Congrats sa'yo! Sana magpatuloy pa ang success mo, dito man sa forum o sa cryptocurrency trading. Hopefully, hindi ka magaya sa akin na, dahil sa cryptocurrency at forum na ito, ay nalulong sa sugal. Although may mga pagkakataon na nakakatulong naman sa akin ang forum—lalo na sa mga panalo ko sa mga contest, hindi ko maikakaila na isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ako nalulong sa sugal. Ikaw ba naman araw-araw bumisita sa Bitcointalk, tapos puro ads ng sugal ang makikita mo. Basta, ang payo ko lang, sana hindi ka magaya sa akin. 1 year na ako sa shuffle signature campaign pero hindi ko ramdam dahil sa pagiging lulong sa sugal.
Salamat kabayan sa reminders, huwag kang mag-alala madalang lang ako magsugal at kung magsugal man ako limitado lang sa 15$ hindi na lumalagpas sa amount na ito. Tama yung sinabi ng isang kasama natin dito na disiplina sa sarili at patience ilan lamang sa kailangan para magtagumpay tayo sa mga naisin nating mangyari sa buhay.
At yung pagkakaroon ng self-control sa sarili malaki ang tulong ang pwede nitong maimbag sa atin.
Wala nang makakapagpasaya sa atin na may pamilya kundi ang magkaroon ng sariling bahay. Umpisa pa lang yan, kabayan. Huwag mong lubayan ang crypto dahil napakaraming opportunity dito, baka mansion na ang susunod mong mapagawa! Magtiwala ka rin kay Lord, dahil kung wala ang blessings Niya, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Congrats!
Hindi ko hangad na magkaroon ng mansion, simpleng buhay at bahay para sa pamilya ko masaya na ako dude, kapag meron ulit akong maipundar dahil sa crypto o bitcoin ibabahagi ko
ulit dito sa forum platform na ito.