Ang masasabi ko lang ay ginagamit ng developer ang hype para pagkakitaan ang tao especially iyong may mga option to gather coins sa pamamagitan ng panonood ng kanilang vidoes sa kanilang social media channels.
Sa tingin ko marami ang madidisappoint sa magiging resulta ng airdrop. Since hindi pa concrete ang sistema ng distribution, ni wala nga guidelines kung ilan ang makukuha ng bawat isa sa bat in-app coins na makukuha, so malamang lamang baka sentimo lang ang matatanggap ng bawat isa.
Imagine sa hundreds of millions of users, at walang ganun kalaking pera or funds ang developer, ano pa ba ang aasahan ng bawat isa?
For me aksya lang sa oras ang mga ito, good if I am wrong at sana nga mali ako ng akala.
Hindi ka nagkakamali na sinabi mo na sayang lang talaga ang effort nila, at yan yun hindi nakikita ng mga lasing pa sa tap mining, lalo na sa hamster, hindi nila nakikita pa na ginagamit o gamit na gamit sila ng developer sa kanilang kamangmangan, though, naging mangmang din ako sa kanila before, pero hindi na ngayon. Ang pagkakaalam ko panga dyan, in just 1 month lang itong hamster kombat ay kumita ng 5.2M$ sa youtube.
Bukod pa dyan, parang inaaplay din nila sa guiness world book of records itong hamster kombat na mapasama sa isa ding mabilis na nakapagbuild ng subscribers o community ng nasa 150 milyon users, katulad ng ngyari sa pokemon na nakapagestablished ng 150 millions in a first month. So, ibig sabihin kahit mapasama pa sa listing itong hamster kombat tapos maliit lang ang rewards na makukuha ng mga paritcipants nila, ay paniguradong tapos narin ang karera nila sa tap mining at maging sa youtube channel nila dahil unti-unti narin silang ibabaon sa limot ng mga community na niloloko nila at pinaaasa na kikita ang mga ito ng malaki.