Author

Topic: Token:ibenta o itago? (Read 207 times)

full member
Activity: 344
Merit: 105
December 07, 2017, 01:39:34 AM
#4
Marami sa ating mga Pinoy ang naeengganyang sumali sa ganitong mga Airdrops and Bounty Programs, lalo't higit ang mga indibidwal na walang permanenteng pinagkakakitaan. Malaki talagang tulong ang pagsali sa ganito subalit kailangan ng masusing pag aaral upang maunawaan ang takbo ng mga token na natatanggap natin.
Hindi lahat ng token na ating natatanggap sa araw araw nating pagfill up ng form ay may malaki agad value. Kaya dito papasok ang term na hold and sell.
Hold kapag sa tingin natin ay malaki ang tsansa na tumaas ang value nito ayon sa takbo ng proyekto at sell naman kapag naabot na ang kasukdulang presyo. Bilang mga crypto hunters, responsibilidad nating ang pag aralan ang mga ito.

Mahirap na kong mag benta ka ngayon ng token kasi, dump lahat ng token ngayon kaya mas mabuti na mag hold muna hanggang sa makarecover mga altcoins, pero matatagalan pa yun kasi bago matapos ang taon mas lalo pang tataas si bitcoin.
full member
Activity: 476
Merit: 100
December 07, 2017, 01:35:40 AM
#3
Itatago ko mo Na Ang mga token na aking natatanggap kng Baga iiponin mna ntin Ito bgo nating gamitin ksi araw araw nag iba Yong presyo nito ei so once na Alam Na ntin na mas malaki Ang presyo nito don Na ntin ibibenta Ang token. sa tingin ko Kasi habang tumatagal mas lalong tumataas Yong rate nito   Cheesy Wink
member
Activity: 210
Merit: 42
December 07, 2017, 01:25:26 AM
#2
Para sa aking sariling opinyon. Hindi dapat ibinebenta ang isang coin or token kung sa tingin mo ito ay may potensyal. Dapat nating lawakan ang ating isipan tungkol sa cryptocurrency. Minsan kasi hindi sa hindi tama ibenta agad ang token or coin kapag ito ay may value na nasa tingin mo ay gusto mo na. Minsan kasi may mga token or coin na pinapataas pala ng mga investors para lalong umikot ang supply ngunit dahil sa mga taong sapat na sa kanila ang value ng isang token or coin ito ay pagkatapos mong maibenta ung gusto mong value, bababa na ito dahil panay sell din ang iba. Kaya para sa akin itago ang token or coin kapag ito ay nasummary mo na may potensyal ngunit ito ay ibenta kung sa tingin mo kailangan mo na itong ipapalit or kapag alam mo na ang value na un ay sapat na saiyo at alam mong tataas pa din naman. Mahirap sumugal sa mundo ng cryptocurrency. Madaming tama madaming mali. Ngunit, sa bandang huli sarili mo parin naman ang masusunod kung itatago mo o ibebenta mo. Minsan kasi pera na naging bato pa or masyado kasi nagmadali kaya ngayon nganga. Smiley
member
Activity: 532
Merit: 10
December 07, 2017, 01:05:03 AM
#1

Jump to: