Una - ano po ba ang bitcoin address, public key at private key? may kaibahan ba ang bitcoin address at saka public key? Nalaman ko kasi kung mgsend ka ng bitcoin sa kabigan kailangan mo hingin ang bitcoin address so ano po pala ang gamit sa public key? Paano po makita ang public key ng bitcoin address?
Simplehan lang natin.
Public key - ito yung ginagamit o ibinibigay para maka-receive ka ng btc.
Private key - para itong susi sa bahay mo. Kung sino may alam ng private key mo, pwede nila nakawin ang bitcoin mo.
Para malaman ang public key o bitcoin address, buksan ang iyong wallet, tapos click "receive". Kadalasan may makikita ka ng option dun na "copy wallet address".
^ May mas teknikal pa na paliwanag dyan pero ewan ko kung yun ang gusto mo malaman sa ngayon.
pangalawa - mayroon kasing ibat ibang uri ng bitcoin address at ito ay ang mga,
a. bech32 or native segwit
b. p2pkh or legacy bitcoin address
c. P2sh or nested segwit
Compatible po ba lahat ng bitcoin address na nabanggit kung mg send ng bitcoin at hindi po ba mawawala ang funds?
Dagdag ko muna:
- Legacy address - nagsisimula sa "1"
- Native segwit - nagsisimula sa "bc1"
- Nested segwit - nagsisimula sa "3"
Medyo maselan lang dyan yung pagsend sa bech32 address. Meron kasi iba na hindi pa supported ang legacy to native segwit transactions. Bago ka mag-send, confirm mo muna sa wallet provider kung supported. Kung gusto mo walang aberya at makamura sa transaction fees, nested segwit na lang gamitin mo.
pangatlo - mahirap po intindihin ang transaction sa bitcoin lalo na payment. Nakita ko kasi na kung input ng transaksyon mo ay 2 btc tapos meron kang 5 btc sa wallet babalik po ang 3 btc sa iyong wallet at tinawag itong change. Kailangan ba na sa ibang bitcoin address esend ang change or pwde ring babalik ang change na 3 btc sa orihinal na bitcoin address na ginamit sa pag send ng bitcoin?
Alam ko pwede technically pero halos lahat (kung hindi lahat) ng wallet ngayon ay mas prefer yung pag-generate ng ibang address para dun mapunta yung barya. Dagdag privacy at security na din sa wallet user yan. Isipin mo na lang kung mababalik yung barya sa unang address, malalaman pa tuloy ng tao na may 3 btc ka pa. Pwede ka targetin ng mga hacker at magnanakaw. Kapag sa ibang address na pagmamay-ari mo din naman, medyo mahihirapan sila i-trace yun.
Pang apat - ang bitcoin wallet po ay ng generate ng private key. Nakita ko kasi sa nadownload ko na mobile bitcoin app Mycelium at dun nakita ko yung private key ng mga bitcoin address pero wala akong nakita na seed phrase. Nabasa ko kasi na kailangan ang seed phrase para marecover ang bitcoin pero sa nadownload ko na app wala akong nakita na seed phrase or baka meron saan po kaya pwde makita ang seed phrase nato sa Mycelium?
Merong seed phrase and mycelium kapag nag-generate ka ng address. Hindi mo ba naisulat?
Anyway, pwede ka pa ulit mag-generate ng panibagong master seed basta alam mo pa din yung pin code. Punta ka lang sa
Balance > click mo yung 3 dots sa upper right > Back up.
Panglima - Pwde kayang elink ang bitcoin wallet ko sa coins.ph at ang Mycelium? Wala kasi private key ang coins.ph.
Ano ibig mong sabihin na link? Yung import mo private key o seed phrase sa coinsph? Kung yun nga, hindi pwede. Gaya ng sabi mo, hindi mo hawak ang private key dahil isa itong custodial wallet. Hindi supported ng coinsph yan.