Author

Topic: Tanong lang tungkol sa bybit (Read 288 times)

sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
August 11, 2019, 06:58:06 PM
#19
Satingin ko mag stick ka muna sa Binance. Medyo bago pa kasi ang bybit at hindi pa siya ganoon kakilala lalo na sa mga Pinoy. Ang Binance maganda din naman. Kung volume, list of coins, reputation, IEO, security ang pinag-uusapan, at kung wala ka namang problema sa exchange na iyan, sa Binance ka nalang muna kasi mas maganda talaga siya. Kung medyo smaller sa Binance ang gusto mo, try mo kucoin.
Yes dapat kay OP nang matindihang desisyon kung alin ba sa dalawa ang gagamitin niya pero kung nais niya sa bybit maaari niyang gamitin ang Binance kasabay ng bybit. Bago lang yang bybit pero ang binance subok na at alam natin na super trusted talaga wala ka nang hahanapin pa dahil sa dami ng features nito at yan ang naging advatange nila sa lahat ng exchanges site.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
August 08, 2019, 08:11:33 AM
#18
Hindi ako familiar sa bybit at hindi ko alam ang mga advantages o disadvatanges ng mga yan, pero okay naman ang binance at wala naman akong nakikitang dahilan para lumipat ang isang trader dahil sa dami ng exchanger ngayon binance pa rin talaga ang the best sa kanila at kitang kita naman na lamang ito kumpara sa kanila. Pero depende pa rin kung maglilipat ka talaga ito o hindi.
member
Activity: 196
Merit: 10
August 08, 2019, 05:35:34 AM
#17
Ayon sa group na nasalihan ko mas maganda daw ang bybit kaysa bitmex dahil walang system overload na nagaganap dito at pwedeng pagsabayin ang pag set ng take profit, buy, trail stop etc.
Ang isang tanong nalang sa isipan ko okay kaya ang withdrawal dito my nakapag try naba sa inyo?.
Di ko pa na try ang withdrawal dahil nag uumpisa palang ako pero same lang naman ng fee sa binance sabi nila, maganda nga dto medyo mataas na din ang volume,
full member
Activity: 1624
Merit: 163
August 07, 2019, 09:00:24 PM
#16
Satingin ko mag stick ka muna sa Binance. Medyo bago pa kasi ang bybit at hindi pa siya ganoon kakilala lalo na sa mga Pinoy. Ang Binance maganda din naman. Kung volume, list of coins, reputation, IEO, security ang pinag-uusapan, at kung wala ka namang problema sa exchange na iyan, sa Binance ka nalang muna kasi mas maganda talaga siya. Kung medyo smaller sa Binance ang gusto mo, try mo kucoin.
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
August 07, 2019, 11:52:09 AM
#15
Ang isang tanong nalang sa isipan ko okay kaya ang withdrawal dito my nakapag try naba sa inyo?.
Base na lamang sa mga reply dito, mukhang bago pa sa karamihan sa lokal natin yung Bybit. Mas maganda siguro kung doon ka sa telegram group na nabanggit mo magtanong at paki-relay na lang dito ang feedback.
full member
Activity: 798
Merit: 104
August 07, 2019, 09:01:19 AM
#14
Ayon sa group na nasalihan ko mas maganda daw ang bybit kaysa bitmex dahil walang system overload na nagaganap dito at pwedeng pagsabayin ang pag set ng take profit, buy, trail stop etc.
Ang isang tanong nalang sa isipan ko okay kaya ang withdrawal dito my nakapag try naba sa inyo?.
member
Activity: 196
Merit: 10
August 07, 2019, 01:08:24 AM
#13
Hindi ko pa narinig or nagamit ang Bybit pero taking a look on their exchanges yung overview of trading site nila ay maganda, looks good yung design na somehow the same sa binance.

Can I know the reason kung bakit ka lilipat? from binance to bybit?

Bybit Trading Fees:
• Taker Fee: 0.075%
• Maker Fee: 0.025%
• BTC Withdrawal Fee: 0.0005 BTC

Tradeable Coins in Bybit:
• BTC/USD
• ETH/USD
• EOS/USD
• XRP/USD

Binance Trading Fees:
https://www.binance.com/en/fee/schedule
What does “Taker/Maker” mean?
• BTC Withdrawal Fee: 0.0005 BTC
• Tradeable in alot of Altcoins out there.

Binance is probably have the advatages. Pero still it depends sayo and sa reason kung bakit dahil minsan hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng problema sa mga exchange.
Sa binance kasi dami pang pinapagawa para maka pag margin trading, di ko alam i download ung app nila kasi gusto android para magvalidate ng informations so tinry ko tong bybit ok na din kasi BTC/USD lang naman ang focus ko tsaka small amount lang naman try ko muna.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
August 06, 2019, 06:11:13 PM
#12
Why not use both exchange instead of leaving the top exchange over the new one?
Medyo risky yang gagawin mo kase hinde naman masyadong naaadvertise si bybit and siguro the trading volume there is not that high compre to binance. I still believe that Binance should be your main exchange over the new one, or look for some good exchange that is next to Binance.
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
August 06, 2019, 11:45:41 AM
#11
Wala pa akong data makita sa CMC tungkol sa Bybit. Basa-basa ka muna ng reviews bago ka tuluyang mag-deposito ng malalaking halaga dun. Check mo telegram nila baka may mabasa kang reklamo tungkol sa deposit or withdrawal.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
August 06, 2019, 11:03:49 AM
#10
Guys balak kong lumipat sa bybit galing ng binance ano po ba mga pinagkaiba nila at ano pong masasabi nyo sa bybit? anyone na gumagamit dto ng bybit platform ano pong advantages and disadvantages nito sa ibang trading platform?

Bybit only focuses on BTC/ETH/EOS/XRP to USD pair. You can check that sa interface nila. Not the usual exchange which has lots of trading pairs.

Familiar with Bitmex? Parang ganun din si Bybit. More on leveraged trading.

You can used them both naman at the same since they will have different purpose for you. And besides, your trading experience in Binance will be way different sa Bybit so in the end, di mo rin maiiwan si Binance if you are playing with other coins.

If really interested to try Bybit, test the waters first by not depositing a decent amount of crypto.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1860
August 06, 2019, 09:32:39 AM
#9
Guys balak kong lumipat sa bybit galing ng binance ano po ba mga pinagkaiba nila at ano pong masasabi nyo sa bybit? anyone na gumagamit dto ng bybit platform ano pong advantages and disadvantages nito sa ibang trading platform?

Paps, kung hindi ka talaga babad sa crypto trading, sa tingin ko iiwasan mo dapat ang kagaya ng Bybit.

Tama yung sinabi ni crwth, ang malaking pinagkaiba ng Bybit sa Binance ay margin o leveraged trading ang inaalok ng Bybit at spot trading naman ang sa Binance. Ang Bybit kasi parang BitMEX to eh. Maaari kang gumamit hanggang 100x na leverage sa Bybit.

Ang mahalagang paalala pagdating sa leveraged trading is that it is very risky yet attractive. Maaari ka talagang kumita ng malaki kasi nga may leverage pero mas mabilis din maubos capital mo. Kaya nga para sa akin ang leveraged trading ay mas para sa mga taong gamay na nila masyado yung small movements ng prices. Double-edged sword ang leverage eh. Pero sa mga newbies at low-level traders, mas delikado sa kanila to.

Good luck sa pagpili, paps. Hindi ko alam ang basis mo sa paglipat pero para sa akin you better stick to Binance.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
August 06, 2019, 04:39:14 AM
#8
Mukhang may early user rewards o bonus ang bybit kaya siguro naisipan ni OP na lumipat doon. Kung isa yun sa mga habol mo, pwede siguro deposit ka lang muna konti at gamitin mo yung reward para i-test yung mga features ng bybit. Mabibigyan ka din siguro ng sapat na oras para makapagbasa ng iba pang reviews.

May bonus nga sila. $10 registration bonus[1].

Kung ito man rason no OP: I don't think na worth it na gamitin ang exchange dahil lang sa bonus though. As far as I know bago bago palang ata to, and lagi kong sinusuggest against sa paggamit ng mga bagong exchange lalo na ung mga hindi pa reputable kagaya nito. High risk, low reward in this case in my opinion lalo na't pera ang pinag uusapan dito.

[1] https://www.bybit.com/bonus
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
August 06, 2019, 03:28:59 AM
#7
Mukhang may early user rewards o bonus ang bybit kaya siguro naisipan ni OP na lumipat doon. Kung isa yun sa mga habol mo, pwede siguro deposit ka lang muna konti at gamitin mo yung reward para i-test yung mga features ng bybit. Mabibigyan ka din siguro ng sapat na oras para makapagbasa ng iba pang reviews.
legendary
Activity: 2506
Merit: 1394
August 06, 2019, 01:17:54 AM
#6
After Bitmex, nagpapakalawa sa pinakamalaking trading volume sa mga famous na derivatives trading market si bybit, which is much better para sa akin kompara sa deribit.

Additional, nakita ko sa bybit ay pwede ka mag deposit ng kahit anong coin, ngayon ko lang nakita ito, kasi sa Bitmex, bitcoin lang pwede mo e deposit at e withdraw. At sa maganda sa Bybit dahil yung withdrawal ay per batch din (or yung everyday may specific time lang na pinaprocess ang mga withdrawal sa isang exchange) gaya ng Bitmex which is 9pm everyday lang sila nag po-process. Masubok ko nga tong Bybit.
Sa Bybit, 3 batchs everyday
"Note: Bybit will process withdrawals 3 times a day at 0800, 1600, 2400 (UTC)"

Tapos pag fixed yung fees na nasa baba, much better, kahit na mataas ang traffic network ni Bitcoin, ganyan pa din ang fee, okay lang din. Or convert mo lang yung other coins mo sa xrp then withdraw ka gamit ang xrp kasi mababa ang miners fee pag xrp.

copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
August 06, 2019, 12:36:03 AM
#5
First of all, ang ByBit ay Margin Trading and compared to Binance, which is spot trading, definitely not a great comparison to be in. Meron ako nakitang rerefer about dun sa ByBit sa Telegram group na kasama ako. Ang mga sinasabi niya na maganda daw and less overload issue compared to Bitmex. Bigger trading volume and transaction per second. So sobrang iba din yun.

Better make a good choice or just use them both because they are both different exchanges.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 289
Zawardo
August 06, 2019, 12:27:48 AM
#4
Ngayon lang ako narining na bybit exchange mukhang bago pa lang ito ah at konti lang ang mga coins na pwede e trade mo. Wag ka nalang lumipat brad mas maganda naman binance ka mag trading ng coins malakas pa ang volume dun kaysa bybit exchange.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
August 06, 2019, 12:08:49 AM
#3
Guys balak kong lumipat sa bybit galing ng binance ano po ba mga pinagkaiba nila at ano pong masasabi nyo sa bybit?

Bakit mong binabalak lumipat in the first place? May problema ba sa Binance na wala ung problemang un sa Bybit? Kung wala, bakit mo kailangang lumipat? Take note na mababa ang liquidity at trading volume sa Bybit, un palang, malaki na ang advantage ng Binance.
asu
legendary
Activity: 1302
Merit: 1136
August 05, 2019, 11:47:12 PM
#2
Hindi ko pa narinig or nagamit ang Bybit pero taking a look on their exchanges yung overview of trading site nila ay maganda, looks good yung design na somehow the same sa binance.

Can I know the reason kung bakit ka lilipat? from binance to bybit?

Bybit Trading Fees:
• Taker Fee: 0.075%
• Maker Fee: 0.025%
• BTC Withdrawal Fee: 0.0005 BTC

Tradeable Coins in Bybit:
• BTC/USD
• ETH/USD
• EOS/USD
• XRP/USD

Binance Trading Fees:
https://www.binance.com/en/fee/schedule
What does “Taker/Maker” mean?
• BTC Withdrawal Fee: 0.0005 BTC
• Tradeable in alot of Altcoins out there.

Binance is probably have the advatages. Pero still it depends sayo and sa reason kung bakit dahil minsan hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng problema sa mga exchange.

member
Activity: 196
Merit: 10
August 05, 2019, 11:17:52 PM
#1

Jump to: