Sa mga hindi nakakaalam at naghahanap ng withdraw option gamit ang kanilang crypto wallet (e.g. Metamask wallet, no withdrawal/sell option, buy option lang gamit ang ating local wallet/bank), hindi na kailangan dumaan pa ng exchange para ma-convert ang crypto to fiat.
Download lang ang Stable wallet by clicking here.
More details:
1. Need KYC
2. Withdrawal method (wallet address, bank account, e-wallet)
3. Fee = 0.25% (up to $10) + network fee
4. Any local bank ang accepted sa withdrawal
~ sa mga user ng wallet na ito, if may information kayo na alam tungkol sa wallet na ito, well appreciated ang inyong information.
Again, isa lamang itong karagdagang option kung sakaling dumating ang araw na ma-ban na ang Binance sa ating bansa. Makakatulong ito para sa ating lahat na nagwiwithdraw ng profit/investment sa crypto at pati na din sa may income galing sa signature campaign.
Special thanks to @cheezcarls sa napaka-laking tulong na impormasyon na ibinahagi niya sa atin.
Walang anuman at salamat din sa pag create ng thread na ito OP.
Although yes hindi ito cheapest option sa ngayon na mag withdraw ka from crypto to fiat, pero at least may option na tayo in kaso na ma block na si Binance by the end of February next year.
Sana meron pa ibang off-ramp solutions kagaya ni Stables Wallet na available sa atin na mga Pinoy. Sa ngayon GCash at Maya yung main e-wallets ko na mag withdraw from crypto to fiat kasi natakot pa ako if mag diretso na agad to bank.