Author

Topic: The Flippening? (Read 74 times)

jr. member
Activity: 39
Merit: 5
February 14, 2018, 03:34:04 AM
#1
The Flippening
     Habang nagreresearch ako tungkol sa bitcoin ay na-encounter ko itong word na ‘Flippening’ at medyo na curious ako kung anong ibig sabihin nito at ano ang significance nito sa Bitcoin world.
    Dahil sa ang bitcoin ang kauna-unahang cryptocurrency at sa popularidad nito ay tinagurian itong “king of coins” habang yung ibang coins ay minamarkahan na second-rate lang.  Naging napakalaki ng impluwensya nito sa mga sumunod na cryptocoins or mas kilalang ‘altcoins’.  Maging ang value ng mga altcoins  ay ibinabase sa galaw ng presyo ng bitcoin.  Kungbaga sa “fiat currency” ang standard ay ang U.S. dollar at sa digital coins naman ay ang bitcoin.
     Matagal na ganito ang sitwasyon hanggang sa unti-unting nag-iba ang trend at tinawag itong “The Flippening”.  Ito ang kalagayan kung saan hindi na factor ang value ng bitcoin sa pagtaas o pagbaba ng halaga ng ibang altcoins.  Sa madaling salita nagkaroon na ng kakanyahan ang mga bagong coins pagdating sa face value nito.  Sa ilang mga cases nga ay mas higit ang percentage ng pagtaas ng value ng ibang coins kesa sa bitcoin halimbawa na lang ay ang ETHERIUM.  Ayon dito sa isang source ang Year to date rise ng Bitcoin ay: 1,590.5% samantalang ang ETHERIUM ay 8,812.6% at maging ang RIPPLE ay mas mataas kesa Bitcoin na nagtala ng 8,479.8%.  Dahil dito ay nag-iiba na ang takbo ng mga cryptocurrency.
Sources:
1.   https://www.cnbc.com/2017/12/14/bitcoin-ether-litecoin-ripple-differences-between-cryptocurrencies.html
2.   https://themerkle.com/what-is-the-flippening/
Jump to: