Author

Topic: [TLS]Paano mag dagdag ng Bitcoin address sa Electrum (Read 52 times)

legendary
Activity: 1708
Merit: 1280
Top Crypto Casino
Akda ni: 1miau
Orihinal na paksa: How to add a Bitcoin address to Electrum / difference sweep and import priv. key




Paano mag dagdag ng Bitcoin address sa Electrum / Ano ang kinaibahan ng pag sweep at import ng private keys

Ito ay isang karagdagang impormasyon patungkol dito, kung saan pinapalinag kung paano gumawa ng iyong sariling Bitcoin address (vanity address).

Para magamit ang external address ng iyong bitcoin (tulad ng paperwallet) sa Electrum, ito ay mayroong dalawang proseso: sweep at import. Parehas ito kayang makapag bigay ng access ng iyong balance as iyong Bitcoin address gamit ang Electrum, at maari mo din ma import ang kahit anong wallet dito, pero kailangan ay mayroon kang private key. Maari makatulong ito kung nasa iyo pa ang iyong lumang paperwallet at gusto mo mag lipat ng Bitcoin, kung ikaw ay mayroon pang address na ginagamit mula sa ibang platform na gusto mo ilagay sa iyong Electrum o di kaya ay gumawa ng iyong vanity address.  

Import

Ang pag import ay isa sa mga kapanipakinabang lalo na sa pag import ng iyong bitcoin address papuntang Electrum. Ang iyong bitcoin ay pawang nasa iyong wallet pa dito ito pag katapos mo ito malipat sa Electrum, ito din ay mainam kahit na wala ang iyong seed, dahil hindi mo rin paibabalik ito dahil wala nga itong seed. Kung asayo ang private key mo okay lang kahit wala kang seed.

Sweep

Sa pag kumpara, ang sweet function ay ginagamit para ilipat ang iyong bitcoin mula sa iyong wallet papunta sa bago patungong Electrum. Dahil ito ay Bitcoin transaction (pag lipat sa luma papuntang bagong wallet) ang mangyayari, ang sweep ay kailangan ng internet connection at bayad sa pag lipat nito.

Para magamit ang iyong nagawang vanity address sa Electrum, ang gagamitin mo ay import.



Gumagana ito tulad nito:


1. Buksan ang Electrum

Buksan ang Electrum at pumunta sa File => New/Restore






2. Pumili ng pangalan

Pumili ng pangalan para sa iyong wallet at saan mo ito gusto import at pindutin ang Next






3. Piliin ang Import Bitcoin addresses o private keys






4.Ilagay ang iyong private key para malagay ang address

Ngayon ay maari mo na kopyahin ang iyong private key sa .txt file at ilagay ito sa bubukas na window ng Electrum. Sa katunayan ay pwede ka mag dagdag ng maraming private keys.





5. Pumili ng password, isulat ito at pindutin ang Next



At sa wakas, na import mo na ang iyong 1test wallet. Maari mo na ilipat ang iyong BTC sa iyong wallet o di kaya ay mag padala ng BTC dito.




Wakas Smiley



Karagdagan: Kung gusto mo mag import / sweep ng Segwit address (prefix 3 / bc1q) kailangan mo idagdag ang mga sumusunod na linya sa iyong private keys:


Nested SegWit adresses 3... (P2SH-P2WPKH)

Code:
p2wpkh-p2sh:Kpriv.key
or
Code:
p2wpkh-p2sh:Lpriv.key


Native SegWit bech32 addresses bc1q... (P2WPKH)

Code:
p2wpkh:Kpriv.key
or
Code:
p2wpkh:Lpriv.key

Source

O di kaya ay pindutin ang "info" kung ikaw ay nag import ng Bitcoin address at makikita ninyo ang mangyari tulad nito pag nag dagdag kayo:



Wakas Smiley
Jump to: