Author

Topic: Tama ba ko o Mali pagusapan natin Ito. (Read 266 times)

sr. member
Activity: 840
Merit: 252
February 20, 2019, 04:12:44 AM
#10
Hello, may nakita lang akong bagong exchange na magpapaICO. At ang pagkakaobserba ko medyo may konting hinala lang ako kung ito ba scam o hindi. Dahil panibagong exchange nanaman ang madadagdag, Kaso lang medyo kakaiba nga ang kanilang platform, At ang isa kanilang benipisyo ay ito "If you keep your ZEREX Tokens in the exchange wallet, you will be paid 2% Weekly". So ang opinyo ko naman ay ito, Magbabayad sila ng 2% kung itatago o nakatago lang ako Zerex token sa exchange nila, Pano nalang kung lahat tayo na bumili sa ICO nila at tinago sa exchange nila? Hindi ba sila malulugi nun kung nandun lang ang token at binabayaran nila ng 2% per week. O baka balak lang din nila itakbo ang token/pera na binili galing sa kanila. Kayo ano sa tingin nyo? Syempre may magiinvest at bibili bali ayon na din ang mawawala.

Hindi naman siguro off-topic sa local board natin ito dahil tungkol naman sa bagong exchange. Gusto ko lang mapagusapan kung ano ano opinyo nyo pagdating sa pagkilatis ng isang ICO. Hindi naman ibig sabihin ng mga sinasabi ko ay sinasabi ko ng scammer sila, Gusto lang malaman mula dito na kung may magsasaliksik sa mga ito (ICO) at alamin talaga ng mga tao o active Filipino sa local natin na maghanap ng legit o matino na ICO.

Ito website: https://www.zerexnetwork.com/
Ready kana bang tumuklas?  Smiley

Info sa website nila: https://www.whois.com/whois/zerexnetwork.com
Parang nakakaduda pero kung bago pa lang sila siguro paraan nila yan o kaya promotion para makaenganyo ng mga traders. Ganon pa man dapat maging mapagmasid pa rin tayo. Wag nating tagalan na nandun lang nakababad ang crypto natin kc nga nakakakaba. Mabuti na ung wala kang pagsisihan sa huli kung bakit ka pa napadala sa 2% weekly o mawala ang ininvest mong crypto.
member
Activity: 633
Merit: 11
February 18, 2019, 07:20:26 AM
#9
Maganda ang benipisyo ng bagong exchange na tinutukoy mo. 2% every week ay malaking halaga, lalo na't kung mayroon kang malaking halaga na nakatago sa exchange nila. Kung risk taker ka naman walang masama kung gusto mo ito subukan. Pero tulad nga ng kasabihan, mamuhunan ka kung ano lang ang kaya mong mawala.
Oo nga pero masakit sa bulsa yan kasi nga not sure na legit e. Ok lang sana kung malugi lang ng kahit ilang pursyento pero ung itakbo ang buong pera mo e masyadong masaklap un para sa investors diba? Para isang uri lang to ng scheme na talo ang mahuli kasi di na paying. Like hyip system dami nyan sa labas ng forum. Doble ingat nalang sa pera at pahalagahan.
sr. member
Activity: 561
Merit: 250
January 29, 2019, 04:03:42 AM
#8
Maganda ang benipisyo ng bagong exchange na tinutukoy mo. 2% every week ay malaking halaga, lalo na't kung mayroon kang malaking halaga na nakatago sa exchange nila. Kung risk taker ka naman walang masama kung gusto mo ito subukan. Pero tulad nga ng kasabihan, mamuhunan ka kung ano lang ang kaya mong mawala.
full member
Activity: 1232
Merit: 186
January 01, 2019, 05:15:16 AM
#7
At ang isa kanilang benipisyo ay ito "If you keep your ZEREX Tokens in the exchange wallet, you will be paid 2% Weekly".
Isa na namang "to good to be true" na offer. Ang hirap naman ata paniwalaan na bago pa lang sila pero may ganito na agad, saan naman nila kukunin yung funds para dito? For sure naman na hindi iyon manggagaling sa kani-kanilang mga bulsa dahil nalugi naman agad sila bago pa man mag umpisa exchange nila. Nakakapanghinala at nakakatawang isipin at the same time Grin.
Hindi ba sila malulugi nun kung nandun lang ang token at binabayaran nila ng 2% per week. O baka balak lang din nila itakbo ang token/pera na binili galing sa kanila.
The moment pa lang na nagtanong ka tulad ng ganito, masasabi mo na sa sarili mo na ito ay posibleng scam nga. Well, mahirap pa rin naman magsalita ng tapos pero kung ako sayo ay iwasan mo na lamang ito. Kung talaang gusto mo gimamit ng exchange mas mainam pa kung pipiliin mo yung legit at matagal na ang operation such as Binance, Poloniex and Bittrex.
sr. member
Activity: 841
Merit: 251
November 17, 2018, 03:21:23 AM
#6
Ganyang talaga, kailangan natin pag dudahan lahat NG kumapabas na project maski pa na marami Ang tumatangkilik dito. Gamitin natin Ang pagdududa upang mas maging maingat or maiwasan natin Ang nga scam project. Observe first bago mag invest or Kung ano pa mantapos Kung sapat na para saty then take that risk
sr. member
Activity: 327
Merit: 250
November 17, 2018, 02:42:37 AM
#5
Malaki ang posibilidad na scam ito lalo na't bago palang at wala pa silang na bubuild na "Trust" Kaya kung ako sayo wag ka ng mag invest at invest mo nalang ito sa mga legit at mapagkakatiwalaang exchanger, kagaya ng Kucoin na mayroon din naman na ganyang activities.
hero member
Activity: 672
Merit: 508
November 16, 2018, 09:13:12 PM
#4
Masyado malaki ang 2% per week na makukuha mo para sakin kung ang kailangan mo lang ay itago sa exchange nila pero hindi pa din masasabi na scam. hindi ko pa binasa yung mga tungkol sa exchange nila, not sure pa ako pero hindi maganda yung tingin ko
full member
Activity: 1366
Merit: 107
SOL.BIOKRIPT.COM
November 16, 2018, 08:34:02 PM
#3
Mahirap pag ganyan pag iba yung humahawak ng funds mo. Sa ibang mga trusted exchanges nga ay delikado pag di mo winidraw yung funds mo dahil posible pa ring mahack ang exchange. Siguro ay ok pa pag naka store sa wallet mo na may sarili kang private key at dun na lang esesend ang 2% na reward mo sa pag hold gaya ng ginagawa ng PundiX. Kahina hinala yan dahil wala pang trade fee na hinihingi so saan nila kukunin ang ipapamudmod nilang 2% sa mga holders weekly? Pero mahirap ding ijudge kung scam yan o hindi. Sa ngayong kung may balak ka mag invest dyan ay maigi obserbahan mo muna bago mo pasukin.
member
Activity: 633
Merit: 11
November 16, 2018, 10:52:08 AM
#2
Bago lang ang site sabi sa info ng website, Medyo nakakaduda lang. Pero syempre kailangan talaga muna pagmasdan ang pagpapatakbo nyan bago husgahan. Sayang naman ang opurtunidad ng mga legit talaga kung mahuhusgahan agad natin. May punto ka din naman, Para malaman din natin sa iba ung mga estilo nila sa paghahalughog ng isang ICO, Para naman ung mga baguhan ay makakuha ng konting idea diba?
member
Activity: 434
Merit: 15
November 16, 2018, 10:25:50 AM
#1

Jump to: