Share ko lang sa inyo mga kabayan ang kaunting kaalaman ko para sa source of passive income ko. Hindi ito madalas na napapansin dahil hindi kasi nagnonotify sa trading nyo at automatic na nagdadagdag or nagbabawas sa open position nyo. Maganda itong source of income para sa mga day trader na play safe lang. Buhayin sana natin ulit ang Local Board natin ng mga useful thread.
Ano nga ba ang Funding Rate?
Ang funding rate ay ang payment sa mga traders na may nakabukas na long or short position sa futures trading. Ito ay ibinabahagi bawat 8hrs depende sa exhange na iyong ginagamit. Ang payment ay manggagaling sa mga traders na may position na naayon sa sign ng funding rate. Ginagamit din ito ng ibang traders na basehan na pagdetermine ng trend.
- Negative Funding Rate = Magbabayad ng funding rate fee ang mga naka short position sa mga trader na naka long position.
- Positive Funding Rate = Magbabayad ng funding rate fee ang mga naka long position sa mga trader na naka short position.
Paano nacocompute ang Funding Rate?
Nacocompute ang funding rate sa pamamagitan ng pagkumpara ng market price sa futures trading price. Kung napapansin nyo, Iba lagi ang price ng coin sa Futures Trading kumpara sa Spot market. Yung percentage ng difference ng price nila ang nagiging funding rate while yung sign ay naka depende sa condition sa ibaba.
- Negative Funding Rate = Mas mataas ang price sa Futures trading ng coin kumpara sa Spot Market
- Positive Funding Rate = Mas mataas ang price sa Spot Market ng coin kumpara sa Futures trading
Correlation ng Funding Rate sa Market Sentiment
Gaya nga ng sinabi ko sa itaas, Minsan ginagamit ng mga traders ang funding rate na basehan ng market sentiment dahil na nga din sa chart na sumusuporta sa theory na ito. Pero hindi ibig sabihin na ang funding rate ang nagdidikta sa spot market price. Bali sumusunod lng talaga ang funding rate sa market sentiment.
Paano nga ba tayo kikita dito?
Dahil nga every 8hrs bago magrecompute ang funding rate, Hindi ito agad nakakareact sa pagbabago ng market trend. For example kung nag reset ang funding rate na bullish ang market tapos nagbago ang trend midway dahil nga volatile ang crypto, Dito mo sya pwede masulit dahil kontrolado mo ang timing ng trading mo while hindi nagbabago ang funding rate every 8hrs. So mag oopen kalang ng position against funding rate at naayon sa nagreverse na market trend kapag malapit na matapos yung countdown para kumikita kana sa position mo may plus profit kapa sa payment ng funding rate.
Need pa din nito ng TA syempre pero atleast may idea kana kung ano ang ioopen mo na position or kung ano ang iiwasan mo.
NOTE: Kagaya ng naexplain ko sa unang bahagi, Ang funding rate ay peer to peer meaning pwede ka na kumita or magloss kung maling position ang papasukan mo bukod pa sa loss mo ng futures trading. Kaya magandang isa alang alang ito dahil malaki ito kung malaki ang margin value mo. Margin value means initial fund mo multiply mo sa leverage mo kaya malaki ito kung high leverage trader ka.Source:https://www.binance.com/en/blog/futures/a-beginners-guide-to-funding-rates-421499824684900382