Hello po! Sino po mahilig manood sa youtube or ung youtubers dito, hihingi sana ako ng advice or suggestions.
Marami kasi akong plano about sa youtube channel ko pero ang daming hadlang katulad ng walang pera para pambili ng pyesa ng CPU tulad ng video card, processor, cooler, etc... Pero may Internet Shop para masulusyunan ko un, nung 2012 gumawa ako ng channel ko sa youtube about sa gaming kaso hindi sya nag work dahil baka kulang lang ako sa resources (video editing, commentators, sharing) at gusto ko gumawa ng resources sa bahay ko kaso low end PC at laptop ko. 2014 naman ay nag plano akong mag upload ng mga trending 3d animations, nung 2017 lang sya nag hit at kumita ako dun ng 5k+ pesos kaso problemado na ako sa unit ko, ung laptop ko ay dead battery na pati ung charger unting galaw lang ay namamatay, ung PC ko naman di na gumagana at baka sa motherboard ang sira at bumigay ito. Nung nalaman ko ung bitcoin na ito na tumataas ng tumataas ang presyo parang gusto kong kumita nito.
Oo nga pala, ung 5k+ ko nagastos kaagad, 3k napunta sa nanay ko, 2k+ naman para pandagdag accessories ng laptop ko at bumili ng 4G LTE Pocket Wifi.
Ano ba ang mas maganda? Ituloy ko ang YouTube ko plus campaign sa bitcointalk o humanap na lang ako ng trabaho para may pang ayos o pamalit sa laptop at bumili ng high end both laptop at PC?
Last one, kapag may income na ako sa youtube, papalitan ko na kaagad into bitcoins thru coins.ph? Pa help naman po.
Eto proof ko kung sino man mag sasabi na gumawa lang ako ng thread para dumagdag activity ko,