning ng SEC kasi hindi naman sila updated or laging tumitingin dito
hero member
Activity: 1722
Merit: 528
True story, may isang scam dati(hindi ko na maalala ung pangalan) na prinopromote sa Facebook nung isang babae sometime between 2017-2018. Nung kinomment ko ung link na galing sa SEC na nagsasabing scam at illegal ung business na un, sabi lang nya "hindi totoo yan".

Totoo po yan idol. Dami pong nabibiktima niyan.

Ang dali po kasi nilang masilaw sa profit o pera na nakikita nila sa mga uplines nila kaya ganyan. Ang nakakatawa SEC pa ang naging sinungaling ha?  Grin

Ang nakakaawa lang kasi dito yung mga tao na desperado kumita ng pera nakikita sila at gusto na din kumita not knowing na scam pala yun. Ang dami pa namang hindi active in social media at yung subsob sa pagtatrabaho sa pamilya nila kaya di nila alam updates and informations about these schemes. Ingat po mga kababayan.

Ang daming nascam dito kamakaylan lang from IWE and nakakaawa karamihan sa kanila kasi sobrang laki nakuhang pera sa kanila.

https://bitcointalksearch.org/topic/m.55462061
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Tingin ko ang mas dapat pasalamatan dito ay ang mga individual na nag rereport in regards sa mga Galawan ng mga scammers na ito kasi kung ang SEC lang ? malabong makaabot sa kanilang kaalaman ang mga offering gaya ng mga nabanggit , i'm sure meron tayong mga kababayan na concern para iparating ang mga issue na ito and they are the silent helpes.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse
Mabuti na rin at ginagawa ng SEC ang trabaho nila na magbigay ng warning sa mga investors at mga Pinoys kahit alam natin na matitigas ang ulo ng karamihan. Sabi nga ni @mk4, ang hilig hilig natin sa mga easy money to the point na hindi na natin naiisip if legit nga ba yun or hindi.

Sa tingin ko naman sasang-ayon kayo sa akin if sasabihin kong kulang ang mga Pinoys sa Financial Literacy at totoo naman yun. Napanood ko na yang video ni ND regarding bitaccelerate (Subscriber nya ako Cheesy).

Tulad nga ng sinasabi ko, para matuto ang isang investor need nya muna maranasan ang ma scam saka nya marerealize ang maling nagawa nya. Mahal nga talaga ang mag-aral 
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
It's a good thing na naglalabas ng ganitong announcements ang SEC. Unfortunately, marami talagang matitigas ang ulo at mahihilig sa "easy money" dito sa Pinas. Kaya sobrang mabenta ang networking schemes dito saatin eh.

True story, may isang scam dati(hindi ko na maalala ung pangalan) na prinopromote sa Facebook nung isang babae sometime between 2017-2018. Nung kinomment ko ung link na galing sa SEC na nagsasabing scam at illegal ung business na un, sabi lang nya "hindi totoo yan".
hero member
Activity: 1722
Merit: 528
Magingat sa mga ganitong scam mga kababayan..

Napakaraming ganitong scheme na ang lumabas sa ating bansa and sana naman before investing, check muna natin ito sa site ng SEC since as far as I know, may list sila online. Narinig ko na din BitAccelerate but the other two, hindi pa.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Naglabas ang ating SEC tungkol sa mga sumusunod na kompanya

(1) Jams Smart
(2) Solmax Global Limited and Igniter 100
(3) BitAccelerate

Ayon sa kanila, walang mga lisensya ang mga ito na magbenta o mag offer ng securities sa ating bansa. Ang pamilyar lang ako dito eh yung BitAccelerate, Nico David "bitaccelerate" SCAM review. Medyo matunog nga ito late last year pa sa atin.



https://www.sec.gov.ph/pr-2021/sec-warns-against-crypto-crowdfunding-and-franchising-scams/
Jump to: