Very innovative ang concept na ito ng Solana sa totoo lang ngayun ko lang ito nabalitaan at sa pagtingin ko sa specs lang at sa mga features at sa mga darating na airdrop siguradong bawing bawi ka dito.
Naka 60k na ang pre orders at sa mga susunod na panahon siguradong dadami pa ang oorder ng device na ito at dahil sa innovative na concept na ito baka may posibilidad na gayahin na rin ito ng ibang mga phone manufacturers through partnerships.
Ang profitability ng mga airdrops ng Solana ay nakasalalay sa adoption ng Solana sa Cryptocommunity.
Eto na nga lang yung nagsisilbing pakonswelo ko sa sarili ko eh, nung binili ko 'to, sabi ko nalang na sana maganda yung specs ng phone kasi natuto na sila sa Chapter 1 nila eh, hindi match yung specs sa price kaya yun nalang, sa ngayon di ko na iniisip masyado yung preorder ko dahil ang iniisip ko naman ngayon ay yung potential na gagastusin ko sa shipping dahil sure ako na mahal yun.
Meron ako nakita apat ang binili nyang solana mobile saga 1 purpose nya lang ay makakuha ng airdrops ayon tiba tiba sya sa airdrop. Ewan ko lang dyan sa chapter 2 kung meron pang makukuhang airdrop at saka medyo matagal sa 2025 pa. Baka patapos na yung bull run lods saka mo marecieve solana phone mo. Hindi naman sa dinidiscourage kita pero pwede mo munang gamitin yung ipambibili mo dyan sa solana mobile sa pag invest sa bitcoin at potential altcoin na posibleng mag pump ngayong bull run.
Ibang klase naman kasi yan, tingin ko kaya siya bumili ng ganyan karami ay sa kadahilanang hindi niya naman siguro ikakalugmok yung gastos niya sa apat na phone na yun, ganun naman kasi dapat pagdating sa mga ganitong bagay eh, kailangan ang ipasok mo lang na pera ay yung di ka takot na mawalang halaga sayo.