Ano ba ang istilo o techniques nyo sa pagpili ng magandang coin para pag-invesan? Yung dapat iconsider natin bago tayo mag invest, alam naman natin na dapat search-with-your-own, pero sharing different techniques sa pagpili ng magandang coin ay napakalaking bagay o tulong ito lalo na sa mga baguhan pa lang.
Ganito ako pumili at mag invest ng coin, explore lang ako sa coinmarketcap then check details, like supply, pag below 100M supply jan ako madalas maattract, then titingnan ko ang current price. Pag below 1k sats ang price ay ipatuloy ko ito to look more on details, like gaano kalaki ang community, teams transparency and activities at iba pa. Pag pasado sa akin mga criteria na yan, jan na ako papasok, pero ang time of holdings nakadepende na kung sa tingin ko pang long o short term lang.
Kayo? pakishare naman kung ano strategy nyo sa pagpili ng magandang coin??.
May ginamit ba kayong tools o certain website for recommendations? Salamat sa pagshare.