Author

Topic: Second Phase – Cleaning (Read 632 times)

member
Activity: 132
Merit: 17
June 11, 2019, 05:20:03 AM
#19
Just a suggestion
Tingin ko need nadin natin magdagdag ng mga board dito kasi minsan natatambakan nalang yung mga ibang post na kapaki-pakinabang. Para organize nadin ang Local board natin , di na mahirap maghanap.

Tulad ng mga :
[1] Beginners and Guide sections
[2] Marketplace section
[3] Suggestion section
[4] Mining discussion section
[5] Off-topic section

legendary
Activity: 1834
Merit: 1036
June 11, 2019, 03:51:42 AM
#18
Siguro may mga nagsarang signature campaign? Unlike last Month talagang dagsaan.
May mga rules siguro na binago na dati counted ang local boards post pero ngayon hindi na, kaya hindi na sila nag popost dito sa local, more on Gambling section at Bitcoin discussion.

Sana sa iba, iexplore din ang forum at wag magstick sa locals para mahasa at masanay sa mga English threads.
Dapat naman talaga wag sila puro dito lang, bagamat dito sa local board marami kang matututunan, sa labas ng local board mas marami dahil mas marami ang contributors dun. Dito limited lang.
asu
legendary
Activity: 1302
Merit: 1136
June 08, 2019, 03:58:28 AM
#17
Let’s have unity my fellow countrymen, let’s go for the betterment of our local board.

Day by day nagkakaroon na tayo ng pagkakaisa and gumaganda na ang ating local, there’s a lot of good threads na meron na tayo at mga napaka informative na guides, tutorials and madami pa.

I’m wishing for more betterment and @theyoungmillionaire you’re such an inspiration Kiss
legendary
Activity: 2940
Merit: 1083
June 04, 2019, 04:11:46 PM
#16

Nanahimik ang locals at nabawasan ang mga spammer.

Siguro may mga nagsarang signature campaign? Unlike last Month talagang dagsaan.

Sana sa iba, iexplore din ang forum at wag magstick sa locals para mahasa at masanay sa mga English threads.

Salute OP. Tuloy lang.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 294
June 04, 2019, 02:22:48 AM
#15
Wow. I am so impressed sa dedication mo. Some of us joined here because this is one way to earn money. Pero ikaw, mukhang you really joined here just to share your knowledge. At pansin ko nga na wala kang signature campaign. So cool. Pero matanong ko lang. Bakit hindi ka sumasali sa mga campaigns? May bad experience ka ba? Busy? Just out of curiosity lang naman.  Grin

Anyway, oo. Maganda ang iyong plano na phase two which is cleaning. May mga nakikita ako na hindi kaaya-aya pero di ko alam ang dapat gawin tungkol dun. Ang tendency, hinahayaan ko na lang. Di ko kasi alam kung paano mag report. Pero dahil dito sa post mo, susubukan ko na din siguro.

Hindi naman ito pressure sa iba kundi more of a motivation na mas pagbutihin pa para di maireport. Kasi kung una pa lang na maganda na ang post, lalong magiging maayos ang ating local board. Alam ko naman na kaya natin itong mapagtagumpayan! Smiley
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
June 02, 2019, 01:14:58 PM
#14


Here's mine.

Kaya lagi mo akong iniinspire sa paggawa ng mabuti para sa ating local. I hope na ma-reach mo yung mga goal mo dito and especially para sa local. You've already done enough and I think wala ng makakapantay 'don.

Just want to give critics na rin sa mga posters, @theyoungmillionaire's posts were very unique unlike sa iba na naggagayahan nalang din and earning merits through merit cycle. Some of the posts na parang similar lang din sa mga existing threads, nirereport ko na rin. It's like stealing contents at parang paunahan nalang gumawa, walang uniqueness and yung idea wala rin kasi ginaya lang.

On a personal note: ~

Lahat ng tao talaga dadaan at dadaan sa problema, even you have financial problems, you didn't forget to help and report all of this shitposters here. Even me, walang wala rin ako and gumagastos for the development of my own research pero after kong matapos lahat yon, I'll come back, wait no, we will come back at alam na nila kung sino sino sila.  Wink
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
May 30, 2019, 05:39:02 AM
#13
By the way guys I found a tool good for reporting if ever may nakita kang member na mga posts ay one-liner, or ang pangkalahatan ay spam. Ito yung thread ni Cyrus https://bitcointalksearch.org/topic/userscript-report-to-moderator-on-post-history-5101823 kung saan makukuha ang userscript. Ang ikinaganda nito ay kung sakaling i-click mo yung "Show the last posts of this person." you'll see the "Report to Moderator" button onto it as well, kaya hindi ka mahihirapan kung sakaling may makita kang post ng user na spam, off-topic, one-liner o low quality of posts. Just follow the steps to enable the scripton Firefox browser.



Image edited from Cyrus posts.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
May 29, 2019, 05:21:33 AM
#12
The reply is too long, therefore it is taking too long for it to load on my phone if I quoted it. I just sent you a message regarding your question. And hopefully I can get some positive response from you mate 😂

Anyways, whatever you can think of, for the betterment of our board, I'm just here on the shadows supporting you guys. I may not be hang around with you by this time but I'm still reading and kicking off 😁. Sono need to worry about.  If there are things that you want me to do, just send me a PM here or on telegram (just type @cabalism13).
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need A Campaign Manager? | Contact Little_Mouse
May 29, 2019, 04:33:19 AM
#11
I have done this before reporting newbies who are spamming especially in the bounties section but unfortunately, I left the forum for weeks because of personal reason.

Thanks sa post mo Smiley now I'm spending a bit of my time reporting this stupid spammers. Alam ko marami na TAYONG nakakakuha ng pera dito sa forum na ito so I think its time to return the favor thru cleaning the forum. Kahit 1-2 hours per day lang or even 30 minutes lang na ispend mo for reporting eh malaking tulong na un.

Nung nagrereport ako, kadalasang ung mga newbies na nagpopost sa bounties section ang nirereport ko. Brinabrowse ko ang post history nila at kapag ang post lang ay "Good project" and the like, consider spam un at pwede ireport. Nirereport ko din noon ung mga NECROPOSTERS.

Now is the time para tumulong naman tau sa forum. Puksain natin ang mga spammers. Tawagin nyo ang sarili nyo na SPAMBUSTERS  Grin
sr. member
Activity: 375
Merit: 1021
Just in case no one loves you, I love you 3000.
May 29, 2019, 03:56:04 AM
#10
Kakahiya man 'tong result ng report ko pero from now on magsisimula na din ako tulad ng number of reports mo.
Lahat nagsisimula sa maliit, it takes time. I'm sure you can do it.

Sorry to hear about your struggle, if you don't mind when I got my campaign salary tomorrow from @Hhampuz, rest assured you will get donations from me to help you start and cheer a bit even just small amount. You have done far more than us earning here on bitcointalk, you deserved our help. 66027 reports are worth something of your time here.
Thank you, sheenshane. That will indeed help me. Feeling ko parang mag start ako ulit, pero ganyan talaga ang buhay and sabi nga nila masusukat mo ang tunay na kaibigan sa panahon nang kagipitan. Never thought that you have that sincerity in you, sheenshane.

Can I also take this chance as your 2nd phase? For what I mean is giving out your presence once again here in our local.
Yes, you can. Just don't forget to ref this link.

Its been a long while since I have seen your posts. 😂 With you here, I think more will be encourage to go into discussions.
I just don't post, I'm helping on cleaning this forum, nabigla lang ako kasi nung magcheck na ako sa mga professionals na kausap ko if meron na silang idea about bitcoin or learned topics about bitcoin (itong forum ang suggest ko), pag check daw nila ng about bitcoin eh puro naman daw spam, kaya ayun nag check nga ako at puro lang spam karamihan and rehash (but not all, of course). I will just focus on discussing or replying here on our local board and give sMerits I have received to our fellow Filipino. 

( I wish I could know you personally just like the other reputed members here 😂😁 )
Do you know reputable people here personally? Nice, saan kayo nagkikita-kita? Dami mo pala tropa dito. Solo gaming lang ako dito, no group or other stuff. Lone life ako, nung mag start dito sariling sikap lang, samantalang yung iba nagkakaroon ng biglang merit dahil maraming kakilala. But hey, take a look at me now. I work hard just to be here and now a new level of helping our forum.

kahit hindi ako katulad nyo na nag e excel dito as a member.
You can do it for sure, lienfaye. Seen some of your posts and it has some value. Keep it up!

kasi he remain humble despite of having a good position here inside the forum.
Lahat naman tayo pantay-pantay. Parang tulad lang yan sa workplace, paglabas nang workplace hindi naman Boss or officer ang isang tao, paglabas niyan ng workplace tao din yan. Ordinary lang, pagsumakay ba siya ng bus kunwari sasabihin ba niya na "Boss ako kaya priority ako dapat"? Lahat tayo pantay pantay. At the end of the day lahat naman tayo babalik sa alikabok.

@theyoungmillionaire - Kabayan kaya mo yan, pagsubok lang yan, I know mahirap and sometimes you just caught yourself staring off into space pero huwag ka susuko. I'm not in the right place to say you this because I don't truly understand your struggle, I just want to remind you that God is always there for us. I also f*cked up so many times pero andito pa rin ako, still surviving through His grace. Gusto ko man magdonate like what others will do pero short din kasi ako, and for that I'm sorry.
Appreciate it, NavI_027.

Nakaka inspire ang dedication mo dito sa forum, salamat dahil ginawa mo yan ng walang kapalit at tinitingnan mo ang future ng next generation.
It is just part of my vision, sabi nga nang mga nakakakilala saken (not from this forum) isa kang visionary, nawalan lang ako tiwala sa sarili ko nung hindi ko na anticipate na my mga bagay na ganitong financial struggle.

Yung financial struggle mo, sana ma solve rin yan balang araw,
Yes, it will be solved.

Friendly advise, just minimize your spending or live below your means, mahirap kasing bumaba sa lifestyle na nakasanayan na natin, pero we need to be practical.
Don't just judge about "lifestyle", you don't even know me. It is not about that.

At hoping na meron ding gumaya ng competition na ginawa ni Tytanowy Janusz na binigay mo rito exlusive just for Filipino members, how about that? But I know even if there's no such rewards hope we do our obligations as a user here too. Make this forum great again.
Ang purpose ng merit ay iba sa reporting, kaya I don't support such challenge.
full member
Activity: 798
Merit: 104
May 28, 2019, 07:57:22 AM
#9
Edit: By the way since uso naman mga challenges how about a challenge weekly about our reporting history in this thread? By the way ang target ko ngayon ay maka 300 reports so that I'll be able to view my report history. By the way guys hope hindi abusive ang report at dapat yung nararapat.
No offense mate, maganda naman intention mo pero siguro mas maganda if we will just work in silence na lang. Ang kinakatakot ko lang kasi ay maging sobrang competitive ang bawat isa if ever natuloy ang ganyang activity, okay lang sana kung 100% accurate ang pagreport ng bawat isa ang kaso hindi laging ganun. Yung aim mo nga na 300 reports ay sobrang hirap na, di na natin masabi kung magiging fair pa ba ang judgement mo all the way long. Remember, qauntity is not equivalent to quality Smiley.

Kung may nakita tayong thread or post na kailangan ireport then doon na lang tayo magreport, huwag natin masyado i-career, huwag ipilit ng sobra kasi may chances na maging toxic tayo.

Agree ako sayo buddy maganda naman ang hangarin nya pero kung titignan mu baka pag mulan pa ito ng hindi maganda tsaka di naman lagi tama or 100% accuracy ang mairereport natin minsan kala mu kala ko shit posting dahil sa maikli ang post pero informative/helpful pala sya. Saludo ako kay OP dahil sa dedicated sya sa paghahanap or paglilinis sa forum site na ito.
full member
Activity: 1232
Merit: 186
May 28, 2019, 06:32:27 AM
#8
Edit: By the way since uso naman mga challenges how about a challenge weekly about our reporting history in this thread? By the way ang target ko ngayon ay maka 300 reports so that I'll be able to view my report history. By the way guys hope hindi abusive ang report at dapat yung nararapat.
No offense mate, maganda naman intention mo pero siguro mas maganda if we will just work in silence na lang. Ang kinakatakot ko lang kasi ay maging sobrang competitive ang bawat isa if ever natuloy ang ganyang activity, okay lang sana kung 100% accurate ang pagreport ng bawat isa ang kaso hindi laging ganun. Yung aim mo nga na 300 reports ay sobrang hirap na, di na natin masabi kung magiging fair pa ba ang judgement mo all the way long. Remember, qauntity is not equivalent to quality Smiley.

Kung may nakita tayong thread or post na kailangan ireport then doon na lang tayo magreport, huwag natin masyado i-career, huwag ipilit ng sobra kasi may chances na maging toxic tayo.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
May 28, 2019, 05:09:35 AM
#7
Thanks for this post @theyoungmillionaire hope na marami makabasa nito dito sa forum at ma internalize how big the impact is kung ano ang malinis na forum. At hoping na meron ding gumaya ng competition na ginawa ni Tytanowy Janusz na binigay mo rito exlusive just for Filipino members, how about that? But I know even if there's no such rewards hope we do our obligations as a user here too. Make this forum great again.

Edit: By the way since uso naman mga challenges how about a challenge weekly about our reporting history in this thread? By the way ang target ko ngayon ay maka 300 reports so that I'll be able to view my report history. By the way guys hope hindi abusive ang report at dapat yung nararapat.
hero member
Activity: 2716
Merit: 904
May 27, 2019, 09:01:28 PM
#6
Nakaka inspire ang dedication mo dito sa forum, salamat dahil ginawa mo yan ng walang kapalit at tinitingnan mo ang future ng next generation.
Personally, I never made a report being a member here but I will try my best to be a good member in this forum.

Yung financial struggle mo, sana ma solve rin yan balang araw, pansin ko rin na malaki ang loan mo, yun siguro ang proof na nag struggle ka.
Pero sa laki ng interest dito sa forum, baka lalo pang madagdagan ang problems mo.

Friendly advise, just minimize your spending or live below your means, mahirap kasing bumaba sa lifestyle na nakasanayan na natin, pero we need to be practical.
full member
Activity: 1232
Merit: 186
May 27, 2019, 07:25:24 PM
#5
Grabe pala ang dedication mo @theyoung talaga sa forum it takes so much time and effort para magkaroon ka lang ng 65k good reports, truly you're one of the stars here sa bitcointalk. Kaya maraming humahanga sayo dito at isa na ako doon.
Sinabi mo pa mate, 'di ko nga inexpect na nasa point sya ng financial crisis. Knowing this fact, hands down ako kasi he remain humble despite of having a good position here inside the forum.

@theyoungmillionaire - Kabayan kaya mo yan, pagsubok lang yan, I know mahirap and sometimes you just caught yourself staring off into space pero huwag ka susuko. I'm not in the right place to say you this because I don't truly understand your struggle, I just want to remind you that God is always there for us. I also f*cked up so many times pero andito pa rin ako, still surviving through His grace. Gusto ko man magdonate like what others will do pero short din kasi ako, and for that I'm sorry.

Hmm, aaminin ko na hindi na rin ako naging active sa pagreport lately kasi naging busy na but this time I will continue doing this kahit dito muna sa local board natin para mas madali and para tayo na rin ang magbenefit first and foremost. I've got 16 reports with 100% accuracy naman so masasabi ko rin na meron akong fair judgement Smiley.
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
May 27, 2019, 07:04:05 PM
#4
Aminado ako na hindi ako mahilig mag report o pakialaman ang post ng iba pero dahil sa mga sinabi mo parang natauhan ako na kailangang tumulong sa ikalilinis ng forum at wag puro pansariling interes lang ang lagi isipin.

Lagi ko sinasabi na naiinspire ako sa mga post mo theyoungmillionaire kaya malaki ang influence mo sakin bilang kapwa pinoy dahil lagi ko binabasa mga post mo

Kailangan na talaga ng pagbabago dito kaya rest assured na tutulong ako para sa ikabubuti ng forum, kahit hindi ako katulad nyo na nag e excel dito as a member.


legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
May 27, 2019, 05:18:24 PM
#3
Can I also take this chance as your 2nd phase? For what I mean is giving out your presence once again here in our local. Its been a long while since I have seen your posts. 😂 With you here, I think more will be encourage to go into discussions.

Anyways, I still look up on you bro,... ( I wish I could know you personally just like the other reputed members here 😂😁 )

P.S. I may not be able to do what you have done, but I still make reports whenever I find shits on my way.

Quote
You have reported 366 posts with 99% accuracy (351 good, 5 bad, 10 unhandled). Do not worry about your accuracy too much; one accurate report is worth many inaccurate reports.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1232
May 27, 2019, 01:39:12 PM
#2
Grabe pala ang dedication mo @theyoung talaga sa forum it takes so much time and effort para magkaroon ka lang ng 65k good reports, truly you're one of the stars here sa bitcointalk. Kaya maraming humahanga sayo dito at isa na ako doon.


Kakahiya man 'tong result ng report ko pero from now on magsisimula na din ako tulad ng number of reports mo.

You are really correct need pa din natin nang isa pang merit source (aside from @cabalism13 na naging source na) para maging solid ang Local Board natin either you or @crwth.

I’m suffering from financial problem as like you guys, I’m also human. Hindi lang sumagi sa isip ko na darating sa point nang buhay ko na magkakaroon ako sa chapter na mag-struggle sa finances. I’m depress, but, life has to move on.
Sorry to hear about your struggle, if you don't mind when I got my campaign salary tomorrow from @Hhampuz, rest assured you will get donations from me to help you start and cheer a bit even just small amount. You have done far more than us earning here on bitcointalk, you deserved our help. 66027 reports are worth something of your time here.
sr. member
Activity: 375
Merit: 1021
Just in case no one loves you, I love you 3000.
May 27, 2019, 12:44:23 PM
#1
This topic is not about merit.

Since mukhang successful naman na tayo sa ating first phase which is magkaroon ng new merit source and to have more quality posters here sa ating local board. cabalism13 is our new local merit source, I think we still need another source at sa nakikita ko ang pwede is si crwth, hope na ma-approve din naman siya.

Para naman sa ating second phase, I present to you mga fellow Filipinos "Reporting or cleaning our local board/bitcointalk"

Meron tayong Guides:
English Version: https://bitcointalksearch.org/topic/guide-reporting-effectively-4519248
Filipino Version: https://bitcointalksearch.org/topic/gabaypara-sa-epektibong-pag-rereport-4857368

Sa phase na ito hinihikayat naman natin na simulan natin linisin ang sariling local board at kung maaari ang buong bitcointalk na din, sa nakikita ko meron pa rin mga rehash lang na post dito sa ating local at bitcointalk as a whole.

Kung i-click niyo ang guide sa pagrereport halos andyan na din naman lahat ng kailangan ninyong malaman, I will just add up ang mga experienced ko at to showcase na rin nang reporting stats ko dito sa forum (hindi ko nilalagay sa meta ito at gusto para sa mga Filipino na muna).

Kung gusto mo magkaroon ng Your report history para makita ang history ng iyong mga reports dapat ay magkaroon ka ng sapat na reports, at least 300. Pag na-click mo na yan, mapupunta ka sa below image (sample nang aking reporting history).



Sa image above, makikita niyo ang kulay ng yellow, red, and green. Which has corresponding names na unhandled, bad, and good.

Yellow -  ito yung mga pending na reports mo, pwede siyang mapunta sa bad or good reporting. Meron din mga times na magiging unhandled lang talaga siya depende sa decision ng staff na maghandle nito, kung hindi sila sigurado sa pwedeng magiging habang ukol sa iyong report.

Red – ito yung masasabing wag kang magfocus, kasi lahat naman tayo nagkakamali may mga reports ka na nadelete pero nilagyan naman ng bad reporting, oo, to tell you all magkakaroon ka ng times na disappointed ka or frustrated ka kasi bakit siya nadelete ibig sabihin dapat good reporting siya di ba? Sasabihin mo sayang lang nang time ko dito nagreport ako tapos nilagyan lang ng bad reporting. Ang deleted post ay hindi mo na talaga pwedeng mareport pa ulit pero yung iba na hindi pa nadedelete ay pwede mo naman siya i-report ulit. Example image below:



Sa nakikita niyo sa image sample ko, naging good na siya for the third time, ito yung first time image and discussed on Meta ---> Re: [Competition] Report spammers and pseudo-goodposters, ayun sa global moderator na nakausap ko, dapat daw kausapin ko or find out who are the moderators ang naghandled nyan at mukhang obvious naman na copy and paste lang siya bakit naging bad? You can view the sample bad reporting sa link above. Kaya advice ko sa inyo wag kayo mawalan nang pag-asa, lahat tayo nagkakamali even moderators or staff nagkakamali kaya report lang nang report at sure ako magiging good reporting din yan or mapupunta yan sa taong my knowledge sa reports mo. Actually, lately dumdami na yung bad reporting ko simula nung pagbalik ko, kind of strange na dapat ko pang ulitin siya para maging good lang.  Different staff ay merong sariling decision pero minsan kasi siguro busy lang sila kaya napipindot nila ibang key.  Again, wag niyong isipin ito masyado ang importante alam niyo na tama yung nireport niyo at pwede mo naman siya ulitin hanggat hindi pa siya nadedelete.

Green – ito naman yung mga good reports na hindi na kailangan ng mahabang explanation at makikita niyo naman sa guide ang mga procedures na pwede niyong gawin para magkaroon kayo ng maganda accuracy, iba pa din yung nakikita mo na 100% accurate ang iyong pagrereport mas nakaka-engganyo, d ba?

Ginagawa ko, parati akong nag-chechek ng Patrol, dito mas nakikita ko yung mga spam post at click ko yung mismong reply para macheck ko din kung dun sa topic na yun ay meron pang ibang spam posts or any unwanted posts, hindi agad ako nagdirect report to moderator.

Marahil merong magtatanung sa inyo kung ano nga ba ang benipisyo ng pagrereport? Nasa guide na po ang mga list ng benefits. Bilang kumita lang ang purpose dito, ano ang kikitain ko dyan sa pagrereport? Pwedeng mawala ang pinagkikitaan mo kung hindi ka tutulong sa pagrereport. Kung puro spam na lang ang bitcointalk wala din silbi ang kumita dito at wala nang magkakaroon nang interest magbasa dito kung puro lang naman paulit ulit ang sinasabi sa forum na ito. Pwedeng mawala ang isang forum dahil lang sa spam. Kaya bilang isang member ng community na ito, responsibilidad natin na panatilihing malinis ito. Huwag na wag kayo gumawa ng ikaka-ban nang inyong mga account at ito ay ang personalidad nyo sa forum na ito.

On a personal note: Marahil nagtatanung din kayo kung bakit hindi na ako active magpost dito at mapapansin din nang mga staff na mukhang kumukunti ang reporting ni theyoungmillionaire, I’m suffering from financial problem as like you guys, I’m also human. Hindi lang sumagi sa isip ko na darating sa point nang buhay ko na magkakaroon ako sa chapter na mag-struggle sa finances. I’m depress, but, life has to move on. I never earned sa forum na ito at wala naman ako signature campaign, d ba? Kaya magtatanung kayo bakit ko pa ginagawa ang magreport at pilitin ayusin ang Filipino image? Bakit ka nag-aaksaya nang internet, electricity, at laptop usage mo? It is not just about me and I never think na mas mataas ako sa mga tao dito sa forum, you haven’t seen me na nag-brag or nag-celebrate na meron ako maraming merits or ito reporting ko mas madami sa inyo. Ngayun ko lang pinakita ang latest reporting history para makita ng mga Filipino na kinaya niya nga maging 66k reports at the same time magkaroon ng maraming merits, tayo pa kaya na dito tayo kumikita? I just want to see or maging part nang forum na ito for a long time, nakikita ko na ito na ang future natin, cryptocurrency na or bitcoin na ang tatanggapin nating currency. Kung mawawala ang forum na ito paano na ang next generation natin, hindi na nila makikita ang makasaysayang bitcointalk forum na founded by satoshi himself.

Let us start our second phase.
Jump to: