Author

Topic: Steps para nakakuha ng merits. (Read 317 times)

member
Activity: 252
Merit: 10
March 06, 2018, 09:44:57 PM
#7
ok na rin yan pre topic mo pero as long as na hindi ka quality poster wala kang makukuhang merit guide lang siguro yan at depende rin sa makakabasa na high ranked bitcoin users kung bibigyan ka nila ng merit.

Hindi naman po lahat ng nagkakamerit quality poster yung iba galing talaga sa mga high rank account nila. kaya kung newbie ka talaga dito mapapansin mo kahit gaano na kataas ang activities mo halos ala ka pang nakukuhang merits. Yung iba naman binibili nila ang merits para makapagrank up.

Pero mas ok na rin na ginagawa natin ang ating makakaya para magkaroon ng merits sa sarili nating pagsisikap. kaya kahit mahirap mabigyan ng merits tuloy lang sa pag gawa ng may kalidad na post at makatulong narin sa iba.
sangayon ako sa mga sinasabi mo. Ang mas mainam talagang gawin ay ang magpost ng may kalidad na post. Yun lang ang paraan upang makagain ng merit. Sa totoo lang mahirap makagain ng merit kahit gaano pa kaganda ang post natin, dahil hindi lahat nagaalay ng panahon para magbasa ng mga posts ng iba. Gawin na lang natin lahat ng ating makakaya upang mapansin ng iba at mabigyan ng merit. Pasasaan ba at magkakaroon din tayo niyan basta maayos ang posts nayin.
newbie
Activity: 91
Merit: 0
March 05, 2018, 11:22:06 PM
#6
ok na rin yan pre topic mo pero as long as na hindi ka quality poster wala kang makukuhang merit guide lang siguro yan at depende rin sa makakabasa na high ranked bitcoin users kung bibigyan ka nila ng merit.

Hindi naman po lahat ng nagkakamerit quality poster yung iba galing talaga sa mga high rank account nila. kaya kung newbie ka talaga dito mapapansin mo kahit gaano na kataas ang activities mo halos ala ka pang nakukuhang merits. Yung iba naman binibili nila ang merits para makapagrank up.

Pero mas ok na rin na ginagawa natin ang ating makakaya para magkaroon ng merits sa sarili nating pagsisikap. kaya kahit mahirap mabigyan ng merits tuloy lang sa pag gawa ng may kalidad na post at makatulong narin sa iba.
newbie
Activity: 47
Merit: 0
March 05, 2018, 11:06:53 PM
#5
Kailangang qualified ang post, constructive at hindi off topic para magugustuhan ng moderator at ibang kasamahan natin dito sa thread para bibigyan tayo ng merits, dahil pag maraming na tayo ng merits, dyan tayo magkaroon ng rank.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
March 05, 2018, 08:06:36 PM
#4
There are multiple threads tungkol dito sa pagkuha ng merits and until now gumagawa pa din kayo ng sari sarili niyong tips and guides kung paano makakuwa ng merits. Kaya nga importante ang pag-explore dito sa forum para mas makakuwa tayo ng knowledge from others, may mga thread na katulad nito at pwede naman kayong magreply don kung may supporting details kayo na pwedeng i-share sa lahat.

Regarding sa merits, sa ngayon it doesn't matter kung gaano pa kaganda yung post mo if nonsense naman ang content or hindi makabuluhan sa mga readers. Minsan kasi ang kailangan mo lang is on-point ka sa mga sinasabi mo wala ng paligoy ligoy pa. Merits are not bigdeal unless kung gusto mo talagang makakuwa ng malaking stakes pagdating sa bounty.

Ito basahin niyo para maliwanagan kayo https://bitcointalksearch.org/topic/m.30062515 have a time to read.
Sa pagkakaalam ko isa lng naman ang dapat nating isaalang alang upang magkaroon ng merit un ay HIGH QUALITY POST yon lang dapat ang ating tandaan.Magbasa ng magbasa about sa mga topic na dito sa forum at aralin ito para mgkaroon ng magandang idea.

Great factor of high quality post is having an on-point statement. Paano mo masasabi na high quality post ang isang statement if hindi naman natutupok ang punto ng topic? Kung nagbabasa ka sa ibang section ang common na ng ganitong quality post kuno, makikita mo yan kung natambay ka sa meta. Doon mo maaappreciate ang tunay na standard of creating post. Kaya nga sabi ko it doesn't mean kung gaano pa kaganda yan kung palayo ng palayo ka naman sa topic, wala rin unless kung supporting details yon.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
March 05, 2018, 01:16:07 PM
#3
There are multiple threads tungkol dito sa pagkuha ng merits and until now gumagawa pa din kayo ng sari sarili niyong tips and guides kung paano makakuwa ng merits. Kaya nga importante ang pag-explore dito sa forum para mas makakuwa tayo ng knowledge from others, may mga thread na katulad nito at pwede naman kayong magreply don kung may supporting details kayo na pwedeng i-share sa lahat.

Regarding sa merits, sa ngayon it doesn't matter kung gaano pa kaganda yung post mo if nonsense naman ang content or hindi makabuluhan sa mga readers. Minsan kasi ang kailangan mo lang is on-point ka sa mga sinasabi mo wala ng paligoy ligoy pa. Merits are not bigdeal unless kung gusto mo talagang makakuwa ng malaking stakes pagdating sa bounty.

Ito basahin niyo para maliwanagan kayo https://bitcointalksearch.org/topic/m.30062515 have a time to read.
member
Activity: 98
Merit: 10
March 05, 2018, 08:32:49 AM
#2
Mga hakbang upang magkaroon ng merit

1. Punta sa bitcointalk link
2.Pumili ng topic sa.Bitcoin, Altcoin at Local Philippines
3.Sa pagpili ng topic siguraduhing ikaw ay may prior knowledge about sa topic ( magbasa, reseaech at magtanong sa mga kapwa natin member upang madagdàgan ang iyong kaalaman)
4.Dapat ito ay may makabuluhang mensahe na lubos n makakatulong sa mga mambabasa at makapagbibigay,  at dagdag kaalaman to all bitcoin users.
5.Maari na itong i post bago ito i post basahing muli ang iyong sagot.
6. Mag antay at kung ito ay magugustuhan ng moderator ikaw ay magkakaroon ng merit.

GOODLUCK GUYS.
jr. member
Activity: 262
Merit: 3
M E D I C H A I N ¦ The Medical Big Data Platform
March 04, 2018, 11:17:47 PM
#1
Para sa mga newbie at medyo kakasimula palang sa forum na ito marami ang mga dapat nating malaman tungkol dito. Isa na dito ay kung papaano tayo makakakuha ng MERIT.

Ano ba ang MERIT?
Ang MERIT ay ang pagkilala o pagbigay ng halaga kung ang isang topic na iyong nabasa ay katanggap-tangap o nakakatulong sa ibang member na kasali dito.

Ano ba ang kahalagahan ng MERIT para sa atin?
Ang MERIT ay mahalaga sapagkat ito ay katunayan na ang mga topics or comments na iyong ginagawa ay nakakatulong. At ito rin ay kailangan upang tumaas ang rank ng iyong profile na makakatulong upang makasali tayo sa mga signature campaign. Mas mataas ang rank syempre mas mataas ang rewards na makukuha natin.

Paano ba makakuha ng MERITS?

Note! Ang steps na ito ay base sa aking mga nabasa at sa tingin ko ay makakatulong sa atin.

Steps 1: Pumili ng topic.

Ang pagpili ng topic ay ang pinakamahirap gawin. Kailangan mong piliin ang topic na bago palang o konti pa lang ang mga replies. Bakit? Dahil ito ay magiging advantage mo. Kapag ikaw ang unang nakapagreply mas masasabi mo ng maayos ang mga gusto mong sabihin ng walang pag-aalinlangan kung nasabi na ba ng iba ang mga gusto mong sabihin. Isa pa ay para madaling mabasa ng iba at hindi matabunan kaagad ng ibang mga reply ang iyong naging reply.

Step 2: Alamin ang topic.
Tanong: Alam mo ba ang topic?
Kung OO magpatuloy sa step 3.
Kung HINDI bumalik sa step 1 at maghanap muli ng topic subukang magresearch about sa topic na iyong napili. Ang pagkakaroon ng bagong impormasyon sa napiling topic ay makakatulong sa iyo upang makasagot ng maayos sa mga ito.

Step 3: Sagutin ang topic.
Pagkatapos mong magresearch about sa topic na napili gamit ang iyong sariling mga idea upang sagutin ang topic. Tandaan na hindi kelangan na sobrang haba ng iyong magiging sagot ang mahalaga ay malinaw at may sense ang iyong magiging sagotat madaling maintindihan ng makakabasa.


Ngayong nasagot mo na ang topic ng maayos ang kelangan mo na lang ay maghintay at maghanap muli ng bagong topic upang makakuha ng mas maraming merit. Ang importante sa lahat wag mong kopyahin at sabihin na gawa mo ang sagot na iyon ito ay maaaring makasira sa iyo . Papayag ka ba na isaalang alang ang account mo dahil sa pagkopya ng hindi mo naman pinaghirapan. Ang paraan para makasagot ka ng maayos sa isang topic ay paulit ulit mong gawin ito at makikita mo na unti-unti kang natututo at gumagaling.

Salamat sa mga babasa at sana ay makatulong ito kahit papaano. Smiley




Jump to: