Author

Topic: Security Token Offering, maganda nga rin ba? (Read 198 times)

sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Meron akong alam na STO, ang tagal na mula nung nagsimula sila sa token sale nila pero parang hindi pa din nila makuha yung gusto nilang kapital kaya extend ng extend. Mukhang IEO pa din ang pinapaboran ng mga tao.
Mukha nga! Ang IEO kasi ay naging tanyag ngayon sapagkat karamihan sa trader ay nasa binance at dahil sumikat ang ilang IEO sa binance, maraming STO ang nababalewala. Ngunit, maraming mga tao pa rin ang nagiinvest sa STO dahil ito ay mas may seguridad kumpara sa ibang fund raising.
full member
Activity: 527
Merit: 113
Ang STO ba kaylangan pa ba maging KYC para mag karon ng token or kun wari e sasali ka sa bounty nila (kung meron man) Makukuha mo ba yung token without KYC?

Narinig ko na to kaso hindi ko lang naintindihan kung paano to nag wowork kasi may lumabas na rin na IEO it na parati ang na ririnig ko sa altcoin section.

Dpat ng itigil ang ICO kasi jan pumangit ang bitcoin marami ng mga developers ang mga fake na nag bebenta ng mga token sa altcoin section isa na ko sa nabiktima na pinag sikpan kong 2 months na suoting ang signature nila pero hanggang ngayon wala akong nakitang reply kung kailan nila didistribute ang token. Athero kung narinig nyo yun sinalihan ko yun pero wala e.

Ang pagkakaalam ko ang mga STO kailangan ng matinding KYC dahil parang yung tokens meron kang ownership sa company at siguro dapat citizen ka sa country kung saan iheheld yung STO parang IPO din siya.

Meron din nga STO na all around and maraming countries ang allowed. Problema lang sa mga ito ay ang legal papers. Maraming STO ang nagsasabi na legit sila pero hindi madali ang sistema ng mga STO kaya sa ngayon hindi pa natin masabi kung maganda ba talaga ito or much better pa din ang IEO and ICO.
sr. member
Activity: 1377
Merit: 268
Ang STO ba kaylangan pa ba maging KYC para mag karon ng token or kun wari e sasali ka sa bounty nila (kung meron man) Makukuha mo ba yung token without KYC?

Narinig ko na to kaso hindi ko lang naintindihan kung paano to nag wowork kasi may lumabas na rin na IEO it na parati ang na ririnig ko sa altcoin section.

Dpat ng itigil ang ICO kasi jan pumangit ang bitcoin marami ng mga developers ang mga fake na nag bebenta ng mga token sa altcoin section isa na ko sa nabiktima na pinag sikpan kong 2 months na suoting ang signature nila pero hanggang ngayon wala akong nakitang reply kung kailan nila didistribute ang token. Athero kung narinig nyo yun sinalihan ko yun pero wala e.

Ang pagkakaalam ko ang mga STO kailangan ng matinding KYC dahil parang yung tokens meron kang ownership sa company at siguro dapat citizen ka sa country kung saan iheheld yung STO parang IPO din siya.
legendary
Activity: 1638
Merit: 1046
Ang STO ba kaylangan pa ba maging KYC para mag karon ng token or kun wari e sasali ka sa bounty nila (kung meron man) Makukuha mo ba yung token without KYC?

Narinig ko na to kaso hindi ko lang naintindihan kung paano to nag wowork kasi may lumabas na rin na IEO it na parati ang na ririnig ko sa altcoin section.

Dpat ng itigil ang ICO kasi jan pumangit ang bitcoin marami ng mga developers ang mga fake na nag bebenta ng mga token sa altcoin section isa na ko sa nabiktima na pinag sikpan kong 2 months na suoting ang signature nila pero hanggang ngayon wala akong nakitang reply kung kailan nila didistribute ang token. Athero kung narinig nyo yun sinalihan ko yun pero wala e.
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
Meron akong alam na STO, ang tagal na mula nung nagsimula sila sa token sale nila pero parang hindi pa din nila makuha yung gusto nilang kapital kaya extend ng extend. Mukhang IEO pa din ang pinapaboran ng mga tao.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
ang polymath ba ay STO rin?
Chineck ko website nila at mukhang pwedeng gumawa ng mga project under ng platform nila para maging STO.
full member
Activity: 868
Merit: 185
Roobet supporter and player!
Actually, Gusto ko sanang sumali sa mga STO project since karamihan sakanila ay secured at may chance talagang magsuccess. Meron ngayon na mga STO subalit karamihan ay aligned sa stellar which ayoko kasi di applicable sa mobile phone ko o hindi ko lang alam kung paano gumana ang wallet para malagyan ng stellar. So, hindi ako sumali sa STO project na yun. Anyway, naghahanap pa din ako ng mga STO. ang polymath ba ay STO rin?
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Dahil masyadong popular ngayon ang IEO o Initial Exchange Offering ay mukang naiisantabi na ng karamihan ang ibang klase ng token sale. Halimbawa na lamang ang ICO o Initial Coin Offering na talaga naman patok sa masa noong lumabas noong 2017 na ngayon ay nagiging maalat na sa mata ng namumuhunan. Mayroon nga akong ginawang artikulo ukol sa IEO at ICO. Maaari nyong basahin dito: https://bitcointalksearch.org/topic/m.51179964

Pamilyar ba kayo sa mga STO o Security Token Offering? So, ginawa ko itong thread upang mabigyang diin naman natin ang kagandahan naman ng STO o Security Token Offering. Sa iba pang kumento o suhestiyon, tinatanggap ko ang inyong pahayag sa ibaba.

History:

Ang unang STO na naglaunch ay ang Blockchain Capital (BCAP) noong Ika-10 ng Abril, 2017. Ang Blockchain Capital ay itinayoBale kasagsagan ng ICO ay mayroon ng isang matagumpay na STO project na umabot pa ang benta sa 10 milyong dolyar.

Simula 2017 hanggang ngayon ay mayroon pa din na STO na proyekto at nagiging matagumpay.

Depinisyon:

Ito rin ay kasintulad ng ICO na kung saan ang mga namumuhunan ay bumibili ng token gamit ang kanilang pera. Subalit, hindi kagaya ng ICO, ang STO ay 100% na regulated ng gobyerno. Isa na lamang ang pagdaan sa maraming proseso ng SEC upang mailunsad ang isang proyekto na STO. Samakatuwid, maraming proseso and dapat daanan ng isang STO at kalimitan sa mga ito rin ay nagkakaroon ng mga accreditation o pili lamang ang maaaring mamuhunan. Kagaya na lamang ang mga US investors, kailangan ay dapat accredited sila bago makabili ng token.

Hindi rin maaaring magpalista ang isang STO sa isang regular na exchange. Kung gusto ng isang exchange na maglista ng STO ay kailangan na dumaan din ito sa regulasyon. Kung kaya`t naililista lamang ang STO sa tinatawag na specialized exchange

Maraming pinagdadaan kung kaya`t makakasiguro ang namumuhunan na seryoso ang mga developer at hindi scam ang proyekto. Dahil dito, maaari din na magpasa kayo ng KYC o identity na kung saan ayaw ng ibang namumuhunan sapagkat gusto natin ng pagkakaroong ng anonymity sa Cryptocurrency.

Benipisyo:

Noong 2017-2018 ICO mania nga ay maraming debeloper na nakapagbenta ng token sa mga namumuhunan ng walang pagpapahalaga sa economic rights at pagtanaw sa mga batas. Katulad na lamang ng pagtakbo ng funds o kita at hindi pagpapalabas ng dibidendo ayon sa nakatakdang araw. Ngunit sa pagpasok ng mga STO ay talaga naman kamangha-mangha dahil ito ay naging alternatibong solusyon para sa mga namumuhunan. Sapagkat ang mga STO ay may layunin na protektahan ang hindi pantay na turing sa pagitan ng Debeloper at namumuhunan.

Ito ang iba pa sa mga hangarin ng STO:

Credibilidad
Nasabi ko nga kanina na maraming na-iscam sa ilalim ng ICO dahil nailulunsad ito ng hindi man lang nagkakaroon ng regulasyon. Hindi katulad ng STO ay bago pa magsimula ang token sale ay kailangan sumailalim sa maraming proseso at legalidad.

Pinabuting tradisyunal na pampinansyal
Hindi katulad ng dating paraan ng pamumuhunan ay mas mababa at mabilis ang STO sapagkat gumagamit din sila ng Smart Contract.

Mataas na bahagdan ng Liquidity
Dahil sa specialized exchanges kalimitang naililista ang mga STO kung kaya`t asahan mo na may kalidad at mabilis ang transakyon dito.

Hindi manipulado at Maraming Investors
Sa tingin ko ay maraming namumuhunan ang maglalaan para sa mga STO sapagkat gusto natin ng seguridad sa ating pera. Kahit sino naman ay tumitingin hindi lamang sa kung magkano ang magiging tubo kundi pati sa gamit at seguridad ng isang proyekto.

Konklusyon

Nakadepende pa din sa atin kung ano ang ating paraan ng pamumuhunan. Mahalaga na matukoy natin ang ginagampanan ng bawat uri ng token sale sapagkat namumuhunan tayo at may karapatan tayo na malaman kung anong uri ng proyekto ang ating paglalagukan ng pera. Maaaring maging gabay ang mga post ko sa mas maganda at ligtas na pamumuhunan. Nawa`y nakatulong ako sa mga bago sa cryptocurrency. Wag na natin gayahin ang kasabihang "Pera na naging Bato pa!" o "Bitcoin na naging Shitcoin pa!"

Hindi ko ito ginawa para magpromote ng STO, ito ay paraan lamang upang makita ng namumuhunan kung ano ang kinagandahan ng bawat token offering

Sanggunian:

https://stoscope.com/sto/blockchain-capital?fbclid=IwAR2CfbaaEAcC0bjKynSijdYGm_alfsybr3VTqwUYsAvQyqZzvbBxUT8oWPk
https://cryptonews.com/guides/what-is-a-security-token-offering-sto.htm?fbclid=IwAR1O1-JRkV6dsXDlsMlLnRI44ATkanBgRWNA1wpbQlpV4zKgyvlQX_JPdiw
Jump to: