Itong tutorial na ito ang aking ginawa sa pag setup ng aking node sa Starknet, tatlong beses kong nirestart ang VPS ko para lang mapagana ito. Sinubukan ko yung ibat ibang tutorial sa twitter at ibang website pero itong tutorial na ito lang ang napagana ko.
Una sa lahat kailangan natin ng VPS, ang minimum requirement ng Starknet Node ay ito
Minimum Requirements:CPU: 2+ cores
RAM: 4 GB
Disk: 600 GB
Connection Speed: 8 mbps/sec
Ito naman ang recommended nila.
Recommended Specifications:CPU: 4+ cores
RAM: 16 GB+
Disk 2 TB
Connection Speed: 25+ mbps/sec
Gawa din kayo ng account sa Alchemy.com
1. Pindutin ang "Create app"
2. Piliin ang Ethereum chain
3. Piliin ang Goerli network
4. Pindutin ang "Create App"
5. Pindutin ang "API key" at isave niyo or ipaste ang HTTPS key sa inyong Notepad.
Download niyo din iyong Putty dito
https://putty.orgNasa sainyo kung bibili kayo ng VPS na nakaayon sa recommended ng mismong Starknet, akin kasi yung pinakamura lang. Meron din yung free na shinare before ni tech30338 dito, hindi ko lang alam kung anong specification nitong VPS sa google, pero may free naman so aralin niyo nalang sa thread na ito kung gusto niyong makatipid ng malaki.
https://bitcointalksearch.org/topic/papanu-makapagrun-ng-vps-ng-libre-para-sa-node-5473717Note: Hindi rin sure ang kitaan sa pag run ng nodes pero ito ang nauuso ngayon way gaya ng airdrop para kumita sa mga crypto projects.
Kung ready na ang inyong VPS simulan na natin.
1. Buksan ang inyong Putty application, ilagay ang IP address ng nabili niyong VPS at iclick ang OPEN
2. Iaask ng Putty kung san kayo maglologin, ilagay niyo lang yung root kasi ayan ang default pero kung binago niyo edi ayun ang ilagay niyo then Enter. Tapos itype ang inyong password na nilagay niyo sa binili niyong VPS.
3. Palitan niyo yung YOUR_ALCHEMY_HTTP_ADDRESS ng inyong alchemy address dito
ALCHEMY=YOUR_ALCHEMY_HTTP_ADDRESS
echo 'export ALCHEMY='$ALCHEMY >> $HOME/.bash_profile
Tapos i copy paste niyo ito sa Putty and then Enter.
Note : Ang paste ng Putty ay right click o press Shift + Insert.
4. Copy and Paste niyo itong script na ito para sa mabilis na pag install.
wget -O starknet.sh api.nodes.guru/starknet.sh && chmod +x starknet.sh && ./starknet.sh
Hintayin matapos ang pag install. 763 ang icocompile dito so medyo matagal ng konti ito.
5. Check Node Status niyo muna gamit ito
systemctl status starknetd
Tapos pag lumabas ito, running na yan.
● starknetd.service - StarkNet
Loaded: loaded (/etc/systemd/system/starknetd.service; enabled; vendor preset: enabled)
Active: active (running) since Sun 2023-11-26 14:59:58 +08; 58min ago
Main PID: 17275 (pathfinder)
Tasks: 21 (limit: 9476)
Memory: 158.3M
CGroup: /system.slice/starknetd.service
6. Sumali sa discord nila
http://starknet.io/discord at ipost sa thread na ito ang mga sumusunod screenshot ng running na node mas okay with check logs at dashboard sa alchemy dashboard, evm address at starknet address
https://discord.com/channels/793094838509764618/1117343675329024020Hindi kona nilagay yung IP address ko hindi naman na siguro ito kailangang ilagay dahil sa thread name mismo nakasulat na "Full nodes Why you post ip address makes no sense".
Other CommandsCheck logs journalctl -u starknetd -f
Check node status systemctl status starknetd
Restart nodesystemctl restart starknetd
Stop nodeDelete nodesystemctl stop starknetd
systemctl disable starknetd
rm -rf ~/pathfinder/
rm -rf /etc/systemd/system/starknetd.service
rm -rf /usr/local/bin/pathfinder
Kung may katanungan kayo pwede niyo akong IPM or magpost dito. Buong maghapon ko yan sinetup dahil sa hindi din ako ganun kagaling pero handa naman akong tumulong as long as sinundan niyo lang yung mga steps tingin ko gagana na yan. Nahirapan lang ako kanina dahil yung mga code na nakuha ko ay hindi gumagana. Sana makatulong