Magandang araw sa mga kabayan ko dito, alam naman nating itong mga recently lang ay madaming mga users ng gcash o maya na nagkakaroon ng mga problemang isyu na ginagawa ng mga scammers. Baka kasi mamaya nito ay hindi alam ng ibang mga kababayan natin na habang ginagamit nila ang kanilang mga mobile phone ay meron na palang nakamonitor sa kanila habang sila ay may kausap sa phone call o video call na ito pala ang dahilan kung bakit bigla nalang silang nahahack o napapasukan ng mga hackers o scammers.
At meron lang akong ibibigay na tips sa inyo para malaman nio kung meron nabang nakamonitor sa cellphone/mobile phone ninyo.
Step 1 - una punta kayo sa dial phone ninyo at itype niyo ang *#62# tapos iclick nio lang kung anong sim no. yung gagamitin ninyo na call. pagkaclick ninyo kapag lumabas ay
puro "Not Forwarding" ang ibig sabihin lang nyan ay walang nakamonitor sa mobile phone nyo.
Pano naman malalaman kung merong nakamonitor sa mobile phone natin? at ano naman ang dapat nating gawin para mawala sila sa mobile device natin?
Step 2 - Punta ulit sa Dial phone ninyo at itype naman ang ##002# then call kung anong sim card ang nais mong malaman, at pagkatapos ang lalabas naman dyan ay
" Erasure forwarding successful" na ibig sabihin nyan ay nabura na yung nakamonitor sa mobile phone mo. Malalaman mo kasi na may nakamonitor sayo kung merong Forwarding sa
video na ginagawa mo sa phone.
Sana makatulong sa inyo, magandang madaling araw sa lahat.