Alam natin kung gaano ka importante ang privacy, lalo na ngayon sa digital na panahon ang mga tao ang nag babahagi ng mas maraming impormasyon sa kanilang mga social media accounts ang bawat isa sa atin ay maaaring mag access at kumuha ng impormasyon tungkol sa iba o patungkol sa kahit saan, sa pamamagitan lamang ng pag pindot sa mouse kahit hindi mo alam ang mga bagay-bagay patungkol sa hacking, paano kung ang taong may kaalaman rito ay magtangkang kunin ang iyong impormasyon? Maikokonsider mo bang anonymous ang iyong pag b-browse sa web dahil maaring may mga taong nag t-track ng iyong bawat galaw at mag taglay ng mga impormasyong meron ka?
Narito ang ilang Apps o Tools na maaring makatulong upang manatiling kang anonymous.
IP Address-Ayon sa Wikipedia "
Ang IP Address ay isang Internet Protocol Address na mayroong numerical na label na nakaassigned sa bawat device na nakakonekta sa kompyuter network na gumagamit ng Internet Protocol sa pakikipag communitcate sa iba. Ang IP address ay may dalawang functions: Bilang host o kaya naman ay network interface identification at location addressing./i]"
-Ang ilan sa atin ang hindi alam ang importansya ng IP Address ngunit dapat tayong maging aware dito. Ang iyong IP Address ang nagpapaalam sa website na bumisita ka doon at pati narin sa mga taong naging kaugnay sa iyo online. Ito ay nagbibigay ng abilidad upang ma trace ang IP Address pabalik sa iyo kung gusto nila, o kaya naman ay malaman ang eksaktong lokasyon na meron ka sa mapa.
VPN
-Ayon sa howtogeek "Ang VPN o Virual Private Network ay nagbibigay sa iyo ng kakayahang isecure and koneksyon na meron ka sa ibang network sa Internet. And mga VPN ay maaaring gamitin upang maka access sa mga region-restricted na mga websites, at protektahan ang iyong browsing activity sa mata ng pampublikong Wi-Fi, at iba pa."
-Ayon sa howtogeek "Ang VPN ay ikinokonekta ang iyong PC, smartphone, o tablet sa ibang komputer (na tinatawag na server) sa internet, at pinahihintulutan ka na mag browse sa inter gamit ang Koneksyon ng Kompyuter sa Internet. Kaya kung ang server ay nasa ibang bansa, mistulang ikaw ay galing din sa bansang iyon, at maaari mo nang maaccess ang mga bagay na hindi mo madalas mabuksan.""
Narito ang ilang Apps at Tips na aking nakuha upang makatulong sa iyo sa pag secure ng iyong privacy.
TIPS
1.Mag browse ng pribado o naka Incognito Mode-Ang Incofnito moe ay hindi lamang para sa mga bagay na naglalaman ng NSFW at hindi lamang upang itago ang iyong browsing history kundi upang tulugan kang hindi maisave ng mga websites ang cookies at upang mai disable ang mga extensions na maaaring kumuha ng iyong mga impormasyon.
2. Iwasan ang mga Serach Engines kagaya ng (Google, Yahoo at Bing)Ang Google, Bing at Yahoo ay maaaring mga pinakasikat na na serach engines, ngunit ang mga serach engines na ito ay kumokolekta ng maraming datos patungkol sayo upang mag bigay ng mga relevant ads at personalize na serbisyo. Lalo na kung naka login ka sa iyong account, ang mga search engines na ito ay kumukuha ng iyong mga impormasyon kagaya ng pangalan, email address, kaarawan, kasarian, numero sa cellphone at iba pang personal na impormasyon. Bukod pa diyan, ang Google at bing ay kumakalap din ng mga mahahalagang datos katulad ng lokasyon ng device, impormasyon ng device, IP Address, at mga datos ng cookies, na lumalabag sa iyong privacy.
3. Gumamit ng anonymous na email at komunikasyon-Maaari kang gumamit ng ibang emails o kaya naman ng dummy emails. Maaari mo itong gamiting kung ayaw mong malaman ng iba na ikaw ang nagmamayari nito, huwag gumamit ng emails na naglalaman ng iyong totoong pangalan, sa simpleng tips na ito, maaari kang maging anonymous online.
-At iwasan ding pumindot sa mga emails na hindi mo kilala o kaya naman ay yung mga spam, ang mga spam email ay maaaring mag laman ng mga phishing sites na maaaring kumuha ng iyong impormasyon kagaya ng pangalan, kaarawan, impormasyon sa iyong credit card, at iba pang personal na impormasyon.
4. Itago ang iyong IP Address gamit ang Proxies at VPNs- TOR BROWSER(https://www.torproject.org/download)
- "Ang Tor ay isang network ng virtual tunnels na nag papahintulot sa mga tao o grupo ng tao upang paigtingin pa ang kanilang privacy at seguridad sa Internet. Pinahihintulutan nito ang mga software developers upang gumawa ng bagong paraan ng komunikasyon na merong built-in privacy features. Ang Tor ay nagbibigay ng pundasyon sa maraming applications na nagpapahintulot sa mga organisasyon at indibidwal na mag bahagi ng impormasyon sa mga public networks nang hindi nalalagay sa peligro ang kanilang privacy."
-Ayon kay J.M Prup "Ang Tor Browser ay isang web browser na may kakayahang gawing anonymous ang iyong web traffic gamit ang Tor Network, na nagpapadali dito upang protekahan ang iyong identidad online." - DuckDuckGo(https://duckduckgo.com/)
-Ayon sa Wikipedia "ang DuckDuckGo ay isang internet search engine na pumoprotekta sa privacy ng sinumang nag sesearch dito at maiwasan ang filter bubble ng resulta ng mga personalized search". Nilalayo ng DuckDuckGo ang katangian nito sa iba pang mga search engines sa hindi nito pag kklasipika sa mga users sa paraan ng pagbibigay ng pare-parehas na resulta sa partikular na search term."
-Isa itong magandang alternatibo sa Google, Bing at Yahoo at hindi nito kinokolekta ang iyong datos, nagbibigay ng privacy at nag bibigay ng ligtas na paraan sa pag sesearch. - TunnelBear(https://www.tunnelbear.com/)
-Ayon sa TunnelBear "Ang TunnelBear ay ang pinakamadaling paraan sa paggamit ng VPN (Virtual Private Network) sa kaparehong konsyumer at grupo. ...
Ang TunnelBear ay maaaring gamitin upang protektahan ang iyong privacy, itago ang iyong totoong IP Address, i bypass ang internet censorship, at magamit ang internet na parang ikaw ay nasa ibang bansa."
-Ang configuration ng tunnelBear ay madaling maunawaan, simple at magagamit sa kahit na anong browser. Ito na siguro ang pinaka madaling i access na VPN tool, meron din itong may bayad at libreng bersyon, sobrang daling maaccess at maraming features. - Freenet(https://freenetproject.org/index.html)
-Ayon sa Wikipedia "Ang Freenet ay isang peer-to-peer na plataporma para sa censorship-resistant communication. Gumagamit ito ng decentralized distributed data store upang i tago at i pasa ang impormasyon at may mga libreng software para sa pagpapublish at pakikipag usap sa Web nang walang takot na mawala ang censorship." - I2P(https://geti2p.net/en/)
-Ayon sa Wikipedia "Ang Invisible Internet Project ay isang anonymous na network layer na nagpapahintulot sa censorship-resistan, peer to peer communication. Ang Anonymous na koneksyon ay maaaring taglayin sa paraang ng pag e-encrypt ng user's traffic, at pag sesend nito sa paraan ng volunteer-run network ng mahigit kumulang na 55,000 kompyuter na nasa buong mundo."
https://whatismyipaddress.com/find-mehttps://en.wikipedia.org/wiki/IP_addresshttps://www.tunnelbear.com/https://www.techradar.com/best/best-free-privacy-softwarehttps://www.digitaltrends.com/computing/how-to-be-anonymous-online/https://www.pcmag.com/article/250523/how-to-stay-anonymous-onlinehttps://www.howtogeek.com/133680/htg-explains-what-is-a-vpn/https://www.pcmag.com/article/365618/how-to-install-a-vpn-on-your-routerhttps://www.csoonline.com/article/3287653/what-is-the-tor-browser-how-it-works-and-how-it-can-help-you-protect-your-identity-online.htmlCredits kay:
KrislawOrihinal na Post:
[Tips and Information] Privacy and How to Stay Anonymous Online Disclaimer: Ito ay isinalin mula sa wikang Ingles, kung mayroong katanungan, maaring magtungo sa orihinal na
thread