Author

Topic: SMART CONTRACT INVESTMENT NA NAGIGING PONZI SCHEME (Read 192 times)

jr. member
Activity: 156
Merit: 1
September 14, 2020, 10:08:25 PM
#1

 

Marami na namang naglalabasan ngayon na project nagnagsasabing fully verified ng smart contract. Una  ang Ethereum Investment. Kung saan mag iinvest ka at mag iinvite para kumita. Sumunod ay ang Tron Invesment tulad ng Ethereum magkatulad lng din sila na scheme, the more you invite the more you earn.  Meron din na  Dapp Tron Mining na usong-uso din ngayun na ang  interest rate nagsisimula sa 10% - 20% daily which is sobrang laki at marami talaga ang masisilaw at mahihikayat na sumali.  Sinasabing hindi na kailangan mag invite dahil kumikita ka naman  araw-araw sa mining. Pero mas malaki kita pag mag iinvite dahil sa referral comission na makukuha every succeed inviter. Pero hindi ito nagtatagal, madalas naglalaho ito bigla for a short period of time.


Ang ganitong mga scheme ay hindi na rin bago sa atin.  Dahil lumabas na rin dati ang kilalang  Bitconnect kung saan naglikha ng ingay sa mundo ng crypto industry. Marami ang nahikayat at marami ang sumali. At dahil lumalawak ang pangalan ng "cryptocurrency" ginagamit naman ito ng mga mapagsamantalang tao. Madalas grupo ito at may isang founder o developer kuno na namumuno ng project. Manghihikayat sila at pag kumita na lilipat na naman sa ibang project at ang maiiwan ay ang mga nahuling sumali na hindi na kumita lalo na pag mahina sa inviting.


Wala namang nagbabawal sa atin sa sumali sa mga ganitong scheme at may kanya-kanya naman tayong pag iisip at diskarte pagdating sa pag iinvest. Payo lang sa ating mga kacrypto at sa mahihilig mag invest pag aralan ng mabuti ang nvestment company o dapp mining na papasukan.  Pero alam naman natin na good to be true ang mga ganitong sistema, hindi nagtatagal at madalas mga nauuna lang ang kumikita.  Kaya bago sumali dapat ay handa ka rin matalo, dahil para din itong sugal walang kasiguraduhan kung kikita ka talaga.



Naranasan ko din mga ito lalo na nung unang pasok ko  sa mundo ng CRYPTO. Mali man ang bumungad sakin, natuto naman ako sa aking mga karanasan. Kaya ang  maipapayo ko lang mga kaibigan, maging mapanuri sa mga papasukang pagkakakitaan. Ang bitcoin, ethereum, tron etc ay hindi scam na mga token. Nagiging scam lang ito pag ginagamit sa maling sistema ng mga mapagsamantalang tao.





 
Jump to: