Author

Topic: Taiko Node Tutorial (Read 229 times)

sr. member
Activity: 896
Merit: 303
May 22, 2024, 12:52:34 PM
#13
Good News malapit na magpa Airdrop ang Taiko!!

Base sa pinost nila sa Discord ito ang mga may allocation.


Down parin ang website na claim.taiko.xyz

Pero base sa twitter ito ang ginagamit nilang pang check ng Allocation sa taiko https://trailblazer.hekla.taiko.xyz/api/address?address=

Yung main ko pinang task sa Galxe 0, pero yung wallet kong pinang Node may allocation. May nakuha ba kayo sa mga gumawa nitong tutorial thread ko?

P.S "no healthy upstream" na lumalabas sa trailblazer..... pero nagiging okay siya try niyo lang.

Ito yung isa pa same sila ng result ni trailblazer https://wenser.xyz/eligibility/taiko.
sr. member
Activity: 896
Merit: 303
January 20, 2024, 11:38:38 AM
#12

grabe antaas ng need para sa node , ampaw ang unit na gamit ko now dahil ginagamit ng anak ko yong PC ko   hahaha,  gusto kopa naman sana i try ang pag node.

Matanong ko lang kabayan , from scratch magkano ang gagastusin ko para sa proper running ng nodes na to?

thanks in advance sa sago.

Yung ginamit ko dito sa tutorial ko is yung XL nasa 40$ per month kabayan pero gumawa ako ng panibago na mas mataas ang Specification dahil sa tumagal yung pag proof generate ng block. Yung gamit ko now is nasa 77$ per month. Mas mabilis siya mag proof nasa 9-11 mins lang nakakapag prove na siya ng block hindi gaya nung luma na nasa 15-22 mins ang tinatagal.
Salamat sa Update kabayan , Merit for that .


Now ang need ko nalang ang malakas na PC since May pa ang bakasyon sa school bago ko magamit yong PC ko.
77 dollars a month hindi  na masama kung ganon naman pala kabilis ang proving ng blocks .

naka book mark na sakin tong thread , in case makakuha ako ng magandang Unit eh masimulan kona agad , thanks ulit.

Kabayan inoff kona yung vps ko jan. Sa alpha 6 kasi medyo iba na ata ang pagprocess dahil sa may bagong Sgx medyo hindi kopa din gets yun pero hahanap ako ng murang pamalit sa 77$ per month na kakayanin yun kailangan daw may intel sa specs para daw marun yun. Update ko ito kinabukasan medyo pagod din galing sa byahe. Salamat sa pagsuporta at pagbabantay sa thread.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
January 20, 2024, 05:37:16 AM
#11

grabe antaas ng need para sa node , ampaw ang unit na gamit ko now dahil ginagamit ng anak ko yong PC ko   hahaha,  gusto kopa naman sana i try ang pag node.

Matanong ko lang kabayan , from scratch magkano ang gagastusin ko para sa proper running ng nodes na to?

thanks in advance sa sago.

Yung ginamit ko dito sa tutorial ko is yung XL nasa 40$ per month kabayan pero gumawa ako ng panibago na mas mataas ang Specification dahil sa tumagal yung pag proof generate ng block. Yung gamit ko now is nasa 77$ per month. Mas mabilis siya mag proof nasa 9-11 mins lang nakakapag prove na siya ng block hindi gaya nung luma na nasa 15-22 mins ang tinatagal.
Salamat sa Update kabayan , Merit for that .


Now ang need ko nalang ang malakas na PC since May pa ang bakasyon sa school bago ko magamit yong PC ko.
77 dollars a month hindi  na masama kung ganon naman pala kabilis ang proving ng blocks .

naka book mark na sakin tong thread , in case makakuha ako ng magandang Unit eh masimulan kona agad , thanks ulit.
sr. member
Activity: 896
Merit: 303
January 16, 2024, 11:34:23 AM
#10
Alpha 6 na tapos na ang Alpha 5.

Ito ang bagong update ngayon sa Taiko Node at ang node ay magrurun na sa Holesky. Base sa mga nasagap kong info ito na ang last testnet bago ang mainnet.

Sa mga may Taiko Node dati reinstall niyo nalang sa inyong dashboard ang inyong mga VPS para mas madali nating masetup ang bagong node.

Nasa sainyo kung gusto niyong mag install ng mismong Holesky Node narito ang tutorial kung gusto niyo https://docs.taiko.xyz/guides/run-a-holesky-node/
Pero ang suggestion ko gumamit nalang kayo ng BlockPi libre lang naman sign up kayo dito https://dashboard.blockpi.io, kunin ulit natin ang http at wss para sa bagong Taiko node.

1. Una mag install muna ng Git, at docker dahil kailangan ito. Isa ito sa mga prerequisite para mapa run ang Taiko Node
Code:
apt install git
2. Install Docker https://docs.docker.com/desktop/install/ubuntu/
https://docs.docker.com/engine/install/ubuntu/#install-using-the-repository

3. Clone ulit natin ito ang code
Code:
git clone https://github.com/taikoxyz/simple-taiko-node.git
cd simple-taiko-node
4. Copy the sample .env files
Code:
cp .env.sample .env
5. Iopen yung nano .env
Code:
nano .env
Lagyan itong mga endpoint ng galing sa blockpi account na ginawa kanina
L1_ENDPOINT_HTTP=L1_ENDPOINT_HTTP=
L1_ENDPOINT_WS=L1_ENDPOINT_WS=


6. Start na natin ang node
Code:
 docker compose up -d 

check niyo nalang using docker compose logs -f if nagsysync na siya or dito http://localhost:3001/d/L2ExecutionEngine/l2-execution-engine-overview?orgId=1&refresh=10s change niyo lang yung localhost sa ip ng inyong vps, if irequire kayo ng password at username, admin, admin lang yan.
sr. member
Activity: 896
Merit: 303
January 15, 2024, 09:51:10 PM
#9
Curious lang ako kabayan kung ano yung silbi or purpose nito tapos ano yung mga benefits kapag mag-run ka ng node? Napansin ko lang din na ang laki ng storage space na kailangan niya, ano yung dahilan para dito? Nakakamangha lang na napakaprecise tapos on poin yung tutorial mo, kung may PC lang siguro ako baka matagal ko ng sinubukan yung mga ganyan at nag-aral na din siguro ako paano mag-code, mukhang masaya gawin yan eh.
Sa nalaman ko, ang pagpapatakbo daw ng node ay isang way ng paghelp sa blockchain decentralized network. Kapag nagru-run ka ng node, nagiging part ng process ng pag-verify ng transaction at pagmimaintain ng blockchain integity. Hindi ko pa alam ang ibang benefits nito sa end ng supporter pero ang isa na dyan ay ang incentive sa rewards gaya ng airdrop.
Ang malaking storage space na kinakailangan ay dahil sa kailangang i-store ng node ang buong history ng blockchain transactio. Ito ay isang essential na bahagi ng pagiging reliable ng network.

Tama kabayan ayan din ang goal natin para makakuha ng airdrop. Pero atleast natututo tayo mag run ng ganito kung wala tayong mapapala sa airdrop. Para ito sa mga tamad na gaya ko na ayaw gumawa ng maraming simple task na gustong suportahan ang project na kung saan hindi mona need maghirap sa mga simpleng bagay yun lang mas mahirap nga lang ito ngunit isang beses lang isesetup kung walang error.

Anyway end na ito guys, nasa holesky na which is need again magsetup para mapagana yung node. Mamaya update ko ito para sa mga sumusubaybay dito sa node na ito. Paalala ito na ang huling testnet bago ang mainnet kaya dapat mas maging ganado tayo rito.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
January 15, 2024, 06:51:50 PM
#8
Curious lang ako kabayan kung ano yung silbi or purpose nito tapos ano yung mga benefits kapag mag-run ka ng node? Napansin ko lang din na ang laki ng storage space na kailangan niya, ano yung dahilan para dito? Nakakamangha lang na napakaprecise tapos on poin yung tutorial mo, kung may PC lang siguro ako baka matagal ko ng sinubukan yung mga ganyan at nag-aral na din siguro ako paano mag-code, mukhang masaya gawin yan eh.
Sa nalaman ko, ang pagpapatakbo daw ng node ay isang way ng paghelp sa blockchain decentralized network. Kapag nagru-run ka ng node, nagiging part ng process ng pag-verify ng transaction at pagmimaintain ng blockchain integity. Hindi ko pa alam ang ibang benefits nito sa end ng supporter pero ang isa na dyan ay ang incentive sa rewards gaya ng airdrop.
Ang malaking storage space na kinakailangan ay dahil sa kailangang i-store ng node ang buong history ng blockchain transactio. Ito ay isang essential na bahagi ng pagiging reliable ng network.
sr. member
Activity: 1666
Merit: 426
January 15, 2024, 01:08:53 AM
#7
Curious lang ako kabayan kung ano yung silbi or purpose nito tapos ano yung mga benefits kapag mag-run ka ng node? Napansin ko lang din na ang laki ng storage space na kailangan niya, ano yung dahilan para dito? Nakakamangha lang na napakaprecise tapos on poin yung tutorial mo, kung may PC lang siguro ako baka matagal ko ng sinubukan yung mga ganyan at nag-aral na din siguro ako paano mag-code, mukhang masaya gawin yan eh.
sr. member
Activity: 896
Merit: 303
January 13, 2024, 08:01:40 AM
#6

grabe antaas ng need para sa node , ampaw ang unit na gamit ko now dahil ginagamit ng anak ko yong PC ko   hahaha,  gusto kopa naman sana i try ang pag node.

Matanong ko lang kabayan , from scratch magkano ang gagastusin ko para sa proper running ng nodes na to?

thanks in advance sa sago.

Yung ginamit ko dito sa tutorial ko is yung XL nasa 40$ per month kabayan pero gumawa ako ng panibago na mas mataas ang Specification dahil sa tumagal yung pag proof generate ng block. Yung gamit ko now is nasa 77$ per month. Mas mabilis siya mag proof nasa 9-11 mins lang nakakapag prove na siya ng block hindi gaya nung luma na nasa 15-22 mins ang tinatagal.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
January 13, 2024, 07:15:00 AM
#5
Ito yung kailangan na specification para irun itong Taiko node

Minimum:
CPU with 2+ cores
4GB RAM
1TB free storage space to sync the Mainnet
8 MBit/sec download Internet service

Recommended:
Fast CPU with 4+ cores
16GB+ RAM
High-performance SSD with at least 1TB of free space
25+ MBit/sec download Internet service


grabe antaas ng need para sa node , ampaw ang unit na gamit ko now dahil ginagamit ng anak ko yong PC ko   hahaha,  gusto kopa naman sana i try ang pag node.

Matanong ko lang kabayan , from scratch magkano ang gagastusin ko para sa proper running ng nodes na to?

thanks in advance sa sago.
sr. member
Activity: 896
Merit: 303
January 12, 2024, 08:55:50 PM
#4
Para magkaroon ng Dashboard kung saan makikita mong gumagana ang iyong Node ng hindi na kailangan iopen ang iyong Terminal

1.
Code:
git clone https://github.com/dojonode/taiko-node-dashboard-docker
2.
Code:
cd taiko-node-dashboard-docker
3.
Code:
docker compose up
4. visit http://localhost:7744 to access the dashboard, palitan yung local host ng IP ng iyong VPS
5. Click on the 📡 button palitan yung local host ng IP ng iyong VPS

Source: https://github.com/dojonode/taiko-node-dashboard
sr. member
Activity: 896
Merit: 303
December 13, 2023, 01:01:06 AM
#3
Nice thread. problema naka laptop lang ako. gusto ko sana i try mag nodes. goodluck

Salamat kabayan. Hindi problems yan kabayan as long as may pang avail ka ng VPS goods na yan, makakasetup nayan. Tyagaan lang at medyo mataas ang specification nito at mas mahal ang kailangan na VPS dito compare sa ibang nodes na pwede nating irun. Maganda kasing project ito kaya talagang pinursue ko itong Taiko Node, nakakatamad din kasi mag test net ng tuloy tuloy sa dami ng nag aairdrop ngayon. Hintayin ko feedback ng mga sumubok at sa mga may error DM lang maaayos yan. Kahit sa discord nila maraming tumutulong if nagkakaerror ang ating pag setup.
hero member
Activity: 806
Merit: 503
December 13, 2023, 12:02:19 AM
#2
Nice thread. problema naka laptop lang ako. gusto ko sana i try mag nodes. goodluck
sr. member
Activity: 896
Merit: 303
December 12, 2023, 09:22:58 AM
#1
Ito yung kailangan na specification para irun itong Taiko node

Minimum:
CPU with 2+ cores
4GB RAM
1TB free storage space to sync the Mainnet
8 MBit/sec download Internet service

Recommended:
Fast CPU with 4+ cores
16GB+ RAM
High-performance SSD with at least 1TB of free space
25+ MBit/sec download Internet service


Pero kung balak niyong mag run pa ng proposer at prover na mas kailangan ng mas mataas na specification orderin niyo itong gaya ng specification ng inavail kong node. Dahil sa requirements ng prover ang need ay At least 8/16 core CPU at 32GB of RAM.


Paano magpurchase ng VPS sa Contabo?

Sinusuggest kong gumamit kayo ng Termius Application para kahit madami na kayong node at iba iba ang password at I.P address hindi kayo malito. Dahil pwede niyong lagyan ito ng name, username at password para mabilis niyong maaccess ang inyong mga VPS. At higit sa lahat pwede niyo itong maaccess sa inyong mga cellphone at other devices.



1. Una mag install muna ng Git, at docker dahil kailangan ito. Isa ito sa mga prerequisite para mapa run ang Taiko Node
Code:
apt install git
Ganito dapat ang lalabas, siyempre type Y para magtuloy ang paginstall.

Ito next na lalabas.


Code:
apt install docker.io
Ganito dapat ang lalabas, siyempre type Y para magtuloy ang paginstall.

Ito next na lalabas pero dulo lang dahil mahaba ito. Pero dapat ganyan ang dulo


2. Clone simple-taiko-node
Code:
git clone https://github.com/taikoxyz/simple-taiko-node.git
cd simple-taiko-node
Ganito dapat lumabas


3. Copy the sample .env files
Code:
cp .env.sample .env
Walang lalabas jan bale magnenext lang tayo sa next step pero ganito ang makikita niyo sa screen niyo.

Code:
nano .env
Ito naman ang lalabas after maenter itong code na nano .env

Ito ang babalikan natin mamaya after magawa natin yung sa Alchemy

4. Gaya ng Starknet Node natin gagawa ng alchemy sa mga wala pa pwede kayong gumawa dito Alchemy

Pero mas okay yung sa Blockpi io na gamitin dahil mas mabilis magsync compare sa Alchemy, same steps lang naman dito WSS lang pinaka mahalagang kunin, yung sa  L1_ENDPOINT_HTTP ito nalang gagana din ng walang problema = https://rpc.sepolia.org
After gumawa ng account, punta tayo sa create app ng alchemy


Next, iconfigure ang iyong app

Para sa "name", enter "Taiko Node", o kung ano ang iyong nais na pangalan
Para sa "chain", piliin ang "Ethereum".
Para sa "network", piliin ang "Ethereum Sepolia".
Tapos, iclick ang "Create app" button.
BTC

Magreredirect kayo sa mismong dashboard niyo at iclick niyo ang "API KEY"

Ganito ang lalabas


Makikita niyo itong wss://eth-sepolia paki copy niyo ito.

 L1_ENDPOINT_WS sa inyong .env. sa dulo ng Step 3

5. Bumalik sa Termius or Putty kung ano ang ginamit niyo kanina tapos icopy paste ang mga nakuha sa API KEY ng alchemy
Gaya ng aking ginawa sa baba.

Now we have to insert our links, change one value, and insert our private key from MetaMask.
Palitan niyo ang DISABLE_P2P_SYNC from false to true
In the L1_ENDPOINT_HTTP=https://rpc.sepolia.org ito nalang gamitin niyo para walang error na lalabas.
In the L1_ENDPOINT_WS dito niyo ipapasok ang WSS
Sa ENABLE_PROVER palitan niyo ang false sa true
Sa L1_PROVER_PRIVATE_KEY ilagay niyo yung metamask private key, dapat yung private key ay dummy lang para lang dito sa taiko, walang ibang laman or silbi.
Palitan ang ENABLE_Proposer from false to true
Sa L1_PROPOSER_PRIVATE_KEY ilagay niyo yung metamask private key, dapat yung private key ay dummy lang para lang dito sa taiko, walang ibang laman or silbi.
Sa L2_SUGGESTED_FEE_RECIPIENT ilagay ang wallet address na connected sa privatekey



Control + X para makaexit, then click Y para masave yung inedit natin.
babalik kayo sa ganitong itsura sa inyong mga terminal


6. Dapat pala mag install muna nito din. Hindi gagana yung nasa baba kung hindi kayo mag iinstall ng ganito.
Code:
apt install docker-compose

ito din para maupdate yung docker niyo https://docs.docker.com/engine/install/ubuntu/#install-using-the-repository

7. Para maparun ang node ito ang code
Code:
docker compose up -d


8. Icheck niyo if running na sa Alchemy dapat may mabago sa dashboard niyo sa Taiko Node. Gaya nito


CONGRATS RUNNING NA ANG IYONG NODE


Isusunod ko sa baba yung pag enable ng proposer at prover ng Taiko Node.
Jump to: