Author

Topic: This will be serve as my first post. (Read 199 times)

newbie
Activity: 22
Merit: 12
August 03, 2019, 07:25:28 AM
#10
Thanks for the merits na natanggap ko mula kay finaleshot2016 and asu. Through this thread marami ako lalong natutunan sa culture dito sa bitcointalk and mas lalong alam ko na kung paano ang action towards sa mga bagay bagay dito sa forum.

I-take ko ang advice ni finaleshot2016 na ma-lock ang thread sa kadahilanan na off-topic naman ito at syempre sayang din effort kung made-delete din ito. Maraming salamat sa mga nagbigay ng information patungkol sa merits, ibig sabihin ay may sMerits na ako na pwede kong ibigay kahit kanino.

About sa merits, no it can't be compared sa Karma ng Reddit for me. Pero bago ko pa iexplain ang aking side, you will have an insights already sa reply sa iyo dyan sa taas.

Yun lang kasi naisip ko na pwedeng i-relate kaya nasabi ko na karma pero pwede na rin sigurong upvote nalang. Salamat sa clarification harizen.

Matanong ko lang kung nagkakaroon ng unfairness sa pagbibigagayan ng merits dito?
Ahm wala naman sa palagay ko pero mapapansin mo na mas madalas mabigyan ng merits yung mga high-ranked members (even already a Legendary) compare to lower ranks. Possible kasi na mainterpret mo yun as biased but its not, talagang lumalabas lang ng kusa yung pagiging intellect nila kaya marami silang nakukuhang merit tsaka nakadepende na rin talaga sa sender.

Yan yung current issue na sinabi ko Re: [DISCUSSION] Candidate for the next Merit Source. na hanggang ngayon wala pa ring nakaka-reply or makapagisip ng con kasi mukhang nakuha ko yung pinaka-point.

Sad to say oo, it's kinda unfair, Merong unfairness na nangyayari when it comes to distribution. Pero hindi dapat yun yung priority, we should focus on the development of our local board by encouraging more users to be active. Even you're being intellectual on your content while the others are just translating, pero same lang kayo ng nakukuha minsan lamang pa, do you think it's fair? but for me, it's not big deal pero para sa iba, sobrang hirap non.

Magta-try ako magbigay ng insights dyan sa thread na ginawa mo dahil may idea na rin ako about merit source.

At isa lang din ang mapapansin ko dito, marami rin palang off topic dito.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 294
August 03, 2019, 06:19:14 AM
#9
You have a great experience outside this forum, and I can really see that you have a great future. Welcome aboard mate, you are welcome to share your knowledge and all your experience. Honestly, we are indeed of a person like you, someone who can do a lot better in this forum especially dito sa local board naten. I hope your first post will not be your last.  Grin

Same thoughts here! Grin

With your aforementioned skills and experiences @ZenerDiode, malayo talaga ang mararating mo dito. Kita mo naman, first post mo may merit ka na agad. Partida, nagpapakilala ka pa lang nyan. What more kung mga additional infos pa from your experience diba? Plus, your good mindset. For sure, you'll rank up in no time. Wink

And please, do share your knowledge related to bitcoin and crypto, in general. Malaking dagdag kaalaman sa amin yan. (Lalo na sa gaya ko na medyo malayo ang forte sa IT. Engineering kasi ang field ko. Grin) At dahil naging mod ka naman na ng ibang forum, you'll certainly get how things work around here easily. Madami din naman kaming handang tumulong sayo at sumagot sa mga katanungan mo sa abot ng aming makakaya. Smiley

Anyway, welcome to Bitcointalk Forum! Welcome to Pilipinas Local Board. Smiley
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
August 03, 2019, 05:27:08 AM
#8
Welcome aboard kabayan! Yung mga katulad mo mag isip talaga ang mga kailangan dito and napakalaking advantage na rin yang experiences mo. Maaaring maraming ma inspire at ma motivate dahil dyan sa first post mo, pagpatuloy mo lang at samahan mo kami rito, alam naming marami kang maisishare dito na informative and helpful things.
full member
Activity: 686
Merit: 108
August 02, 2019, 11:33:35 PM
#7
You have a great experience outside this forum, and I can really see that you have a great future. Welcome aboard mate, you are welcome to share your knowledge and all your experience. Honestly, we are indeed of a person like you, someone who can do a lot better in this forum especially dito sa local board naten. I hope your first post will not be your last.  Grin
full member
Activity: 1624
Merit: 163
August 02, 2019, 09:55:15 PM
#6
Future software engineer here. Welcome dito kabayan. Halos pareho lang tayo ng reason kung bakit napadpad tayo dito sa forum haha. For sure sobrang dami mong matututunan dito tungkol sa mga technical stuff lalo na kung gusto mo din mag-aral ng coding and computer related sa Bitcoin and cryptocurrency. Happy stay kabayan.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
August 02, 2019, 06:23:37 PM
#5

About sa merits, no it can't be compared sa Karma ng Reddit for me. Pero bago ko pa iexplain ang aking side, you will have an insights already sa reply sa iyo dyan sa taas.

And just relax and go with the flow with the discussions. Honestly, no need to study and put seriousness if ano ibig sabihin ng merit 100%. Malalaman mo rin kasi ang nature nyan in the long run "automatically".



Since galing ka sa ibang mga general forums, you will notice in the long run dito na medyo iba ang dating ng nature of creating threads dun kaysa dito.

What I mean here? Sa mga general forums ok ang spam, may mga contest threads and game pa nga e diba, either informative, general or troll post. Dito iba which you will understand, as I've mentioned, in the long run.

After you are fine now with the replies, you may consider locking this thread. Ganun din sa mga future threads mo unless it's necessary to remain it open.

Anyways, welcome sa forum. Another kababayan in the house. Smiley
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
August 02, 2019, 05:33:56 PM
#4
Welcome sa forum kabayan. Hindi ka nagkamali ng desisyon dahil tiyak marami kang matututunan dito. Ngunit bukod sa pagiging pinansyal na aspeto ng bitcoin, tingin ko ay ito ang dahilan ng lahat kung bakit sila andito. Kung tutuusin naman ay lahat ng kaalaman na makukuhanmo ay tungkol din sa pera lahat gaya ng trading, holding, mining o maging sa pag gawa ng sariling coin.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
August 02, 2019, 11:16:33 AM
#3
Everyone is welcome here especially those people who want to engage themselves in bitcoin. Mas kailangan ng local ang mga taong katulad mo unlike sa mga taong kung ano ano lang napo-post.  Wink

Sabi nila, marami daw pera ang makukuha rito sa forum na ito. Ang sabi ko naman sa kanila, ang tanging gusto ko lamang rito ay ang kaalaman kasi ang pera, nakukuha naman yan sa ibang paraan. Ang pangit naman tignan kung ang reason mo kaya ka andito ay para sa pera at malamang karamihan dito ay may ganong mentalidad. Salamat sa magwelcome sa akin rito at sana ay magkaroon tayo ng interaction sa isat-isa.

I hope all of the people should have this kind of mentality. Ganito kasi dapat tayo mag-isip, buti ka you have the experiences to start in here para sa panibago mong yugto unlike some of here who started in shitposting at matagal tagal pa bago mag-develop ng sarili. +1, I like your purpose and this 1 merit should serve as your motivation to be one of a good poster, pagbutihin mo lang.

Pwede rin akong mag-share ng mga nalalaman ko na kayang mairelate sa bitcoin.

Yes, please share all of the information that can be related to bitcoin. Since may thread of giving merits to a quality poster was deleted, I'll try to give it now randomly because I think moderators don't support those kinds of threads while in the other sections, it's allowed. That's the thing you must remember na kailangan lagi natin susundin yung rules ng local section so mag-ingat sa paggawa ng topics.

Matanong ko lang kung nagkakaroon ng unfairness sa pagbibigagayan ng merits dito?
Ahm wala naman sa palagay ko pero mapapansin mo na mas madalas mabigyan ng merits yung mga high-ranked members (even already a Legendary) compare to lower ranks. Possible kasi na mainterpret mo yun as biased but its not, talagang lumalabas lang ng kusa yung pagiging intellect nila kaya marami silang nakukuhang merit tsaka nakadepende na rin talaga sa sender.

