Author

Topic: TalkImg.com - Image hosting para sa BitcoinTalk (Read 154 times)

sr. member
Activity: 1596
Merit: 419
Cashback 15%
Probably will switch na muna ko dito sa TalkImg.com dahil na rin hindi gumagana ung mga upload sa Imgur, matagal ko ng ginagamit ang Imgur simula pa noon sa pagupload ng image para magamit dito sa Forum kaya maraming nadisappoint na mga members dito sa Forum dahil sa nangyare, Marami ding mga member din ang katulad ko dito sa Forum na katulad ko na noon pa ay sa Imgur na naguupload ng image na nagkaroon din ng malaking problema dahil sila ay mga established member na dito at siguro libo libo na ang mga post na mayroong image, masyadong maraming images na kailangan irecover if aayusin kaya malamang ay burahin nalang halos lahat ng mga post.

Pinagpipilian ko sana itong TalkImg.com or imgbb.com, medjo nagaalangan ako gumamit netong TalkImg dahil na rin baka matigil din ang run ng website kahit na member din ng forum ang gumawa neto ay may posibility na hindi ito mamaintain kung maraming mga image ang mauupload at kung kaya bang maintance ang website. Sinubukan ko ito at maganda at mabilis naman ang upload neto.

Aayusin ko siguro ang mga post ko na may error ay magrereupload ako ng mga Images dito.
hero member
Activity: 966
Merit: 511
🇵🇭
Sobrang useful nito dahil pwede kopyahan ang BBCODE ng image in bulk hindi kagaya ng imgur na iisa isahin pa ang copy per image. Medyo mahahaba lang talaga yung BBCODE nito dahil hindi naka shorten yung image link pero siguro naman ay ginagawan na ito ng paraan.

Napansin ko lng din na hindi pwede mag add ng additional imag one nakapag upload kana ng isang batch. Walang add image option kapag available na ang BBCODE. Need pa ireset bago makapag upload ulit ng panibagong set ng image. Overall magandang alternative ito sa imgur dahil na kailangan mag desktop mode para lang makapag upload ng image gamit ang mobile device. Ito na ang gagamitin ko na image hosting. Sana suportahan natin ito dahil gawa ito ng kapwa natin forum user. Salamat sa pagshare kabayan!
hero member
Activity: 1498
Merit: 974
Bitcoin Casino Est. 2013
Akda ni: joker_josue
Orihinal na paksa: TalkImg.com - Image hosting for BitcoinTalk






WWW.TALKIMG.COM


Ngayong ay ipina-pakilala ko sa inyo ang isa sa serbisyo sa pag bibigay ng image hosting, na inidisenyo para sa Bitcointalk at sa buong komunidad. Makalipas ang ilang taon ay madalas nating makita ang hindi lumalabas na imahe pag ito ay nailagay na natin sa forum. alam naman natin kung gaano ito kabagal din mag load. Ngayon ay ginawa ang proyekto na ito at tinatawag na TalkImg.


 Purpose  ____________________
Ginawa ito para mag bigay ng opsyon para sa Bitcointalk forum kung saan napaka daling gamitin at ito para sa lahat, kung saan mas mabilis ang load ng mga imahe pag ito ay in-upload.


 Features ____________________
- Lahat ng imahe na gagamitin ay maaring magamit sa forum (ito ay depende na lamang sa user at sa mga susunod pang hakbang para dito)
- Tinatanggap lamang nito ang format ng mga sumusunod (JPG, JPEG, PNG).
- Ang laki lamang ng imahe at dapat na sa 2.5MB
- Pag na upload na ang imahe ay hindi na ito mabubura (depende nalamang kung ang link na ginamit sa pag upload ay na sa iyo pa din)
- NSFW (Not safe for work) ay ipinag ba-bawal dito.
- Hindi kailangan mag register ng personal na impormasyon para lamang magamit ito (Pawang IP lamang ang mai-save para sa spam control)
- Lahat ng EXIF na impormasyon ay kusang buburahin ng system..
- Maari lamang gumawa ng account sa website kung kinakailangan ng user at para sa mga 0ba pang tala.


 Coming Soon _________________
- Awtomatiko nitong pinapalitan ang file format. (Wala pang eksaktong petsa)
- Malaman ang sukat ng isang imahe base sa BBCode. (Wala pang eksaktong petsa)


 More Details __________________
Ito ay hinahawakan ni joker_josue at sya din ang nag papanatili upang magamit ito ng mga user. Ako ay bukas sa inyong mga suhesiyon at opinyon, para sa ikabubuti ng komunidad.


 Useful links ___________________
TalkImg
Terms of Service
Privacy Policy
Jump to: