Sakin lumalabas pa din na link is
https://beta.pdax.ph/trade. Will try to register on that link.
Sinearch ko through Google, ganun pa din ang lumabas. Ang iniisip ko is like coins.pro na parang may waitlist pa etc. Based dun sa beta.pdax.ph na link, may waitlist din. Pero nakapag register na ko, update ko kayo if ever.
Yes, sa "beta" website ka ma-redirect once mag-signup. May email at phone verification yan, Huwag ka dun sa waitlist mag-register kagaya ng unang ginawa ni @greatarkansas
Speaking of "live trading", supposing ito yung trading na gagawa ka ng buy and sell orders with bid and ask prices as compared sa "conversion" lang, do you happen to have the copy or link of the license or approval sa mga trading sites na ito kung saan nakasaad ang ganitong uri ng business?
Sa pagkakaalam ko kasi hindi "live trading" ang tinutukoy ng BSP sa salitang "exchange". They are referring to "conversion." Baka may nagbago kasi 2017 pa yung BSP Circular eh, maganda sana kung makita natin yung mismong policy or law na nag-aallow sa mga ganitong exchanges. Baka sakaling sumabit sila rito eh.
Please refer to this old post of mine.
It is worth noting that when we speak of Currency Exchange here, it does not refer to the likes of Binance, Bittrex, HitBTC, etc. Kasi madalas pag pinag-uusapan natin ang exchange o exchange platform, marahil naiisip kaagad natin yung parang trading kung saan gagawa ka ng buy and sell order. Hindi nag-iissue ang BSP ng permit o license sa mga ganitong exchanges. Yung exchange na tinutukoy dito ay yung parang money exchange lang o conversion from fiat to crypto o crypto to fiat.
Kung kaya't ang license na binibigay ng BSP sa mga exchanges na ito ay para sa kanilang operasyon bilang remittance o transfer business lamang.
Please take a while to read the
full circular of BSP regarding virtual currency exchanges sa Pilipinas.
Magandang point for discussion yan
BSP regulation states that "
VC exchange service refers to the conversion or exchange of fiat currency or other value into VC, or the conversion or exchange of VC into fiat currency or other value;". It did not specifically mention na bawal ang order-book style na palitan at iyan siguro ang nakita ng kagaya ni Coinspro na "butas". End of the day, converted pa din from VC to fiat. Binigyan lang nila mga users ng option to convert or exchange at a "flexible" rate.
Now that you brought it up, I wonder kung na-consult na ba nila ang BSP bago mag-launch o kung aware na ang BSP sa mga launched exhanges. Iniisip ko na din kung ano ang mas appropriate title.