Yan yung current issue na sinabi ko Re: [DISCUSSION] Candidate for the next Merit Source. na hanggang ngayon wala pa ring nakaka-reply or makapagisip ng con kasi mukhang nakuha ko yung pinaka-point.

Sad to say oo, it's kinda unfair, Merong unfairness na nangyayari when it comes to distribution. Pero hindi dapat yun yung priority, we should focus on the development of our local board by encouraging more users to be active. Even you're being intellectual on your content while the others are just translating, pero same lang kayo ng nakukuha minsan lamang pa, do you think it's fair? but for me, it's not big deal pero para sa iba, sobrang hirap non.

This will serve as my first post. Lagi kong ginagawa itong greeting na ito lalo na dahil isa akong baguhan sa community at gusto kong makilala kayo ng lubusan.
Hello kabayan, welcome dito sa bitcointalk Smiley. I understand if you have the habit of greeting everyone before entering a community kagaya na nga lang ng sinabi mo but IMHO doing this is not necessary. Besides we can get to know you more throughout your journey here, right? Maging active ka lang and mas makikilala ka namin along the road. No offense kabayan, alam ko namang good ang intention mo pero kasi yung mga ganitong bagay ay hindi usual na ginagawa dito (based on what I observed so far). Don't get me wrong wala ka namang naba-violate na rule sa tingin ko, ang iniisip ko lang kasi ay baka maraming gumaya lalo na yung mga newbies hanggang sa maging custom na ito dito. Imagine mo ilang libo tayo dito tapos isa isa tayong magpapakilala, Boom! There would be a spam fest for sure. I might be just overthinking or paranoid but I hope you get my point Smiley.

Well, there's no standard on what will you post but the topic is very off and most of the people here are very strict. I think the best thing we should do is wait for him to show his thoughts on every situation that we will encounter. So I guess it should be locked rather than being deleted.




 
full member
Activity: 1232
Merit: 186
August 02, 2019, 11:09:10 AM
#2
This will serve as my first post. Lagi kong ginagawa itong greeting na ito lalo na dahil isa akong baguhan sa community at gusto kong makilala kayo ng lubusan.
Hello kabayan, welcome dito sa bitcointalk Smiley. I understand if you have the habit of greeting everyone before entering a community kagaya na nga lang ng sinabi mo but IMHO doing this is not necessary. Besides we can get to know you more throughout your journey here, right? Maging active ka lang and mas makikilala ka namin along the road. No offense kabayan, alam ko namang good ang intention mo pero kasi yung mga ganitong bagay ay hindi usual na ginagawa dito (based on what I observed so far). Don't get me wrong wala ka namang naba-violate na rule sa tingin ko, ang iniisip ko lang kasi ay baka maraming gumaya lalo na yung mga newbies hanggang sa maging custom na ito dito. Imagine mo ilang libo tayo dito tapos isa isa tayong magpapakilala, Boom! There would be a spam fest for sure. I might be just overthinking or paranoid but I hope you get my point Smiley.
Matanong ko lang kung nagkakaroon ng unfairness sa pagbibigagayan ng merits dito?
Ahm wala naman sa palagay ko pero mapapansin mo na mas madalas mabigyan ng merits yung mga high-ranked members (even already a Legendary) compare to lower ranks. Possible kasi na mainterpret mo yun as biased but its not, talagang lumalabas lang ng kusa yung pagiging intellect nila kaya marami silang nakukuhang merit tsaka nakadepende na rin talaga sa sender.
Ito ay parang upvote sa reddit na nagsisilbing pointing system o karma kung saan ay mas marami ang natanggap, mas marami ang pabor sa iyong mga sinabi o kaya naman maganda ang nabigay mong pahayag. Gusto ko lang din magkaroon ng ideya sa sistema ng merits dito para alam ko ang aking magiging aksyon kung meron mang mga taong ma-pulitika.
Parang ganun na nga pero ang kaibahan ay meron ka lamang limited supply ng merits na pwedeng isend or yung tinatawag na smerits. To make it clear, merit and smerit are two different things. Ang merit ay yung natatanggap mo at ang smerits naman ay yung pwede mo isend. In addition, for every merit you get you will also be granted with 1/2 smerit however you can't send a fraction of an smerit so kailangan mo pa ulit makatanggap ng isang merit para makapagsend ng full smerit. I want to discuss it further but I will just refer you to theymos' post para mas lalo mong maintindihan.
Sabi nila, marami daw pera ang makukuha rito sa forum na ito. Ang sabi ko naman sa kanila, ang tanging gusto ko lamang rito ay ang kaalaman kasi ang pera, nakukuha naman yan sa ibang paraan.
Nice mindset, tama yan! Dapat "Learning before Earning". Keep it up.

Ps: Sorry kung hindi masyado warm ang naging pagwelcome ko sayo, don't take it seriously. Once again, welcome here and enjoy Smiley.
newbie
Activity: 22
Merit: 12
August 02, 2019, 09:04:33 AM
#1
Hello everyone, Bitcointalk-Philippines Local Board Community!

This will serve as my first post. Lagi kong ginagawa itong greeting na ito lalo na dahil isa akong baguhan sa community at gusto kong makilala kayo ng lubusan. Nabasa ko na yung mga local rules and the unofficial rules para sa ating community at hindi naman siya masyadong mahirap intindihin hindi katulad sa mga past handled ko na forum/sub-forums. Paano ko nga ba sisimulan ang aking pagpapakilala?

Mga facts sa akin:
-Naging moderator na rin ako sa ibang forums na related sa IT and gaming forum.
-I have a degree.
-and so many more

Skills:
-web development/programming
-technician

Binasa ko ang local rules at unofficial rules at naintindihan ko naman ang lahat agad.
-Newbie Welcome Thread  
-Other sections for this forum?  
-General Board Rules - Philippines  
-To all newbies, feeling newbie read this before opening a new thread  
-Unofficial Forum Rules & Guidelines (Tagalog Version)  
-Non Bitcoin Posts/Threads will be Deleted.  

May nabasa na rin akong thread na tungkol sa merit system na nilagay dito noong 2018.
Since may experience na rin ako sa mga ganitong sistema sa ibang forum kahit bago lang ako dito. Matanong ko lang kung nagkakaroon ng unfairness sa pagbibigagayan ng merits dito? itama niyo ako kapag mali ako, sa pagaaral ko ito ay magsisilbing compensation sa magandang inambag mo sa forum at ang bilang nito ay nakadepende sa ganda ng content ng mga pahayag mo sa isang topic.

Ito ay parang upvote sa reddit na nagsisilbing pointing system o karma kung saan ay mas marami ang natanggap, mas marami ang pabor sa iyong mga sinabi o kaya naman maganda ang nabigay mong pahayag. Gusto ko lang din magkaroon ng ideya sa sistema ng merits dito para alam ko ang aking magiging aksyon kung meron mang mga taong ma-pulitika.

Ang pinakalayunin ko rito:
Ang gusto ko lang malaman kaya napadpad ako dito sa bitcointalk ay dahil sa bitcoin. Isa ako sa mga shareholders ng mga sikat na company at isa rin ako sa mga nag-invest sa btc at kumita noong 2017. Sa totoo lang dapat matagal na rin ako dito kaso busy rin ako sa mga hawak kong sub-forums kaya wala akong time para magkaroon ng panibagong interaction sa iba pang forum.

Sabi nila, marami daw pera ang makukuha rito sa forum na ito. Ang sabi ko naman sa kanila, ang tanging gusto ko lamang rito ay ang kaalaman kasi ang pera, nakukuha naman yan sa ibang paraan. Ang pangit naman tignan kung ang reason mo kaya ka andito ay para sa pera at malamang karamihan dito ay may ganong mentalidad. Salamat sa magwelcome sa akin rito at sana ay magkaroon tayo ng interaction sa isat-isa.

Pwede rin akong mag-share ng mga nalalaman ko na kayang mairelate sa bitcoin.  Smiley
Jump to: