Author

Topic: Si CZ Na Tagapagtatag Ng Binance Ay Kinasuhan Ng CFTC (Read 189 times)

hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Palaging may nagrereklamo tungkol sa Binance. Pero TOP1 pa rin ang campaign. Marahil iyon ang dahilan kung bakit ang ganitong malapit na pansin ay binabayaran sa Binance.
Gumamit ka lang ba ng google translate?

Daming issue kay Binance, totoo na dapat mag ingat pa rin tayo lalo na sa mga may funds doon.
Puwedeng ignore lang ang FUD at tiwala lang sa kanila. Kahit na masyadong malaki ang Binance kapag may mga issue na masyadong mabigat para tanggihan, kailangan nilang ijustify yung parang sa kanila at sagutin lang at patunayan na walang basehan ang accusation sa kanila.
Pero sa totoo lang, hindi ethical yung ginawa ng mga employees nila at dapat umasyon si CZ sa mga taong involved sa kyc issue.
Kaya nga eh, daming issue pero wala namang nagawa laban sa kanila. Parang wala lang nangyari at parang normal lang ang lahat. Kaya ang masasabi ko possible manipulation lang sa market. Isa kasi yan sa paraan para mabuhay yung market eh, kahit sila yung unang makikinabang. Possible rin naman na totoo yung mga paratang kasi sisiguraduhin naman nila na walang mga ebidensya na makikita.
Posibleng may katotohanan ang mga paratang sa kanila kasi nga may mga companies talaga na nagkakaissue sa mga ganyang patakaran lalo na sa bansang kung saan sila naka-base. Pero posible rin naman na ginagawa lang yan para mas lalo pang sirain yung reputasyon na nabubuo na nila. Sa ngayon, mahirap na tibagin yang reputation nila maliban nalang kung maging katulad sila ng FTX.
newbie
Activity: 210
Merit: 0
Palaging may nagrereklamo tungkol sa Binance. Pero TOP1 pa rin ang campaign. Marahil iyon ang dahilan kung bakit ang ganitong malapit na pansin ay binabayaran sa Binance.
sr. member
Activity: 1820
Merit: 436
Ang Binance ang pinakapopular na sentralisadong palitan ngayon. At ito ay may dami ng mga user na halos 90 milyon. Meron din silang serbisyo sa kustomer na ginagawa ang kanilang makakaya para masolve ang problema sa lalong madaling panahon.

Ngunit bakit nga ba kinasuhan ng CFTC si CZ?, na tagapagtatag ng Binance.

Ayun sa Wu Blockchain, pagkatapos inanunsyo ang balita ay agad na may napakalaking pera na nasa $185 milyong halaga ng tokens ang lumabas sa Binance pagkalipas ng isang oras. At umabot ng $218 milyon pagkalipas ng apat na oras. Malaki ang epekto nito sa presyo ng Bitcoin bumaba ng hanggang $26,750.

Ang dami na rin palang mga paratang sa Binance nuon pa. At hanggang ngayon ang Binance ay patuloy na gumagana.
Makakseguro din tayo na sa mga paratang na yan na inaanunsyo ay may epekto sa presyo ng Bitcoin.

Sa tingin nyo ba, totoo ang mga paratang na ito?
O baka isa lang itong manipulasyon sa market?

Para sa karagdagang detalye: CZ Sued By US Regulator CFTC Over Violations and Insider Trading Allegations

Maraming issues itong Binances kahit isa ito sa pinakamalaking exchanges, malaki ang chance na totoo ang mga paratang na ito. Dahil ang cryptocurrency ay isang risky na investment malaki ang posibilidad na nagkakaroon ng paglabas ng pera sa exchange. Pero sigurado hindi ito tutuloy at lulusutan lang ito ng Binance ang mga issue na ito.

Ang pinakamagandang gawin talaga ay iwasan maglagay ng investment sa mga centralized na exchange dahil wala tayong kontrol sa ating cryptocurrency o bitcoin. Madalas ginagamit ko lang itong Binance kapag nagwwithdraw lang ako ng cryptocurrency or balak ko magconvert ng cryptocurrency to fiat money. Isa ang Binance sa pinakamadaling paraan para makapagtransact ng cryptocurrency to fiat kaya doon ko lang ginagamit ang exchange. Masyadong risky ang investment sa centralized exchange kaya pumili tayo ng ibang wallet na tayo ang may hawak ng susi.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Let the court decide and sabe nga nila, ignore the FUD.
Pero syempre need paren natin mag ingat kase panigurado, marame ang maapektuhan if ever. I hope Binance can settle this issue, nagkakaroon na kase ng Panic and alam naman naten na Binance is the top exchange so paano nalang kapag nag collapse sila.

I agree with this- let the court decide and wait for the evidence to be established. If napatunayan na may fraud or halong illegal measures na nagawa si CZ, then yun na yung magiging balita and that will remain a fact.

Maybe they will be like XRP na until now wala paren final decision, this can be a good opportunity if you are still bullish with BNB pero yes super risky nga nito. That agency will not file a case if there's no leak or walang nakitang anomaly pero let's see on how Binance will settle this issue.

Risky talaga ito kung sakaling mapatunayang guilty si CZ at pinasara ang Binance, ang lahat ng bullish sa BNB ay siguradong malaki ang mawawala dahil paniguradong magkacrash ang presyo ng BNB sa merkado.

For now, sa nakikita ko ay hinde naman apektado ang market kase si Bitcoin already reached the price of $30k and if na break pa nito ang resistance, panigurado bull market na ito. Don't just ignore the FUD, try to analyze ren and be on the safest side always.

Malaki na rin kasi ang naging maturity ng Bitcoin pagdating sa pagreact sa mga non-connected news sa kanya.  Dati kapag may marelease lang na balita about cryptocurrency personalities, kahit na walang kinalaman sa market ng Bitcoin ay magrereact talaga ang merkado.  Pero ngayon dalawang crypto personalities na ang nabalitaan kinasuhan (Justin Sun at CZ) pero halos di natinag ang presyo ng Bitcoin sa merkado.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
Let the court decide and sabe nga nila, ignore the FUD.
Pero syempre need paren natin mag ingat kase panigurado, marame ang maapektuhan if ever. I hope Binance can settle this issue, nagkakaroon na kase ng Panic and alam naman naten na Binance is the top exchange so paano nalang kapag nag collapse sila.

I agree with this- let the court decide and wait for the evidence to be established. If napatunayan na may fraud or halong illegal measures na nagawa si CZ, then yun na yung magiging balita and that will remain a fact.

Maybe they will be like XRP na until now wala paren final decision, this can be a good opportunity if you are still bullish with BNB pero yes super risky nga nito. That agency will not file a case if there's no leak or walang nakitang anomaly pero let's see on how Binance will settle this issue.

For now, sa nakikita ko ay hinde naman apektado ang market kase si Bitcoin already reached the price of $30k and if na break pa nito ang resistance, panigurado bull market na ito. Don't just ignore the FUD, try to analyze ren and be on the safest side always.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
Pero if there is something na nakakaworry, it is about people pulling out their cryptocurrencies sa Binance. Whether na kung totoo man ang mga allegatios or hindi, the fact still remains that people are skeptical sa ganitong situation. Like what they always say, better safe than sorry given na risky na nga ang cryptocurrency, dadagdagan mo pa ng isa pang layer of riskiness while nasa loob ng Binance mga cryptocurrencies mo.
Totoo talaga yan. Nagpapanic selling yung mga tao dahil sa hindi magandang balita kahit ito pa ay mga allegations lang. Gaya ng sabi mo na "better safe than sorry", dapat lang talaga na gawin natin yan, at sanayin ang ating sarili sa mga pangyayaring iyan. Huwag pagsisihan kung maiwan sa market ang importante safe yung assets mo.

Kapag nagpanic na yung mga tao, may mangyayaring malaking pagbaba ng presyo, yan yung magiging opportunity ng mga big investor na bumili para hindi sila maiwan sa pag-akyat ng presyo sa market. Yan ay kung manipulation lang yan. Pero kung totoo talaga at mapatunayan talaga na nagkasala si CZ, siguradong magpupullout yung mga big investors at mahihirapan yung mga ibang investors na saluhin yung pagbagsak ng presyo kasi alam na nila na maaaring ikakalugi nila. Yung nakikita nating impulsive movement sa market, mga big investors yun gaya ng mga whales at institutions.
hero member
Activity: 2268
Merit: 789
Let the court decide and sabe nga nila, ignore the FUD.
Pero syempre need paren natin mag ingat kase panigurado, marame ang maapektuhan if ever. I hope Binance can settle this issue, nagkakaroon na kase ng Panic and alam naman naten na Binance is the top exchange so paano nalang kapag nag collapse sila.

I agree with this- let the court decide and wait for the evidence to be established. If napatunayan na may fraud or halong illegal measures na nagawa si CZ, then yun na yung magiging balita and that will remain a fact.

