Author

Topic: [SHARE] Toybitz: The Bitcoin Explorer (Read 495 times)

member
Activity: 588
Merit: 10
April 01, 2019, 10:30:50 PM
#22
...wow,,gumagana na nga talaga ung UB Bitocin ATM..kaso para nga talagang hassle kasi maprocesso xa,,tas kailangan pa ng mag-open ng bank account..lalo na salugar namin,,province pa,,mejo malayo ang metro sa lugar namin,,not unless meron ding ATM sa province namin,,kaso mangilan ngilan lang ang mga branch ng union bank dito sa lugar namin,,haiz..tama ka nga,,kung saan ka hassle free,,un nlang ang gamitin mo,,sanay narin ako sa coins.ph..matanong ko lang,,may big role din siguro ang coins.ph sa pagpapatayo ng bitcoin atm ng union bank?..kasi diba partners sila..
copper member
Activity: 896
Merit: 110
April 01, 2019, 02:18:02 AM
#21
Kung parehas lang ng rate nito sa coinsph e tingin ko mas maganda pa rin sa coins cashout via bank account nalang akala ko dati hindi na kilangan ng account sa ub para magamit itong bitcoin atm nila mas ok na rin to atleast kung meron niyan at may account ka incase kilangan mo tlaga ang pera macashout mo agad, ask ko lang op magkano ang limit jan per day? 20,000php den ba?


18,000PHP yung limit nung time na nag cash out ako.
Hindi ako sigurado kung pwede pa ulit mag cash out after nun.
Marerecommend ko yung UB BTC ATM as remmittance.
I-send mo lang yung QR code na lalabas kapag nag cash out ka papunta dun sa magpapadala sayo ng BTC.
Mai-skip mo na yung process na mag receive ng BTC sa coinsph or any other wallet app, convert to PHP, and cashout.
Syempre dun pa rin tayo kung saan tayo hindi maha-hassle.
Alternative lang yang UB BTC ATM.
 Smiley
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
March 31, 2019, 11:51:08 PM
#20
Kung parehas lang ng rate nito sa coinsph e tingin ko mas maganda pa rin sa coins cashout via bank account nalang akala ko dati hindi na kilangan ng account sa ub para magamit itong bitcoin atm nila mas ok na rin to atleast kung meron niyan at may account ka incase kilangan mo tlaga ang pera macashout mo agad, ask ko lang op magkano ang limit jan per day? 20,000php den ba?
copper member
Activity: 896
Merit: 110
March 30, 2019, 02:14:21 PM
#19
Ang galing zenrol28 kaso ang masasabi ko lang medyo hustle yung version natin ng Bitcoin ATM under UnionBank. Sa palagay ko unnecessary yung Bank Account requirement nila since kailangan mo pa din maglagay ng actual cash, akala ko ilalagay mo nalang yung UnionBank card mo sa loob ng machine tas dun na ma-auautomate yung credentials mo. Pero ang nangyari nyan kailangan mo pa i-input yung Account number mo as requirement. Saking opinyon kailangan baguhin ito ng UnionBank kasi nga wala namang purpose yung pagkakaroon ng account sa Unionbank.
Yes, may punto ka dun. Di naman talaga dapat pang kailanganin na magkaroon pa ng account para lang makagamit ng BTC ATM. Tulad nga ng sabi ni @crwth.
Ibig sabihin may KYC procedures bago ka makagamit ng ATM nila, medyo hassle kasi mag papakita ka pa ng IDs, tapos iinterview ka pa.
Pero syempre ok pa rin kesa wala, isang hakbang pa rin ito tungo sa sinasabi nating mass adoption ng Bitcoin at crypto.  Smiley
I think it's just protection for them to prevent unwated transactions na baka malugi sila or something. I hope maging mass adopted dito sa Philippines para at least marami na yung pwede mo ka transaction.
Inaalagaan pa rin nila siguro yung reputasyon nila bilang isang kilalang bangko. Kahit papaano may nag tangkang sumubok diba? May drawbacks pero good pa rin. Siguro kung magkaroon ng kakumpetensya na hindi kinakailangan na magkaroon ng account para lang makagammit tapos sumikat yung magiging kalaban nila, malamang siguro baka alisin din nila yung ganung requirement. Oras na lang makakapagsabi, ang maganda nun kapag nangyari yun malamang ATH na naman ng BTC  Cheesy

EDIT: Yung pinaka hassle nga pala dyan yung OTP, kada kembot kailangan mag input ng OTP.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
March 30, 2019, 12:18:15 PM
#18
Ang galing zenrol28 kaso ang masasabi ko lang medyo hustle yung version natin ng Bitcoin ATM under UnionBank. Sa palagay ko unnecessary yung Bank Account requirement nila since kailangan mo pa din maglagay ng actual cash, akala ko ilalagay mo nalang yung UnionBank card mo sa loob ng machine tas dun na ma-auautomate yung credentials mo. Pero ang nangyari nyan kailangan mo pa i-input yung Account number mo as requirement. Saking opinyon kailangan baguhin ito ng UnionBank kasi nga wala namang purpose yung pagkakaroon ng account sa Unionbank.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
March 30, 2019, 08:42:43 AM
#17
How to use Unionbank's Bitcoin ATM

Primary requirement: Must have a Unionbank account.
Apply for EON: https://www.unionbankph.com/personal/debitcards/cards/eon/111-frequently-asked-questions/eon-faqs
Apply for GetGo: https://getgo.unionbankph.com/debit-card
Both has a fee of 350php and 500php respectively.

Once you have activated your account which can take from 3 business days or more, you can now access the Bitcoin ATM.
Tap the screen to start.
You will be asked if you have an account with UB.
If NO, you will be asked to open an account with UB.
If YES, you will be asked to key-in your account #.


An OTP will be sent to your registered mobile # and key-in on the screen.


You can now choose to Buy / Sell Bitcoins


[For Selling BTC]
After selecting "Sell Bitcoin", a Terms and Conditions Agreement will show and you should Agree on it in order to proceed.
Another OTP will be sent to your phone,


You will now select how much in PHP you are going to cash out.
The denominations are only in 100 (not available when I used the ATM), 500 and 1000 PHP.
And tap "Cash Out" when the desired amount is reached.


You will be requested to send X amount of BTC in an address.
Scan the QR code and send your Bitcoin


Once their system receives the incoming transaction, you'll be ask to wait until the transaction got confirmed in the network.
You can now leave the ATM or just wait there.


The number of confirmations were not mentioned, you will just receive an SMS notification that you can now redeem your cash.


Access again the ATM, key-in your account # and the OTP, then tap the "redeem" button on the lower right corner of the screen.


The cash will be dispensed after redeeming.



[For Buying BTC]
Repeat the ealier steps until you reach the "Buy" / "Sell" Screen and tap "Buy Bitcoin"
Terms and Conditions again.
OTP again.
You will be ask to place your QR code in the machine's scanner.


You will be ask to insert a bill, only 500 and 1000 peso bills are accepted so be careful.


After inserting the amount the you want, you can see how much it will be converted into BTC.
Tap "Send Coins" to complete the process.


In just a while, you will receive the incoming bitcoin to your wallet.


And that's it. Smiley
BTW, in every end of transaction, there will be a QR receipt.
You can opt to take a picture it or just leave it there.

Natapos ko rin sa wakas yang Unionbank na yan.
Yung rate nga pala nila ay kapareho ng coinsph conversioin.


Sa susunod muli.  Wink
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
March 19, 2019, 09:33:03 PM
#16
Ibig sabihin may KYC procedures bago ka makagamit ng ATM nila, medyo hassle kasi mag papakita ka pa ng IDs, tapos iinterview ka pa.
Pero syempre ok pa rin kesa wala, isang hakbang pa rin ito tungo sa sinasabi nating mass adoption ng Bitcoin at crypto.  Smiley
I think it's just protection for them to prevent unwated transactions na baka malugi sila or something. I hope maging mass adopted dito sa Philippines para at least marami na yung pwede mo ka transaction.

Sana talaga magkaroon ng mag aaccept directly ng crypto as payment.
I know in some online shops like Shopee, they accept coins.ph transactions and it is thru DragonPay. Na try ko na siya multiple times and didn't fail me naman (just the item I ordered lol)

May nababalitaan ako na magkakaroon ng bazaar ang isang Crypto Enthusiast Group na "Coinrunners PH" at tatanggap sila ng crypto as payment.
Kaya baka eto maging next target ko since dito rin naman sila sa Manila.  Grin
Nagulat ako nanonood ka din dun eh tapos buti nakapag chat ka dun haha. Nabasa ko nga din sa Telegram Group nila na parang mag kakabazaar sila dun.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
March 18, 2019, 05:16:04 AM
#15
May roadblock agad akong na-encounter sa pag gamit nung BTC ATM ng unionbank.

If YES = Enter your account # then you'll receive an OTP on your registered #
If NO = Open an account  Sad
Ibig sabihin may KYC procedures bago ka makagamit ng ATM nila, medyo hassle kasi mag papakita ka pa ng IDs, tapos iinterview ka pa.
Pero syempre ok pa rin kesa wala, isang hakbang pa rin ito tungo sa sinasabi nating mass adoption ng Bitcoin at crypto.  Smiley
Sana talaga magkaroon ng mag aaccept directly ng crypto as payment.
May nababalitaan ako na magkakaroon ng bazaar ang isang Crypto Enthusiast Group na "Coinrunners PH" at tatanggap sila ng crypto as payment.
Kaya baka eto maging next target ko since dito rin naman sila sa Manila.  Grin
sr. member
Activity: 1008
Merit: 355
March 13, 2019, 09:48:49 PM
#14



Sigurado ako na pag dadami ang gagamit ng Bitcoin ATM eh magdagdag pa ang Unionbank dito sa bansa lalo na sa kanilang mga sangay sa buong bansa at makakahikayat din sa iba pang mga malalaking bangko na sumabay rin para mas dadami pa ang mga ganitong kaparehong serbisyo sa buong bansa. Alam natin na ang negosyo ay talagang uusbong pag meron talagang pangangailanagan peero pag makita ng bangko na matamlay ang pasok ng pera dito ay malamang di rin ito lalago kaya maige na mapalaganap natin ang kaalamang ito sa mga kakilala natin na nasa cryptocurrency rin. I am hoping that this can just be the start as I believe that here in the Philippines there remains a big market for this industry partly because the population here is quite young and young people are more prone to explore and try new way of doing things. Viva Bitcoin!
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
March 13, 2019, 05:07:03 PM
#13
Hoping na mas dumami pa yung mga unit nationwide ng malaman ng mga tao ang halaga ng bitcoin at how it use on a daily life by common tao. Hoping na hindi lang Union Bank ang mag adapt sa naturang teknolohiya kung hindi almost all banks here in the Philippines.

Hoping rin na mas maging maliit ang fees ng ATM unlike other source of withdrawal and deposit like remittances, surely it will be flocked to use their service.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
March 13, 2019, 11:46:23 AM
#12
Salamat po sa update abangan ko to haha kabayan baka gusto mo mag vlog upload sa youtube mas okay kasi kung video. pero kahit pictures lang sapat na kung saan ka comfortable. Tingin-tingin nalang muna ako ang laki kasi amount pag mag open account, at sana mag lagay din sila dito sa mindanao soon.
Susubukan ko magrecord. Hehe. Medyo low end kasi phone ko na gagamitin kong pang record. Kung sakaling panget ang quality capture ko na lang yung mga pics na kailangan. Yung "kailangan ng account para makagamit ng Bitcoin ATM", kukumpirmahin ko pa kasi yung security lang na nandun ang nagsabi sa akin ng info na yun. Hindi naman nya alam kung ano gamit ng ATM na yun. Kaya may chance pa rin na baka kahit walang account sa union bank makakagagmit nun.  Smiley

Pasensya na talaga hindi ko mapuntahan ngayong week yung ATM na yun. Pang araw kasi ako ngayon. Next week pa ako magpapanggabi kaya nag reresearch na lang muna ako ng iba pang establishment na tumatanggap ng crypto. Tulad nung restobar ni Paolo Bediones, nag-inquire na ako, kaso walang reply. Yung blockchain fuel na gas station naman 200km mula dito sa bahay. Tapos wala pa sa google map yung eksaktong lugar, hinanap ko lang kung saang barangay ayon dun sa mga article. Mahabang byahe yun sa bike  Cheesy
full member
Activity: 1176
Merit: 162
March 13, 2019, 03:48:43 AM
#11
Salamat po sa update abangan ko to haha kabayan baka gusto mo mag vlog upload sa youtube mas okay kasi kung video. pero kahit pictures lang sapat na kung saan ka comfortable. Tingin-tingin nalang muna ako ang laki kasi amount pag mag open account, at sana mag lagay din sila dito sa mindanao soon.
member
Activity: 588
Merit: 10
March 12, 2019, 11:04:13 PM
#10
,,napakaganda ng plano mo..mamarkahan ko ito at susubaybayan palagi..toybitz the explorer..talagang pinuntahan mo pa lahat ng mga pinopost mo..sabagay mas magandang ibahagi yung mga karanasan mo atlis masasabi mong may katotohonan lahat ng ito..

100,000 php open account?for union bank holders..ang laking halga nito para makagamit ng bitcoin atm machine nila..pero okay narin..hihintayin ko yung ikalawang update mo sa atm na to..maraming branch and union bank,,maglalagay din ba sila ng mga Bitcoin atm sa different branches nila??sana magkaron din sa mga probinsya..
sr. member
Activity: 1162
Merit: 268
50% bonus on your First Topup
March 12, 2019, 05:14:41 AM
#9
Kaunti palang ang ganitong machine, Sana rumami pa , laking ginhawa eto sa mga crypto users katulad natin. Expect nalang natin si Union Bank na ma established  eto agad sa buong pinas.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
March 11, 2019, 11:34:51 AM
#8
I bobookmark ko ito kailangan natin ng ganitong thread para malaman natin ang mga establishment at Atm na tumatanggap ng ATM pero dapat gumamit ka ng motor para mabilis ang biyahe grabeng hingal nyan kung Makati to Quezon City at limitado pa ang dadaanan mo bili ka ng MSI125 yan gamit ko maaasahan talaga sa mga lakaran.
Salamat sa advice. Basta sa loob lang ng Metro Manila kayang padyakan. Yung 2 ATM nasa Makati lang parehas. Mga 20+kms mula sa bahay, pang exercise  Cheesy.

Curious lang po ang UnionBank ba sa bawat branches maglalagay ng ATM machine for bitcoin?
Depende siguro kung maraming gagamit nung ATM na yun. Parang konte lang kasi nagpunta nung inoperate yung ATM, kasi dapat may mga articles na tayong makikita sa mga cryptobloggers. Pero positive pa rin ako na madadagdagan pa mga Crypto ATM sa atin, kahit ibang bank o company ok sakin.
full member
Activity: 938
Merit: 105
March 10, 2019, 10:56:31 PM
#7
Nice one toybitz, talagang pinuntahan mo pa na naka bisiklita lang para lang makahanap ng information at ibinahagi sa amin. No doubt that here in our country talamak na ang gumagamit ng Cryptocurrency(Bitcoin). Pagnakapunta ako ng metro manila try ko din visit diyan at tingnan and bagong ATM machine.
Curious lang po ang UnionBank ba sa bawat branches maglalagay ng ATM machine for bitcoin?
hero member
Activity: 3024
Merit: 614
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
March 10, 2019, 05:14:58 AM
#6
I bobookmark ko ito kailangan natin ng ganitong thread para malaman natin ang mga establishment at Atm na tumatanggap ng ATM pero dapat gumamit ka ng motor para mabilis ang biyahe grabeng hingal nyan kung Makati to Quezon City at limitado pa ang dadaanan mo bili ka ng MSI125 yan gamit ko maaasahan talaga sa mga lakaran.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
March 10, 2019, 01:46:43 AM
#5
~snip
As what I have read in the article about to them March 8 in this year operational na yung ATM machine, yun pala ay hindi pa. Well, thanks for bringing up here a piece of information regarding the UnionBank ATM system.

At tsaka bakit may depossit na kailangan? Maybe let's wait for the official announcement from them and also please do update your thread if gathered information. Delay kasi kami dito sa probinsya wala pa nga kami ATM machine for crypto.
Siguro may technicalities silang na encounter kaya naka off yung ATM. Bali next week balikan ko, sabi ni manong guard bubuksan daw ulit yun ng monday (11 Mar).

Nakabisikleta lang kasi ako kaya limitado lang sa loob ng Manila o kaya sa mga katabing probinsya lang ang kaya kong mapuntahan.
Kawawa ka naman tiyak matinding pawis aabutin mo niyan kuya. Well, waiting to have some update on your thread. Wink
Walang problem saken yun, bike to work ako, kaya parang namasyal lang ako.  Grin
Hindi na advisable mag commute sa Manila. Magastos na traffic pa.

Nice yang mga ganyang explorations, unfortunately malayo ako sa metro.

Btw baka gusto mo puntahan yung blockchain fuel, yung gas station sa may pampanga if still operating and give us kahit kunting review lang  Cheesy
Set ko yan as long ride. Huhugot ako kasama para di malungkot sa byahe.  Cheesy
Baka sa Holy Week pa maschedule, mag papaalam pa ako kay kumander.  Grin

Salamat sa info, ikaw din ata nagfeedback sa thread ko dati salamat  Wink
100,000 php open account ? mag open tayo ng separate account para magamit bitcoin atm service nila? san mo nakuha ang info na to. Excited na ako ano kaya proseso nito pag open account bibigyan ba tayo ng atm card specific for bitcoin or scan2 QR code or something similar.
welcome paps. Yung info na kailangan din ng account bago magamit yung ATM ay nabasa ko sa isang comment sa fb page ng unionbank. At sa security na nandun sa pinuntahan ko. Babalikan ko yan next week (weekends lang kasi ako libre saka mahigpit pag weekdays, bawal ang bike sa bangketa ng makati, kukunin ng roving guard.)
Pero yung 100,000php na initial deposit totoo yun. Sa unionbank kasi ako madalas mag cash-in ng coinsph. May nag inquire dun kung magkano initial deposit. Sumakit bulsa ko nung narinig kong 100k, kahit ATM account lang ganun din.
Pero tingin ko sa simula siguro puro mga client nila ang makakaexperience. Then kapag marami na yung unit baka iopen na rin for public.  Smiley

Nag inquire ako sa "Punta Mandala" (yung kay Paolo Bediones) kung tumatanggap pa ng bitcoin.
Kapag pwede pa, dun ako next.
I'll keep this thread active, kahit twice a month ako mag explore, every sahod para may pambala.

EDIT: added more quotes  Cheesy
full member
Activity: 1176
Merit: 162
March 10, 2019, 01:40:32 AM
#4
Salamat sa info, ikaw din ata nagfeedback sa thread ko dati salamat  Wink
100,000 php open account ? mag open tayo ng separate account para magamit bitcoin atm service nila? san mo nakuha ang info na to. Excited na ako ano kaya proseso nito pag open account bibigyan ba tayo ng atm card specific for bitcoin or scan2 QR code or something similar.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
March 10, 2019, 01:31:03 AM
#3
Nice yang mga ganyang explorations, unfortunately malayo ako sa metro.

Btw baka gusto mo puntahan yung blockchain fuel, yung gas station sa may pampanga if still operating and give us kahit kunting review lang  Cheesy
legendary
Activity: 2548
Merit: 1234
March 10, 2019, 01:17:04 AM
#2
snip-
Bitcoin ATM by UnionBank

Petsa ng pagbisita: 10 Mar 2019
Serbisyo: Buy/Sell Bitcoin
Lokasyon: The ARK, G/F, Insular Life Building, 6781 Ayala Avenue, Makati City (sa ATM area)
Komento: Sa pagpunta ko, medyo nadismaya ako kasi naka-off yung unit.
               Pero may mga marka ng daliri sa screen nito, kaya may nakagamit na.
               Sabi nung security ng area, sa lunes pa raw magiging fully operational (kahit naka post sa social media page nila na operational na ito).
               At ang medyo kinabahala ko yung sinabi ng security na tanging may mga account sa UnionBank ang makakagamit ng serbisyong iyon.
               Kaya pinaplano kong balikan ito upang makumpirma.
               100,000php ang minimum deposit upang makapag-open ng account sa kanila.
As what I have read in the article about to them March 8 in this year operational na yung ATM machine, yun pala ay hindi pa. Well, thanks for bringing up here a piece of information regarding the UnionBank ATM system.

At tsaka bakit may depossit na kailangan? Maybe let's wait for the official announcement from them and also please do update your thread if gathered information. Delay kasi kami dito sa probinsya wala pa nga kami ATM machine for crypto.

Nakabisikleta lang kasi ako kaya limitado lang sa loob ng Manila o kaya sa mga katabing probinsya lang ang kaya kong mapuntahan.
Kawawa ka naman tiyak matinding pawis aabutin mo niyan kuya. Well, waiting to have some update on your thread. Wink
copper member
Activity: 896
Merit: 110
March 10, 2019, 01:00:21 AM
#1
Update/Edit as of 30 Mar 2019
Nakumpleto ko rin yung adventure ko sa UB BTC ATM. Sa ngayon research pa ulit ako. Sana may makita ako na magagamit talaga sa araw araw.  Smiley
Nagdagdag na rin ako ng Google Map para sa Lokasyon.

Kamusta kabayan, para panimula;
Ako si zenrol28, mas kilala ako sa palayaw na Bitoy / Toybitz.
Oo, parang si Michael V.
Ako'y magbabahagi ng aking naging at magiging karanasan sa pag gamit ng bitcoin o altcoin dito sa ating bansa.
Partikular na sa mga sinasabing "actual use case", kung saan gagamitin ko ang crypto kapalit ng isang serbisyo.
Tulad ng ATM, transportation, fast food, grocery, dept store, drugstore at iba pa.
Yung tipong madalas gamitin araw-araw.
At heto na nga, ang mga napuntahan ko na:

Bitcoin ATM by UnionBank [How to Use Guide]

Petsa ng pagbisita: 10 Mar 2019, 18 Mar 2019, 25 Mar 2019 (Sa wakas nagamit ko na rin!  Cool)
Serbisyo: Buy/Sell Bitcoin
Lokasyon: The ARK, G/F, Insular Life Building, 6781 Ayala Avenue, Makati City (sa ATM area)

Komento: Eto na talaga, dahil nakumpleto ko na. Ang masasabi ko lang kung sa experience, syempre masaya saka nakakapagod (pabalik balik ba
               naman eh)  Cheesy. Pero sulit naman kasi mas madali syang gamitin kesa doon sa Sunnette Towers. Saka sigurado ka na may ilalabas na pera
               dahil hawak sya ng bangko. Yun nga lang kailangan pa na mag open ng account sa UB. Maganda gamitin pang receive ng remittance.
               (Ise-send mo lang yung QR code na ilalabas ng ATM dun sa magpapadala sayo ng bitcoin. Hindi mo na kailangan na mareceive sa bitcoin
               wallet mo, direkta na agad sa ATM para ma-cashout)


Bitcoin ATM by bitcoiniacs

Petsa ng pagbisita: 23 Feb 2019 (next visit: bandang 23 May 2019 para saktong 3 months iche-check kung gumagana pa)
Serbisyo: Buy Bitcoin / Litecoin (naka disable ang withdrawal service nung nagpunta ako)
Lokasyon: G/F, Sunette Tower, Durban St. Makati Ave, Makati City (sa gilid ng elevator)

Komento: Eto ang aking kaunaunahang pinuntahan kaya may halong pagkasabik habang nasa byahe.  Smiley
               Halatang may kalumaan na rin yung ATM sa itsura pa lang, wala ring technician na available kung sakaling magkaaberya.
               (Kung saan nakaranas ako na biglang nagclose yung UI, buti na lang windows yung OS kaya sinubukan kong i-restart at yun nga umayos na.)  Cheesy
               Ang minimum deposit ay 500php at mayroon itong fixed transaction fee na 50php.
               May halos kaunting kamahalan ang ratio ng ATM (mas mataas ng 2% kumpara sa coinsph nung oras na iyon).
               Pero hindi mo na kinakailangang magdownload pa ng app, magregister at mag submit ng identity upang makabili ng BTC / LTC.
               Wallet address lang at cellphone # (para sa isesend na code ng ATM) magagamit mo na serbisyo nila.


Sa ngayon eto muna.
Maghahanap pa ako ng iba pang establishments na tumatanggap ng crypto dito sa Metro Manila at ibabahagi ko rito.
Nakabisikleta lang kasi ako kaya limitado lang sa loob ng Manila o kaya sa mga katabing probinsya lang ang kaya kong mapuntahan.
Salamat sa iyong oras, nawa'y lumaganap ng lubusan ang paggamit ng Crypto sa ating bansa.

Previous Update/Edit

15 Mar 2019 - Sa wakas nakita ko nang operational yung Bitcoin ATM ng UnionBank. Na-confirm ko na rin na kailangan may account ka muna sa kanila. May nalaman akong 2 options para makagawa ng account nang walang initial deposit. Either GetGo Debit Card (500php) or EON Debit Card (350php). Bali nag-avail ako ng card, after 3 days pa bago pa magamit kaya balik na naman ako next week.  Cheesy

15 Mar 2019 - May nabasa akong article tungkol sa pag gamiit ng Bitcoin ATM ng UnionBank. Ang nakakalungkot sa article na yun ay nun nabasa ko na naman na kailangan may account ka sa bank na iyon. Pero, pwede naman pala mag apply ng account gamit ang GetGo Visa Debit Card nang walang initial deposit.
SOURCE: https://bitpinas.com/feature/unionbank-crypto-atm-how-it-works/

13 Mar 2019 - Nakatanggap ako ng reply mula sa fb page ng UnionBank na nagsasabing bukas lamang ang Crypto ATM kasabay ng oras ng pagbabangko lamang.
Kaya mag rereschedule pa ako nito at gagawin kong sa lunes dahil pang gabi na ako sa work next week, kaya mapupuntahan ko na ng weekdays.

12 Mar 2019 - Naglagay ako ng parang note kung kailan yung petsa ng susunod kong pagbisita para sa follow-up o kaya pag check kung gumagana pa.
Jump to: