Sa totoo lang kung iisipin natin yang budget na yan sa isang araw para sa tatlong katao, yung 300 petot na yan masyado talagang maliit eh.
Isa-isahin muna yung mga gastusin niyo mag mula sa mga importante at hindi. Alisin natin yung upa ng bahay dahil mukhang hindi naman kayo umuupa.
1. Bigas - Para makatipid mag NFA kayo so 1 kilo per kainan, P30 x 3x a day = P90.
2. Tubig - Siguro papalo ang tubig niyo monthly P100 - P300 dahil konti lang naman kayo. Parang P3 a day lang ito.
3. Kuryente - Papalo yan ng P400-P900 kung hindi naman kayo msyadong malakas sa kuryente ilaw, computer at e-fan. Papalo yan ng P15 a day.
4. Ulam - Wag na wag kayong bibili ng mga lutong ulam na dahil mas mahal talaga yun. Kasya dito P50 a day lalo na kung vegetarian kayo.
5. Baon(School needs) - Ito talaga yung medyo mahirap sa magulang kasi araw araw ito at depende pa yan kung malapit lang bahay niyo sa school. Pero mas mabuti kung malapit bahay niyo sa school pwedeng walkathon.
6. School Projects/Expenses - Isa pa ito kaya kung may matirang baon ka, mag ipon ka.
Di ko na iindicate yung iba pang mga gastusin. Ang mapapayo ko lang sa pamilya niyo, wag na wag kayong bibili ng mga bagay na gusto niyo.
Unahin niyo ang pangangailangan niyo. At matutong magtipid at magsave ng pera.
Salamat dito sir medyo nakatulong to sa amin at sa akin para pagtitipid sana kung 500 a day ang kinikita ni mama sigurado okay na yun kaso 300 lang per day eh. Sana nandito so daddy para tulungan kami kaso iniwan niya kami kaya si mama na lang nagtratrabaho siguro kung andito siya siguro kung parehas sila nagtratrabaho sobra pa at siguradong makakaipon pa kami kaso wala eh ganun talaga tiis tiis muna siguro makakaahon din kami.
Ok yang advice ni sunsilk. Dagdag mo na rin kung kaya mo mangolekta ng mga bagay na pwedeng maibenta sa junkshop gawin mo makakatulong na rin yan. Wag mong pansinin sasabihin ng iba na nangangalakal ka. Naranasan ko na rin sitwasyon mo at naranasan ko na rin mangalakal ng ibebenta sa junkshop pang dagdag.
Sayang, sana sumali ka sa yobit nung open pa ang yobit sig campaign. Stable pa naman ang kitaan sa yobit.
Anyway, marami pa naman sig campaign, try mo salihan. Good luck. Aasenso ka rin, sipag, tyaga at dasal, sigurado yan.
By the way, di ako nakapagcollege dahil nga sa liit ng sahod ng tatay ko pero naging IT instructor ako for 9 years while doing computer repair services sa home at internet shops, after that, naging IT support tech ako sa isang australian based engineering company for 3 years and after that, mag to-two years na akong AutoCAD detailer sa present company na pinapasukan ko ngayon.
Kaya mo yan, sipag at tyaga na may dasal, sigurado nalalampasan mo pa ng mas malayo mga nagawa ko.
Nitong January 2016 lang ako natutong magbitcoin.