Pero if there is something na nakakaworry, it is about people pulling out their cryptocurrencies sa Binance. Whether na kung totoo man ang mga allegatios or hindi, the fact still remains that people are skeptical sa ganitong situation. Like what they always say, better safe than sorry given na risky na nga ang cryptocurrency, dadagdagan mo pa ng isa pang layer of riskiness while nasa loob ng Binance mga cryptocurrencies mo.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Ang pangyayaring ito ay hindi naman gaanong nakaapekto sa presyo ni bitcoin sa market kung titignan mong mabuti itong nakaraang linggo sa aking pagkakaalam. At kung iyong mapapansin din sa presyo ngayon ni bitcoin sa totoo lang.

     Saka hindi na bago ang isyung mga kagaya nito ang ngyayari sa binance dahil isa malaking platform exchange kasi ito sa crypto industry at alam kung kayang-kaya itong lagpasin ng binance para maresolba ang sinampang kaso laban sa kanya. Pero ganun pa man maging alerto nalang ang pinoy community anuman ang mangyari sa binance exchange.
full member
Activity: 602
Merit: 129
Binance is very big market now and surely it has affects on bitcoin’s price since the volume in the market is huge. It might be true about CZ but the team can provide us enough evidences to not believe it.

Maraming factors ang naka apekto sa presyo ng bitcoin is na dito ang news sa mga malalaking companya at kilalang tao. Kahit ito man ay totoo o hindi basta kumalat agad ang news na ito ay sigurado apektado ang market.
hero member
Activity: 2520
Merit: 568
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Kapag may proof, wala ng question kung totoo man o hindi. Siyempre sa side ni CZ, de-deny niya yan kasi business niya yan at madaling sabihin sa kaniya na magkakaroon ng internal investigation para lang mapatunayan na hindi naman nangyari yan. Kapag naman napatunayan naman dahil nga may proof, mag public apology lang yan tapos ok na ulit hanggang sa makalimutan na yang issue na yan. Sa sobrang laki na din kasi ng business, sobrang daming kakumpitensya at laki ng responsibilidad na mayroon ang company niya. Kaya parang kahit saan ay may issue siya na nababasa natin lagi tapos iti-tweet lang niya na walang dapat ikabahala saka huwag maniwala sa mga FUD.
full member
Activity: 443
Merit: 110
totoo man o hindi ang mga paratang, mabuti na ring aware tayo sa mga nangyayari. sa totoo lang nung kasagsagan ng axie infinity, napakaraming mga pinoy ang nakinabang at gumamit ng binance, kasi aside sa isa ito sa madaling gamitin, ito rin ay isa sa mga exchanges na pwedeng pwede mo iconnect sa local banks dito sa pinas like Union Bank at PNB, at dahil na nga madali lang maconnect ito, mas mabilis rin ang pag benta at pagbili ng crypto. sa panahon kasing yun napakaraming mga na lock ang accounts nila sa Gcash dahil irregular ang transaction nila at mostly mga estudyante pa ang mga gumagamit. nalaman yun ng gcash through their verification dahil ang gamit nila ay school ID. sa totoo lang napakarami na ring mga exchanges na in question dahil sa mga anomalyang ginagawa nila noon paman, pero sa ngayon dahil mostly ang preferred ng mga kababayan nating pinoy na exchange ay ang binance, kaya kailangan talagang maging updated ang pinoy sa ganitong uri ng balita.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
About sa effect into sa Bitcoin market, mukha namang walang epekto ito dahil ni hindi man lang natinag ang presyo ng BTC ng inanunsyo ang bagay na ito.  Isa ito sa makakapagpatunay na well established na ang Bitcoin market kumpara sa mga nagdaang taon kung saan konting kibot lang ng mga regulatory boards ay babagsak na agad ang presyo ng Bitcoin sa Merkado.
Yan din ang napansin ko. Noon kasi kapag may lumabas na news kahit hindi talaga totoo o mga paratang lang ay babagsak na kaagad ang presyo. Pero ngayon hindi na basta-basta natitibag ang presyo.
 
Dahil rin siguro ito sa matatalino na mga tao ngayon na talagang may mga manipulation na nangyayari. O kahit sa mga news ay pwedeng maging manipulation rin. Kasi baka nakatatak na sa kani-kanilang isipan na hindi na bago ang ganitong mga pangyayari.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Sa tingin nyo ba, totoo ang mga paratang na ito?
O baka isa lang itong manipulasyon sa market?

Sa tingin partially may katotohanan ang ibang paratang samantalang maaring panggatong na lang iyong iba.  Hindi natin alam kung totoo o hindi ang mga paratang na ito dahil ang mga ebidnesiya ay pwedeng manipulahin as long as decided ang institution na kasuhan at ipakulong or pagmultahan ng malakin si CZ ( ika nga gatasan ng malaking halaga).

About sa effect into sa Bitcoin market, mukha namang walang epekto ito dahil ni hindi man lang natinag ang presyo ng BTC ng inanunsyo ang bagay na ito.  Isa ito sa makakapagpatunay na well established na ang Bitcoin market kumpara sa mga nagdaang taon kung saan konting kibot lang ng mga regulatory boards ay babagsak na agad ang presyo ng Bitcoin sa Merkado.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356

Daming issue kay Binance, totoo na dapat mag ingat pa rin tayo lalo na sa mga may funds doon.
Puwedeng ignore lang ang FUD at tiwala lang sa kanila. Kahit na masyadong malaki ang Binance kapag may mga issue na masyadong mabigat para tanggihan, kailangan nilang ijustify yung parang sa kanila at sagutin lang at patunayan na walang basehan ang accusation sa kanila.
Pero sa totoo lang, hindi ethical yung ginawa ng mga employees nila at dapat umasyon si CZ sa mga taong involved sa kyc issue.
Kaya nga eh, daming issue pero wala namang nagawa laban sa kanila. Parang wala lang nangyari at parang normal lang ang lahat. Kaya ang masasabi ko possible manipulation lang sa market. Isa kasi yan sa paraan para mabuhay yung market eh, kahit sila yung unang makikinabang. Possible rin naman na totoo yung mga paratang kasi sisiguraduhin naman nila na walang mga ebidensya na makikita.

Btw, iba ang pag redirect ng link sa article at hindi ito related sa topic.
Tama naman yung url nya pero iba lang lumabas. At hindi naman ganyan nung una kasi tsinek ko talaga ng mabuti. By the way, salamat dahil napansin mo.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Sa tingin nyo ba, totoo ang mga paratang na ito?
O baka isa lang itong manipulasyon sa market?

Sa tingin ko partly true at partly FUD din kasi gumagawa naman sila ng hakbang upang maging legal ang lahat lalo na US market. I think it's best na magdahan dahan sila sa US customers or worst baka sa future hindi na mag operate sa US kasi ang daming sanctions na pinapataw at sobrang higpit.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Possible 'yan kasi dati palang marami ng mga isyu si Binance. Meron na ngang ibang topic about din sa Binance kung saan 'di daw registered kumbaga andami nang illegal acts niyan. Pero kahit na andaming issue ni Binance before palang eh tuloy-tuloy pa rin naman ang service niya. Kaya wag nalang kayo matakot pero double ingat nalang kasi assets niyo nakataya diyan kung sakaling magkaisyu si Binance. Sa sobrang sikat at daming users niyan imposibleng 'di nila gawan ng paraan yan lalo na yan na source of money nila. Kung mag shutdown 'yan laking epekto sa market bagsakan lahat pati ekonomiya pati buhay ng mga tao.
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
pxzone.online
May chances nga, kase sa subrang laki ng binance at gusto pa nitong mag karoon ng mas maraming profit. Kaya ang pag tanggap nila ng VIPs as institutional users galing US ay pwedeng mangyari at malaking chance nga kase sa napakarami ding malalaking investors galing US na gusto mag invest sa binance pero protected sila ng US law which hindi cover ang binance.com platform.

Btw, iba ang pag redirect ng link sa article at hindi ito related sa topic.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Let the court decide and sabe nga nila, ignore the FUD.
Pero syempre need paren natin mag ingat kase panigurado, marame ang maapektuhan if ever. I hope Binance can settle this issue, nagkakaroon na kase ng Panic and alam naman naten na Binance is the top exchange so paano nalang kapag nag collapse sila.
Daming issue kay Binance, totoo na dapat mag ingat pa rin tayo lalo na sa mga may funds doon.
Puwedeng ignore lang ang FUD at tiwala lang sa kanila. Kahit na masyadong malaki ang Binance kapag may mga issue na masyadong mabigat para tanggihan, kailangan nilang ijustify yung parang sa kanila at sagutin lang at patunayan na walang basehan ang accusation sa kanila.
Pero sa totoo lang, hindi ethical yung ginawa ng mga employees nila at dapat umasyon si CZ sa mga taong involved sa kyc issue.
full member
Activity: 2128
Merit: 180

Jump to: