Para saken may okey ang mag HODL for long term, masless risky, less stress and hindi kumakain ng maraming oras, hahayaan mo lang mag ride ang market Dollar Cost Average lang, luckily medjo nakaipon din ako sa Bitcoin noong bagsak pa ang presyo kaya medjo maganda ang posisyon ko ngayon. Pero depende pa rin ito sa trader kung ano ang kanyang prefer na style, pero ako stick lang sa holding because im just a chill guy
~
Ako naman currently is doing both hodling and trading, for hodling siguro bought ko mga 30k price na din then nag sell ako tas accumulate lang ng profit nung nag 60k, tas may isa akong active funds para naman sa pag trade in a daily basis actaully pang kape kape lang mga ganun pero not as usual na paldo kasi nga wala din ako time so kesa mag wait nalang ako ng gains tas tamang take profit lang. Biglang nauso yang chill guy nayan sa facebook litreral na chill lang hahaha masabayan ata nyan ung beaver eh.
Nice, ako huminto na ko sa trading ng futures o leverage medjo wala na rin kaseng time focus din muna sa career, okey na ako sa long term invest lang tamang Dollar Cost Average lang sa mga token na tingin ko ay tataas, then hold long term pa rin.
Hindi ko nasabayan itong chill guy nakikiuso lang ako, pero pagkakaalam ko meme lang talaga ito sa instagram nagsimula parang napagtripan lang ng mga developers gawan ng meme coin and nagclick din naman.
Madali na lang kasi gumawa ng token ngayon eh if nabalitaan nyo yung bata na gumawa ng meme coin tapos bigla nyang ni rug easy 30k usd daw sya base sa stream nya eh, ako din halos tamang DCA after ko mag buy out ng BTC ko recently kasi medyo risk at malalim yung kaya dive ng Bitcoin if mag down trend naman ito. Mas okay din naman na focus sa career kasi nga ito talaga yung tunay na investment marami kang pwedeng side hassle tapos extra na lang ung bitcoin trading kasi nga capital is a must pa din sa ganitong larangan.
Tama, focus lang sa career tapos invest na lang tayo mas safe pa ang investment naten dahil nasa layer 1 or 2 lang ang investment naten.
Pero marami naman talaga ang kumikita sa mga nauusong meme coin ngayon, sa youtube may mga strategy na sila, bots, and mga tools na ginagamit para lang makasabay sa galaw ng meme coins, mayroon akong isang youtuber na nakitam gumagamit pa siya ng tools, para sundan ang mga tweets sa tweeter and bot para mabilis niyang main and out ang pera niya sa meme coins, like for example kapag may tweet si Elon musk sa aso niya, gagamitin niya agad ang tools niya, and then titignan niya kung may meme token na related doon, and then tools ulet para malaman kung reused ba ung tweeter account ng meme token and website.
To summaries malaki ang nakukuha niya sa ilang oras lang natrade, so I think kung natulad ka naman niya na veterano na or maraming oras para aralin ang mga meme token ay kikita ka rin naman at some point, pero kung hindi mo kayang bigyan ng oras, masokey na maginvest ka nalang sa mga safe or may utilities na token. Isa sa mga nagustuhan ko sa mga sinabe niya is kung bago ka lang sa meme token is masusunugan ka talaga ng pera dahil ang mga kasabayan mo matagal na nilang ginagawa yun.