Author

Topic: Selfie Verification sa Gcash (Read 153 times)

sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
June 09, 2023, 03:40:04 AM
#11
though di pa naman operated sa lahat ng user according to their update pero sooner daw lahat na ng  users ay dadaan sa ganitong security in which I think mabuti naman para dagdag layer ng assurance for our safeties.
hindi basta basta yong nangyari recently in which truly alarming , sa ganitong gagawin nila eh malamang sa mga simula eh sasamantalahin ito ng mga hacker dahil after this being broadcast and implemented malamang mawalan na sila ng pagkakataong makapanlamang ng kapwa.
and sana din hindi to maging ugat ng discrimination lalo na sa mga low model na gcash users baka maging issue pa tong another security feature sooner.
but all in all? pabor ako sa ganito though mas hassle na not like nong wala pang ganito na mas mabilis ang withdrawal kasi mas mabigat na data tiyak ang need sa pag gamit nito at malakas na signal.
sr. member
Activity: 2828
Merit: 357
Eloncoin.org - Mars, here we come!
June 07, 2023, 06:55:50 AM
#10
Kaya never ko ni link ang gcash ko sa kahit anong apps or kahit sa shopee, kasi nga may friend ako in the past na nabiktima na ng hacking though sa phishing links sya nabiktima .
But about this verification ng selfie? Sana lang wag maabuso to ng masasamang tao na mahuhusay sa panloloko at pambibiktima .
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
June 06, 2023, 07:57:23 PM
#9
Oo mga meron ngang selfie verification ang Gcash at implemented na to. Although there could be issues naiisip ko like hindi ma approved and selfie mo or there could be some form of glitch.
Hindi ko gets essence ng selfie nila kasi di ba usually selfie tapos may kasamang valid ID? Pero dito selfie lang pero siguro nga para na rin sa record nila na if ever may mag report na ng scam sa specified number, makikita nila kung sino ang nagselfie pero puwede pa rin namang pekeen yan nung mga masasamang loob.

And again, this could be taken advantage of hackers as well, baka may matanggap kayo na text messages at sinasabing kelangan nyo i click ang link nakasaad dito, so just be careful since mukang prone ang Gcash sa ngayon sa mga hackers lalo na nung nagawan sila ng breach the last time, tiyak cat and mouse game na to, Gcash vs mga hackers.
Tama, baka gawin nanaman nilang spam text niya pati na rin sa mga emails natin na dapat magverify gamit ang selfie kaya ingat lahat mga kabayan.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
May 28, 2023, 04:50:00 AM
#8
Oo mga meron ngang selfie verification ang Gcash at implemented na to. Although there could be issues naiisip ko like hindi ma approved and selfie mo or there could be some form of glitch.

And again, this could be taken advantage of hackers as well, baka may matanggap kayo na text messages at sinasabing kelangan nyo i click ang link nakasaad dito, so just be careful since mukang prone ang Gcash sa ngayon sa mga hackers lalo na nung nagawan sila ng breach the last time, tiyak cat and mouse game na to, Gcash vs mga hackers.
full member
Activity: 406
Merit: 109
May 27, 2023, 12:01:12 PM
#7
Hindi pa ko nakakapag gcash recently pero may kakilala nga akong nakapag kwento na may selfie verification. Well, maganda naman sya dahil madadagdagan ang seguridad ng gcash. Pero hindi pa rin dapat pakampante ang mga users na safe na sila dahil sa ganitong feature. Makakadagdag sya sa safety pero marami pa ring paraan na kayang gawin ng mga scammer at hacker para lang makaaccess ng gcash account ng ibang tao kaya kailangan pa rin natin individually na maging maingat. Kasi karamihan din ng fault, nasa users na basta basta nagtitiwala, nag c-click ng link, at hindi nag iingat sa mga banks or e-wallet accounts nila.

Pero overall, it's a good step for gcash since kailangan din nila mabalik yung tiwala ng mga users na secure gamitin yung app nila.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
May 27, 2023, 11:32:58 AM
#6
Malapit ng maipatupad ang Selfie Verification sa Gcash app bilang extra layer ng security sa app. Sa tingin ko ay goods ito na update king sakali man na mahack or manakaw yung phone na may gcash app dahil walang way na mabuksa yung app na wala yung presence ng owner.

Maganda din siguro ito kung sakali man para madaling maexposed ang identity ng scammer na gumagamit ng gcash. Medyo magdadalawang isip siguro ang mga scammer na mag gcash king required talaga yung ganitong security feature.

Source: https://bitpinas.com/fintech/gcash-face-recognition-feature/

Magandang feature ito since maraming mga cases ng hacking sa Gcash kahit na maraming nagsasabi na hindi safe ang Gcash pero mostly naman talaga ng mga issues ay kasalanan din talaga ng users kung bakit sila na hack or phishing, masmaraming magtitiwala ulet sa gcash dahil nakikita rin naman talaga ang dagdag lalo na sa security.

Masokey itong Face recognition I think mahirap siya mabypass compared sa ibang paraan not sure lang talaga how accurate ang technology nila, dahil ang pinkaissue talaga sa face recognition is baka maging hassle dahil maraming case ng hindi madedetect ang face mo or na ikaw talaga ung may ari ng account pano kung nagpagupit ka and malaki ung nabago sa itsura mo.

Pero masokey if pwd rin iadd ung ibang security like Authenticator or OTP hindi lang ung pin dahil 4 numbers lang ung pin.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
May 27, 2023, 02:57:20 AM
#5
Pero sana tanggalin na ni Gcash yung link ng account para magbayad dahil sobrang risky talaga nito since wala ng OTP kapag naka link na yung account. Example nito ay kapag nakalimk na sa mga e-commerce kagaya ng shopee. Direct transaction na agad kaya nakakatakot kung may makakahack ng account na naka link si gcash.
Magandang suggestion yan pero ok lang din naman na ilink para sa mga gusto ng convenient at hindi hassle pero yun nga lang dapat laging may additional security para sigurado. Panigurado natuto na Gcash at mga users sa mga ganitong scenario kaya nag-add na sila ng security feature at yung mga hindi naka-on yung OTP thru SMS, automatic na ilalagay nila kung magwiwithdraw sa bangko. Ang pansin ko lang naman, kapag magsend naman sa ibang Gcash account tapos hindi naka-on OTP, ganun din, hindi hihingi ng OTP kaya kapag may unauthorized access pwede lang nila isend sa ibang Gcash #.
hero member
Activity: 2996
Merit: 808
May 26, 2023, 12:33:23 PM
#4
Didn't noticed this, kaya pala may selfie verification kanina nung nag open ako ng Gcash app ko. This is actually a great idea para naman mabawasan yung mga hackers or para maging totally eradicated na yung mga hacking incidents.
Double purpose din itong feature na to, to prevent hackers from accessing your account at para capture din yung mukha na gustong mag access ng account mo.
Pero I think hindi ito makaka tulong sa mga users na kahit anong app yung sinusubscribe or link na kini-click giving other people authority to automatically deduct sa Gcash balance nila LOL. Ito kasi yung kadalasang problema sa mga nawawalang ng pera sa Gcash eh lol.

Hahaha. Relate ako dito. Sobrang dami kong kaibigan na sobrang careless pagdating sa paglink ng account nila sa mga online gambling site or mga site na nagbibigay ng free money kuno. Madaling mabiktima ang mga pinoy ng mga free money scheme or quick rich scheme kagaya ng trading corpo at gambling.

Pero sana tanggalin na ni Gcash yung link ng account para magbayad dahil sobrang risky talaga nito since wala ng OTP kapag naka link na yung account. Example nito ay kapag nakalimk na sa mga e-commerce kagaya ng shopee. Direct transaction na agad kaya nakakatakot kung may makakahack ng account na naka link si gcash.
hero member
Activity: 2814
Merit: 553
May 25, 2023, 04:13:51 PM
#3
Didn't noticed this, kaya pala may selfie verification kanina nung nag open ako ng Gcash app ko. This is actually a great idea para naman mabawasan yung mga hackers or para maging totally eradicated na yung mga hacking incidents.
Double purpose din itong feature na to, to prevent hackers from accessing your account at para capture din yung mukha na gustong mag access ng account mo.
Pero I think hindi ito makaka tulong sa mga users na kahit anong app yung sinusubscribe or link na kini-click giving other people authority to automatically deduct sa Gcash balance nila LOL. Ito kasi yung kadalasang problema sa mga nawawalang ng pera sa Gcash eh lol.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
May 25, 2023, 01:44:10 PM
#2
Basta any layer ng security at added security ay maganda sa bawat users. Puwede din naman yung fingerprint na madalas na din nagagamit pati sa mga banking apps. Extra layer din yang selfie verification. Maganda nga yan kapag hindi sila owner tapos nag attempt silang mag log in gamit mukha nila sa hindi nila gcash account, pasok sa database tapos recorded mukha nila na magno-notify sa email ng legit na owner ng account na tina-try nilang buksan.
hero member
Activity: 2786
Merit: 705
Dimon69
May 25, 2023, 10:27:51 AM
#1

Jump to: