Author

Topic: Socorro Bayanihan Services, Inc. as isan Kulto? (Read 114 times)

legendary
Activity: 1806
Merit: 1437
Wheel of Whales 🐳
October 02, 2023, 07:49:15 AM
#5
Para sa akin isa ito sa mga scary things na pinaniniwalaan masyado para sakin lang naman bakit ganun hindi aware ang mga tao sa mga ganito na parang niloloko lang sila sa mga kulto na ganito or siguro dahil sa hopeless na sila? i dont know kasi itong way nila is talagang weird things na nangyayari eh napag kwentuhan nga namin ito sa ng mga kaibigan ko at ayun nga sila din nag sasabi na kulto na nga ito kasi gumagawa na sila ng sarili nilang beliefs at isa pa dito kahit wala silang authorization para sa pag gawa ng batas eh gumagawa na sila ng sarili nila. Pero hindi lang naman ito ang unang nangyari sa bansa natin so expect sa mga liblib na lugar meron pang ganito.
legendary
Activity: 3318
Merit: 1185
Playbet.io - Crypto Casino and Sportsbook
This is really alarming and scary at the same time, hinde naten alam kung dito lang ba meron ganito pero sana magawan ito ng paraan ng gobyerno naten and hopefully hinde dito kasabwat ang mga barangay or local government kase nakakapagtaka naman na ngayon lang ito lumantad kung kelan may mga issues talaga ang gobyerno. Child marriage is hinde ok, let’s hope na mabigyan ng hustisya ang mga biktima nito at mapanagot ang dapat managot.
Sigurado ako na hindi lang sa Surigao iyan, marami pang ibang bayan na mayroong ganyang problema. Pero malaki rin kasi ang kultong ito kaya magiging matagumpay ang gobyerno kung mapapatigil at mapapakulong ang mga abuser. Tiyak ako na mayroon ding mga army na kasama, kaya natatakot rin ang mga miyembro, maliban na lang doon sa mga na-brainwash na.

Kaya ang edukasyon ay isang kailangan talaga, dahil ang kakulangan sa edukasyon ang rason kung bakit naloloko ang mga kababayan natin.



Nood lang kaya sa youtube about sa hearing, maraming videos uploaded na.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
This is really alarming and scary at the same time, hinde naten alam kung dito lang ba meron ganito pero sana magawan ito ng paraan ng gobyerno naten and hopefully hinde dito kasabwat ang mga barangay or local government kase nakakapagtaka naman na ngayon lang ito lumantad kung kelan may mga issues talaga ang gobyerno. Child marriage is hinde ok, let’s hope na mabigyan ng hustisya ang mga biktima nito at mapanagot ang dapat managot.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Kaya sapilitang pinagkakasal niya ang mga miyembro para magpadami yan ng tao. Ganyan na ganyan style ng mga kulto para sa isipan ng mga magiging anak ng mga inassign niya mag asawa ay yun ang magiging tama. Bata pa itong si agila, ayaw ko tawaging senyor yan kasi sa espanyol ang meaning ata niyan ay Panginoon o Diyos. 24 years old palang ata siya base sa mga news. Baka pangarap nito magkaroon ng sariling gobyerno at komunidad at sinimulan niya sa ganyan at may private army pa. Hindi ako against sa mga religious na paniniwala dahil meron din akong paniniwala at pananampalataya. Pero yung ganito, ang daming violation sa rights at freedom ng mga miyembro niya. Dapat hayaan niyang ang free will ng mga miyembro niya ang manaig at huwag niyang parang kinukulong sa komunidad nila. Ganyan kasi ang daya ng buhay, kung saan feeling nila na maganda ang buhay at payapa, doon makikita na may mali.
legendary
Activity: 3318
Merit: 1185
Playbet.io - Crypto Casino and Sportsbook
Sikat ngayon ang grupo na ito dahil pinatawag sila sa Senado dahil may nakatakas na menor de edad na nagreklamo.

Ang kanilang lider na si Sr. Agila o Diyos, kung tawagin nila, ay 24 years old pa lang, napakabata pa, pero maaaring haharap sa malaking kaso. Ilan lamang sa mga reklam na maaaring kakaharapin niya at mga opisyal ng grupo ay:

Child marriage
Child abuse, sexual, para maging mas eksakto.


Parang ang sentro lang talaga nito ay mga bata kasi pinipilit silang ikasal sa murang edad dahil kailangan daw ito para makarating sila sa langit. Tawag pala sa kanilang templo sa bundok ay KAPIHAN. Hindi ko na detalyehin ang lahat, ngunit maglalagay na lang ako ng mga link na may balita tungkol dito.



Senate detains leaders of alleged 'cult' group
Who is Surigao del Norte ‘cult’ leader Jay Rence Quilario?
‘Cult’ escapees recall ordeal; Senate detains leader, 3 others
Senate panel cites leader of Soccoro ‘cult', three members in contempt
Jump to: