Author

Topic: Sino nakaranas ng may gumagamit ng pag-aaring email para sa referral? (Read 89 times)

newbie
Activity: 144
Merit: 0
Gustong kong buksan ang opinyon ng iba sa issue na nakakaharap ko ngaun, meron na ba sa inyo na nakaranas na magtataka ka na lang dahil yun email mo , ay gingamit na pala sa referral ng iba. Ilan araw na rin kasi akong nababahala simula ito ng akoy pumasa ng KYC sa isang airdrop/bounty na sinalihan ko na kung saan nag submit ako ng verification at lehitimong papeles  na kinakailangan para sa kanilang programa. Hindi ko nilalahat , pero ako po ay nababahala sa nararanasan ko ngaun dahil hindi ko naman ito inaasahan , may mga verification na nag registro daw ako sa isang Project at ginawang referral ang akin email. Nagtanong tanong po ako sa mga kakilala ko na kaibigan , maging sila at nagtataka rin dahil ang kanilang email ay nagagamit na lang ng hindi nila alam at wala silang kaalam alam na sila narehistro na pala at ginawang referral ng ibang tao. Ang tanong ko,ako lang po ba ang nakakaranas neto or mayroon ding iba na ganito ang dinadanas ngayon. Maraming salamat po.
Jump to: