Basahin nyo ang artikulong ito ng bitpinas Crypto king arrested in Philippines for 100 million fraud
Nakakalungkot lang na hanggang sa ngayon kahit nasa modernong panahon na tayo may kumakagat parin sa mga scams nato at kadalasan bitcoin or crypto talaga ang front nila since mas madali mauto ang mga tao sa laki ba naman ng hype lalo na sa usaping pera at investment. Kaya mag ingat at maging mapanuri lagi para makaiwas tayo sa scam na ganto.
Marami talagang nasisilaw sa mga ganitong investment dahil nga naman sobrang daling kumita ng pera akalain mo investment ka lang ng pera ang wala ka ng ibang gagawin ay dodoble na again ang investments mo, double your money again sa halagang 10,000pesos gagawin agad nilang 20,000pesos sobrang obvious 100% return agad, paalala talaga sa mga ganitong investment ay alamin talaga muna kung pano tutubo ang pera ng double for sure if matagal na panahon maaaring magawa mo nga ang 100% pero in just two weeks lang ay mayroon agad 100% return, dapat alamin mo rin muna kung gano nila genegenerate ang business nila.
Also sobrang sketchy in the first place dahil ang sinasabe nyang business ay cryptocurrency business so siguro nagtatrade lang siya ng cryptocurrency para kumita siya which is sobrang risky for sure may mga times na matatalo ka rin and pano mo ipapayout ang mga investors mo.
Iwas nalang talaga tayo lalo na sa sobrang laking profit na mga ganitong investment siguro around 5% profit ay pwede pang mangyari pero yung mga ganitong 100% in just two weeks ay for sure ay pyramiding scheme lang kung saan nagcocollect lang din sila ng mga investors kaya kapag wala ng nagiinvest sa kanila ay wala na rin sasahurin ang mga naginvest.
Double your money nga naman dapat dun palang duda na talaga sila dahil wala namang institusyon ang kayang magbigay ng ganyang kabilis na kita na ganyan. Tsaka lalo na kapag tao sa tao lang ang usapan nadali lang talaga sila sa self proclaimed crypto king nayan since medyo realistic naman ang promise return nya kung consistent tlaga sya kumikita sa crypto pero malabo talaga mangyari yan. Kaya sa mga natalo sa scam na katulad nito sana talaga maging malaking leksyon na yung mga nangyari sa iba para wag nila pamarisan. Dahil kung marami paring uto-uto di matitigil ang pang scam ng mga ganid na yan.