Mukhang may bagong player nanaman na papasok sa crypto field at kahit wala akong masyadong ideya tungkol sa kanila, it's still a good thing dahil it indirectly forces others to improve their services:
PH Digital Bank Tonik on the Lookout for Crypto Partners- May mga Tonik users ba dito? I'm curious to know kung reliable sila or not?
Sa totoo lang nagyon ko lang narinig ang banko na ito. kung totoo man maganda rin siguro para unti unti na maadapt ng pinoy ang digital kasi sigurado gagaya na rin ang ibang banko sa kanila. BTW ano ba ito Tonik? gawa ba ito ng pinoy? or meron na nito sa ibang bansa? nag search din sa playstore 4.5 naman ang review subukan ko rin gumawa ng account.
Greg Krasnov yung pangalan ng founder ng Tonik. Sa pagkakaalam ko, Ukrainian citizen siya. Pero if isesearch mo, lumalabas na global citizen kasi tumira at galing siya sa iba't-ibang bansa due to business matters. Last year, alam ko nasa Singapore siya nakabase since nandun pinakaheadquarters ng Tonik. So to answer your question, no, hindi siya gawang pinoy. At yes, meron sa ibang bansa specifically Singapore, Kyiv, at sa Chennai. So basically, sa iilang countries pa lang siya available.
Digital bank ONLY ang tonik, meaning wala silang physical branches unlike ibang digital banks na meron. Naestablish ang tonik dahil gusto nila wakasan yung conflicts na nararanasan ng mga tao from traditional banking system.
If isesearch niyo, may fb group sila regarding issues and concerns and very approachable sila. I commend their customer service if ayun lang din ang babasehan. Yung way of approach nila, very different sa traditional banks and digital banks na formal. Sila, friendly and casual ang approach para maiparamdam sa client na pwede sila magrely sa kanila. They have this call to their clients which is "Luv" (love). In addition, nakakagoodvibes yung color nila which is purple na isa ring gustong-gusto ng mga customer dahil aesthetic.
However, recently, madami daming issues. Siguro dahil sa mga transition and compromise na ginagawa nila para maging user-friendly pa rin yung app. Pero so far, sa duration ng paggamit ko, wala akong naranasan na aberya. You can freely check kasi nasa playstore naman sila. Makakapag-open ka ng account kaagad kasi dinagdag na rin yung postal ID sa list ng valid IDs nila. So, kung wala ka pang ibang valid ID, pwede mo gamitin postal mo. Ibang banks kasi primary lang talaga tinatanggap.